VIER'S POV
Day off ko ngayon at naisipan na rin ni Hector na ayain akong lumabas for a date. Ayon kasi sa kanya ay hindi raw kasi masyadong nakakapag-usap sa tuwing may trabaho ako. Iyon ay kahit pa nga halos araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama lalo na tuwing hinahatid niya kami ni Carol pauwe. Hindi ko tuloy napigilan na muling makaramdam ng labis na tuwa na halos magpatalbog sa dibdib ko. Halos prinsesa na niya ako kung ituring sa araw-araw. Bumibisita siya sa restaurant kapag naroon lang siya sa building at kung naman may trabaho o meeting siya sa ibang lugar ay sinisigurado pa rin niyang makakarating siya para ihatid kami pauwi. Minsan nga ay nakakaramdam na rin ako ng matinding hiya sa kanya dahil kahit sobrang pagod na siya ay pinipilit pa rin niya na maihatid kami ni Carol. Parati niya ring ipinapaalala sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat na alagaan ng husto kaya raw ganoon na lang kung protektahan niya ako. Such a sweet gesture from a real gentleman like him. "Bangon na Vier Kristine! Gising na!," sabi ko sa sarili ko na tila nananaginip ng gising habang patuloy na tumatakbo sa isip ko si Hector. Para kasi siyang isang matamis na panaginip. At kung man isa nga siyang panaginip, baka hindi ko na gustuhin pa ang gumising pa. Tinapik-tapik ko na pa ang sarili ko para tuluyan na 'kong matauhan. Hindi nga pala ako pwedeng managinip na lang habangbuhay, may anak akong malulungkot kapag nangyari iyon. Mabilisan na akong kumilos habang kumakanta-kanta pa sa banyo. Kung susuriin ko nga ang aking sarili ngayon ay maikukumpara ko ang sarili ko sa isang teenager na napupuno ng kilig ang buong katawan. Kilig at saya na hindi ko mapigil at hindi ko maigiit sa aking sarili. Nakapag-ayos na ako at lahat nang bigla akong salakayin ng matinding kaba. Halo-halong kaba, excitement at saya. Kung tutuusin ay hindi ko na dapat 'tong nararamdaman ngayon. Hindi naman na kasi ako bago sa mga ganitong pakikipag-date. Hindi rin naman ito ang unang beses na lalabas kami ni Hector nang kaming dalawa lang. Pero, ewan ko ba at hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Masyado 'yatang napalakas ang tama ko sa kanya. "Anak, narito na si Hector," pag-imporma sa akin ni inay mula sa labas ng aking kwarto sabay sa muling pagbilis ng tibok ng dibdib ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para makahinga ako ng malalim at nang kumalma ang bawat bawat litid ko sa buo kong katawan. Dala marahil ito ng tensyon na nararamdaman ko. Gusto ko kasi na maging unforgettable ang araw na ito para sa aming dalawa. Ngayong araw ko kasi planong selyohan at gawing opisyal ang aming relasyon. And I want it to be as perfect and flawless as possible. Dinouble-check ko ang hitsura ko sa harap ng full-length mirror dito sa kwarto. Hindi ako masyadong 'girlie' kung manamit. Maong pants at shirt lang ang kadalasan kong sa tuwing lalabas ako. But for today's special event, umorder pa talaga ako sa isang online shop ng dress. A black pleated dress to be exact na kadalasan ay nakikita kong suot ng mga actresses sa mga napapanood kong korean series. At laking tuwa ko na bumagay naman ito sa akin. Naglagay din ako ng konting kolorete sa mukha para naman magmukha talaga akong isang binibini sa araw na 'to. "Palabas na po," sagot ko at mabilis na dinampot ang sling bag sa kama. Naroon lang siya sa sala at nakayuko habang naghihintay sa akin. "Tara na," sabi ko at saka siya nag-angat ng tingin sa akin. Sheez! Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang marahan niya akong titigan mula ulo hanggang paa with his incredibly sparkling dark brown eyes. Ganoon lang siya ng ilang minuto hanggang sa, "Let's go," aniya na hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Medyo nako-conscious tuloy akong kumilos o magsalita man lang. "You're too gorgeous today," sabi pa niya nang tuluyan na kaming makasakay sa kanyang sasakyan. Di ko tuloy maiwasang mapangiti ng malapad sa pagkakasabi niyang ng mga salitang iyon. Para rin akong matutunaw nang halos isa-isahin niyang suyurin ng tingin niya ang bawat sulok ng mukha ko. "Hindi mo na kailangang mangbola pa," nahihiya ko namang sagot kahit na sa loob-loob ko ay halos hindi ko na mawari ang nararamdaman. Nagdiriwang ng husto ang puso ko sa simpleng papuri pa lamang niya. Hindi ko tuloy malaman kung paanong hindi ako magkakamali ngayong araw, gayong parang tingin pa lang niya sa akin ay tila literal nang ikinanginginig na ng mga binti ko. 