Share

Chapter eight

Author: J_Anne
last update publish date: 2026-03-11 08:30:41

Tahimik na ang buong kumpanya.

Sa executive office, nakaupo pa rin si Rafael Blackwell sa likod ng mesa niya, ngunit halatang hindi na siya nagtatrabaho.

Nakabukas ang laptop, ngunit hindi gumagalaw ang cursor sa screen.

Sa isip niya, paulit-ulit ang nangyaring usapan nila ni Roset.

You’re just an employee.

Napabuntong-hininga siya.

“Damn it,” bulong niya sa sarili.

Hindi siya sanay na kinukwestyon. Lalo na sa sarili niyang opisina.

Hinagod niya ang mukha niya at sumandal sa upuan. Ngu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Night Owned by the CEO   Chapter eleven

    Umaga pa lang, gising na si Luna.Tahimik ang buong bahay. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang nakatitig sa blangkong screen.Hindi siya makatulog nang maayos kagabi.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong.“Tama pa ba ’to?” mahina niyang bulong sa sarili.Napahawak siya sa noo niya, pumikit sandali.“Hanggang kailan ko ito gagawin?”Dahan-dahan niyang kinuha ang sobre sa tabi ng kama. Binuksan. Tinitigan ang laman.Malaking tulong.Malaking ginhawa.Pero kapalit…Napapikit siya ulit.“Hindi ko na kaya…” bulong niya.Naalala niya ang mga tingin sa opisina. Ang mga bulungan. Ang mga pabulong na tawanan kapag dumadaan siya.At higit sa lahat—“Pati si Adrian…” mahina niyang sabi, may bigat sa boses.Napahigpit ang hawak niya sa sobre.Nadadamay na.Hindi lang siya ang nasisira.Dahan-dahan siyang tumayo.“Maghahanap na lang ako ng ibang sideline,” mariin niyang sabi sa sarili.“Kaya ko ’to.”Kahit mahirap.Kahit doble pagod.Mas pipiliin niya iyon kaysa sa araw

  • A Night Owned by the CEO   Chapter ten

    Tahimik ang executive office. Tanging mahihinang ilaw mula sa city skyline ang sumasalamin sa malaking salamin sa likod ni Rafael.Nakatayo siya roon, isang kamay ang nakasuksok sa bulsa ng slacks niya habang ang isa ay hawak ang cellphone. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa huling mensahe ni Luna.Nasa bahay na po ako, sir.Dahan-dahan siyang huminga.Parang may kung anong gumaan sa dibdib niya nang mabasa iyon.Ngunit agad rin niyang pinilit na itago ang pakiramdam na iyon.“Relax,” bulong niya sa sarili. “She just got home.”Sandali siyang nakatitig sa screen bago dahan-dahang gumalaw ang mga daliri niya sa keyboard.Nag-type siya.Rafael:Good.Huminto siya sandali. Nakasandal ang balikat niya sa gilid ng mesa habang iniisip kung dapat pa ba siyang magdagdag.Napabuntong-hininga siya.“Whatever,” mahina niyang sabi.Nag-type ulit siya.Rafael:Did you eat?Nang maipadala ang mensahe, agad niyang inilayo ang phone sa mukha niya na parang may ginawa siyang kakaiba.

  • A Night Owned by the CEO   Chapter nine

    Tahimik na ang buong gusali ng kumpanya nang tuluyang makaalis si Luna. Sa labas ng building, malamig ang hangin ng gabi. Iilang ilaw na lang mula sa street lamps at mga sasakyang dumaraan ang nagbibigay liwanag sa paligid. Mahigpit niyang hawak ang bag niya habang naglalakad papunta sa sakayan. Sa loob ng bag, naroon ang sobre na ibinigay ni Rafael. Hindi niya ito binubuksan. Ayaw muna niyang makita kung magkano. Huminga siya nang malalim. “Isa na namang gabi,” mahina niyang bulong sa sarili. Hindi niya alam kung pagod ba ang nararamdaman niya o lungkot. Samantala, sa executive floor, naiwan si Rafael sa loob ng opisina. Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana, nakatanaw sa mga ilaw ng lungsod. Mas maayos na ang pakiramdam niya kumpara kanina. Parang nawala na ang bigat ng tensyon mula sa nangyari kay Roset. “Finally,” bulong niya sa sarili. Bumalik siya sa mesa at umupo, hinawakan ang cellphone niya habang ini-scroll ang ilang emails. Pero hindi siya makapag-focus.

