共有

THREE

作者: deadofwrites
last update 最終更新日: 2026-01-12 14:27:35

Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.

Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.

Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.

“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.

“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”

“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.

“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.

“Aling Emillia!” Natigil kami sa pagkukuwentuhan ni nanay dahil may biglang tumawag sa kaniya.

Tumayo si Nanay at pinuntahan si Arthur na pagod na pagod katatakbo.“Oh, Arthur? Baket?” takang tanong ni nanay kay Arthur.

“Si M-mang Alejandro, bigla na lang nahimatay sa may palayan,” hingal na ani Arthur.

Napabalikwas naman ako sa pagkaka-upo at agad na nag lakad patungo sa sinasabi ni Arthur.

Ramdam ko naman ang pagsunod ni nanay at Arthur sa likuran ko.bNakita ko naman na buhat-buhat ni Mang Caloy at Mang Lando si Tatay, kaya mabilis akong tumakbo.

“Anong nangyari?” Nagaalalang tanong ko rito at pinagmasdan ang lagay ng aking Ama.

“Biglang nahimatay ang tatay mo, at hindi makagalaw. Sa tingin ko ay na stroke siya, kaya dalhin na agad natin siya sa pinakamalapit na pagamutan,” saad ni Mang Caloy.

Tumango naman ako at sumunod sa kanila. Isinakay sa isang Tricycle si Tatay at sumakay naman ako upang masamahan ko ito.Tinitigan ko naman si tatay na naninigas na ang kanang kamay nito at ang labi ay halos hindi na pantay ito.

“Tay?” Pagtatawag ko rito.

Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko, habang nakikita ang kalagayan ng aking Ama “Mang lando, paki bilisan!” sigaw ko rito.

“Oo, ineng. Malapit na tayo,” rinig kong sagot niya.

Hinawakan ko ang kamay ni tatay at pumikit ako at nagsimulang manalangin.

“Lord Jesus, thank you that you love us. I know that you hate what this illness is doing to my Father. I ask, in the name of Jesus, that you will heal this disease that you would have compassion and bring healing from sickness. In Jesus' name, Amen,” pagdarasal ko, kasabay nang paghinto ng tricycle.

“Nandito na tayo,” ani Mang Lando. Dali-dali siyang bumaba sa tricycle at kumuha ng isang kama at dahan-dahan na ibinaba at inihiga si tatay ro'n.

“Doc! Nurse!” pagtatawag ko sa kanila.

Dali-dali naman lumapit sa'min ang isang nurse at doktor. “What happened?” tanong ng doktor. Sinuri niya ito gamit ang stethoscope, at sinusuri ang kalagayan nito. “Pakipasok siya sa isang kwarto,” utos ng doktor sa isang nurse.

Itinulak ng Nurse ang hinihigaan ni tatay papunta sa isang silid na may takip na kurtina. Papasok pa sana ako ng hinarang ako ng isang Nurse na lalaki.

“Hintayin niyo na lang po rito, Miss. Maaari kayong maupo sa upuan na narito,” sambit ng nurse at itinuro ang mga upuan. Wala akong nagawa at umupo na lamang do'n.

“Anak! Samarah!” rinig kong tawag ni nanay.

Napatingin naman ako sa gawi niya kung saan nanggaling ang boses ni nanay.

Tumatakbo ito papunta sa'kin habang may pag-aaalala sa kaniyang mukha, inaalalayan si ni Arthur habang tumatakbo ito. Hingal na hingal na lumapit sa'kin si Ina.

“Nasaan ang tatay mo?” tanong nito. Itinuro ko ang silid na nakatakip ng makapal na kurtina. “Ayos ka lang ba?” tanong muli nito.

Ngumiti ako at yumakap sa kaniya, “Ayos lang po, nay,” sagot ko sa kaniya.

Kailangan kong maging maayos, dahil hindi lang ako ang naapektuhan sa sitwasyon na 'to.

Umupo kami ni nanay sa upuan na nandito at hinintay kung ano man ang ginagawa sa loob ng silid na 'yon.

“Miryenda po muna,” anyaya ni Arthur. May inaalok itong tinapay at tubig, tinanggap ko naman ang inaalok niya at sinimulan kainin 'yon. Tumabi siya sa'kin at tinapik ang aking balikat, tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Inalok ko siya ng tinapay na nakagat ko na.

