ログインHating gabi na at dumaragsa pa rin ang mga tao rito, hindi magkamayaw si Arthur sa pag aasikaso ng mga bagong dumarating na mga costumer.
Naka-upo lang ako sa upuan na nasa gilid ng stage dahil oras ng pahinga ko ngayon, minamasdan ko lang ang mga taong nasa loob ng bar. Halos sila ay mga amerikano, bilang lang ang mga nakikita kong pilipino rito dahil puro mestizo ang nakikita kong nandito ngayon. “Good Evening, everyone.” Nabaling ang tingin ko sa nag salita na nanggaling sa entablado, isang matipunong lalaki ngunit hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang sumbrero. Naka upo siya sa isang silya habang hawak ang micropono, sa tingin ko ay nais niyang umawit. “This song... I dedicate to my beloved woman, but now we seperate our ways...” Halata sa boses niya na lasing siya at malungkot. “Minsan talaga sa buhay natin may darating na isang tao,” panimula nito, kaya naman pinagmasdan ko na lamang siya. “Na mag papaniwala sa'yo na walang hanggan, isang tao na mag paparamdam sa'yo na kailan man hinding-hindi ka mag iisa.” Huminga siya ng malalim at tumingala. “Isang tao na sasabihan ka na ikaw lang wala ng iba, papangakuan ka ng hindi ka iiwanan... Pero, siya yung unang nang iwan,” natatawa't napapailing na sambit nito. “Kung meron man akong natutunan sa pag-ibig ito 'yon, minsan kung sino pa 'yong taong binuo mo iyon din pala 'yong taong wawasak sa'yo.” Humugot siya ng malalim na hininga bago ito kumanta. “Yakapin mo ako..” Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga sinabi niya, nasasaktan o nalulungkot. Wala akong alam sa pag ibig, dahil ni minsan hindi pa ako umibig ng lalaki... Pero bakit nararamdaman ko 'yong sakit na nararamdaman niya? Dahil ba sa naiintindihan ko siya? O may iba pa bang rason? “Sino 'yan? Mukhang ang lungkot lungkot niya.” Natigil ako sa pag iisip ng biglang may tumabi sa 'kin, kaya naman tumingin ako sa kaniya. Natawa ako ng bahagya bago sumagot sa kaniya. “Baka may pinagdaraanan lang yung tao.” “Sadboi ng naspi!” sigaw ni Arthur sa lalaking nasa entablado. Hinigit ko ang kamay ni Arthur at pinaupo siya sa tabi ko. “Kung ano-ano'ng kalokohan talaga nasa utak mo, baka mapahamak pa tayo rito. T'yaka anong sadboi ng naspi sinasabi mo?” takang tanong ko at pinagsiklop ang mga daliri ko at umupong pang de kwatro. Humagalpak siya sa tawa at umakbay sa 'kin. “Binibiro ko lang naman. Meaning ng sadboi ng naspi ay ‘sadboi ng pinas’ 'diba? Ang ganda pakinggan,” pahayag nito. Tumingin ako sa kaniya ng masama bago ako muling nag salita. “Sensitibo lagay ng mga broken hearted, baka makita na lang kitang naka bulagta bigla riyan at hindi na humihinga pa,” napapailing na sabi ko. “Grabe ka naman sa'kin! Gustong gusto mo na talaga akong mamatay!” Tumayo ito at padabog na umalis. “Tangina neto, bobo mo talaga!” malakas na sigaw ko sa kaniya. “Bahala ka, Samarah! Napaka sama mong tao!” sigaw nito pabalik sa'kin. Umayos na lang ako ng upo at ipinagtiklop ko ang mga kamay ko, muli na lang akong tumingin sa entablado at wala na 'yong lalaking kumakanta kanina. “Anong nangyari kay Arthur?” tanong ng isang pamilyar na boses. Umupo ito sa tabi ko at inalok ako ng isang baso ng alak ngunit umiling lang ako bilang pahiwatig na inaayawan ko ang alok niyang alak sa 'kin. “Ewan ko ba ro'n. Sinasabi ko lang na baka bigla siyang sugurin ng lalaki kanina sa may stage, bigla na lang siyang nag dabog,” natatawang sambit ko at napahalakhak din si Thalia sa sinabi ko. “Engot talaga no'n.” Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “Sinabi mo pa, isip bata rin 'yan. Kaya nga walang nagiging nobya, baka kase walang mag tagal sa kakulitan at kasungitan niyan.” “You guys are great couple,” naka ngiting sabi ni Thalia kaya nasamid ako sa sarili kong laway. “Susmaryosep, ni minsan hindi sumagi sa isip ko 'yon! Nako! Bata pa lang kami mag kaibigan na kami, hanggang doon lang iyon hindi na hihigit pa. T'yaka kadiri ka, hindi ko magugustuhan 'yon,” nandidiring sabi ko. “Ba't ang defensive mo naman? Sinabi ko lang na great couple kayo, pero hindi ko sinabing jowain mo,” naka ngising sabi ni Thalia. Napakagat ako ng pang ibabang labi. “Gano'n na rin 'yon, 'no.” “Nagka boyfriend kana ba?” Ngumuso ako. “Hmm, hindi pa. Hindi ko alam ang salitang pagmamahal na iyan, wala sa vocabulary ko ang love,” natatawang sabi ko. “Masasaktan ka lang, I'll just wait for the right man. 'Yung tipong hindi ako kayang pakawalan, at yung tipong mauulol siya sa'kin at tangang-tanga na siya sa buhay niya dahil sa kabaliwan sa'kin,” naka ngising sambit ko at nilagok ang alak na kaninang inaalok ni Thalia. “Oh? Akala ko ba ayaw mong uminom?” “Hindi ko sinabi 'yon! Umiling lang ako, but it doesn't mean na ayaw ko ng uminom!” natatawang sabi ko. Dumagsa pa ang maraming tao, at patuloy lang kaming umiinom ni Thalia rito. Nag kwentuhan kami ng kung ano-ano, nakaramdam naman ako ng pagkahilo dahil sa alak na ininom ko. Mas lalo akong nahilo dahil sa mga kumpulan na tao. “Ano ba 'yan! Nahihilo na 'ko!” malakas na sigaw ko. “Ano kaba?! Hindi pa natin nakakalahati lasing kana?” takang tanong ni Thalia. “Mahina alkowol t-towerans ko.” “Tanginang alcohol tolerance 'yan, parang pinainom ng alak yung langgam,” tumatawang sambit ni Thalia. Nag salin siyang muli ng alak at muli ko naman tinungga ang nasa baso, mas lalo akong nahilo at umiikot na ang paningin ko. “Aba! Para akong naka sakay sa wower kowster,” pumapalakpak na sambit ko at hindi na makapag salita ng maayos. “Anong wower kowster?” natatawang ani ni Thalia. “Yung broooooom! broooom!” sambit ko na may halo pang aksyon. Humagalpak sa tawa si Thalia, samantalang ako naman ay hilong-hilo at pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko. Tumayo ako upang mag punta sa restroom ngunit napa-upo ako dahil sa sobrang hilo ko sa alak. Naramdaman ko naman na may isang mainit na palad ang humawak sa bewang ko kaya nanindig ang nga balahibo ko. “Bakit ka uminom?” galit na sambit nito. “Nawala lang ako saglit, kung ano-ano na pinag-gagawa mo sa buhay.” “Tarantado, s-sino kaba?” mayabang na tanong ko kahit na hindi ko matanaw ang mukha niya dahil nanlalabo ang tingin ko dahil sa alak. May lumapit naman sa 'kin at inalalayan ako. “Si Arthur 'yan, Samarah.” “Anong nangyari rito?” takang singit na tanong ni Arthur. “Ah! Oh, Mc Arthur.” Tumingin ako sa mga mata nito at sumaludo sa kaniya. “I shall return!” “Pinilit uminom, kaya ayan nalasing na,” sagot sa kaniya ni Thalia. Naramdaman ko naman na parang bumabaliktad ang sikmura ko at hilong-hilo na 'ko kaya naman mabilis akong tumakbo patungong restroom upang mag duwal. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay sinikap kong makarating sa restroom. Sa sobrang bilis ko tumakbo ay may nasagi akong isang lalaking may dalang isang baso ng alak, dahil sa pagkasagi ko ay nahulog ang hinahawakan niyang alak. “What the fuck!” malakas na sigaw nito, tila parang nawala ang alcohol na ininom ko sa sigaw niya. “P-pasensya na, nag mamadali kase ako,” paumanhin ko sa kaniya habang naka luhod. “Pasensya na, bili ka na lang ulet ng alak. May singkwenta ako rito p'wede na sa red horse.” Kinuha ko ang singkwenta sa bulsa ko at binigay sa kaniya. “Are you fuckin' insane? Who the hell are you?!” may bahid na inis sa kaniyang pag sigaw, inalis niya ang kamay kong nakapalupot sa kaniyang mga binti. Ramdam na ramdam ko na ang pagbaliktad ng sikmura ko kaya naman hindi ko na mapigilan, kasabay ng pag tayo niya sa'kin ay lumabas sa bibig ko ang lahat ng kinain at alak na ininom ko kanina kaya nakaramdam ako ng ka-unting ginhawa. “What the f— Oh shit!” sigaw nito sa'kin at inilayo ako sa kaniya. Napa-upo naman ako sa sahig at pinikit ang mga mata ko. “S-sarap.” Pinunasan ko ang labi ko at napakagat labi na lang ako. