Share

2- You'll Be Mine I Swear

(Stan)

"Anong balita?" tanong ko kay Theron at Dylan na kakabalik lang galing Hooligan Society.

"Ang leader ng Varlet Serpents ng Underground Society sa Hooligan Society ay napatay kasabay ng head man ng Nazi System na si Sir Van," balita ni Theron sindi ang sigarilyo niya at umupo kasabay ni Dylan sa sofa sa harap ko.

"Hmp, ang Nazi System ay organized at may heir si Sir Van kaya maayos ang lagay nila. Kaya ni Josh Ferrer pamunuan ang Superiors, pero ang Varlet Serpents walang taga pagmana, means the battle for the next lord is about to start!" pahayag ko habang check ang mga pictures ng pagsabog dahilan ng pagkamatay ni Sir Van ng grupong Nazi System at Mr. X ng Varlet Serpent.

"Sapalagay mo maapektuhan tayo?" tanong ni Dylan habang pinapatunog ang mga daliri.

"Maari, dahil may kasunduan kami ni Mr. X na pabayaan niya ang Cordova City, at kung patay na siya, ang susunod na mamumuno ng VS ay di natin mapigilan kung sakaling pakialamam niya ang Cordova City." Mukhang gugulo na naman ang Cordova nito kung sakaling pasukin ng VS.

"Teka ha, si Kobie Perez ng Ruffian, diba pamangkin siya ni Mr. X? Malaki ang posibilidad na siya ang magmamana at susunod na mamumuno ng VS society," turan ni Theron.

"Tama ka, pero diba umalis si Perez ng VS at piniling sumali sa Ruffians para tumakas sa gulo ng Hooligan Society?" pahayag naman Dylan.

"Kahit ayaw niya pang maging tagapagmana, malaki ang possibilidad na huntingin siya ng mga nangangarap sa trono ng VS. He will be dragged into a different people fight for the succession or whom dream to be a successor," saad ko.

"Ikaw, wala ka bang planong hawakan ang VS?" tanong ni Theron.

"Masyado ng malaki ang Stygians para sa akin. Ayaw ko nang makigulo pa sa kanila! Let them soar or fall," sagot ko naman. Ayaw ko ng makigulo at humawak pa ng mas malaking responsibilidad.

"But in involving into VS successions, means securing the safety of Cordova City and the Stygians, right?" pahayag ni Theron.

"Yup, siguro ganun talaga, di ko mapanatili ang seguridad ng lugar na to at ng grupo pero di ko hahayaang masira ito ng ganon kadali," diin ko.

"Kung ayaw mong makisali, bakit di mo supportahan si Perez para maging successor ng VS, para sa ganun kapag siya ang maging leader ng VS safe parin ang Cordova City at ang Stys," suhestyon ni Dylan.

Napailing ako.

"Tsk, masyadong maraming kalaban para dyan, maraming gustong pasukin ang Underground Soceity na yon dahil na rin sa entertainment at kayamanan nila. Sa ngayon hayaan na muna natin silang mag-away sa posisyon at saka na nating trabahuin ang kung sino mang mapiling kinatawan nila," sagot ko naman.

Sa ngayon maghintay na muna ako bago makipagnegosasyon. Siguro yon na muna ang pinakaligtas na gagawin ko.

Tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa screen nito at pinilot mula sa maliit na mesa para sagutin.

..Clai calling..

"Saan ka," sagot ko kay Clai sa tawag.

"Nasa Casino Clique ako," sagot naman niya.

"Oh? Bakit ka napatawag?"

"Baka kasi gusto mo tong makita," pahayag niya.

"Ang ano ba?"

"Haidei Castillo with Nate Guevarra, looks like they're into something. I feel like you need to see this, because you're into this Ruffian chics, right," natatawang usal ni Clai.

"Fucker, what a nonsense," umiling ako.

"You'll go here?"

