Ano daw?
Hindi niya ako hahayaang masaktan? Ano bang sinasabi niya?
At..
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang nararamdaman ko na naman yung feeling na kinuryente ako ng ilang boltahe?
Shit!
"Masakit ba?" hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun basta nakita ko nalang ang sarili ko na kinukuha ang braso niya at chinecheck kung nagkapasa ba 'to o ano..
Well, mabuti nalang at namula lang ang braso at hindi nagtamo ng sugat o kahit pasa.
"Bakit ka kasi sasali sa volleyball kung tutulalaan mo lang 'yung bola? Hinahampas yun, Magi.. Hindi tinitignan lang." aniya at halata ko sa boses
Nakauwi na ako sa bahay at lahat pero nanatiling nakatatak sa utak ko yung sinabi ni Eli sa akin kanina. Well, gaya nga ng nabanggit ko, kapag talaga si Eli ang bumabanat sa akin ng ganung line eh hindi ko maiwasang kiligin. Kasi sino ba namang hindi? Mukhang tama nga si Delancy; na basta suplado, romantiko! Nakakainis talaga! Alam niyo yung feeling na dapat lukot ang mukha kong uuwi ng bahay kasi magkagalit kami ni mommy? Pero ano? Eto ako ngayon, abot tenga ang ngiti. Wala eh, ginalingan masyado bumanat ni Eli! "Hindi pa din ba kayo nagkakaayos ng mommy mo?" salubong sa akin ni nay Cora nang makapasok ako ng bahay. Nakakagulat naman ang bigla niyang paglitaw, para siyang kabute! "Mukhang matatagalan pa po yata yun." sabi ko at nanlalatang naupo sa sofa. Agad naman siyang sumunod sa akin at naupo din. "Hindi naman po kasi talaga ako yung kumuha ng P50,000 kay mommy kaya nga nakakagulat na bigla niya akong sinisi sa kas
This is really it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko and at the same time, pinakanakakatakot na araw na sana hindi nalang sumikat. Pero nandito na rin lang ako, itodo ko na! Hindi na ako nag-abala pang sabihan si mommy na magpunta kasi hanggang ngayon eh hindi pa din niya ako kinakausap dahil sa nangyari. At isa pa, ayoko ng paasahin ang sarili ko na pag-aaksayahan niya ako ng oras na panoorin kasi eka nga niya, sayang lang ang oras niya na panoorin akong matalo. Hays, gaano ba kahirap sa kaniya na maging proud man lang sa akin? "Kaya mo 'yan, Magi." pagmomotivate ko sa sarili dahil kasalukuyan akong nandito sa backstage at hinihintay ang pangalan ko na matawag. "Next in line, Margaret Serrano of Educ-Math!" At ayun na nga ang signal para lumabas ako at magpakita sa mga estudyante at mga magulang na nanonood. Kita ko pa ang mga kaklase ko sa bandang likod na todo kung magwala dun habang iwinawagayway nila yu
Bandang alas kwatro ng hapon natapos ang event and after ng awarding eh nagsiuwian na din naman ang lahat.Ngayon ay nandito na ako sa labas ng bahay at kakaparada ko lang ng kotse ko.As in binilisan ko talagang magmaneho dahil excited akong umuwi ngayon ng bahay para ibalita kay mommy na nanalo ako sa contest.Hindi kasi siya nakapunta dahil na din sa hindi ko siya sinabihan kaya ibabalita ko nalang sa kaniya. Baka malay niyo dahil dun eh maging okay na ulit kami ni mommy at mawala na yung galit niya sa akin.Saktong byernes ngayong araw at day-off ni mommy sa trabaho kaya sigurado akong nandito siya ngayon sa bahay at siguradong nagpapahinga."Si mommy po?" salubong na tanong ko k
Bandang alas sais ng gabi nang matapos kami sa pagkain ng barbecue kaya naman akala ko eh uuwi na kami ni Eli kaya lang nagkamali ako..Bumalik kami sa loob ng Creston dahil may kung anong kaganapan ang nangyayari sa loob."Every month of September ay may pa Lantern Festival talaga sila." aniya saka hinawakan ang kamay ko at dinala sa parang bilihan ng lantern. "Mahal kasi ang isa nito kaya isa nalang ang bibilhin ko ah?" nahihiyang bulong niya sa akin kaya naman tinanguan ko siya bilang sagot.Nang makuha yung lantern ay inabutan kami nung nagbebenta ng lantern ng tag-isang marker para sulatan yung lantern na hawak namin.So....Ano naman kayang isusulat ko dito?
