Share

Chapter six

Author: J_Anne
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-27 22:41:06

Kinaumagahan, mas maaga si Rafael sa opisina.

Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, narinig na niya ang pabulong na usapan mula sa cubicles sa ibaba.

“Grabe, kahapon na naman nasa office ni sir si Luna.”

“Alam mo na ’yon.”

“Hindi naman siguro—”

“Please. CEO ‘yon.”

Huminto siya sandali sa gitna ng hallway. Hindi siya agad nagsalita. Nakikinig lang. Tahimik. Ngunit ang panga niya ay bahagyang kumikirot sa higpit.

Isa pang bulong ang umabot sa kanya.

“Madali talagang umangat kung marunong kang dumiskarte.”

Doon siya huminga nang malalim.

Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagmadali.

Dahan-dahan siyang lumapit sa railings ng floor, sapat para makita siya ng lahat sa ibaba.

“Go back to work.”

Hindi malakas ang boses niya. Pero sapat para tumahimik ang buong departamento.

“Nagbabayad ako para magtrabaho kayo,” dagdag niya, mas malamig ang tono. “Hindi para mag-imbento ng kwento.”

Walang sumagot.

“Kung may oras kayong mag-usap tungkol sa personal na buhay ng iba, ibig sabihin kulang ang ginagawa niyo.”

Isa-isang bumalik sa kani-kanilang upuan ang mga empleyado.

Tahimik.

Ngunit sa loob niya, hindi ganoon katahimik.

Bakit siya naiirita?

Hindi naman siya apektado dapat.

Hindi naman siya kailangang magpaliwanag.

Huminga siya ulit habang naglalakad papasok sa opisina niya.

“Bakit ba ako nag-aalala?” bulong niya sa sarili, isinara ang pinto. “Ano ba ‘to?”

Hindi niya masagot.

Hindi ito selos.

Hindi rin ito simpleng pagnanasa.

May kung anong kumikirot tuwing naririnig niyang binabastos sa salita si Luna.

At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Hapon.

Nakatingin si Rafael sa laptop, ngunit hindi niya mabasa ang report sa harap niya.

Pinindot niya ang intercom.

“Send Luna to my office.”

“Opo, sir.”

Ilang minuto ang lumipas bago may kumatok.

“Come in.”

Pumasok si Luna, maayos ang postura, ngunit may bahagyang pagod sa mata.

“You called, sir?”

Saglit siyang natigilan sa “sir”.

“Close the door.”

Ginawa niya.

Lumapit siya sa mesa, may hawak na folder.

“Yung financial projections for next quarter,” sabi niya agad. “Na-review ko na po.”

Tumango si Rafael. “Sit.”

Umupo siya sa tapat.

Tahimik ang ilang segundo habang binubuklat niya ang papel.

“May correction sa column C,” sabi ni Luna, propesyonal ang tono. “Nadoble po ang entry sa logistics.”

“Hmm.” Lumapit siya para tingnan.

Hindi niya namalayang masyado na pala siyang nakalapit.

Halos magkadikit ang balikat nila habang pareho silang nakatingin sa iisang dokumento.

“Here,” sabi ni Luna, tinuro ang linya.

Naramdaman niya ang bahagyang pagdampi ng daliri nito sa kamay niya.

Pareho silang natigilan.

Saglit lang.

Pero sapat.

“Sorry,” mahinang sabi ni Luna, mabilis na inalis ang kamay.

“It’s fine,” mas mababa ang boses niya ngayon.

Tahimik ulit.

Pero iba na ang hangin sa loob ng silid.

“Kanina,” bigla niyang sabi.

Napatingin si Luna.

“May narinig ka ba?”

Alam niya ang tinutukoy nito.

“Opo.”

“At?”

“Sanay na po.”

Hindi niya nagustuhan ang sagot na iyon.

“Hindi ka dapat masanay.”

Bahagyang nag-angat ng tingin si Luna. “Wala naman po akong magagawa.”

“Meron,” sagot niya agad.

“Ano po?” tanong niya, hindi hamon, kundi pagod.

“Sabihin mo sa akin.”

“Para saan?” diretso niyang sagot. “Para ipagtanggol niyo po ako? Lalo lang lalala.”

Tahimik siya.

