Share

CHAPTER 158

Author: Anne
last update publish date: 2026-03-28 21:52:46

CHAPTER 158

“H-Hindi ko nga sinasadya, Joseph. Maniwala ka sa akin. Hindi ko intensyon na saktan si Maxene. Napalakas pala ang tulak ko sa kanya kaya sya bumagsak sa sahig. Tapos… tapos… m-may dugo na. D-Dinugo na siya. Hindi ko sinasadya,” sagot ni Irish at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at napahagulhol na lang talaga siya ng iyak.

Napakurap kurap naman si Joseph sa sinabi na iyon ni Irish. At talagang kinabahan na siya ngayon para kay Maxene at sa bata na nasa sinapupunan nito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Victoria Suganob
matinding KARMA ang mahangad ng di mabuti sa minamahal kuno
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 173

    CHAPTER 173“Kahit naman ang doktor ni Maxene ay hindi malaman kung bakit siya nagkaganyan at nagtataka rin talaga sila kung bakit hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Kaya nga tutok na tutok sila ngayon sa kalagayan ni Maxene,” sagot naman ni Bernard sa kanyang kapatid.Saglit naman na natahimik si Jonathan at saka siya bumuntong hininga.“Sana lang ay magising na si Maxene para hindi na tayo mag alala pa ng ganito,” sabi ni Jonathan. “Ang anak ninyo… kumusta na? Napuntahan mo na ba siya?” tanong pa niya.“Oo, napuntahan ko na sya kuya. Medyo maselan pa rin ang kundisyon niya at kahit na gusto ko na sana siyang makarga at mayakap ay hindi pa pwede dahil nga sa kundisyon niya,” malungkot naman na sagot ni Bernard nang maalala naman niya ngayon ang kanyang anak.Naaawa naman na tinitigan ni Jonathan ang kanyang kapatid dahil pinagdaraanan nito ngayon at talagang nangangalumata na ito.. Naaawa rin siya kay Maxene dahil matagal na niya itong kilala at wala rin talaga siyang masa

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 172

    CHAPTER 172Mapakla naman na natawa si Jonathan dahil sa sinabi na iyon ni Irish at saka nito hinawakan ng mahigpit sa braso ang dalaga habang seryoso na itong nakatingin dito.“Wag mo nga akong matawag tawag na tito dahil hindi naman kita kaano ano,” gigil na sabi ni Jonathan sa dalaga. “At sa tingin mo ba ay mabibilog mo ang ulo ko dahil sa sinasabi mong mahal mo ang kapatid ko? Tsk. Isa ka nga talagang baliw,” pagpapatuloy pa niya at hininaan lang niya ang kanyang boses dahil baka marinig siya ni Bernard.Ayaw pa naman ni Jonathan na makita ng kanyang kapatid si Irish dahil baka kung ano pa ang magawa ng kanyang kapatid sa dalaga lalo na at galit na galit ito rito ngayon.Nagulat naman si Irish sa sinabi na iyon ni Jonathan at napalunok na lang talaga siya ng sarili niyang laway.“Maniwala po kayo sa akin. Mahal na mahal ko po si Bernard at nagsisisi na po ako sa nagawa ko noon sa kanya. Gusto ko lang naman po na mabawi siya dahil alam ko rin po na mahal pa rin niya ako hanggang ng

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 171

    CHAPTER 171Sa kabilang banda naman sa loob ng unit ni Irish ay hindi na mapakali ang dalaga dahil kanina pa niya hinihintay na bumalik si Joseph. Nakailang beses na niya itong tinatawagan pero hindi nga nito sinasagot ang kanyang tawag.“Nasaan ka na ba kasi, Joseph? Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” naiinis naman na sabi ni Irish at saka niya muling idinial ang number ng binata at nang hindi pa rin nito sinagot ang kanyang tawag ay naihagis na lang talaga niya ang kanyang cellphone sa kanyang kama dahil sa sobrang inis.“Bwiset talaga. Hindi ko talaga alam kung kakampi ko ba ang lalaki na iyon o hindi. Baka mamaya ay inilaglag na niya ako sa kanyang pamilya,” gigil pa na sabi ni Irish at saka siya pabagsak na naupo sa kanyang kama at talagang nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili dahil sa inis.Saglit pa nga na napatulala si Irish dahil hindi na talaga niya alam kung ano ang kanyang gagawin ngayon lalo na at alam niyang galit sa kanya si Bernard at baka nga isinusump

