LOGINCHAPTER 248Agad naman na nangilid ang luha ni Maxene dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ama. Noon pa man ay baby na talaga siya ng kanyang ama dahil siya nga ang bunso at kahit na ganoon ay pantay pa rin naman ang pagtrato nito sa kanya at sa kanyang nakatatandang kapatid.“Thank you po dad. Mahal na mahal ko rin po kayo ni mommy. Maraming maraming salamat po talaga sa lahat lahat ng pag aalaga, pag intindi nyo sa akin. Mahal na mahal ko po kayo,” sagot naman ni Maxene sa kanyang ama at talagang napayakap na lang din siya sa kanyang ama dahil talagang mas malapit siya sa kanyang ama noon pa man.Habang nag uusap at nagkakaiyakan naman sila roon ay may kumatok naman muli sa pinto ng silid ni Maxene at nang bumukas nga iyon ay talagang napangiti na lang din si Maxene ng makita niya kung sino ang dumating na iyon.“Late na ba ako? Pasensya na dahil medyo traffic din talaga papunta rito,” sabi ng bagong dating na iyon.“Kuya Andrei!” tawag ni Maxene dito at hindi na nga nito napigilan pa
CHAPTER 247Kinabukasan ay maaga naman na naghanda ng kanyang sarili si Maxene. Matagal tagal din kasi talaga siyang aayusan kaya siya talaga ang unang nag asikaso ng kanyang sarili.Matapos na kumain ng kanyang agahan ay agad na rin na naligo si Maxene para masimulan na ang pag aayos sa kanya.“Grabe, Ms. Maxene. Kahit wala ka talagang make up ay napakaganda mo na talaga,” sabi ng make up artist ni Maxene habang nag aayos ito ng mga gamit na gagamitin niya sa pag aayos kay Maxene.“Naku, binobola mo naman ako. Baka mamaya nyan ay hindi na lang ako magpamake up dahil sa sinabi mo,” biro naman ni Maxene rito.“Wag naman po. Syempre kailangan ko pa rin po kayong ayusan para mas lalo pa po kayong gumanda. Pero kahit kaunting ayos lang ay pak na pak na po talaga ang ganda ninyo,” sagot nito kay Maxene.Bahagya naman na natawa si Maxene rito dahil binibiro lang naman niya ito.“Tama na nga ang bolahan nating dalawa. Simulan mo na nga na ayusan ako. Sa totoo lang ay sobrang excited na kinak
CHAPTER 246Mabilis naman na lumipas ang ilang buwan at sa araw na nang bukas ang araw ng kanilang kasal. Sa nakalipas din na mga buwan na iyon ay talagang naging tutok si Maxene sa mga kakailanganin nila sa kanilang kasal. Gusto kasi niya na maging maayos ang kasal nila Bernard at ayaw niya na magkaroon na naman ng aberya sa mismong araw na ng kanilang kasal.Sa totoo lang ay medyo kinakabahan pa rin talaga si Maxene sa pag aasikaso niya sa kasal nila ni Bernard dahil noong nagplano sila na magpakasal noon ay may mga nangyari na hindi maganda. Pero inisip na lamang ni Maxene na wala naman nang banta pa sa kanilang buhay at tahimik na rin talaga ang kanilang buhay ngayon simula ng makulong si Irish. Kampante naman sila na hindi na ito makakalaya roon dahil talagang sinigurado ng ama ni Bernard na mabubulok si Irish sa loob ng kulungan.At ngayon nga ay nasa isang beach resort na sila Maxene at Bernard kasama ang kanilang buong pamilya. Bukas na kasi ang kasal ng dalawa kaya naman ngay
CHAPTER 245Hindi na rin naman nag aksaya pa ng panahon sila Bernard at Maxene at pagkatapos nga ng kanilang bakasyon na iyon ay agad na rin silang nagplano para sa gaganaping kasal nila at gaya nga ng gusto ng ina ni Bernard ay magiging enggrandeng kasalan nga iyon kaya kailangan din talaga nila iyong paghandaan.Napagkasunduan din nila na early nextyear gaganapin ang kanilang kasal kaya naman may ilang buwan pa rin naman sila para makapaghanda ng lahat ng kanilang mga kakailanganin. At ngayon nga ay kauuwi lamang ni Maxene galing sa pagsusukat ng kanyang wedding gown. Sinamahan naman siya ng ina ni Bernard pero dumiretso naman din ito sa kumpanya pagkatapos nitong samahan siya.Pagkarating ni Maxene sa mansyon ay naabutan niya si Veronica na nasa garden kasama sila baby Joshua at baby Dyron kaya naman agad na niyang linapitan ang mga ito.“Mukhang nag eenjoy na naman ang mga baby na yan sa garden ah,” sabi ni Maxene nang makalapit na siya sa mga ito.“Narito ka na pala, Maxene. Kum
