Share

3- Hating Each Other

(Haidei)

Pinasok ko na ang kotse ko sa loob ng mansion ng mga Indelcio.

Tsk, dapat di na ako pumunta dito eh pero kailangan talaga!

Pagbaba ko ng sasakyan sinalubong agad ako ni Aiden at Dylan.

"Oh, the famous Ruffian chic is here," bulalas ni Aiden hawak ang kamay ko hila papuntang likuran ng mansion. Gustuhin ko mang baliin ang kamay niya ay di ko magawa. I really hate being touch!

In order to protect my group and save my family lalo na ang kanang kamay ko sa gripo kailangan kong makipagkasundo sa Stygian Beasts' lord na si Stan Elthen Indelcio. 

Shit, I'm willing to venture in Beast's lair or give up just to prove myself to the family that I am a good leader despite being a girl and save the important companion of my life.

Naramdaman ko ang pagkapa ni Aiden sa baywang ko kaya pinigil ko ang braso niya.

"What are you doing? Are you a pervert?" Tanong ko? Binigyan ko siya ng warning look. If he'll touch further I'll break his bones!

"Isn't it obvious, I'm checking you. Baka may dala kang pampasabog o ano mang nakakamatay."

"Are you scared of me?" Tinaasan ko siya nang kilay.

"Well, hindi ka naman maging leader ng Ruffians kung hindi ka tuso, hindi ba? Kaya kahit babae ka alam kong kaya mong pumatay ng walang kahirap hirap," turan pa ni Aiden at nagpatuloy na sa pagkapa sa mga hita ko.

Nakuha niya ang kutsilyo galing sa hita ko na nakatago pati na rin ang kutsilyo sa may braso ko.

Hinila na ako ni Dylan papasok ng isang silid at tumambad sa akin ang nakaupong si Stan,Theron, Sid at Clai na naglalaro ng chess.

Isang nakakainis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Stan nung nakita ako.

"Oh come on Dylan, don't hold her like that. Don't make it look like we force her to come here," wika ni Stan umayos ng upo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Lahat sila nakatingin sa akin.

Binitawan na ako ni Dylan at umupo na rin kasama ni Aiden sa mahabang upuan sa harapan ko.

Ako na lang ang nakatayo sa gitna ng silid.

"It must be very hard for you to swallow your pride, allowing yourself to be captured like this with out a hard fight, isn't it Haidei?" Stan smirked at sumandal ng maayos pinatong pa ang mahabang kaliwang paa niya sa kanang paa niya.

"What are your conditions, alam kong may hihingiin ka kapalit ng plano mong pagtulong sa akin," deritsong saad ko upang buksan agad ang pakay ko kaya nandito ako.

"Bingooooo....Pero di mo ba talaga alam kung anong gusto kong kapalit?" Wika niya at ngumiti pa ng nakakairita.

Nakita kong ngumiti si Theron.

Napalunok ako at piniga ang kamay.

I really hate this person for acting cool.

"Tell me, what is it you want?" Iritang tanong ko.

Pumulot ito ng lighter at nagsindi ng sigarilyo.

"I want you in Stygians, Haidei. I want you here, today and in the future," seryosong saad niya.

Napailing ako.

"Tsss, you know I can't. I have my Ruffians, they need me as much Stygians need me," sagot ko naman. May sarili akong grupong dapat pamunuan, bakit niya pa ako kailangang isali sa grupo niya? He knows it's imposible!

"Stygians don't need you, but I do need you," deritsong turan niya kaya naguguluhan ako lalo. "Hawak ng Lethals ang pinakamamahal mong kanang kamay at nandito ka para pakiusapan akong kausapin ang bagong Lethal's lord na si Liam Flores.... Didn't you come here to beg me to save your right hand's precious life, did you?" Anas niya pa.

Tiningnan ko siya ng masama! Tama lahat ng sinabi niya.

"And you are right, baby, I'm extending my hands to help you in one condition........ I want you to be mine," dagdag pa niya.

"What do you mean by that!?" Balak niya bang pate ako idagdag sa koleksyon niya ng mga laruan? Is your life that boring Stan?

"Leave the Ruffians, come to my side. Under my wings, follow me, I'll do what you want and I'll protect you." Alam kong seryoso siya sa sinasabi niyang kabaliwan.

"Are you kidding me?"

"Choose, whether to be mine or wait until your precious Kobie Perez becomes a corpse," diin niya.

Magiging Stys ako iwanan ang grupo ng pamilya ko o hayaang mamatay si Kobie?

Si Stan lang ang may kayang iligtas si Kobie sa ngayon.

"I see," napabuntong hininga ako.

"Mukhang nakukuha mo na. Come here, I want your loyalty," saad niya lahad ang mga kamay.

Huminga ako ng malalim.

Humakbang ako papalapit sakanya.

Si Kobie lang ang pamilya ko. Para kay Kobie gagawin ko to.

Kahit asar ako sa lalaking to, wala akong magagawa kundi ang sundin siya.

Tumayo ito at nilapitan ako.

"Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong gawin para kay Perez," usal niya angat ang mukha ko.

Tiningnan ko siya sa mga mata.