  • A Night Owned by the CEO   Chapter eight

    Tahimik na ang buong kumpanya. Sa executive office, nakaupo pa rin si Rafael Blackwell sa likod ng mesa niya, ngunit halatang hindi na siya nagtatrabaho. Nakabukas ang laptop, ngunit hindi gumagalaw ang cursor sa screen. Sa isip niya, paulit-ulit ang nangyaring usapan nila ni Roset. You’re just an employee. Napabuntong-hininga siya. “Damn it,” bulong niya sa sarili. Hindi siya sanay na kinukwestyon. Lalo na sa sarili niyang opisina. Hinagod niya ang mukha niya at sumandal sa upuan. Ngunit kahit anong pilit niyang ibaling ang atensyon sa trabaho, may isang bagay lang na pumapasok sa isip niya. Si Luna. Napatingin siya sa cellphone na nakapatong sa mesa. Sandali siyang nag-alinlangan. “Seriously?” bulong niya sa sarili. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas, kinuha rin niya ito. Hinahanap niya sa contacts ang pangalan ni Luna. Ilang beses na rin niya itong nakita sa employee records noon, kaya hindi na mahirap hanapin ang number. Nang makita niya ito, hindi na siya nag-i

  • A Night Owned by the CEO   Chapter seven

    Gabi na sa kumpanya. Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga empleyado. Unti-unting nawawala ang ingay ng keyboard, tawanan, at pag-uusap sa bawat cubicle.Sa executive floor, nakaupo si Rafael Blackwell sa likod ng malawak niyang mesa, tahimik na nakatitig sa mga dokumento.Pinindot niya ang intercom.“Send Luna to my office.”“Opo, sir,” sagot ng sekretarya.Pagkababa ng tawag, agad na tumayo ang sekretarya mula sa desk. Paalis na sana siya papunta sa records department kung saan nakaupo si Luna, ngunit biglang may tumigil sa harap niya.Si Roset.Nakasandal ito sa desk, nakahalukipkip ang mga braso at nakataas ang kilay.“Saan ka pupunta?” tanong niya.“Pinapatawag po ni Sir Rafael si Luna,” sagot ng sekretarya.Bahagyang ngumiti si Roset, ngunit may kakaibang talim sa mga mata nito.“Talaga?”“Opo.”Lumapit siya nang kaunti sa desk, parang nag-iisip.“Busy siya ngayon, di ba?” tanong ni Roset.“Hindi ko po sigurado, ma’am.”“Don’t worry,” sabi ni Roset, masyadong mabilis ang sagot. “Ako

  • A Night Owned by the CEO   Chapter six

    Kinaumagahan, mas maaga si Rafael sa opisina.Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, narinig na niya ang pabulong na usapan mula sa cubicles sa ibaba.“Grabe, kahapon na naman nasa office ni sir si Luna.”“Alam mo na ’yon.”“Hindi naman siguro—”“Please. CEO ‘yon.”Huminto siya sandali sa gitna ng hallway. Hindi siya agad nagsalita. Nakikinig lang. Tahimik. Ngunit ang panga niya ay bahagyang kumikirot sa higpit.Isa pang bulong ang umabot sa kanya.“Madali talagang umangat kung marunong kang dumiskarte.”Doon siya huminga nang malalim.Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagmadali.Dahan-dahan siyang lumapit sa railings ng floor, sapat para makita siya ng lahat sa ibaba.“Go back to work.”Hindi malakas ang boses niya. Pero sapat para tumahimik ang buong departamento.“Nagbabayad ako para magtrabaho kayo,” dagdag niya, mas malamig ang tono. “Hindi para mag-imbento ng kwento.”Walang sumagot.“Kung may oras kayong mag-usap tungkol sa personal na buhay ng iba, ibig sabihin kula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status