共有

FOUR

作者: deadofwrites
last update 最終更新日: 2026-01-12 14:28:40

“Ma, kailangan 'yon para sa pag papagamot ni tatay.”

Kanina ko pa kinukumbinsi si nanay na payagan akong lumuwas ng Manila para humanap ng pagkakakitaan.

Iniuwi na namin si Tatay at binili ang mga gamot na kailangan niya, at tanging therapy na lang ang problema namin. Kailangan niya rin ng masustansiyang pagkain, para naman lumakas agad ang katawan niya.

“Hindi ba delikado?” tanong ni nanay sa 'kin.

Kung delikado man do'n, kaya ko naman mag-ingat, kaya ko naman ang sarili ko.

“Hindi naman siguro, Nay.”

Tumingin ito sa'kin at pinagmasdan ako, tila ba'y sinusuri ang pagmumukha ko.

“Mag ingat ka..” mahinang sabi nito habang naluluha.

Pinapayagan naba niya ako?

“Anong ibig sabihin niyan...Nay? Pinapayagan mo na ba ako?” masayang tanong ko sa kaniya.

Tumango ito.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

“Huwag mong pababayaan ang sarili mo ro'n, Samarah.”

“Opo, Nay.” Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko. “Tawagin ko po si Arthur, dahil sa kaniya ako babali ng pera para sa biyahe,” saad ko at umayos ng pagkaka-tayo.

“Osige. Mag-impake ka na.”

Tumango na lang ako at mabilis na nag-impake ng damit. Inilagay ko ang mga gamit ko sa isang bag na gawa sa abaca.

Sigurado na 'ko. Para 'to sa pamilya ko, para makatulong ako.

Nang maligpit ko na lahat ay nagtipa ako nang numero ni Arthur at tinawagan 'to.

“Pinayagan na 'ko.”

“Ayos 'yan, ingat.”

Siraulo ba 'to, ang sabi eh sasamahan ako.

“Akala ko ba sasamahan mo 'ko?”

“Kaya mo na 'yan.”

Naiinis na ako rito sa gunggong na 'to, napaka-ayos nang pag-uusap namin.

“Ano ba talaga, Arthur?” tanong ko at tumaas na ang boses ko.

“May kaaway kaba riyan, Samarah?”

Napabaling ako kay Nanay at mabilis na umiling, inilayo ko ang telepono.

“Kausap ko lang po si Arthur, Nay.” Tumango lang ito at umalis na.

“Ano ba, Arthur?”

“Anong ano?”

“Gunggong! Ang sabi mo eh sasamahan mo ako at pauutangin?” naiinis na tanong ko kay Arthur.

“Ay? Ano ka sinuswerte?” may pang-aasar sa kaniyang tono.

“Bahala ka nga.”

Binaba ko ang tawag at inis na pumahiga sa kama.

Gago talaga iyang Arthur na 'yan, dakilang gago talaga.

Ang sabi sa'kin eh p'wede akong bumali, tapos ganiyan siya ngayon.

Napaka-siraulo talaga ng batang 'yon, hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan.

Pinikit ko ang mga mata ko at mayamaya lang ay nakarinig ako nang malakas na pag tawa.

“Ano? Tara na!”

Ibinukas ko ang isang mata ko at napaahon ang ulo ko.

Nakita ko naman si Arthur na maganda ang pananamit at may dalang malaking bag.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Aba! Sa Maynila!” maligayang sambit nito.

“Ah? Talaga lang, ha?” sarkastikong sambit ko.

Ako naman ang mang iinis sa'yo ngayon.

“Ano pang hinihintay mo? Tara na!” pag-aaya nito sa'kin.

“Napag-isipan ko na...dito na lang siguro ako.”

Nag-iba naman ang itsura niya sa sinabi ko, bumagsak ang mga balikat niya at seryoso ng naka tingin sa'kin.

“Sigurado kaba?” tanong nito.

Tumango ako.

“Ako na lang siguro luluwas.” Tumalikod ito at inayos ang pagkaka buhat niya sa mga dala niyang gamit.

Binuhat ko rin ang mga gamit ko at sinundan siya palabas. “Tara, samahan na kita,” sambit ko.

“Huwag na.”

Natawa naman ako sa itsura niya. Hindi ito makatingin sa akin at napapalunok pa, halatang nag pipigil nang luha niya.

“Nay, alis na po kami.”