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita kong naka bukaka ang bibig ng lalaking nasa harapan ko ngunit hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. “Shit,” mahinang bulong nito ngunit sapat lang para marinig ko. Tumingin ito sa'kin at umayos siya ng tayo. “Kanina kapa, ah? Kaninang nag ka-bungguan tayo, hanggang ngayon. You're not blind, pero daig mo pa yung bulag sa asta mong 'yan,” kalmado ngunit may bahid na inis na sambit nito. Natawa ako ng bahagya. “Hindi ko naman sinasadya. At isa pa, kung 'di ka rin tatang-tanga edi sana nakita mo akong papunta? Oh, 'diba? Asta ka rin na parang bulag, 'di porket nalasing ako wala na akong alam. Tandaan mo 'to, kamumuihan kita hanggang sa mamatay ako.” Tumayo ako at inayos ang damit ko, kinuha ko ang singkwenta na nahulog sa sahig at iniabot sa kaniya. “Oh, bili ka ng red horse o san mig light. Kung anong gusto mo sa dalawa, afford mo na 'yon. Pakalasing ka sadboi ng naspi,” naka ngising sambit ko dahil naalala kong siya ang lalaking nasa entablado kanina. Pinagpagan ko ang damit ko at inayos ang buhok kong buhaghag bago ako bumalik sa puwesto ko kanina, ramdam ko pa rin ang pagkahilo ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ito. “Hindi pa man ako nakakarating sa banyo, naisuka ko na ang laman ng tiyan ko,” bulong ko sa sarili ko at natawa ng bahagya dahil maraming tao sa banyo at paniguradong hindi ako makasisingit sa loob. “Saan ka galing?” salubong na tanong sa'kin ng dalawa, hindi pa man ako nakaka-upo sa couch. “Diyan lang sa tabi-tabi, nag suka,” sagot ko at padabog na umupo sa couch. “Ayos ka lang?” tanong sa 'kin ni Arthur. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng sarkastiko. “Mukha ba 'kong ayos?” “Kaya nga nag tatanong 'diba? Malay ko bang hindi ka ayos,” inis na sagot nito. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at kinuha ang isang baso at nag salin ng alak, pinuno ko ang baso at tinungga iyon. Na papikit ako sa pait ng alak na ito. “Inom inom pa, akala mo talaga malakas sa inuman, eh,” bulong ni Arthur. “May sinabi ba 'kong malakas ako uminom? Hindi ba p'wedeng gusto ko kang, ha?” inis na sagot ko sa kaniya. Bigla naman pumagitna si Thalia at nagpa balik-balik ang tingin sa'min ni Arthur. “Hep! Hep! Tama na 'yan, lagi na lang kayong nag babangayan. Eto si Samarah, iba ata epekto ng alak sa kaniya, sumisiga. Eto naman si Arthur hindi pa naman uminom parang ang lakas na mag hamon ng away.” “Ewan ko ba sa engot na 'yan,” bulong ko ngunit narinig pa rin ni Arthur. “Engot ka rin, tanga,” sambit nito at padabog na umalis. “Kita mo, Thalia? Sino'ng engot sa'min ngayon?” tanong ko kay Thalia. “Well, bukod sa immature kayong pareho minsan. Hmm, pareho rin kayong engot,” naka ngiting sambit ni Thalia ngunit alam kong sarkastiko ang pagkakasabi niya ro'n. Nag salin akong muli ng alak sa baso ko at kinuha ang isang lemon. “Aminado ako.” Tumayo si Thalia at pinagpagan ang damit. “Tawagin ko lang si Arthur, may gagawin tayo.” Nag madali siyang umalis at hinanap si Arthur. Nag palinga-linga naman ako at may dalawang pares ng mga mata ang nahagip ko. Nagkatitigan kami at napangisi naman ako ng makitang ang lalaking naka-banggaan ko kanina iyon, naka-upo siya sa isang silya at bahagyang iniikot ikot ang kaniyang baso. Tinaas ko ang mga kamay ko at iniwagayway iyon, bigla naman siyang umiwas ng tingin na ikinahalakhak ko. Pansin ko rin na iba na ang suot niyang damit ngayon. Ilang saglit lang ay bumalik na si Thalia at hawak sa damit si Arthur at pilit itong hini-hila papunta rito sa puwesto ko. “Anong nangyari sa'yo?” takang tanong ko kay Arthur. “Aba? Nag tanong kapa, ikaw 'tong nambu-bwisit sa'kin,” asar na sagot nito sa'kin. Umupo ito sa harap ko at mabilis na nilagok ang bote ng alak na para bang isa lang itong tubig sa kaniya. Napanganga naman ako sa ginawa niya, parang walang epekto iyon sa kaniya. “Tunganga ka diyan? 