"Nope, nandyan ka lang din naman. Bakit di na lang ikaw ang aalam kung ano ang pinagusapan nila?" Kinamot ko ang tenga ko.

"Sabi ko nga. Sige, balita ko na lang sayo ang mga masasagap ko mamaya," turan niya.

"Sige bye. Bilisan mo!"

Si Haidei!

Ano na naman kayang binabalak ng pasaway na babaeng yon!

***

"Balita?" Salubong ko kay Clai sa garden nakaupo sa lilim ng mga vines sa greenhouse.

"About Haidei ang Nate? Well, pumunta si Haidei kay Nate para humingi ng tulong. Kobie Perez is Nate's little sister boyfriend after all," sagot ni Clai at umupo sa bench.

Umupo ako sa swing kaharap niya.

"Tulong? Para saan," taas kilay kong tanong.

"Kinuha ng Lethals si Kobie Perez. Halos lahat ng heads ng VS si Perez ang gusto nilang mamuno kapalit ng tiyuhin nitong si Mr. X, kinuha ni Liam si Kobie dahil gusto ng Lethals na pamunuan ang VS," balita ni Clai.

Napangiti ako.

"Tss that bastard Liam Flores!"

"Kung magpapasakop si Perez at makipagpartner sa Lethals kapalit nun ang pagtayo ni Kobie bilang ulo ng VS, at kung tatanggi si Kobie na makipagkasundo sa Lethals, papatayin nila siya at si Liam ang tatayong ulo ng VS. Sa ngayon nasa kamay na ng Lethals si Kobie Perez. Sapalagay mo, makipagkasundo si Perez sa Lethals," tanong ni Clai.

Napaisip ako.

"Sapalagay ko hindi, kanang kamay ni Haidei si Kobie ng Ruffian, at mas piliin ni Kobie ang Cordova kaysa Hooligan," hula ko.

"Walang magawa si Nate o ang Rogues para doon, alam ko yon. Sa ngayon ikaw lang ang may maraming alam tungkol sa underground society na VS. Anong plano mo? Tutulungan mo ba si Haidei," tanong ni Clai kaya napaisip ako.

"Hmp, alam ko ang kagaya ni Haidei di basta basta hihingi ng tulong kung kaya niya naman. Desperado na siya lalo na at baguhan palang siya sa Ruffians at wala siyang alam tungkol sa VS o sa Lethals! Let's see kung lalapit siya sa akin," saad ko. Nakaramdam pa ako ng excitement sa mga nangyayari.

Tsss dahil kay Haidei mukhang makikisali na ako sa away ng VS ngayon hmp.

"So, anong plano mo?" Biglang sulpot ni Theron sa gilid ko.

"Hmp, call Haidei, we'll offer her a hand," sagot ko at tumayo na tinalikuran sila.

"Akala ko ba, di ka makikisali sa VS succession na yan?" tawag ni Theron kaya napatigil ako.

"Hindi pa natin masabi, malay mo ayaw magpatulong ni Haidei Castillo. I know she's stubborn at ako ang kahulihulihang tao sa mundo para hingi-an niya ng tulong," nakangiting usal ko.

"Desperado na yon kaya papatulan ka na nun," natatawang saad ni Clai.

"Parang sinabi mo naman na di ako kapatol patol bro," sagot ko.

"Haha kilala ko si Haidei, galit sayo yon!" dagdag niya pa.

"Tsk, tawagan mo at sabihin mong tutulungan ko siya. Papuntahin mo siya dito. Tingnan natin kung pupunta siya," utos ko at umalis na.

Hmp, mukhang mahahawakan ko sa leeg si Haidei ngayon. She's quite exciting.

Pero pupunta kaya siya para hingi-in ang tulong ko? Hmp tingnan natin kung gaano siya ka desperadong mailigtas si Kobie Perez.

Mukhang gugulo na naman ang Cordova City at ang Stygians nito.

Pero mas excited akong makatrabaho ang leader ng Ruffians na si Haidei Castillo.