"Strip!" utos niya at umupo uli.

"What?" Gusto niya ba talaga akong ipahiya?

"Sabi ko maghubad ka!" diin niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Prove me your loyalty! What now Haidei? ..... I said strip, are you trying to irritate me?" sigaw niya at......

Nag-aalok siya sa akin ng isang tulong, tulungan niya akong iligtas si Kobie, ang kanang kamay ko mula sa tiyak na kapahamakan.

Kaya napipilitan akong makikasama ang isang lalaking kinaiinisan ko higit sa anumang bagay sa mundo. Kung gusto kong mailigtas na buhay ang taong mahalaga saakin, kailangan kong gawin ang sinasabi niya, kapag sinabi niya ito.

Ang aming mga kuwento ay magkakaugnay sa isang pangit na gulo ng trauma at marahas na labanan.

Ang mga nakaw na sulyap, hindi sinasadyang mga ngiti, matinding pamimilit at ang mahigpit na kamay ng isang lalaki na alam kung ano ang gusto niya at kung paano ito dahan-dahang gagawin ay nagpapaisip sa akin kung ang lahat ng pinaniniwalaan ko ay maaaring mali.

At isang pangyayari, pagkatapos gawin ang pinakamaluwalhating pagkakamali sa buhay ko, nag-alok si Stan Elthen Indelcio na tumulong sa pagliligtas kay Kobie Perez ang taong lubos kong pinagkatiwalaan.

Si Stan ay isang nakakaakit na demonyo, ngunit maaaring siya ang halimaw na kailangan ko.

Ang pagpapahirap sa akin ay parang isang libangan para kay Stan at matagal na niyang pinagkadalubhasaan ang sining ng paglalaro saakin.

Wala akong pakialam kung siya ay makasalanang guwapo, mapanganib na predator, masama pero matalino, at masarap na lalaki, di maikaila!

Kailangan ko siya at siya lang ang may kayang tulungan ako.

Kaya nakipag-deal ako sa isang magandang demonyo.

Kung makikisama ako kay Stan at sa Stygian na grupo niya, maaari parin akong manatili bilang Ruffian na patago at hindi ko na kailangang iwanan ang lahat ng aking pinahahalagahan.

Ang ideya ay nagpapakilabot sa aking puso. Lalo na yung tingin niya sa akin, ang kanyang maiinit na mga hawak at mga basang halik!

I hate Stan and he hates me.

Pero siya lang ang pagkakataon ko at kailangan ko para sa isang mahalagang bagay, at gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ko.

Si Stan ay kilalang halimaw sa mundo ng mga Mafia pero siya ay isang kaibig-ibig na lalaking may marahas na pamumuno, at may nakatagong isang misteryosong nakaraan. Pagmamay-ari niya ang Cordova City, at gusto niyang pate ako maging isa sa mga pag-aari niya.

Hindi ako interesado at di ko binalak mapasakamay niya. Nag-enrol ako sa Crown University para sa isang dahilan upang makasama ang kagrupo ko at mapamunuan sila ng maayos bilang taga pagmana ng pamumuno ng Ruffians.

Maliban sa manalo sa mga digmaan ay ang mahusay na pamumuno sa kabila ng pagiging babae ko. Kinaladkad ako ni Stan sa gitna at pinipilit akong pumili sa pagitan ng Stygian at Ruffian na sarili kong grupo.

Ang kamatayan ay sumusunod sa kanya na parang anino. Naiinis ako kay Stan, ngunit siya ang kauna-unahang lalaking nakakita sa aking mga insecurities. Kapag nandiyan siya, parang may dalawang paa akong tatayo sa unang pagkakataon sa buhay ko mas naging matapang akong harapin ang kamatayan.

Tutulungan namin ang isa't isa. Hahayaan ko siyang basagin ang mga pader ko at hawakan ako sa mga paraang hindi ko akalain magagawa niya.

Magkasamang, ilalabas namin ang katotohanan sa liwanag, sisipa at sumisigaw, o mamamatay kami para sa aming paniniwala

Ngayon ay gusto niya ako.

Ako ang susi sa kanyang mga plano. Sa tingin niya ay magagamit niya ako para bumuo ng pamilya.

Ngunit hindi ko hahayaang nakawin niya ang aking plano para sa kinabukasan ng sariling grupo.

Malalim ang ugnayan ng aming mga grupo. Sa tingin niya kilala niya ako. Nagkakamali siya kung sa tingin niya kaya niya akong kontrolin, wala siyang ideya kung ano ang kaya kong gawin.

Makikipaglaro ako. Susunod ako. Hahayaan ko siyang ilagay ang kanyang kamay na hawakan ako.

Sa pribado? Hindi ko alam.

Ang problema, habang tumatagal ako sa ilalim ng pakpak niya, mas lalo akong nahuhulog sa mundo niya.

Si Stan ay isang mailap na hayop, at ako ay isang bangungot sakanya.

Tatapusin ko siya sa dulo, yon lang ang tanging paraan para makawala sakanya.

Ang pagtakas ay hindi isang opsyon.

Ngunit kaya ko ba?

O sasamahan siyang lulunurin ang mundong ito sa dugo at parusa?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status