“Kadiri, may laway mo ng mabaho 'yan tapos ipapakain mo sa'kin? Bastos ka talaga, Samarah,” mahinang sabi ni Arthur na may pandidiri pa sa kaniyang mukha.

“Napakaarte mo, Arthur,” tugon ko sa kaniya at piningot ang kaniyang tenga.

“A-aray,” reklamo nito at hinawakan ang kaniyang tenga.

“Where is the patient's family?” tanong ng Doctor.

Naptayo naman ako sa pagkakaupo at lumapit sa doktor, sumunod naman sina nanay sa'kin.

“Kamusta po si tatay?” nagaalalang tanong ko.

“Your dad had a stroke,” ani ng doctors.

Napatulala na lang ako sa sahig dahil sa sinabi ng doktor. Marami-raming gastusin na naman ito.

“We gave him an IV injection of recombinant tissue plasminogen activator (tPA) — also called alteplase (Activase) — is the gold standard treatment for ischemic stroke,” ani ng doktor.

“Ano raw iyon, Samarah?” bulong na tanong sa'kin ni Nanay.

“Ma'am, ang stroke po ay isang mabilisang pagkawala ng paggana o tungkulin ng utak dahil sa pagkakaroon ng hadlang sa daloy ng dugo papunta sa utak. Maaaring sanhi ito ng ischemia o kawalan ng dugo na dulot ng thrombosis o embolism o kaya dahil sa hemorrhage,” pagpapaliwanag ng doctor kay nanay.

“Anong mangyayari sa asawa ko, Dok?“ Nag aalalang tanong ni Nanay sa doktor.

“Ipapaliwanag ko po, bilang resulta, hindi makagawa ng tungkulin ang apektadong bahagi ng utak, sa kaso ng asawa niyo misis, ang kanan bahaging katawan niya ang hindi niya maigalaw, humahantong sa hemiplehiya o kawalan ng kakayahang maigalaw ang sariling isa o marami pang mga bisig, paa, kamay, hita at iba pa ng katawan sa isang gilid, kawalan ng kakayahang umunawa o makalikha ng binabanggit na salita, o kawalan ng kakayahang makakita sa isang gilid ng saklaw ng paningin na tinatawag na homonimong hemianopsiya. Dating tinatawag ang stroke bilang aksidenteng serebrobaskular. Isang uri emerhensiyang medikal ang stroke na maaaring makapagdulot ng permanenteng pinsalang neurolohikal, mga kumplikasyon, at kamatayan,” pag papaliwanag pa ng doktor.

Hinawakan ni Nanay ang aking kamay, ramdam ko ang panlalamig ng kamay ni Nanay.

“Maaari po ba namin makita si Tatay?” Tanong ko.

“Sige po, bukas po ay maaari niyo na ho isama ang pasyente pauwi sa inyo,” sambit ng doktor.

Pumasok na kami sa silid kung nasaan si Tatay at kitang kita namin ang pang hihina nito.

Taimtim itong natutulog, hinahawakan ko ang kaniyang kamay at napa iyak na lang.

Masaya lang kanina eh..

Bakit biglang nagka ganito?

Mas lalo kaming mahihirapan, wala kaming pang tustos para sa mga kailangan gamot ni papa, at mga therapy niya.

“Kailangan ko talagang lumuwas ng Maynila,” mahinang sambit ko.

Lumabas ako ng silid na 'yon at nag lakad papunta sa labas.

Napa iyak na lang ako dahil sapat lang ang pera namin para sa kakainin namin araw-araw, minsan ay sa mga tanim kong gulay sa likod ng bahay ang kinakain namin araw-araw.

Kung babali naman kami sa mga taong kakilala namin ay paniguradong hindi rin kami nito pag bibigyan.

Ang mga pamilya naman ni Tatay ay hindi na kami kinikilala.

Umupo ako sa patag na bato ro'n, at napa hawak na lang ako sa ulo ko dahil sa ngayon ay 'di namin kakayanin ang mga gamot at therapy ni Tatay.

Iniyuko ko ang aking ulo sa may tuhod at 'di namalayan na napaiyak na ako dahil sa ganitong sitwasyon.