“Hindi ko po kailangan ng tagapagligtas,” dagdag niya.

“Hindi kita nililigtas,” sagot niya, mas madiin. “Ayokong sinisiraan ka.”

“Bakit po?”

Doon siya natigil.

Bakit nga ba?

Hindi niya agad nasagot.

“Because…” huminga siya nang malalim. “Hindi ka ganoon.”

“Hindi po nila kilala ang totoong ako.”

“Ako kilala ko ba?” bigla niyang tanong.

Nagkatinginan sila.

Mas matagal ngayon.

“Hindi ko po alam,” sagot niya nang tapat.

Tumayo si Rafael at umikot sa mesa.

Huminto siya sa harap ni Luna.

Hindi masyadong malapit.

Pero sapat para maramdaman ang presensya.

“Bakit ako nagagalit kapag pinag-uusapan ka nila?” bulong niya, mas sa sarili kaysa sa kanya.

Hindi siya sumagot.

“Bakit ako naiirita kapag tinitingnan ka nila na parang may presyo ka?” dugtong niya.

Mas lumambot ang boses niya.

“Hindi ka bagay doon.”

Bahagyang kumirot ang dibdib ni Luna.

“Pero may presyo po ako,” mahinang sabi niya. “May sobre. May kasunduan.”

Napapikit siya sandali.

“Hindi kita tinitingnan na ganoon.”

“Pero ganoon ang tingin nila.”

“Wala akong pakialam sa kanila,” sagot niya agad.

“Ako po meron,” bulong niya.

Tahimik ang silid.

Mahina ang tunog ng aircon.

Dahan-dahang tumayo si Luna.

“Kung trabaho lang po, tapos na ang report.”

Hindi siya agad umatras.

Sa halip, hinawakan niya ang pulso nito—mahina lang.

Hindi madiin.

Hindi mapang-angkin.

Pero may kahulugan.

Natigilan si Luna.

“Rafael…” unang beses ulit niyang binigkas ang pangalan nito nang walang distansya.

Mas lalo siyang nalito sa naramdaman niya roon.

“Hindi ko alam kung ano ‘to,” sabi niya, diretso na ngayon. “Hindi lang ito init ng katawan.”

Tahimik si Luna.

“Pero hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin.”

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa pulso niya.

“Hindi ko po kayang masaktan pa,” sagot niya, halos pabulong.

“Hindi kita sasaktan.”

“Hindi niyo po kontrolado ang lahat.”

Natigilan siya.

Tama siya.

Hindi niya kontrolado ang nararamdaman niya.

Hindi niya kontrolado ang tsismis.

Hindi niya kontrolado ang takot sa mata ni Luna.

“Stay,” sabi niya nang mahina nang akmang lalayo na ito.

Napahinto siya.

“Hindi bilang kasunduan,” dagdag niya agad. “Kahit ilang minuto lang. Bilang… Luna.”

Dahan-dahan siyang bumalik sa upuan.

Tahimik silang dalawa.

Walang sobre.

Walang kondisyon.

Walang usapan tungkol sa pera.

“Pagod ka na ba?” tanong niya.

“Opo.”

“Sa akin?”

Hindi siya agad sumagot.

“Hindi ko po alam.”

Bahagyang napangiti si Rafael.

“Hindi ko rin alam kung bakit ako nag-aalala,” sabi niya. “Hindi ako ganito.”

“Ganito po paano?”

“Yung gusto kong patahimikin ang buong kumpanya para lang hindi ka nila pag-usapan.”

Napatingin siya sa kanya.

Sa unang pagkakataon, hindi boss ang kaharap niya.

Kundi isang lalaking nalilito.

“Baka po… may pakialam kayo.”

Napatawa siya nang mahina. “Pakialam?”

“Opo.”

Hindi siya sumagot.

Pero hindi rin siya umalis.

At sa pagitan nila, sa loob ng tahimik na opisina, may bagong bagay na namuo—hindi kasing init ng dati, pero mas mabigat.

Mas totoo.