'Di mo kaya 'yon, mahina ka kase,” mayabang na sambit nito bago bitawan ang bote sa lamesang nasa harapan namin. “Mayabang kang talaga,” mahinang bulong ko. “Hep! Mag babangayan na naman kayo? Ba't 'di na lang kaya kayo mag suntukan, 'diba?” singit na sabi ni Thalia. Kinuha ni Thalia ang bote na inilapag ni Arthur at sinilip kung wala na bang laman 'yon. “Ganito na lang, mag laro na lang tayo. Hmm, Truth or Dare. Game ba kayo?” sambit ni Thalia. Hindi pa man kami sumang-ayon ay pinaikot na ni Thalia ang bote at sa unang beses na pag-ikot nito ay tumama ito sa'kin. “Truth or Dare?” naka ngising tanong ni Thalia. “Truth,” matapang na sagot ko. “Tell me about your first kiss,” sambit ni Thalia. “Anong sasabihin ko? Eh, 'di pa ako nahahalikan,” naka ngising sambit ko at ipinaikot ang bote at sa ikalawang pagkakataon ay tumama iyon kay Arthur. “Truth or Dare?” tanong sa kaniya ni Thalia. “Dare,” tipid na sambit nito na para bang nauumay sa ginagawa namin. “Kasasabi pa lang ni Samarah na wala pa siyang first kiss, hmm I dare you to kiss her,” sambit ni Thalia. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon at nanigas ako sa kinau-upuan ko sa mga narinig ko. Bigla naman tumayo sa Arthur at lumapit sa'kin, hinawakan niya ang batok ko at pilit hinahapit papunta sa kaniya. Napatingin naman ako sa kaniyang mapulang labi at nai-ilang dahil sobrang lapit na ng mukha namin, nararamdaman ko rin ang kaniyang hininga. Dahan-dahan pang lumapit si Arthur at hinalikan ako ng banayad, hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil nagmistulang bato ako sa ngayon dahil naninigas ako sa kinauupuan ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na sumasang-ayon sa mga halik ni Arthur, naka pikit ang mga mata, hindi ko alam kung epekto ba ito ng alak. “Live p**n,” biglang sambit ni Thalia na ikinaputol ng paghahalikan namin ni Arthur. Nilayo ko na ang mukha ko kay Arthur at umayos ng upo, nakaramdam ako ng kahihiyan sa kaniya at ramdam kong namumula na ang mukha ko. Kaya naman tinungga ko ang isang baso ng alak at hindi man lang naramdaman ang kapaitan ng alak. Napasulyap ako kay Arthur na diretso lang ang tingin sa'kin, mabilis ko naman iniwas ang mga titig ko at inabala ko na lamang ang sarili ko. Buong mag damag ay hindi kami nag pansinan ni Arthur at nakikinig lang ako sa mga kwento ni Thalia sa 'kin. Naramdaman ko na naman muli ang pagka-hilo kaya naman tumayo ako para sana umuwi na sa bahay ni Thalia, ngunit muli akong napa-upo dahil hindi na kaya ng katawan ko. May biglang humapit naman sa bewang ko at binuhat ako na pang bridal style, dahil hindi na kinaya ng katawan ko ay hinayaan ko na lamang na buhatin ako nito at pinalupot ang mga kamay ko sa kaniyang batok at ipinikit ang mga mata ko at hindi na alam ang mga sumunod na nangyari.Hating gabi na at dumaragsa pa rin ang mga tao rito, hindi magkamayaw si Arthur sa pag aasikaso ng mga bagong dumarating na mga costumer.Naka-upo lang ako sa upuan na nasa gilid ng stage dahil oras ng pahinga ko ngayon, minamasdan ko lang ang mga taong nasa loob ng bar. Halos sila ay mga amerikano, bilang lang ang mga nakikita kong pilipino rito dahil puro mestizo ang nakikita kong nandito ngayon.“Good Evening, everyone.”Nabaling ang tingin ko sa nag salita na nanggaling sa entablado, isang matipunong lalaki ngunit hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang sumbrero. Naka upo siya sa isang silya habang hawak ang micropono, sa tingin ko ay nais niyang umawit.“This song... I dedicate to my beloved woman, but now we seperate our ways...” Halata sa boses niya na lasing siya at malungkot.“Minsan talaga sa buhay natin may darating na isang tao,” panimula nito, kaya naman pinagmasdan ko na lamang siya.“Na mag papaniwala sa'yo na walang hanggan, isang tao na mag p
