共有

Chapter Five

作者: J_Anne
last update 公開日: 2026-02-27 13:25:24

Hindi na bulong ang tsismis. Isa na itong mahinang ingay na sumusunod kay Luna saan man siya magpunta. Pagpasok pa lang niya sa opisina, ramdam na niya ang pagbabago. May mga matang sumusunod. May mga biglang tumatahimik kapag dumadaan siya.

“Siya ‘yon, ‘di ba?” mahinang bulong ng isang empleyada malapit sa pantry.

“Shh… baka marinig ka,” sagot ng isa, pero hindi rin itinago ang pagtingin kay Luna.

Nagkunwari siyang walang narinig. Diretso lang ang lakad. Diretso sa mesa. Diretso sa screen. Pero hindi diretso ang pakiramdam niya.

Sa conference room, habang inaayos niya ang files, may dalawang staff na pumasok.

“Good morning,” bati ni Luna, pilit ang ngiti.

“Morning,” sagot ng isa, sabay tingin sa kasama. May kahulugang hindi na kailangang sabihin.

“Ay, Luna,” biglang sabi ng isa pa, kunwari inosente.

“Ang swerte mo naman, lagi kang tinatawag sa executive floor.” Tahimik siya sandali. “Work assignment lang ‘yon.”

“Talaga?” may bahagyang ngisi.

“Grabe naman ang work assignment mo.”

Hindi na siya sumagot. Hindi dahil wala siyang masasabi—kundi dahil alam niyang kahit anong paliwanag, may sarili na silang bersyon ng kwento.

Sa kabilang dulo ng opisina, nakatayo si Roset malapit sa glass wall, hawak ang tablet ngunit hindi naman talaga nagbabasa.

“Effective,” bulong niya ni Roset. Lumapit ang assistant niya.

“Ma’am, kumakalat na po talaga.”

“Hayaan mo,” malamig niyang sagot.

“Hindi ko naman kailangang gumawa ng marami. Konting tulak lang, sila na ang gagawa ng kwento.”

“Pero ma’am… paano kung malaman ni sir—”

“Alam niya?” putol ni Roset, tumingin nang diretso.

“At ano naman? Itinaboy niya ako. Para saan? Para sa isang babaeng…” tumigil siya, napangisi.

“Madaling bilhin.”

Mula sa salamin, nakita niya si Luna na naglalakad mag-isa. Tahimik. Pero mabigat ang balikat.

“Mas bagay sa kanya ang mababang tingin,” bulong ni Roset.

Pinatawag ni Rafael si Luna sa opisina.

“Luna, come to my office.” Napahinto siya. Kilala niya ang boses na iyon kahit hindi niya lingunin.

“Go, now.”

“Opo, sir,” mahinang sagot niya.

Pagpasok niya sa opisina ni Rafael, agad nitong isinara ang pinto. Hindi malakas. Pero malinaw

“May naririnig ka ba?” diretso niyang tanong.

Hindi agad sumagot si Luna. “Opo.”

“Ano ang naririnig mo?”

“Na… kaya raw po ako napopromote sa projects. Na kaya raw po ako laging nandito.” Bahagyang nanginig ang boses niya.

“Na may kapalit.” Tahimik si Rafael. Nakamasid lang.

“Is that your problem?” tanong niya, mababa ang tono.

Napatingin si Luna sa kanya.

“Hindi po ganito ang gusto ko.”

“Hindi ‘yon ang tanong ko,” mas malamig ang boses niya ngayon.

“Is that your problem? Luna.” Napayuko siya.

“May kasunduan tayo. Sakin ka makinig, huwag sa kanila.”

Lumapit si Rafael. Hindi galit—pero may nangingibabaw na awtoridad.

“Kung may magsalita laban sa’yo, sasagutin ko.”

“Hindi niyo po puwedeng pigilan ang bibig ng lahat,” sagot niya.

“Hindi ko po kaya ang mga tingin nila.” makikita sa mukha ni Luna ang takot.

“Hayaan mo silang tumingin.” sagot ni Rafael.

“Madali po sa inyo sabihin,” bahagyang napataas ang boses niya.

“Hindi kayo ang tinatawag na kung anu-ano sa likod.” dagdag ni Luna.

