LOGINCHAPTER 197“Well nasa sa iyo pa rin naman ang desisyon kung papayag ka na makipagtulungan sa akin at patuluyin ako r’yan sa munti mong bahay. Pero kung ayaw mo naman na makipagtulungan sa akin ay ayos lang din naman. Panigurado na paldo ako kapag ibinenta ko ang video na ito,” sabi pa ni Joseph habang hindi inaalis ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. “Ano kaya ang magandang title ng video na ito? Hmmm… Panigurado sisikat ka rito at baka kunin ka na ng mga p*rn site na artista nila. Kitang kita kasi sa video na ito na kung gaano ka kahumaling sa pakikipags*x,” dagdag pa niya.Ramdam na ramdam naman ni Irish ang butil butil na malamig niyang pawis sa noo at ramdamrin niya ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa sinabi na iyon ni Joseph. “H-H*yop ka,” gigil na sabi ni Irish kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Hindi kasi niya akalain na magagawa iyon ni Joseph sa kanya matapos ng lahat lahat ng nagawa niya para rito. At wala rin talaga siyang kaalam alam na kumukuha pala
CHAPTER 196Sa kabilang banda naman matapos na magpakita ni Joseph kay Maxene sa isang restaurant ay nagtago naman na muna ang binata at dahil wala nga siyang ibang maaasahan ngayon ay no choice talaga siya kundi ang pumunta kay Irish.Pagkarating pa lamang ni Joseph sa lugar kung saan alam niyang nagtatago si Irish ngayon ay hindi naman niya maiwasan na hindi kabahan dahil ipinagkanulo niya ito sa kanyang ama kaya nalaman ng mga ito kung saan nakatira si Irish.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Joseph bago siya naglakas loob na kumatok sa pintuan kung saan naroon si Irish.Makailang beses pa nga na kumatok si Joseph doon at kinakabahan na nga siya dahil walang nagbubukas ng pinto. Isa rin sa dahilan kaya kinakabahan siya ay dahil wala naman na siyang ibang mapupuntahan ngayon dahil natatakot siya na matagpuan siya ng kanyang ama dahil panigurado ay ipapabugbog na naman siya nito sa mga tauhan nito.Noon kasing dinala siya ng kanyang ama sa kanilang bahay ay wa
CHAPTER 195Mabilis naman na lumipas ang mga araw at sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay hindi pa rin natatagpuan nila Jonathan ang kanyang anak na si Joseph kaya naman minabuti na rin muna nila Bernard at Maxene na ipaasikaso na lamang sa kanilang pinagkakatiwalaan na tao ang lahat ng kailangan nila para sa kanilang kasal.Napag usapan kasi nila muli ang tungkol sa kanilang kasal dahil nga sa suhestyon ng ina ni Bernard na ipagpaliban na muna ang kanilang kasal. Pero naisip kasi nila na mas dapat nga nilang madaliin ang kanilang pagpapakasal para matigil na sila Joseph at Irish sa kakahabol sa kanila dahil kapag naikasal na silang dalawa ay wala ng magagawa pa ang mga ito at baka sakaling tantanan na sila ng dalawa. At napagkasunduan din nila na wala na munang ibang pagsasabihan ng tungkol sa kanilang nalalapit na kasal at tanging pamilya lamang din muna nila ang nakakaalam nito. Nakiusap na lamang din sila Bernard sa kanyang kapatid na hindi dapat malaman ni Joseph ang tungkol
CHAPTER 194Matapos na makipag usap ni Bernard sa kanyang tinawagan ay naupo na muna siya sa may pool area at nagpakuha pa nga siya ng wine sa kanilang kasambahay.Agad naman na nagsalin si Bernard ng wine sa kanyang wine glass at saka niya inisang lagok ang laman noon. Nagpakawal pa nga siya ng isang malalim na buntong hininga dahil sa totoo lang ay hindi na niya alam kung ano pa ba ang kailangan niyang gawin para tigilan na sila nila Joseph at Irish. Isa lang naman kasi ang gustong mangyari ngayon ni Bernard at yun ay ang maging tahimik na ang kanilang buhay ni Maxene kasama ang kanilang anak. Pero dahil nga sa muling pagpapakita ni Joseph kay Maxene ay mukhang magsisimula na naman ang kanilang panibagong problema at panibagong isipin na naman ito lalo na at baka makipagsabwatan na naman ito kay Irish.Nanatili naman na muna si Bernard sa pool area habang nag iisip nga siya ng mga dapat niyang gawin ngayon lalo na at kailangan din nilang maging maingat dahil baka madamay pa ang kan
CHAPTER 193“Tumawag sa akin ang kuya Jonathan mo? Anong nangyari? Kumusta si Maxene?” agad na tanong ni Randy sa kanyang anak nang makalapit siya sa mga ito.Katatapos lang kasi ng meeting ni Randy at sakto naman na tumatawag ang kanyang panganay na anak na si Randy at ibinalita na nga nito ang mga nangyari mula sa pagtakas ni Joseph hanggang sa nakita nga ito ni Maxene sa isang restaurant.Agad naman na napatingin sila Bernard at Diana sa bagong dating na si Randy. At base pa lamang sa awra nito ay kita mo ng mainit ang ulo nito.“Ayos lang naman po si Maxene at hindi naman po siya nalapitan ni Joseph. Nakita lamang po niya ito sa labas ng restaurant na kinainan namin kanina,” sagot naman ni Bernard sa kanyang ama. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Randy at saka niya naipikit ng mariin ang kanyang mga mata.“Ano na kaya ang tumatakbo sa utak ng bata na iyon? Hindi naman siya pinalaki na kulang sa pagmamahal at lalong hindi naman siya b*bo para hindi makaunaw
CHAPTER 192“Nakatakas daw si Joseph kay kuya kaya ang nakita mo kanina ay mukhang si Joseph nga talaga iyon,” sabi ni Bernard kay Maxene.Napabuntong hininga naman si Maxene dahil sa sinabi na iyon ni Bernard dahil ang buong akala pa naman nila ay matatahimik na sila pero mukhang nagsisimula na namang kumilos si Joseph para guluhin sila.“Kung gayon ay kailangan na naman pala natin na magdoble ingat,” sagot ni Maxene. “Ang mabuti pa ay umuwi na lamang tayo. Nag aalala ako sa anak natin. Alam ko naman na safe siya sa mansyon pero mas mapapanatag ako kung nakikita ko siya. Saka na lamang tayo magpunta sa boutique marami pa namang araw para magpunta roon,” pagpapatuloy pa niya.Dahan dahan naman na tumango si Bernard dahil kahit naman siya ay nag aalala rin sa kanilang anak na iniwan nila sa mansyon. “Mabuti pa nga. Tatawagan ko na lamang si mommy na magpa resched ng appointment sa boutique,” sagot naman ni Bernard at muli na nitong kinuha ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang in
CHAPTER 11 Mabilis naman na lumipas ang isang linggo at ngayon na lamang muli pumasok sa opisina si Maxene. Simula kasi ng mahuli ni Maxene ang kanyang nobyo na si Joseph na may kasamang ibang babae sa kama at nagpunta siya sa isang bar at nagising na lamang siya na may katabing lalaki sa kama
CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extr
CHAPTER 9Gaya ng sinabi ni Bryan ay talagang sinundo nila si Bernard sa kumpanya nito dahil talagang gusto nilang makasama ang kanilang kaibigan dahil matagal tagal na rin talaga na hindi sila nakakalabas na tatlo dahil sa pare pareho silang mga abala sa kani kanilang mga kumpanya.Agad na rin nam
CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa







