Partager

Chapter Thirteen

Auteur: J_Anne
last update Date de publication: 2026-03-28 10:55:25

Maaga pa lang, ramdam na agad ni Luna ang bigat ng paligid.

Pagpasok niya sa opisina, parang may mga matang agad na sumunod sa kanya. Hindi lantaran—pero sapat para maramdaman niya.

“Yan na siya…”

“Ang aga naman ngayon…”

“Baka may schedule kay boss…”

Mahinang bulungan. Pero malinaw.

Humigpit ang hawak ni Luna sa bag niya habang naglalakad papunta sa desk. Hindi siya lumingon. Hindi siya tumingin kung sino ang nagsasalita.

Sanay na siya.

Kahit masakit pa rin.

Umupo siya sa upuan, dahan-dahang in
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 50

    Kinabukasan ay mas maaga pang nagising si Luna kaysa sa alarm ng cellphone niya. Halos hindi siya nakatulog nang maayos dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kahapon sa opisina ni Rafael. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang init ng yakap nito nang pigilan siyang umalis at ang paraan ng pagtitig nito na para bang siya lang ang taong nakikita sa buong mundo.Napabuntong-hininga siya habang nakaupo sa gilid ng kama at dahan-dahang sinusuklay ang basa niyang buhok.“Hindi pwede ’to, Luna… boss mo lang siya,” mahina niyang bulong sa sarili habang pinipilit iwaksi ang kung ano mang nararamdaman.Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na rin siya sa kumpanya. Pagkababa pa lang niya ng elevator ay ilang empleyado na ang nakangiti at bumabati sa kanya.“Good morning, Miss Luna.”“Morning po.”Ngumiti lang siya at yumuko nang kaunti bilang pagbati bago dumiretso sa desk niya. Ngunit hindi pa man siya nakakaupo ay agad na siyang nilapitan ng HR assistant.“Miss Lun

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 49

    Nagpatuloy ang hapon sa loob ng kumpanya na tila ba walang nangyari, ngunit para kina Luna at Rafael, pareho nilang alam na simula pa lamang iyon ng mas magulong mga araw. Habang abala ang lahat sa kani-kanilang mga report at deadlines, tahimik namang nakaupo si Luna sa harap ng laptop niya. Mabilis ang paggalaw ng mga daliri niya sa keyboard, ngunit paminsan-minsan ay napapahinto siya at napapatingin sa salamin ng opisina ni Rafael.Hindi niya alam kung bakit, pero mula nang mangyari ang mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay lagi siyang may matang nakabantay sa bawat kilos niya.At tama nga ang kutob niya.Sa loob ng CEO office, nakaupo si Rafael habang nakaharap sa monitor. May hawak siyang fountain pen ngunit halos limang minuto na itong hindi gumagalaw sa ibabaw ng kontrata. Imbes na basahin ang dokumento, ang tingin niya ay nasa transparent glass wall kung saan tanaw na tanaw niya ang desk ni Luna.Napabuntong-hininga siya at marahang napailing.“What the hell are you doing, Raf

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 48

    Nagsimula ang sumunod na araw na tila walang nangyari, ngunit ang buong opisina ay tila mas tahimik kaysa karaniwan. Hindi dahil naging maayos ang lahat, kundi dahil ramdam ng bawat empleyado ang tensyon na naiwan matapos ang sunod-sunod na komprontasyon nina Luna, Roset, Rafael, at Victor. Wala nang halos gustong makialam sa anumang gulo.Tahimik na nagta-type si Luna sa laptop niya habang iniisa-isa ang reports na ipinagawa ni Rafael. Paminsan-minsan ay humihigop siya ng kape habang nakakunot ang noo sa dami ng figures na kailangang ayusin. Halos wala siyang pakialam sa paligid, ngunit ramdam niya ang ilang matang palihim na sumusulyap sa kaniya.Hindi naman iyon nakaligtas kay Roset.Nakaupo ito sa kabilang desk habang paulit-ulit na sinusulyapan si Luna. Halatang hindi pa rin matanggap ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Mas lalo pa siyang nainsulto nang makita niyang kahit matapos ang lahat, si Luna pa rin ang pinoprotektahan ni Rafael.Napabuntong-hininga siya bago tumay

