Share

20

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis si Theo kasama si Monique. Pinaliwanag sa akin ng kaibigan ko ang lahat. Hindi niya naman sinasadya na dalhin niya si Theo at akala niya rin ay matagal ko ng napatawad ang lalaki.

Gano'n pa man napatawad ko na siya. Pero ayoko lang na magkaroon ng issue sa pagitan ng ex niya at ako. Dating may issue ang ex sa akin ni Theo dahil hindi raw maka-move on ang lalaki. Niligawan niya ko pero biglang tumigil.

Matapos ng ilang buwan nalaman kong may girlfriend na siyang iba. Balak ko sana siyang ipakilala sa pamilya ko pero buti na lang ay hindi ko tinuloy. Sinabit ko ang picture frames nina Mama at Papa sa pader ng kwarto ko matapos mag-imis ng pinagkainan naming tatlo.

Gumaan na ang loob ko kay Theo. Nanghingi naman siya ng tawad at nagdala ng chocolate. Ayaw ko man tanggapin pero chocolate 'yun kaya sige go na.

Nagtanong ako kay Monique kung sino sana ang tinukoy niya kanina tungkol sa secret admirer ko kaso intriga ang sagot ng babaita sa text.

Monique

T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status