Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 39: WAY TO YOU

Share

Chapter 39: WAY TO YOU

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-05-31 22:07:46

CLOUD'S POV

 Walang humpay at paulit-ulit ang ginagawa kong pagbibilin ngayon kay Steffano patungkol sa mga dapat niyang gawin sa pagpapatakbo nitong restaurant at pati na rin ang mga bagay na dapat na niyang tigilan mula sa araw na ito, kagaya na lang ng panglalandi niya sa halos lahat ng mga babae naming staff. Iyon ay kahit pa kanina ko pa napapansin na hindi naman niya pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko.

 Well, sabagay nga naman. Kung pagpapatakbo at pagpapatakbo lang din naman nitong maliit naming business, I am so sure that he can handle it. He's great pagdating sa kusina at pati na rin sa pakikipag-usap sa mga clients, pero 'yung pagiging babaero at kalandian niya? Uh, that's another thing. One thing na kadikit na 'yata talaga ng pagkatao niya.

 Kaya kailangan ko talagang idildil sa kanya, o mas tama 'yatang sabihin na, kailangan kong ipaalala sa kanya ng paulit-ulit ang mga dapat na niyang iwasan o bawasan sa pag-alis ko. He needs some focus from now on.

"Have you lost your brilliant mind bro?," bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng pangangaral ko sa kanya about being seriously focused dito sa Jupiter's. 

 Gaya ng kanina ko pa napapansin, hindi nga pala talaga nakikinig sa akin 'tong taong 'to. 

"You're seriously unserious with this right?," dagdag pa niya habang pinupuno ng mga linya ang kanyang noo na kadalasan naman ay naka-relax lang dahil na rin sa pagiging allergic niya sa wrinkles na nakakabawas umano sa pagiging cool niya.

 But, looking at him now, mukhang nawala na 'ata sa bokabularyo niya ang pagiging cool niya.

"Isang buwan na natin 'tong pinag-uusapan Steff. At nasabi ko na rin sa'yo lahat ng gusto kong gawin—"

"Yeah, na gusto mong magpakaama sa anak n'yo ni Vier kasi ayaw mong danasin ni George 'yung naging buhay mo na walang ama. Gusto mong punan 'yung ilang taon na wala ka sa tabi niya para alalayan siya sa paglaki niya and so on and so forth. But man! Gusto mo ba talagang torture-in  'yang sarili mo?," he said in a full blast, roaring frustration tone.

"I have to do it, Steff. It's my duty as a man at bilang ama na rin," paliwanag ko sa kanya.

"C'mon bro, pwede mo naman 'yung gawin without letting Vier ruin your life again! Nage-gets mo ba 'yung sinasabi ko ha? Naiintindihan mo ba ako?," aniya sa hindi na maitagong inis pa para sa mga plano ko. 

 Alam ko naman at naiiintindihan ko rin kung bakit siya nagkakaganito habang isinasaayos ko ang lahat para sa nais kong gawin. 

 Few years back, siya ang naging sandalan ko kahit na nga bago pa lamang kaming magkakilala noon. He knows kung gaano akong nasaktan sa naging relasyon ko kay Vier. He even knows how much I cried nang dahil sa kanya dahil lagi siyang nasa tabi ko noong mga panahong iyon. Nakita niya kung paanong halos hindi ko na makita ang kinabukasan ko dahil sa sobrang pagkalugmok ko.

 Pero hindi na ako babalik sa ganoong estado. Sinisigurado ko 'yan ngayon. Ilalaban ko na ang pagmamahalan namin dahil alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ko kakayanin na mabuhay ng wala si Vier sa buhay ko. Si Vier at ngayon ay pati na rin ang batang patuloy na nagdudugtong sa buhay naming dalawa, si George.

"Hindi mo kasi naiintindihan Steff. You have never fallen in love like I do. Kaya hindi mo pa maunawaan kung bakit ko 'to ginagawa," saad ko sa kanya sa bahagya nang mataas na tono. Marahil ay dahil na rin sa unti-unting pagkawala ng aking pasensya sa walang tigil kong pagpapaliwanag sa kanya ng sarili kong buhay at desisyon.