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 47

    Kinabukasan ay mas maaga kaysa dati ang pagpasok ni Rafael sa kumpanya. Halata sa mukha nitong kulang sa tulog, ngunit hindi iyon dahil sa sandamakmak na trabaho. Mula pa kagabi ay paulit-ulit niyang naiisip ang mga nangyari kay Luna—ang pag-atake ni Victor, ang pambubully ni Roset, at ang paraan ng pagdepensa ni Luna sa sarili. Lalong tumitindi ang pagnanais niyang protektahan ito, kahit alam niyang unti-unti na siyang nawawalan ng dahilan para sabihing “empleyado lang” ang tingin niya rito.Pagkababa niya mula sa elevator ay hindi na siya dumiretso sa opisina. Sa halip ay napadako ang mga mata niya sa desk ni Luna. Wala pa ito.Napatingin siya sa relo.“Late?” mahina niyang bulong sa sarili bago napailing. “Hindi… fifteen minutes pa bago ang official time.”Tumalikod na sana siya nang bumukas ang elevator. Agad napalingon ang mga empleyado.Lumabas si Luna na may bitbit na paper bag at isang baso ng kape. Bahagya siyang hinihingal dahil mukhang nagmadali pa siyang bumili ng almusal.

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 46

    Nagtagal pa ng ilang minuto ang katahimikan sa loob ng opisina matapos kumalas si Luna sa yakap ni Rafael. Pareho silang tila nahihiyang balikan ang nangyari ilang sandali ang nakalipas. Nakaupo si Rafael sa swivel chair habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harapan niya. Samantalang si Luna naman ay kunwaring inaayos ang mga papel sa mesa kahit halata namang wala siyang mahanap na dahilan para itago ang pamumula ng pisngi.Napailing si Rafael at napangiti nang bahagya. “Luna…”Hindi ito agad lumingon. “Yes po, sir?”“Dito ka lang muna. Huwag ka munang lumabas.”Napatingin si Luna sa kanya at napataas ang isang kilay. “Sir, may trabaho po ako. Hindi naman pwedeng lagi akong nasa office niyo.”“Pwede.”“Hindi po.”“CEO ako.”“Employee ako.”Natahimik si Rafael nang ilang segundo bago napailing habang napapailing sa sariling katwiran. “Ang hirap mong utusan.”Napatawa si Luna. “Kasi hindi naman lahat ng utos niyo tama.”Lalong napangiti si Rafael. Gustong-gusto niyang makita ang ganoong

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 45

    Nanginginig pa rin ang hangin sa loob ng opisina matapos ang mahigpit na yakap ni Rafael. Ilang segundo ring walang nagsalita. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at tunog ng keyboard na naiwan niyang bukas ang maririnig. Nakaupo pa rin si Luna sa kandungan niya, ngunit ramdam niyang unti-unti na itong naiilang kaya marahan siyang bumuntong-hininga at pinakawalan ang pagkakayakap.Hindi agad tumayo si Luna. Tiningala niya muna ang lalaki at bahagyang ngumiti. “Sir… pwede na ba kayong ngumiti? Mukha na kayong may balak magtanggal ng sampung empleyado.”Napapikit si Rafael habang marahang minamasahe ang sariling sentido. “Hindi nakakatawa.”“Bakit naman po?”“Dahil hindi ako natatawa.”Napakamot ng batok si Luna. “Hanggang ngayon ba nagtatampo pa rin kayo?”Unti-unting tumingin si Rafael sa kanya. Hindi galit ang mga mata nito. Mas mahirap pa nga iyon. Tahimik lang, pero halatang may iniisip na ayaw ilabas.“Luna…” mahina niyang sambit. “Hindi mo ba naisip kahit isang beses na bak

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 34

    Maaga pa lamang ay nasa elevator na si Luna. Tahimik siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin habang hinihigpitan nang bahagya ang manggas ng blouse niya para matakpan ang ilang band aid sa braso. Naglagay rin siya ng manipis na skin-tone bandage sa gilid ng binti kung saan may natira pang pa

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 32

    Mahigpit ang hawak ni Victor sa bewang ni Luna habang nakasandal ito sa malamig na pader ng restroom. Ramdam ni Luna ang mabigat nitong paghinga sa leeg niya at ang amoy ng alak na halos makasakal sa kanya. Nanginginig na ang kamay niyang pilit itinutulak ang dibdib ni Victor palayo, pero mas lalo

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 25 (18++)

    Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael habang nakasandal si Luna sa sofa, hawak ang maliit na tinidor na halos isang subo pa lang ang nababawas sa pagkain niya. Sa kabilang banda ng mesa, seryosong kumakain si Rafael ngunit paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 24

    Mabigat ang bawat hakbang ni Roset habang papalayo siya sa gitna ng opisina. Ramdam niya pa rin ang init ng mga titig na nakasunod sa kanya—mga matang puno ng usisa, bulong, at paghuhusga. Napahigpit ang hawak niya sa bag niya, halos manginig ang mga daliri sa pinipigilang galit.“Okay ka lang ba,

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status