Namiss ko rin siya ng konti.

Matagal na rin kasi mula noong nagkasama kami at iniiwasan niya rin ako. Ako nga yata ang kahulihulihang taong gustuhin niyang makita pagkatapos nang ginawa ko sakanya!

But baby, I miss you. Hope to see you soon.

Napangiti ako, you'll be mine sweetheart. I swear!

Maliban sa aking napiling magiging nobya na si Haidei wala ng hindi interesado na babae sa isang nangingibabaw, kumokontrol na lalaki sa panahon ngayon.

Ngunit wala na siyang takas pa sa sandaling ihulog niya ang kanyang sarili sa bitag ko kasama ang isang kontrata ng pakikipagtulungan.

Inaasahan ko ang isang masunurin, tapat na prinsesa, at sa halip ay binigyan ako ng isang matapang, masungit, gangster at suwail na babae na may mga kurba na nagtutulak sa akin upang maging mas mahigpit!

Gusto ko lang siyang asarin noong una. It kills me how much I want her, and I hate how badly I need to make her all mine at any cost.

Ngunit ang grupo ay inaatake, at ang aking bagong babae ay nasa panganib. Kung hindi niya matututunang sundin ang bawat utos ko, baka magkaproblema kami sa huli at di ko maipapangako ang kaligtasan niya. At hindi ako gumagawa ng mga problema.

Gusto niya ang tulong ko.

Kailangang magpapasakop siya. Matututunan niyang mahalin ang mahigpit kong mga kamay. At bilang kapalit, ibibigay ko sa kanya ang lahat na maaaring kailanganin niya.

Pag humingi ako ng pabor, at tinanggihan niya ako.

Malaking pagkakamali.

Walang lumalaban sa isang malupit mafia boss na tulad ko.

Nakipaglaban ako at pumatay ng mas maraming lalaki kaysa sa mabilang ko para makarating sa kinalalagyan ko ngayon.

At ang Ruffian Heiress na ito ang susunod na luluhod sa akin.

Ang pagpapatay sa kanya ay maaaring hindi na kailangan.

Isang pag-aaksaya ng kagandahan at nakatutukso na kainosentehan.

Siguro, mas magagamit ko siya...

With her wetty mouth and smooth hands, she's exactly the type I like to play with.

She'll bend, she'll break, at hihingi pa siya sa akin ng higit pa.

Ngunit sa lalong madaling panahon, ang purong kasiyahan ay hindi sapat.

May gusto pa ako.

Isang bagay na dadalhin ang aking pangalan pagkatapos kong mamatay.

gusto ko ng anak, gusto ko ng pamilya.

At siya ang magbibigay nito sa akin.

Ako ang perpektong makasalanang predator na naghihintay lamang nang mabibiktimang prey.

Gusto ni Haidei Castillo na iligtas ko ang precious right hand niya na si Kobie Perez mula sa grupong Serpents, at gusto niya akong gamitin dahil ako lang ang may kayang gawin ang pinapagawa niya.

Maliban sa gusto kong gamitin siya bilang aking laruan.

It's a match made in sin, at kupkupin ko siya sa aking mundo bago pa man siya magkaroon ng pagkakataong makawala dito.

Wala siyang ideya kung ano ang pinasok niya sa sarili niya. Ang pagangkin ng napakarilag na inosenteng si Haidei ang isang tunay na prinsesa ng Ruffians ay magiging highlight ng aking buhay.

Ngunit kapag akin na siya, magpasya ang Ruffians na magsimula ng digmaan.

At ako ang kalaban nito.

Ngayon ay nasa palad ko na ang kapalaran niya at ako ay nasa pagitan niya at ng tunay na panganib.

I will bring her through this, safe and sound. At kapag tapos na ito, hindi ko na siya hahayaang bumalik sa dati niyang mapanganib na buhay.

Dahil sa kanya ako ay kailangang maghanda para sa isang digmaan! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status