'Help me, lord!,' piping bulong ko sa hangin. "But I mean it," he politely said na may malawak pa ring ngiti sa kanyang labi bago niya tuluyang pinaandar ang sasakyan. Gaya ng napag-usapan namin ay sa mall kami tumuloy. Hindi pa crowded ngayon dahil maaga pa kaya malaya kaming nakapag-ikot-ikot pero wala naman kaming nakitang interesanteng stall o space para makapag-enjoy kami at ma-enjoy namin ang company ng isa't-isa. Bakit ba kasi hindi ko naisip kung anu-ano ang mga gagawin namin dito. Eh di sana hindi kami mga munta**a dito ngayon at nagpapa-ikot-ikot lang. "Sorry ha. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Alam mo na, makipag-date sa mall," nahihiya niyang saad nang huminto kami sa isang gilid dahil wala na nga kaming mapuntahan. "Alam ko na!," pahiyaw kong saad nang maalala ko ang isang lugar na tiyak kong ma-eenjoy naming dalawa. Pero, mukhang may nauna nang makapukaw ng kanyang atensyon bago ko pa man siya mahigit papunta sa arcade. May bookstore pala kasi sa 'di kalayuan sa tinatayuan namin. At para siyang bata na nakahanap ng paborito niyang laruan habang papalapit sa isa sa mga librong nakadisplay sa harapan ng bookstore na 'yon. "Wow! I am really a fan of this author," sabi lang niya sa akin at agad na ibinalik sa libro ang kanyang atensyon para basahin ang nakasulat sa likurang bahagi noon. "Akala ko, puro romantic novels lang ang sinusulat niya. I didn't know na naglabas na rin pala siya ng mystery/thriller book," aniya at aliw na aliw na iwinagayway sa harapan ko ang hawak niyang libro. Hindi ako ganoon kainteresado sa mga libro o sa pagbabasa ng mga iyon pero dahil mukhang ineenjoy niya ang mga libro ay nanatili pa kami sa bookstore na iyon. Ngayon ko lang nalaman ang pagkahilig niya sa pagbabasa. Kitang-kita iyon sa kung paano siya mag-react sa bawat librong naroroon. Halos kilala rin niya ang mga author at ang mga background ng mga ito. A bookworm, indeed. "Ang boring ko ba?," bigla niyang naitanong sa akin habang inaayos sa counter ang mga pinamili niyang libro. "Uy, hindi naman sa gano'n. Hindi ka boring, ok?," sabi ko para hindi naman siya masyadong ma-guilty habang iniisip na siya lang ang nag-eenjoy sa date namin ngayon. "Sadyang hindi lang kasi ako masyadong mahilig sa mga libro eh." "I understand. Sorry ha," nahihiya niyang hinging-paumanhin na nagpapula sa kanyang pale-white na pisngi. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili na pisilin ang magkabila niyang pisngi sa sobrang panggigigil ko. "Aww!" "Ang cute mo kasi," sabi ko habang patuloy pa rin na natatawa sa kanyang reaksyon. Hindi naman din siya nainis at sinabayan pa nga ako sa masayang sandaling iyon. Sobrang unexpected at hindi ko rin inasahan na sa bahaging ito ng malawak na mall ko pa mararamdaman ang labis na kasiyahang pinagsasaluhan namin ngayon. Pero, heto kami at masayang-masaya sa napakasimpleng pamumula ng kanyang pisngi. "I love you, Hector," all of a sudden ay nasambit ko. Napatulala siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung gaano pa siya katagal bago makapag-react kaya ako na mismo ang gumalaw. Ipinatong ko sa makikisig niyang balikat ang mga braso ko para maabot ko siya at maigawad ko na sa kanya ang aking halik. Pero bago pa man maglapat ang labi namin ni Hector ay nahagip na ng mga mata ko ang bulto ni Cloud sa likuran niya. Pakiramdam ko tuloy ay dumoble o trumiple pa 'ata ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Matiim siyang nakatitig sa amin ni Hector. Punong-puno ng galit ang mga mata. Nakapako ang tingin namin sa isa't-isa ngunit ang labi ni Hector ang naging hantungan ng aking labi bilang patunay ng pag-ibig ko sa kanya.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm