“Baliw ka talaga, Serrie. Alam mo namang may girlfriend na iyong tao, e. Malamang may nag-aalaga na doon. Huwag nang makialam pa. Para hindi ka napapahiya.” aniya sa sarili habang naglalakad sa park.Umupo siya sa isa sa upuan doon. Panay pa rin ang pahid niya sa luha niya.“Tumigil ka na. Hindi ka dapat umiiyak diyan. Ayos lang 'yan. Masarap kaya itong pagkain na'tin.” cheer niya sa sarili.Pinahid niya ulit ang luha sa pisngi tapos ay umupo siya sa isang upuan doon malapit sa isang lamp post. “Kain tayo, baby. Para tayong nagpi-picnic ngayon.” Para siyang baliw na umiiyak at natatawa. Bakit ba kasi siya nag-aalala pa kay Hidan? Maraming nagmamahal sa lalaking 'yon. Siguro ang dapat niyang isipin ngayon ay ang anak niya.Tapos niyang kumain ay luminga linga siya sa paligid. Wala ang driver niya. Tinakasan niya kasi iyon. Babalik din naman agad siya.Ilang saglit ay bumalik na siya sa sasakyan. Hindi napansin ng driver na tumakas siya kanina. Hanggang sa biglang tumunog ang phone n
Ilang beses na nag-ring ang phone ng Mama ni Serrie pero ayaw sumagot. Nasaan na ba ito? Gusto niya itong kausapin pero hindi ito sumasagot. Kailangan niyang tanungin ang ina niya tungkol sa mga narinig niya. Ang ina niya? Ang dahilan ng pagpapakamatay ng ina ni Hidan? Halos hindi siya makapaniwala.Hindi kailanman nakwento iyon ng Mama niya. Ngayon ay siya ang paghihigantihan ni Hidan. Hindi lang siya ang mapapahamak ngayon. Maging ang batang nasa sinapupunan niya, madadamay. “Dyusko po...” mahinang sambit niya nang matapos ang ilang ring ngunit hindi pa rin sumasagot ang Mama niya.Hindi siya pwedeng magtagal doon. Kailangan niya nang kumilos.Agad siyang nagtungo sa closet niya at pinagmasdan ang mga damit niya doon. Ang madalas na dinadala niyang bag ay iyong maliit. Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang magdala bukas ng medyo malaki-laking bag. Pinili niya ang mga damit na madalas niyang dalhin. Iiwan niya ang damit na hindi niya naman madalas gamitin. Makakabili pa siya ng
“Tatlong araw na siyang natutulog, 'di ba? Ayos lang kaya siya?”“Buntis siya. Asawa kaya ito ni Sir? Nagtataka ako. Ngayon lang nag-uwi ng babae si Sir. Ngayon ko lang siya nakita.” “Oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yan.”Nakarinig si Serrie ng usapan sa paligid. Iyon ang dahilan para dahan dahang magmulat ang mga mata niya. Ang mataas na kisame ng isang kwarto ang bumungad sa kaniya.“Dyusko! Gising na siya! Dali magtawag tayo ng kasama.”“Gising na nga siya!”Sinundan iyon ng mga mabibilis na yabag palabas. Halatang tumakbo ang mga babaeng iyon matapos malaman na gising na siya.Nakaramdam siya ng pamimigat ng katawan kaya muli niyang sinara ang mga mata. Nagising na lang ulit siya may nagche-check na ng BP niya. Nang magmulat siya ng mata ay isang pigura ng lalaki ang naaninag niya. Hanggang sa naging klaro ito.Sandro Alvarez?Kahit masakit pa ang katawan at namimigat pa ay bumangon siya. Agad siyang nilapitan ni Sandro at ng doktor na nasa tabi.“Huwag mong pilitin ang sarili mo,
Malaki ang pasasalamat ni Serrie kay Sandro at tinulungan siya nito hanggang sa maka-recover siya. Pinanindigan ng binata ang pagtulong sa kaniya alang-alang sa kahilingan ng namayapa nitong ama.Nasa isang probinsiya ngayon sila. Property ni Sandro ang malaking hacienda na ngayo'y naging pinakamalaking banana plantation sa buong lugar. Anim na taon na ang nakakaraan. Nanganak siya sa pangangalaga ni Sandro. Upang kahit papaano ay masuklian niya ang kabutihan ni Sandro. Nakipagkasundo siya rito na payagan siya ng lalaki na magtrabaho sa bahay. Walang ibang bakanteng trabaho na mai-offer kundi ang kasambahay. Wala ring kaso sa kaniya. Ang importante ay hindi siya magmukhang walang silbi sa bahay na 'yon.Natanaw niya ang batang lalaki na may bitbit na balde na maliit. Napabuntong hininga siya. Ilang beses niyang sinabi rito na huwag na itong tumulong. Pero ang tigas pa rin ng ulo.“Maglaro ka na lang doon, Edann. Sabi ko naman sa'yo kaya ko na 'tong mag-isa, e. Madisgrasya ka pa diya