At mas delikado.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 34

    Maaga pa lamang ay nasa elevator na si Luna. Tahimik siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin habang hinihigpitan nang bahagya ang manggas ng blouse niya para matakpan ang ilang band aid sa braso. Naglagay rin siya ng manipis na skin-tone bandage sa gilid ng binti kung saan may natira pang pasa. Ayaw niyang maging sentro ng usapan. Ayaw niyang magpaliwanag. At higit sa lahat, ayaw niyang maalala ang nangyari kagabi. Nang bumukas ang elevator sa floor nila ay agad siyang bumuntong-hininga at inayos ang sarili. “Good morning,” mahina niyang bati sa ilang empleyadong nasalubong. May ilan namang ngumiti. May ilan ding agad napatingin sa mga band aid niya. At may ilan na halatang nagpipigil ng tanong. Hindi na niya iyon pinansin. Tahimik siyang nagtungo sa desk niya, inilapag ang laptop bag, inilabas ang laptop, at nagsimulang magbukas ng mga email na kailangan niyang asikasuhin. Akala niya ay magiging tahimik ang umaga. Nagkamali siya. “ay wow? paawa yarn?” Agad niyang

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 33

    Tahimik ang buong hallway habang mabilis na naglalakad si Rafael dala si Luna sa kaniyang mga bisig. Hindi na nito pinansin ang mga empleyadong napapatingin sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang dalhin si Luna sa ligtas na lugar na malayo sa nangyari kanina.Mahigpit na nakakapit si Luna sa kuwelyo ng polo niya. Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya, para bang doon lang nito nararamdaman ang seguridad matapos ang takot na pinagdaanan.“Rafael…” mahina nitong tawag.Agad siyang tumingin dito. “I’m here.”Hindi na sumagot si Luna. Mas lalo lamang itong sumiksik sa kaniya.Pagdating nila sa opisina, marahan niyang isinara ang pinto gamit ang paa bago dinala si Luna sa sofa.Ngunit bago pa niya ito ibaba, napatingin siya sa mesa.Naroon pa rin ang mga bote ng alak.Mga basong kalahating laman.Mga bakas ng gabing hindi sana nangyari.Napapikit siya nang madiin.“Damn it…” bulong niya.Kung hindi siya nakainom. Kung hindi siya naging kampante.Kung hindi niya hinayaang mawala sa pa

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 32

    Mahigpit ang hawak ni Victor sa bewang ni Luna habang nakasandal ito sa malamig na pader ng restroom. Ramdam ni Luna ang mabigat nitong paghinga sa leeg niya at ang amoy ng alak na halos makasakal sa kanya. Nanginginig na ang kamay niyang pilit itinutulak ang dibdib ni Victor palayo, pero mas lalo lang itong dumidiin. “Sir Victor… tama na po!” hirap na sabi ni Luna habang umiwas ang mukha niya nang pilitin nitong idikit ang labi sa leeg niya. “Please… bitawan niyo po ako!” Ngumisi lang si Victor, mapula ang mga mata dahil sa alak habang mabagal na hinagod ng kamay ang gilid ng bewang niya pababa. “Come on, baby… don’t act innocent,” paos nitong bulong habang lalo siyang kinukulong sa pagitan ng katawan at pader. “I know men stare at you. That body? Damn… even Rafael can’t hide it, ang sarap mo kasi” “Tumigil po kayo!” halos maiyak nang sigaw ni Luna habang pilit umiilag. At doon— BUMAGSAK ang pinto. Malakas at padabog. Parehong napalingon sina Luna at Victor. Nakatayo roon

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 31

    Mabigat na ang gabi sa buong kumpanya.Sa pinakataas na floor, nananatiling bukas ang opisina ni Rafael habang nagkakalat sa loob ang amoy ng mamahaling whisky at usok ng sigarilyo.Nakasandal si Victor sa sofa habang hawak ang baso ng alak. Nakabukas ang ilang butones ng polo niya at bakas sa mukha ang tama ng alak. Samantalang si Rafael naman ay nakaupo sa swivel chair niya, seryosong nakatingin sa laptop kahit medyo namumula na rin ang tenga at leeg dahil sa iniinom.“Tsk,” natawa si Victor habang umiikot ang whisky sa baso niya. “You’re still working? Relax, man. Tonight is our last peaceful night bago tayo mabaliw sa project na ’to.”Hindi agad sumagot si Rafael. Uminom muna siya bago sumandal sa upuan. “I don’t waste time drinking like you.”“Yeah?” napangisi si Victor. “Pero ikaw itong halos maubos na ang bottle.”Napatingin si Rafael sa halos kalahating bote na ng whisky ang bawas at napamura siya nang mahina. “Shut up.”Tumawa si Victor nang malakas bago nagsindi ulit ng siga