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 170

    CHAPTER 170Muli namang napatingin si Bernard kay Maxene at saka siya muling bumuntong hininga.“Max, kailangan ko ng umalis. Pakiusap gumising ka na. Marami kaming nagmamahal sa’yo at naghihintay muli na magising ka. Mahal na mahal kita, Maxene. Magpagaling ka kaagad para naman makasama ka na namin. Miss na miss na namin ang ngiti at tawa mo kaya sana ay magising ka na,” sabi ni Bernard at saka siya napangiti ng maalala niya ang matamis na ngiti na palaging nakapaskil sa labi ni Maxene.“Aalis na muna ako pero nariyan lang naman ako sa labas at hinding hindi ko kayo iiwan ng ating anak. Kaya sana magpagaling ka na kaagad at gumising ka na sa lalong madaling panahon dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga kaya na makita ka na nasa ganyang kondisyon. At talagang nag aalala na rin kaming lahat sa’yo,,” pagpapatuloy pa ni Bernard at saka niya muling hinalikan ang kamay ni Maxene. “Mahal na mahal kita, Max. Mahal na mahal kita,” dagdag pa niya at saka niya ibinaba ang kanyang mask at saka

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 169

    CHAPTER 169“Kinailangan namin na kabitan siya pansamantala ng oxygen bilang suporta dahil kanina ay bumaba ang oxygen level ng kanyang katawan. Pero ngayon naman ay medyo okay na rin siya at kapag nagpatuloy naman na maging ayos ang oxygen level niya at nagising na siya ay tatanggalin na rin naman namin iyan,” pagpapaliwanag ng doktor kay Bernard nang mapansin nito na titig na titig ito sa pasyente.Nanatili naman na walang imik si Bernard at maya maya pa ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.“Dok, gusto ko sana na tapatin nyo ako. Sa tingin nyo ba ay malaki ang tyansa na magising siya at maging ayos ang lagay niya?” hindi na napigilan na tanong ni Bernard sa doktor.“Sa totoo lang ay ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong klase ng kaso ng pasyente. Usually kasi kapag ganyan na nagkakaroon ng emergency CS ay umaayos naman ang kanilang lagay at nagugising din makalipas ng ilang oras. Kaya talagang nagtataka ako sa kanya kung bakit hindi pa rin siya nagigising. Pinaga

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 168

    CHAPTER 168“A-Ano pong s-sabi nyo?” tanong pa ni Bernard at tila ba nabingi siya sa huling sinabi na iyon ng doktor.“Naiintindihan ko po kayo at kahit naman po ako ay gusto na maging maayos ang lagay ng aking pasyente kaya po ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mamonitor ko siya magdamag at ipinagpasalamat ko naman na hindi na siya muling nagseizure. Ayun nga lang ay hindi pa rin po siya nagigising hanggang ngayon kaya kailangan pa rin po talaga siyang bantayan,” sagot ng doktor.Hindi naman napigilan ni Andrea ang kanyang sarili at napahagulhol na lang talaga siya ng iyak dahil sa sinabi na iyon ng doktor kaya naman agad itong dinaluhan ng kanyang asawa na si Maximo. Ang ina naman ni Bernard ay nagulat din dahil hindi talaga niya iyon inaasahan kaya naman agad na niyang linapitan ang kanyang anak. Habang si Bernard naman ay hindi na rin napigilan ang kanyang sarili at kusa na ring pumatak ang kanyang luha.“D-Dok, please gawin nyo naman po ang lahat ng makakaya ninyo para m

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 67

    CHAPTER 67Nang matapos si Maxene sa kanyang ginagawa ay agad na rin naman siyang kumain at nag asikaso ng kanyang sarili dahil sa susunduin siya ni Bernard doon.“Bea, tawagan mo na lamang ako kung may problema rito ha. Nasa labas na kasi si Bernard. Nakakahiya naman kung pagjihintayin ko pa roon,

    last updateLast Updated : 2026-03-25
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 70

    CHAPTER 70Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Bernard at napabuntong hininga na lamang talaga siya dahil sa sinabi na iyon ni Maxene.“Siguro naman ay hindi na rin masama na ikwento ko sa’yo ang tunay na dahilan kung bakit ganon ako kung kausapin ng pamangkin kong iyon,” sabi ni Bernard.Sakto nam

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 69

    CHAPTER 69Natigilan naman si Joseph dahil sa sinabi na iyon ni Bernard at talagang nagulat na naman siya sa nalaman niyang“A-Alam nila mom at dad ang tungkol dito?” tila hindi makapaniwala na tanong ni Joseph.“Oo naman. Pinakilala ko na si Maxene sa kila mom at dad at syempre pati na rin kila ku

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 71

    CHAPTER 71“May nobya ako noon at umabot na ng dalawang taon ang aming relasyon na dalawa. Maayos ang relasyon naming dalawa at naipakilala ko na rin siya sa mga magulang ko. Kasama na siya sa lahat ng pangarap ko sa buhay at nakikita ko na ang sarili ko na kasama siyang bumuo ng pamilya. Hanggang

    last updateLast Updated : 2026-03-26
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status