Natigilan siya sa sarili niyang lakas ng loob. Ngunit hindi nagalit si Rafael.

Sa halip, mas tumindi ang tingin nito.

“Luna,” mas mabagal na ngayon ang salita niya,

“wala akong pakialam sa kanila.” dagdag nito.

“Pero ako po meron,” sagot niya agad.

“Araw-araw ko silang kaharap.”

Lumapit pa siya, halos isang hakbang na lang ang pagitan nila.

“Kung may problema, sabihin mo sa akin.”

“Hindi po ito problema na maaayos ng pera,” bulong niya. May ilang segundong katahimikan.

“Hindi ka nila kilala,” sabi ni Rafael.

“Hindi nila alam kung bakit ka nandito.”

“Pero alam nila kung ano ang iniisip nila,” sagot ni Luna.

Sa labas ng opisina, napadaan si Roset. Hindi niya marinig ang eksaktong usapan, pero nakita niya ang anino nilang dalawa sa loob—magkalapit. Napangiti siya.

“Mas lalo pa,” bulong niya.

“Mas lalo pa kayong magsama. Mas mabilis kayong babagsak.”

“Simula ngayon,” sabi ni Rafael, bumalik ang matigas na tono,

“iiwasan natin ang masyadong halatang pagkikita.” sambit ni Rafael. Determinado pa rin sa plano.

Napatingin si Luna sa kanya.

“Ibig sabihin?”

“Ibig sabihin, mas magiging maingat tayo. Pero hindi ito titigil.” siguradong emosyon ni Rafael.

Makikita kay Rafael ang patuloy na pag protekta kay Luna habang natutupad ang mga plano at gusto niya. Natahimik siya.

“Rafael…”

Tumaas ang kilay ng lalaki.

“Napapagod na po ako.” Bahagyang nag-iba ang ekspresyon nito.

“Sa tsismis?” tanong niya.

“Sa lahat,” sagot niya

“Sa pagtatago. Sa pakiramdam na parang… may presyo ako.”

May kung anong kumirot sa dibdib ni Rafael.

“Hindi kita binili.”

“Pero may kapalit,” sagot niya agad.

“May sobre. May kasunduan. May lihim.” Hindi agad siya nakasagot.

“Kung gusto mong tumigil,” sa wakas ay sabi ni Rafael, pero malamig pa rin ang tono, “sabihin mo.” Napatingin siya.

“Papayag kaba?” siguradong tanong ni Rafael.

Tumitig siya nang diretso.

“Kung sasabihin mong ayaw mo na.” Tahimik. Ngunit hindi iyon ganoon kasimple.

“Hindi ko po kayang bumalik sa wala,” bulong niya.

“Kailangan ko pa rin ng pera.”

At doon sila parehong natahimik.

“Hindi kita hahayaang saktan nila,” mas mababa na ang boses ni Rafael ngayon. Mas personal.

“Hindi po nila ako kayang saktan,” sagot niya.

“Ako mismo ang nasasaktan.” Lumayo siya ng isang hakbang.

“Hindi ko po ginusto ‘to.”

“Alam ko,” sagot ni Rafael ng diretso..

“Pero nandito ako.” dagdag ni Luna.

“At nandito rin ako,” tugon niya, mas madiin.

Sa labas, muling nagbulungan ang mga empleyado nang makita si Luna na lumabas mula sa opisina ng CEO.

“Ang tagal niya doon.”

“Overtime na naman ba?”

Hindi na siya lumingon. Pero bawat hakbang niya, mas mabigat.

Sa loob ng opisina, naiwan si Rafael mag-isa.

“Hindi ko siya hahayaang mawala,” bulong ni Rafael sa sarili.

Hindi na lang ito pagnanasa. Pag-angkin na ito. At habang mas lalo siyang nagiging kontrolado—mas lalo namang nalulunod si Luna. Sa kahihiyan. Sa takot.