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

“Mag-ingat lagi ha? Huwag mo kaming kalimutan tawagan,” saad ni Nanay.

“Opo.”

Muli akong yumakap sa kaniya. Pinuntahan ko si Tatay at niyakap din siya.

“Magta-trabaho ako para sa'yo, Tay.”

Eto na ang paraan para makabawi ako.

Pinuntahan ko si Arthur at sumakay na kami sa tricycle.

“Baka maligaw tayo ro'n,” kabadong tanong ko.

“Ano kaba?! Sandali lang sa Maynila hindi ka maliligaw ro'n,” pagyayabang nito.

Tumigil ang tricycle sa tapat ng terminal ng mga bus.

Sumakay kami ni Arthur sa isang bus at magka tabi kaming umupo sa likuran.

“Akina, lagay ko rito gamit mo.”

Kinuha ko ang mga gamit ko at ibinigay sa kaniya, kinuha niya ito at itinaas. Umupo kami at hinintay na lang umandar ang bus.

“Ticket, boss,” sambit ng conductor ng bus.

“Wala,” si Arthur.

“Anong wala, sir?” tanong ng conductor.

“Wala akong ticket,” walang pakialam na sagot ni Arthur.

“Magbabayad ka ho sa'kin, at ako ang mag bibigay ng ticket.”

“Wala nga!”

Nagkaka-initan na sila, mukhang nawawalan na rin ng pasensya ang conductor ng bus sa mga sagot ni Arthur.

“Magbayad kana,” bulong ko sa kaniya.

Iniabot naman nito ang pera at ako na ang nagbigay no'n sa conductor at binigyan ako ng dalawang ticket.

“Mag babayad din pala, napakahirap pang kausapin,” bulong ng conductor at lumipat sa ibang pasahero.

Isinandal ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ko ang mata ko para makatulog.

“Maynila! Maynila!”

Nagising ako sa ingay at pagyugyog ni Arthur.

Minulat ko ang isang mata ko at kita kong nakababa na ang ilan sa mga pasahero.

Umayos ako ng upo at tumingin kay Arthur. “Nandito na tayo?” tanong ko.

“Oo. Tagal mo gumising, tulo laway pa.”

Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang labi ko.

“Baba na tayo,” pag-aaya ko.

Tumango ito at tumayo, kinuha ang mga gamit na nasa itaas. Bumaba na kami sa bus, habang karga ang mga gamit ko. Pinagmasdan ko ang Manila at sobrang laki at daming tao ang naro'n.

“Baka maligaw ako,” sambit ko sa katabi ko.

Tumingin naman ako kay Arthur at wala ito sa tabi ko.

“Gago na 'yon, nasaan na naman 'yon?!” mahinang bulong ko. Naglakad pa ako at nahalo ako sa maraming tao.

Naliligaw na 'ko.

Nahihilo na ako dahil sa mga taong dumaragsa rito.

Saan naman kaya napadpad yung gunggong na 'yon?

Muntik na akong matumba sa tao na nakabanggaan ko.

“Shit!”

“Sorry,” paumanhin ko.

Tumingin ako rito at nakita ko na bahagya itong ngumiti.

Mapula ang mga labi niya dahil sa lipstick, maputi siya at mahaba ang buhok na may kulay. Makapal din ang make-up nito sa kaniyang mukha at nakacontact lense.

“Ang ganda mo. Probinsyana?”

“Ah, oo.”

Nilahad naman nito ang kaniyang kamay, at nakipagkamayan naman ako.

“Thalia, taling na lang for short,” sambit nito.

“Samarah.”

“Ganda ng pangalan mo,” pagpupuri nito.

“Salamat.”

“Anong hinahanap mo, Samarah? Baka matulungan kita?” tanong nito.

“N-nawawala kase ako. Hinahanap ko ang kaibigan ko na kasama ko kanina rito, biglang nawala,” saad ko.

“Subukan natin mag patulong sa police station,” suhestiyon nito.

Tumango ako.

Sinundan ko siya kung saan siya pupunta at sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang police station.

Naglakad kami papasok doon at may kinausap naman si Thalia.

“Ah. Sige po,” rinig kong sabi ni Thalia.

Lumapit siya papunta sa'kin at ngumiti.

“Hintayin daw natin,” si Thalia.

Tumango ako at umupo sa silya.

“Bakit ka nga pala napunta sa Maynila?” kuryosong tanong nito.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Kailangan ko ng trabaho, para sa Tatay ko. Dahil nagkasakit siya—stroke.”

“May alam akong trabaho, sa trabaho ko ngayon,” aniya

Tumingin naman ako at naging interesado sa kaniyang sinabi.

“Ano?”

“Waitress ka. Pero...kailangan mong mag entertain nang mga customer,” sambit nito.

“Mahirap ba?” tanong ko.

“Hindi naman."

“Samarah!” Napatingin naman ako sa lalaking sumigaw ng pangalan ko.

“Arthur?”

Hawak siya ng mga pulis.

Naglakad ako palapit sa gawi niya, nagtataka kung bakit hawak siya ng mga pulis.

“Anong nangyari?” tanong ko.

“Boang!”

“Siraulo!” Natatawang sabi ng mga pulis.

Napatingin naman ako sa mga pulis na tumatawa.

“Eto kasing kaibigan mo, Miss. 'Yung holy water sa simbahan kapag papasok ka, sinangkapan ng Juice powder at ininom!” natatawang sambit ng isang pulis.

Bahagya naman akong natawa sa ginawa ni Arthur.

Kinausap ni Thalia ang isa sa mga pulis na naro'n at hindi ko man lang narinig ang mga pinag-uusapan nila, nakita ko lang na nag sensyasan sila at inalis ang posas ni Arthur.

“Baket mo ba kase ginawa 'yon?” naiinis na tanong ko.

“Nauuhaw ako, wala na 'kong pera!” katuwiran nito.

Hinilot ko na lang ang sentido ko sa katigasan ng ulo ni Arthur.

“Payag kaba sa trabaho na inaalok ko?” tanong ni Thalia.

Tumingin ako sa gawi niya at nag isip.

Papayag ba 'ko?

Siguro magsisimula muna ako sa maliit na trabaho, at papasok ako sa kumpanya ng agrikultura.

“Malaki ba ang sahod?” tanong ko.

“Hindi gaanong kalaki...pero kung ilalabas ka ng customer, panigurado ay malaki.”

Prostitute!?

“M-mukhang 'di maganda...” kabadong sabi ko.

“Nako! Nasa sa'yo naman 'yon kung lalabas ka ba kasama ng customer o tatanggihan mo.” Tumawa siya nang tumawa.

“Puwede ba ang mga lalaki ro'n?” tanong ko.

“Oo naman!”

Tumingin ako sa gawi ni Arthur at tumango lamang ito.

“Ipasok mo kami.”

“Sure!” ani Thalia.

Tumira kami kung nasaan si Thalia, dahil ang sabi namin ay wala kaming titirahan. Nagmagandang loob siya na sa bahay niya muna kami tumira ni Arthur pansamantala, at babayaran na lang kung mayro'n na kaming pera.

“Samarah Daevron.”

Tumayo ako at lumapit sa baklang tumawag sa'kin.

“Po?”

Tumingin ito sa'kin mag mula sa paa papunta sa mukha.

“Maganda,” puri nito.

“Ang kaso ay ganiyan ang pananamit, sis! Parang panahon ng mga lola ko,” sambit pa ng isang bakla.

Normal lang itong pananamit na 'to sa probinsya, isang palda na lagpas sa tuhod ang haba o mas mahaba pa rito at isang blouse. Desente tingnan ang ganito sa probinsya..

“Makinis at maputi, mukhang may lahi!” saad ng isang bakla.

“Ako si Reggie and ito naman si Bam,” sambit bi Reggie at tinuro ang isa pang bakla.

“May lahi ka ba?” tanong ni Bam.

“Español po,” sambit ko.

“Sosyal! Kilala ko ang apilidong Daevron, sikat na kumpanya 'yan sa mga pang arkitektura! Shalla, kamag anak mo siguro mga 'yon?” saad ni Reggie.

“Opo. Kaso hindi kami kinilala, itinakwil si Tatay.”

Mukha naman dismayado ang mga 'to sa sinabi ko.

“Osige, pasok kana,” sambit ni Bam.

Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

Umupo ako sa isang silya at hinintay si Arthur. Lumabas itong mukhang nandidiri.

“Baket?” tanong ko.

“Hinaplos-haplos ako ng mga bakla!” sambit nito na may pandidiri sa mukha.

Natawa naman ako sa kaniya.

“Iba ka talaga, pati bakla napapa-ibig sa alindog mo,” natatawang sambit ko.

“Tumigil ka nga!” suway nito sa'kin.