Sa ngayon, tama si Sandro. Mas makapangyarihan si Hidan kaysa sa kanila. Magagawa nitong kunin sa kaniya ang anak nila pag nagkataon. Kahit gustong gusto niya na itong harapin at sumbatan ito sa mga ginawa nito sa kanila noon, hindi niya magawa. Dahil wala siyang laban dito. Nakikitira lang siya sa poder ni Sandro. Maging si Sandro ay walang laban kay Hidan. Kaya ano pa ang saysay ng paglaban kung alam nilang talo rin sila sa huli?Bago mag-eight ay nakasakay na sila sa sasakyan nina Sandro tungo sa planta sa kabilang bayan. “Aalis po tayo? Saan tayo pupunta?”Hindi niya na halos napansin ang mga tanong ni Edann. Nagmamadali na sila. Ang sabi'y mga bandang ten ng tanghali ang dating ni Hidan.Base sa narinig niya'y biglang nagkaenteres si Hidan sa banana plantation ni Sandro. Ayaw talaga ni Sandro kay Hidan. Pero kailangan itong pakisamahan ni Sandro dahil na rin sa utang na loob ng ama ni Sandro sa ama ni Hidan. Nakahinga lang ng maluwag si Serrie nang umandar na ang sasakyan. Nak
“A-Ayos ka lang ba? Sorry talaga,”ani Divine sa kabilang linya. “P-Puntahan kita diyan. Sorry talaga, Serrie.”Nagtataka siya kung bakit ganito magsalita si Divine. Bakit ito magso-sorry? May nagawa ba itong kasalanan? Bumalik sa realidad ang isipan niya nang maalalang nagising siya dito sa silid na hindi sa kaniya. Katabi niya kanina ang lalaking hindi niya kilala. Agad siyang bumalikwas ng bangon nang malaman ang sitwasyon at dali-dali na nagtago sa banyo. Nagpatangay lang naman siya kay Divine sa club kagabi dahil sinabi nitong magpapa-dispidida ito dahil tutungo na ito ng Spain sa Linggo. Hindi niya forte ang clubbing pero dahil sa kaibigan pinatos niya ang imbitasyon nito.At sa isang kurap ay matatagpuan niya ang sariling nagtatago na sa sa banyo ng hotel. Yakap-yakap niya lang ang kumot. Hindi niya na nagawa pang kunin ang mga gamit niya dahil sa pagmamadali. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.“T-Tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin, Divine.” Nagpaling
Hindi niya pa alam kung ano ang dahilan ng paghingi ni Divine ng tawad sa kaniya. Hindi niya na rin kasi naitanong. Kinakabahan man siya ngayon ay kailangan niyang umuwi agad. Alam niyang pagagalitan siya ngayon dahil hindi siya umuwi kagabi. She's already 20 but still mahigpit pa rin ang pamilya niya sa kaniya. Hindi siya tulad nina Divine na may kalayaang gawin ang gusto. They're born in a liberated family, while she's not. Tahimik ang sala not until her father rush on the sala. Nakasunod ang Mama niya.“Bernard, please. Stop it, let her explain first,”awat ng Mama niya na halos patakbo nang sumunod sa ama-amahan niya.Nanlilisik ang mata ni Bernard na deretsong nakatingin sa kaniya. Para itong lion na nakawala sa kulungan nito at handang manakit ng kahit na sinong makakasalubong nito. Kabado at wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang ama-amahan na paparating sa kinaroroonan niya.Lumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi niya. Parang papanawan siya ng ulirat dahil sa
Pagkagising niya ay agad siyang tumakbo tungo sa CR para dumuwal. Nanghihina na sumandal siya sa dingding ng CR matapos ang lahat. Maiiyak na siya dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sarili. Kada-umaga na lang siyang nagkakaganito. Grounded pa rin siya pero hindi na siya pinipilit na magbasa ng mga libro na may kuneksyon sa business. Pwede na siyang magpinta pero parang wala siyang ganang gawin iyon ngayon. Inaantok siya at tinatàmad siyang magkikilos ngayon.Tumunog ang cellphone niya. Nasurpresa siya nang malamang si Divine ang nag-send sa kaniya ang voice recorded message. Nagtataka siya. Bakit voice record? Hindi naman kasi ito ganoon.“Hindi ko masabi sa'yo ito ng harapan, Serrie,”umpisa nito. Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan itong umpisahan ang sasabihin. “Pero kasi. Nakukunsensiya ako noong marinig kong ipapakasal ka na kay Coby.”Humagulhol si Divine. Napalunok siya. Kinabahan na rin dahil pakiramdam niya may malaking problema si Divine. Kaya lang anong