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 30

    Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael, ngunit ramdam ang tensyon sa hangin. Nakaupo si Victor sa tapat nito, nakaangat ang isang paa habang dahan-dahang iniikot ang baso ng whisky sa kamay niya. Samantala, si Rafael ay tahimik lang na nakasandal sa swivel chair niya, seryoso ang mukha habang nakatingin sa laptop screen na parang walang pakialam sa kayabangan ng kaharap. “Not bad,” komento ni Victor habang nililibot ng tingin ang malawak na office. “Mas lumaki pala company mo compared last year.” Hindi agad sumagot si Rafael. Humigop muna siya ng whisky bago malamig na tumingin dito. “I can say the same thing to you, lumaki din ang company mo.” Napangisi si Victor. “Of course. Alam mo naman ako, I don’t lose.” “Neither do I.” di pag papatalong sagot ni rafael. Nagtagpo ang mga tingin nila. Parehong mabigat. Parehong mayabang. Pero maya-maya ay nagtawanan din sila nang bahagya, parang dalawang leon na pansamantalang nagkasundo para sa iisang pakinabang. “Honestly,” sabi ni Victor

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 29

    Tahimik ang buong floor matapos mapahiya si Roset sa harap ng lahat. Ngunit habang ang ibang empleyado ay nagkukunwaring abala sa trabaho, hindi maiwasang mapatingin ng karamihan kay Victor Silviador na tila may hinahanap sa paligid.At iyon ay si Luna.Nakatayo si Victor ilang metro mula sa desk nito habang tahimik na inoobserbahan ang babae. Hindi siya nakikisali sa usapan ng iba. Hindi rin nagpapa-impress gaya ng karamihan sa empleyado. Diretso lang ang likod nito habang nakatutok sa laptop, mabilis gumalaw ang mga daliri sa keyboard at paminsan-minsang sumusulyap sa mga documents sa tabi.Napangisi si Victor nang bahagya.“Interesting…” mahina niyang bulong sa sarili.Napansin iyon ni Rafael na nakatayo sa tabi niya. Agad sumama ang tingin nito kay Victor habang sinusundan ang direksyon ng mga mata niya.“Don’t mind her,” malamig niyang sabi habang nakahalukipkip. “She’s busy.”Hindi sumagot si Victor.Patuloy lang itong nakatingin kay Luna.“And she’s just an employee,” dagdag ni

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 16

    Nakatayo si Luna sa tapat ng malaking gate, hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang binabasa ang address na sinend ni Rafael. Kahit malinaw ang nakasulat, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang gate pa lang—mataas, bakal, at elegante ang disenyo—parang katumbas na ng buong boardi

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Thirteen

    Maaga pa lang, ramdam na agad ni Luna ang bigat ng paligid.Pagpasok niya sa opisina, parang may mga matang agad na sumunod sa kanya. Hindi lantaran—pero sapat para maramdaman niya.“Yan na siya…”“Ang aga naman ngayon…”“Baka may schedule kay boss…”Mahinang bulungan. Pero malinaw.Humigpit ang ha

  • A Night Owned by the CEO   Chapter eight

    Tahimik na ang buong kumpanya. Sa executive office, nakaupo pa rin si Rafael Blackwell sa likod ng mesa niya, ngunit halatang hindi na siya nagtatrabaho. Nakabukas ang laptop, ngunit hindi gumagalaw ang cursor sa screen. Sa isip niya, paulit-ulit ang nangyaring usapan nila ni Roset. You’re jus

  • A Night Owned by the CEO   Chapter seven

    Gabi na sa kumpanya. Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga empleyado. Unti-unting nawawala ang ingay ng keyboard, tawanan, at pag-uusap sa bawat cubicle.Sa executive floor, nakaupo si Rafael Blackwell sa likod ng malawak niyang mesa, tahimik na nakatitig sa mga dokumento.Pinindot niya ang intercom.“

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status