“Ma, kailangan 'yon para sa pag papagamot ni tatay.”Kanina ko pa kinukumbinsi si nanay na payagan akong lumuwas ng Manila para humanap ng pagkakakitaan.Iniuwi na namin si Tatay at binili ang mga gamot na kailangan niya, at tanging therapy na lang ang problema namin. Kailangan niya rin ng masustansiyang pagkain, para naman lumakas agad ang katawan niya.“Hindi ba delikado?” tanong ni nanay sa 'kin.Kung delikado man do'n, kaya ko naman mag-ingat, kaya ko naman ang sarili ko.“Hindi naman siguro, Nay.”Tumingin ito sa'kin at pinagmasdan ako, tila ba'y sinusuri ang pagmumukha ko.“Mag ingat ka..” mahinang sabi nito habang naluluha.Pinapayagan naba niya ako?“Anong ibig sabihin niyan...Nay? Pinapayagan mo na ba ako?” masayang tanong ko sa kaniya.Tumango ito.Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.“Huwag mong pababayaan ang sarili mo ro'n, Samarah.”“Opo, Nay.” Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko. “Tawagin ko po si Arthur, dahil sa kani
Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi
Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi
Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na nag mula sa labas.“Samarah, gumising kana at tanghali na,” saad ng aking ina.Bumangon ako sa hinihigaan ko at dumiretso sa may bintana.Isang napaka-gandang umaga na naman ngayong araw, ang mga manok ay malalakas ang tilaok, ang mga kalabaw naman ay mukhang masiglang masigla.Ngayong araw ay mag-aani kami ng mga palay nina nanay at tatay.“Mayap a abak,” bati ko sa aking ina.“Magandang umaga rin sa'yo, anak,” tugon ni mama habang nag luluto.Ang aming bahay ay gawa sa kahoy, at kami'y naka tira sa San Isidro—probinsya ng Pampanga.Dumiretso ako sa palikuran at nag simula ng mag sipilyo at mag hilamos ng mukha.Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin at nag punas ng mukha gamit ang tuwalya.Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang buhok kong kulay kayumanggi na abot hanggang sa aking pwetan.“Napaka-gandang dilag naman,” dinig kong puri ng aking Ama.Napatingin ako sa gawi nito at bahagyang nahiya sa kaniyang pag pupuri.Pumasok siya
Lumakas nang lumakas ang sigawan ng mga tao, nahihilo ako sa mga iba't ibang kulay na nakikita ko... Ngunit nakuha ko pang gumiling at itinaas ko ang mga kamay ko, at nagsimulang igiling ang aking katawan na animo'y sumasabay sa indayong ng kanta.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang sumayaw nang malaswa. Hindi ko na makontrol ang aking katawan dahil sa kalasingan.May naramdaman akong biglang humaplos sa aking baywang, ramdam na ramdam ko ang bawat haplos niya. Tinugunan ko ang mga kilos niya kaya naman niyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya upang makasayaw rin ako nang maayos. Nanatili naman na nakapikit ang aking mata at hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nasisilayan ang mukha ng lalakeng kasayaw ko.Nagulat ako nang bigla niya akong siniil nang mapupusok na halik. Ngayon ko lamang naramdaman itong klaseng sensasyon na ito, dahil ito ang unang halik ko.Ginawaran ko rin siya ng halik, sumabay ako sa galaw ng kaniyang mga mapupulang labi. Ang dila niya ay tila uhaw sa isang