Binigyan kami ng mga susuotin na damit ni Arthur.

Binigay sa'kin ang isang mini skirt at isang tube. Suotin daw namin mamayang gabi, dahil tuwing gabi ang oras na may dumaragsang mga tao.

Nang mag alas siete na ay agad kaming nagtungo ni Arthur, at Thalia sa bar.

Hindi ako komportable sa suot ko dahil panay taas ng suot kong mini skirt na kulay itim at kumikintab pa. Ang mga suot kong may takong ay hindi rin ako sanay. Matangkad naman ako kaya kaunting takong lang ang isinuot ko. Nangangati rin ang mukha ko sa mga kolorete na nasa mukha ko, dahil ngayon lang ako nakapaglagay nito.

Napatakip na lang ako sa tenga dahil sa ingay ng mga musika sa loob ng Bar. Iba-iba rin ang kulay ng mga ilaw ro'n. Marami rin tao ang nagsasayawan, inuman, at ang iba ay naghahalikan na, at ang iba naman ay ginagawang tubig ang alak.

“Ladies and gentleman!”

Napatingin naman ako sa entablado ng magsalita ang isang lalaki.

“We would like to introduce our new entertainer!”

Nagsigawan naman ang mga tao at nag palakpakan.

Bigla naman tumapat sa'kin ang ilaw at mas lumakas pa ang sigawan ng mga tao.

“Shit! She's beautiful!”.

“Sexy!”

“Woah! Hottest!”

Iba't ibang mga puri naman ang narinig ko at nahiya dahil do'n.

“Woah! Go Samarah!” sambit ni Thalia.

Hinawakan naman ni Arthur ang bewang ko at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

“Kung may ipapagawa sa'yo, huwag mong gawin. Mag-ingat ka, ha?” bulong nito.

Tumango naman ako at kinabahan sa sinasabi niya.

“Lagi kitang aalalayan, basta mag-ingat ka, marami pa naman mga hayok na lalaki ang mukhang asong ulol na nag lalaway sa'yo.”

Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya at tumango. “Salamat.”

“Ms. Daevron. Can you dance?”

Tumingin ako sa entablado at nakita kong nakatingin ang host sa'kin.

“Huwag.”

Nabaling ang tingin ko kay Arthur at tumango.

“No! I can't!” sigaw ko.

“Why? Is there any problem, Ms. Daevron?”

“My...my....uhm,” hindi ko alam kung ano'ng gagawin kong excuse!

“My wife is tired!” sigaw ni Arthur para marinig ng Host.

“Ohh,” ang tanging nasabi ng Host.

“I got you,” sambit ni Arthur sa tenga ko.

“Salamat ulit,” sambit ko at ngumiti.

Napuno pa ng sigawan ang Bar, mas lalo pang dumami ang mga tao.

“Here's your order, Sir,” sambit ko at inilagay ang inorder na alak sa mesa.

“You're pretty, can i have you tonight?” tanong nito.

“No—”

“No. You can't, she's my wife.”

Naputol ang sasabihin ko ng makitang nasa likuran ko si Arthur.

“Ah, yeah,” tanging sagot ng customer at hindi na tumingin.

“Natakot,” sambit ni Arthur.

“Natakot nga. Thankyou, always,” sambit ko.

“Wala 'yon, pino-protektahan lang kita,” aniya at bumalik sa kaniyang puwesto.

Napangiti na lang ako sa mga ginawa ni Arthur.

Tunay nga na kaibigan...

Tumingin siya sa gawi ko at nag thumbs up, nag thumbs up din ako sa kaniya upang iparating na ayos ako.

Pabalik ako sa puwesto ko kasama si Thalia ng may mabunggo ako at natumba ang mga baso na hawak ko sa isang kamay na nakalagay sa tray.

“Sorry.”

“Pasensya na.”

Sabay naming sabi at pinulot ko ang nahulog na baso.

Buti hindi nabasag!