CHAPTER 244Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin naman ng kanilang silid sila Bernard at Maxene. Pagkarating nila sa may tabing dagat kung saan nakaset up ang kanilang dinner ay tila nakaramdam pa ng hiya si Maxene dahil sila na lang pala talaga ang hinihintay ng mga kasama nila roon.“Mabuti naman at narito na kayo. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo,” sabi ni Diana.Agad naman na naupo sila Bernard at Maxene sa bakanteng upuan na para talaga sa kanila at bahagya pa ngang pinamulahan ng pisngi si Maxene dahil nahihiya talaga siya sa pamilya ni Bernard dahil naghintay pa ang mga ito sa kanila.Sinimulan na rin naman nila kaagad nila ang kanilang dinner at habang kumakain nga sila ay meron pang live band na kumakanta. Matapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila saglit at maya maya pa ay nagkaroon din ng kaunting pagames si Diana para sa lahat kaya naman talagang nag enjoy ang lahat dahil meron din talagang mga papremyo na inihanda si Diana.Matapos nilang magkasiyahan ay muli
CHAPTER 243Kinagabihan din noon ay nagtaka rin sila dahil nagkaroon sila bigla ng special dinner na buong pamilya. At syempre ang nagplano noon ay walang iba kundi ang ina ni Bernard na si Diana na excited na sa magaganap mamaya.Binulungan na rin ni Randy si Bernard na doon na nga ito magpropose kay Maxene dahil iyon na nga ang naisip na paraan ni Diana para maisagawa ni Bernard ang plano nito.“Napakabilis talaga kumilos ni mommy kapag tungkol sa ganyang mga bagay,” natatawa naman na sabi ni Bernard sa kanyang ama dahil talagang nagulat din siya dahil talagang nakapagplano na agad ang kanyang ina.“Sabi ko naman sa’yo diba. Kaya wag ka ng mag aksaya pa ng oras at mag ayos ka na rin ng sarili mo. Maya maya lang ay tatawagin na nila tayo para magdinner,” sagot ni Randy sa kanyang anak. “Ang singsing baka makalimutan mong dalhin ha. Lalapitan ka mamaya ng mommy mo para sabihin sa’yo kung kelan ka kikilos,” pagpapatuloy pa niya.“Opo dad. Palagi ko naman po itong dala,” sagot ni Berna
CHAPTER 67Nang matapos si Maxene sa kanyang ginagawa ay agad na rin naman siyang kumain at nag asikaso ng kanyang sarili dahil sa susunduin siya ni Bernard doon.“Bea, tawagan mo na lamang ako kung may problema rito ha. Nasa labas na kasi si Bernard. Nakakahiya naman kung pagjihintayin ko pa roon,
CHAPTER 64Nasundan na lamang naman ng tingin ni Joseph ang kanyang ama at nang hindi na niya ito natanaw pa ay naipilig na lamang talaga niya ang kanyang ulo dahil sa mga nangyare.Naaawa naman na tinitigan ni Pamela ang kanyang anak dahil kahit gusto man niya itong tulungan ay hindi niya magawa d
CHAPTER 68Agad naman na linapitan ni Bernard si Maxene at kusa na rin naman na yumakap sa kanya ang dalaga.“Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” sunod sunod na tanong ni Bernard kay Maxene at saka niya tiningnan ang braso ng dalaga. Hindi kasi niya kaagad napansin ang paglapit na iyon ni Josep
CHAPTER 66 Nang mawala na sa kabilang linya ang kausap ni Maxene ay napangiti na lamang talaga siya dahil sobrang saya ng pakiradam niya dahil sa ginagawang pag aalaga sa kanya ng binata.“Grabe naman ang ngiti na yan… mukhang inlove tayo ah,” sabi ni Bea habang may nakakalokong ngiti sa kanyang l