At sa perang patuloy na nagtatali sa kanya sa isang relasyong hindi niya kailanman ginusto.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Jella Claire Vigilia
sana ol madaming chismosa
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 87

    Halos hindi pa man tuluyang natatapos ang business gala ay kumalat na sa buong bansa ang mga kuha ng media. Bawat television station, online news page, business magazine, at entertainment portal ay iisa ang laman ng headline.“Secret Marriage of Business Tycoon Rafael Blackwell Revealed.”“Power Couple Stuns Business Gala.”“The Biggest Plot Twist in Philippine Business History.”Samantala, sa loob pa rin ng venue ay nananatiling magkahawak-kamay sina Rafael at Luna habang unti-unting lumalapit ang iba’t ibang CEO upang personal silang batiin.“Congratulations, Mr. Blackwell.”“I have to admit, you surprised all of us.”“Wishing both of you a happy married life.”Isa-isang kinamayan ni Rafael ang mga ito habang magalang na ngumingiti si Luna. Hindi pa rin siya sanay sa dami ng taong bumabati sa kanya, ngunit sa bawat pagkakataong kakabahan siya ay marahan lamang siyang hinihigpitan ni Rafael ng hawak sa kamay.Parang tahimik nitong sinasabing…Nandito lang ako.Sa kabilang bahagi nama

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 86

    Parang huminto ang oras sa loob ng engrandeng ballroom.Ilang segundo lamang ang nakalipas mula nang lumabas sa malaking LED screen ang mga larawan ng pribadong kasal nina Rafael at Luna, ngunit sapat na iyon upang tuluyang magbago ang ihip ng buong gabi.Ang mga bulungan na kanina ay puno ng panghuhusga…Ngayon ay napalitan ng pagkamangha.“My goodness…”“Kaya pala…”“Totoo pala talagang kasal sila.”“Ito ang pinakamalaking plot twist ngayong gabi.”Maging ang mga CEO na kanina’y seryosong pinagmamasdan ang iskandalo ay hindi na napigilang mapailing habang nakangiti.“Blackwell never disappoints.”“Ang tahimik niyang gumalaw.”“Walang nakakaalam.”Samantala, hindi pa rin bumibitaw si Rafael sa kamay ni Luna.Magkatabi silang nakatayo sa gitna ng entablado.Walang pagmamadali.Walang pagmamalaki.Ngunit ang kumpiyansa nilang dalawa ay sapat nang magsilbing sagot sa lahat ng tanong.Unti-unting itinaas muli ni Rafael ang magkahawak nilang kamay.Muling kumislap ang wedding rings sa ila

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 85

    Tahimik.Isang katahimikang tila nilamon ang buong ballroom.Wala nang naglakas-loob magsalita matapos ang malamig na tawang pinakawalan ni Rafael.Maging ang mga reporters na kanina lamang ay halos isubsob ang mikropono sa mukha nilang dalawa ay natigilan.Lahat ay naghihintay.Ano ang susunod niyang sasabihin?Sa kabilang bahagi ng venue, hindi na maalis ang ngisi sa labi ni Victor.Mahigpit niyang hawak ang wine glass habang nakatingin kay Rafael.“Tapos ka na.”Mahina niyang bulong.“Magpaliwanag ka man o hindi… huli na.”Katabi niya si Rosset na halos mapunit ang labi sa sobrang lawak ng ngiti.“Tingnan mo sila.”Natatawa niyang sambit.“Kanina pa walang masabi.”Ngunit…Hindi nila napansing bahagyang napangiti si Rafael.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ngiting kinakabahan.Isa iyong ngiting puno ng kumpiyansa.Unti-unti siyang humakbang papunta sa gitna ng entablado.Hindi siya nagmamadali.Bawat hakbang ay mabagal.Bawat kilos ay kontrolado.Nang makarating siya sa gitna, ma

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 84

    Tahimik.Isang katahimikang tila nilamon ang buong ballroom.Wala nang naglakas-loob magsalita matapos ang malamig na tawang pinakawalan ni Rafael.Maging ang mga reporters na kanina lamang ay halos isubsob ang mikropono sa mukha nilang dalawa ay natigilan.Lahat ay naghihintay.Ano ang susunod niyang sasabihin?Sa kabilang bahagi ng venue, hindi na maalis ang ngisi sa labi ni Victor.Mahigpit niyang hawak ang wine glass habang nakatingin kay Rafael.“Tapos ka na.”Mahina niyang bulong.“Magpaliwanag ka man o hindi… huli na.”Katabi niya si Rosset na halos mapunit ang labi sa sobrang lawak ng ngiti.“Tingnan mo sila.”Natatawa niyang sambit.“Kanina pa walang masabi.”Ngunit…Hindi nila napansing bahagyang napangiti si Rafael.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ngiting kinakabahan.Isa iyong ngiting puno ng kumpiyansa.Unti-unti siyang humakbang papunta sa gitna ng entablado.Hindi siya nagmamadali.Bawat hakbang ay mabagal.Bawat kilos ay kontrolado.Nang makarating siya sa gitna, ma