Medyo nakaramdam naman ako ng kaunting kilig sa sinabi niya pero imbes na ipakita yun sa kaniya eh kunwaring inirapan ko na lang siya.Hmp!Baka mamaya kasi eh mas lalong lumaki ang ulo niyan! Mahirap na at baka bumagyo pa ng malakas."Ipinaglihi ka siguro sa mais noh? Napaka CORNY mo kasi! Hindi ko man lang maranasang kiligin sa mga sinasabi mo!" inis kong sabi sa kaniya habang naghihintay kami dito sa kanto ng mapaparang taxi."Nako! Kunwari ka pang nakokornihan sa akin pero deep inside, kilig na kilig ka! Wag ako ha? Wala kang maloloko dito, Margaret!""At saang kamay mo naman ng demonyo ka nakakuha ng lakas ng loob na sabihin ang maganda kong pangalan ha?!"
Nakakagulat na magkakilala pala silang dalawa? I mean hindi pa naman ako totally sure kung magkakilala talaga sila kasi magkausap lang naman sila eh. Baka mamaya eh nagtatanong lang pala 'tong si Macy kay Dylan kung pwede humiram ng ballpen diba? O pwede din namang napagtanungan lang pala ni Macy itong si Dylan para mag-excuse ng isa sa mga kaklase ko or baka ako? O pwede ding magkakilala talaga sila? I mean, baka magkaibigan sila dati? Kaya lang wala namang nababanggit sa akin si Julia na magkakilala si Dylan at ang kapatid ko. Hindi kaya alam talaga yun ni Julia pero hindi niya lang sinabi sa akin? Aysh! Bakit ko ba kailangang pag-aksayahan ng oras na isipin kung nagkakilala na ba sila o hindi? Ano namang pakialam ko diba?! Kung sakali man na magkakilala sila, tingin ko naman wala naman na dapat sa akin yun eh pero bakit parang affected ako? Bakit parang sa i
Nakakatuwa lang na lahat ng mga kaklase ko ay kinuntsaba pa nina Eli at Dylan para lang magawa itong surprise harana nila sa akin.Pati nga adviser namin na si mam Torres eh kasabwat dito!Putek! Gusto kong kiligin!"Na appreciate ko ng sobra 'to, salamat sa inyo, Eli at Dylan.. Pati sa inyong lahat!" natutuwang sabi ko.Shit.Ang hirap namang tanggalin nitong ngiti sa labi ko. Nakakainis!"Anything for you, Magi." sabi ni Eli kaya naman hindi ko na naman maiwasang kiligin ng bongga dito."Basta para sayo, Magi." sabi naman ni Dylan.
Si Dylan ay si Dion? Bakit ganon? Bakit ang hirap maniwala na si Dylan ay yung lalaking mahal na mahal pa din ng kapatid ko hanggang ngayon? "Luwagan mo nga 'yang kapit mo sa braso ng kapatid ko. Baka mamaya n'yan mapagkamalan kitang linta." inis na sabi ni Julia. Hays. Ayoko nang magtagal pa dito. I mean, gusto ko nang umuwi. "Whatever." sabi ni Macy kay Julia saka siya tumingin sa akin. "Siya si Dion na kinukwento ko sayo noon. Siya yung lalaking mahal na mahal ko at ang dahilan ko para hindi na lumipat pa ng school—" Naputol sa sasabihin si Macy nang sumingit si Delancy. "Lumipat ka kung lilipat ka! Ang dami mong satsat! Nakakairita ka, alam mo yon?!" "At saka please lang, kung lilipat ka ng school sana sa Mars na lang." sabi naman ni Julia. Hindi naman halatang pinagtatabuyan nila itong si Macy noh? "Bakit ba ang hilig niyo makisabat e