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A ONE NIGHT WITH HIM   FIVE

    Hating gabi na at dumaragsa pa rin ang mga tao rito, hindi magkamayaw si Arthur sa pag aasikaso ng mga bagong dumarating na mga costumer.Naka-upo lang ako sa upuan na nasa gilid ng stage dahil oras ng pahinga ko ngayon, minamasdan ko lang ang mga taong nasa loob ng bar. Halos sila ay mga amerikano, bilang lang ang mga nakikita kong pilipino rito dahil puro mestizo ang nakikita kong nandito ngayon.“Good Evening, everyone.”Nabaling ang tingin ko sa nag salita na nanggaling sa entablado, isang matipunong lalaki ngunit hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang sumbrero. Naka upo siya sa isang silya habang hawak ang micropono, sa tingin ko ay nais niyang umawit.“This song... I dedicate to my beloved woman, but now we seperate our ways...” Halata sa boses niya na lasing siya at malungkot.“Minsan talaga sa buhay natin may darating na isang tao,” panimula nito, kaya naman pinagmasdan ko na lamang siya.“Na mag papaniwala sa'yo na walang hanggan, isang tao na mag p

  • A ONE NIGHT WITH HIM   FOUR

    “Ma, kailangan 'yon para sa pag papagamot ni tatay.”Kanina ko pa kinukumbinsi si nanay na payagan akong lumuwas ng Manila para humanap ng pagkakakitaan.Iniuwi na namin si Tatay at binili ang mga gamot na kailangan niya, at tanging therapy na lang ang problema namin. Kailangan niya rin ng masustansiyang pagkain, para naman lumakas agad ang katawan niya.“Hindi ba delikado?” tanong ni nanay sa 'kin.Kung delikado man do'n, kaya ko naman mag-ingat, kaya ko naman ang sarili ko.“Hindi naman siguro, Nay.”Tumingin ito sa'kin at pinagmasdan ako, tila ba'y sinusuri ang pagmumukha ko.“Mag ingat ka..” mahinang sabi nito habang naluluha.Pinapayagan naba niya ako?“Anong ibig sabihin niyan...Nay? Pinapayagan mo na ba ako?” masayang tanong ko sa kaniya.Tumango ito.Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.“Huwag mong pababayaan ang sarili mo ro'n, Samarah.”“Opo, Nay.” Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko. “Tawagin ko po si Arthur, dahil sa kani

  • A ONE NIGHT WITH HIM   THREE

    Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi

  • A ONE NIGHT WITH HIM   TWO

    Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi

  • A ONE NIGHT WITH HIM   ONE

    Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na nag mula sa labas.“Samarah, gumising kana at tanghali na,” saad ng aking ina.Bumangon ako sa hinihigaan ko at dumiretso sa may bintana.Isang napaka-gandang umaga na naman ngayong araw, ang mga manok ay malalakas ang tilaok, ang mga kalabaw naman ay mukhang masiglang masigla.Ngayong araw ay mag-aani kami ng mga palay nina nanay at tatay.“Mayap a abak,” bati ko sa aking ina.“Magandang umaga rin sa'yo, anak,” tugon ni mama habang nag luluto.Ang aming bahay ay gawa sa kahoy, at kami'y naka tira sa San Isidro—probinsya ng Pampanga.Dumiretso ako sa palikuran at nag simula ng mag sipilyo at mag hilamos ng mukha.Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin at nag punas ng mukha gamit ang tuwalya.Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang buhok kong kulay kayumanggi na abot hanggang sa aking pwetan.“Napaka-gandang dilag naman,” dinig kong puri ng aking Ama.Napatingin ako sa gawi nito at bahagyang nahiya sa kaniyang pag pupuri.Pumasok siya

  • A ONE NIGHT WITH HIM   PROLOGUE

    Lumakas nang lumakas ang sigawan ng mga tao, nahihilo ako sa mga iba't ibang kulay na nakikita ko... Ngunit nakuha ko pang gumiling at itinaas ko ang mga kamay ko, at nagsimulang igiling ang aking katawan na animo'y sumasabay sa indayong ng kanta.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang sumayaw nang malaswa. Hindi ko na makontrol ang aking katawan dahil sa kalasingan.May naramdaman akong biglang humaplos sa aking baywang, ramdam na ramdam ko ang bawat haplos niya. Tinugunan ko ang mga kilos niya kaya naman niyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya upang makasayaw rin ako nang maayos. Nanatili naman na nakapikit ang aking mata at hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nasisilayan ang mukha ng lalakeng kasayaw ko.Nagulat ako nang bigla niya akong siniil nang mapupusok na halik. Ngayon ko lamang naramdaman itong klaseng sensasyon na ito, dahil ito ang unang halik ko.Ginawaran ko rin siya ng halik, sumabay ako sa galaw ng kaniyang mga mapupulang labi. Ang dila niya ay tila uhaw sa isang

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status