 Nagmamadali na ako at gusto ko nang masimulan ang muli kong pagpaparamdam kay Vier ng tunay kong nararamdaman sa kanya magpahanggang-ngayon. Ayokong mag-aksaya ng kahit na konting oras lang para sa ganitong uri ng usapan na ilang ulit na rin naman naming napagdiskusyonan. Gusto ko nang makaalis. Yun lang.

"Yes. Tama ka naman," aniya sa sarkastikong tono. "I willl never know how to love." 

 May diin ang bawat bigkas niya ng mga salitang iyon. Isabay pa ang matatalim niyang tingin sa akin. Bagay na hindi ko pa nakita noon sa kanya. 

"Steff–"

"At wala rin akong planong mahulog sa mga katangahan n'yong 'yan," aniya at mabibigat ang mga hakbang niyang nilisan itong kitchen at iniwan ako dito.

 Napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. 

 Naiintindihan ko naman siya at kung saan siya nanggagaling. Yun nga lang, hindi pa niya siguro ako maiintindihan. 

"Aalis na 'ko," paalam ko sa kanya nang maabutan ko siya sa labas na nagpapahangin. I gave him a manly hug pero sadyang malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Alam ko na kapakanan ko lang din ang iniisip and I appreciate it very well. "Soon, maiiintindihan mo rin ako," sabi ko pa sa kanya bago ako tuluyang tumalikod.

 

 Mainit ang panahon at mahaba-haba rin ang byahe mula sa Ilocos papuntang Maynila, pero walang-wala 'yon kumpara sa labis na pananabik na nararamdamaman ko, isipin pa lang na muli na kaming magkakalapit ni Vier.

 Kagaya na lang nina Francis at Steff, hindi ko rin inakala na darating pa ako sa ganitong punto. I din't see this thing coming. Pero heto na nga ako at papunta na akong muli sa buhay niya.

 Hindi rin matigil ang maya't-maya kong pagsilip sa rearview mirror ng sasakyan ko para makita ng sarili kong mga mata king gaano ako kasaya habang pinupuno ni Vier at ng muling pagkabuhay ng inakala kong namatay na naming pagmmahalan ang isip ko.

 Nakakabaliw isipin ang mga bagay-bagay patungkol sa aming dalawa…. na ngayon ay tatlo na pala. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang excitement na sa wakas ay makapiling ko na sila.

 Wala pa 'kong pinagsasabihan ng mga bagay-bagay patungkol sa amin, maliban na lang syempre kay Steffano. Pero nakasisigurado ako na ikatutuwa ng lahat ang existence ni George.

"Cloud, kumusta ang byahe?," excited na bati sa akin ni Jasmine, ang manager dito sa Jupiter's sa Makati, nang makita niya ako. 

 Amo niya ako but since mas matanda naman siya kaya Cloud na lang ang pinayagan kong itawag niya sa akin. Isa pa ay nagtatrabaho na siya sa amin sa pagsisimula pa lang namin nitong branch namin dito sa Makati, two years ago, kaya hindi na rin iba ang turingan namin sa isa't isa. 

"Mukhang masaya ka ngayon ah," puna niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa maliit na opisina ko rito. 

"Masyado bang halata?," pabiro kong tugon sa kanya habang nananatiling nakapinta sa mukha ko ang matamis na ngiting iyon na dulot sa akin ni Vier.

 Tumango-tango naman siya at mukhang masaya rin sa nakikita niya sa akin ngayon. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi pa kasi ako naging ganito kasaya for the past 4 years of my life. 

"Ipaghahanda na muna kita ng makakain. Alam kong gutom ka na," aniya bago ako iwan. 

 Tumuloy na rin ako sa maliit na kwarto dito na nagsisilbi rin na opisina ko sa tuwing nagagawi ako rito. This room was designed like a mini house para may natutuluyan ako sa tuwing nandirito ako. At mula ngayon ay magsisilbi na muna itong bahay ko.

 Kumpleto naman ang mga gamit ko rito at mayroon rin itong isang hidden bedroom. Kaya maayos ang magiging pamamalagi ko rito.

 Ipinahinga ko na muna ang sarili ko sa pang-isahang couch at agad kong inilabas mula sa wallet ang larawan ni George.

"You're so adorable," sabi ko habang nakatitig sa kanyang larawan. "We'll meet soon my kid," sabi ko pa na akala mo ay nasa harapan ko lang talaga siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status