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 83

    Tahimik ang buong ballroom.Ni ang mga camera ay tila nahihiyang pumitik.Nakatingin ang lahat kina Rafael at Luna, naghihintay ng kahit isang salita, kahit isang paliwanag, o kahit kaunting senyales ng pagkataranta.Ngunit wala.Nanatiling tuwid ang tindig ni Rafael.Ang malamig niyang mga mata ay dahan-dahang naglibot sa buong venue. Isa-isa niyang tiningnan ang mga business owners, investors, reporters, at maging ang mga empleyadong naroon.Pagkatapos…Bigla siyang natawa.“Hahahaha…”Sa una ay mahina lamang.Ngunit unti-unti itong lumalim.Isang tawang walang saya.Isang tawang puno ng pangungutya.Isang tawang sapat upang mapatigil ang lahat.“ HWHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!…”Tumigil ang mga bulungan.Huminto ang ilang reporter sa pagtatanong.Maging ang host ng programa ay hindi na nakapagsalita.Lahat ng mata ay nakatutok kay Rafael.Maging si Luna ay bahagyang napalingon sa kanya.Hindi dahil nagulat siya.Kundi dahil alam niyang may dahilan ang bawat kilos nito.Sa kabilang dulo

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 82

    Parang huminto ang oras sa loob ng napakalaking ballroom.Patuloy na umiikot sa higanteng LED screen ang mga larawang ilang sandali pa lamang ang nakalipas ay hindi alam ng kahit sino na umiiral. Sa bawat pagpalit ng frame ay lalo lamang lumalakas ang ingay sa paligid.Hindi na marinig nang maayos ang boses ng host.Hindi na rin pinapansin ng mga bisita ang programa.Lahat ng mata ay nakatutok kina Rafael Blackwell at Luna.Sunod-sunod ang pagpitik ng mga camera.“Click! Click! Click!”Nag-uunahan ang media sa pagkuha ng pinakamalinaw na anggulo. Ang ilang reporters ay halos lumapit na sa harapan ng stage habang nakataas ang kani-kanilang mikropono.“Mr. Blackwell!”“Miss Luna!”“Can you explain the photos?”“What exactly is your relationship?”“Is this true?”“Are the images authentic?”Sunod-sunod ang tanong.Halos walang pagitan.Ngunit ni isa sa dalawa ay hindi nagsalita.Nakatayo lamang si Rafael nang tuwid ang likod, isang kamay ang nasa bulsa ng pantalon habang ang isa ay nakal

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Four

    Ilang araw matapos ang huling pag-uusap nila Rafael at Luna, hindi na niya naiwasan ang iniisip niya: kailangan na niya ng pera. Hindi na sapat ang overtime, hindi na sapat ang pagngiti at pagpapanggap na kaya pa niya. Tuwing tatawag ang ospital, parang may kumakalam sa dibdib niya.Sa hallway ng e

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Three

    Ilang araw matapos ang gabi ng halik, mas malinaw kay Rafael na wala ni isa mang babae sa kumpanya ang makapagpawi sa init na nararamdaman niya.“Roset… hindi ka sapat,” bulong niya sa sarili habang nakaupo sa executive lounge. Ang babaeng may mataas na posisyon sa kumpanya ay nakatingin sa kanya,

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Two

    Ilang araw ang lumipas matapos ang gabing iyon, ngunit para kay Luna Solace, parang mas humaba ang oras kaysa dati. Mas maaga siyang pumapasok, mas tahimik, mas maingat. “Luna…” Mahinang binitawan ni Rafael ang pangalan, nakatitig sa hangin, pero halatang nakatuon sa kanya ang isip.“Hindi ko ala

  • A Night Owned by the CEO   Chapter one

    Tahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil.“Konti na lang,” bulong niya sa sarili.CEO’s office na

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status