“Hindi lahat ng may problema ay dapat payuhan, yung iba e' kailangan na talagang batukan para matauhan sa kagagahan,” sambit ni Arthur at binatukan ako.

“Ano ba naman 'yan, Arthur,” inis na sambit ko sa kaniya.

“Para ka naman kaseng bata sa ginagawa mo, parang kapag 'di sinali sa laro duduko ng ganiyan tapos kunwari ay iiyak para isali lang sa laro,” sambit nito.

“Eh ba't parang galit ka?” Tanong ko rito.

Tumabi ito sa akin at pabiro akong sinabunutan.

“Naiinis ako sa'yo...Imbis na maging matatag ka para sa Nanay mo, eh mag da-drama ka diyan? Para kang siraulo, gago,” naiinis niyang sambit.

Kumuha siya ng mga maliliit na bato at pinag lalaruan ito at binabato ito sa malayo.

“Bakit kung kailan masaya ka eh biglang may darating na problema?” Tanong ko rito.

“Lahat ng saya, may ka-akibat na problema at pag durusa. Lahat naman nabibigyan ng pag subok, kaya dapat manatili kang matatag,” sambit nito sa'kin.

Nanahimik kaming pareho at walang umimik sa'min.

“Hindi mo mararanasan ang tunay na ligaya, kung hindi ka makakaranas ng konting problema,” saad ni Arthur.

“Biglaan naman yung kay Tatay,” sambit ko kay Arthur at pinunasan ko ang mga luha ko.

“Paano ba ang gusto mo, Samarah? Ganito ba?” Tanong nito at tumayo siya.

Pinagmasdan ko naman ito kung ano ang gagawin niya.

“Oh, Samarah. Mamaya ay magkaka stroke ako,” pangagaya ni Arthur kay Tatay.

Kumuha ako ng bato at ibinato ko sa kaniya.

Tumawa siya ng tumawa dahil sa kalokohan na naman na umiral sa kaniyan utak.

“Siraulo ka talaga,” sambit ko sa kaniya.

“Hahaha. Sakit no'n, mag kaka-bukol ata ako,” sambit nito habang hinihimas ang kaniyang noo.

Umupo ito sa tabi ko at humupa na ang kaniyang pag tawa.

“Gusto ko sanang lumuwas sa Maynila,” saad ko.

“Kailan mo balak? At para saan?” Tanong nito.

“Wala akong pera para sa biyahe papunta sa Maynila,” pag aamin ko.

“Nako! Ako meron,” sambit nito.

Tumingin naman ako sa kaniya, “Luluwas ka?” Tanong ko kay Arthur.

“Oo, sabay na tayo,” sambit nito.

“Kulit, wala nga akong pera pang luwas,” sambit ko at pinitik ang kaniyang tenga.

“Ipapahiram kita, at kapag meron kana t'yaka mo na bayaran. May ipon ako, hindi ko pa nagagalaw,” sambit nito.

“Talaga?” Natutuwang tanong ko sa kaniya.

“Ay hindi, sige,” pamimilosopo niya sa'kin.

“Sabi mo 'yan ha, mag papaalam na lang ako kay Nanay...para maka-tulong ako sa gastusin ni Tatay sa pag papagaling niya, mga gamot at therapy,” saad ko.

“Tawagan mo 'ko, kung kailan mo balak lumuwas,” sambit ni Arthur.

“Anak? Samarah?” Rinig kong pag tatawag ni Nanay.

Tumayo ako mula sa pag kaka-upo at tumingin ako sa entrace kung nasaan si Nanay.

“Nay!” Pag tatawag ko rito at iwinagayway ang aking kamay.

Nag lakad kami ni Arthur papunta sa gawi ni Nanay.

“Baket po?” Tanong ko.

“Saan kaba nag punta? Kanina pa kita hinahanap,” wika nito.

“Diyan lang, Nay,” turo ko sa inuupuan namin kanina. “Kasama ko si Arthur, nag kuwentuhan lang po kami,” dugtong ko.

“Gising na ang Tatay mo,” sambit ni Nanay.

“Puntahan natin,” sambit ni Arthur at tumango naman ako.

Nag lakad kami papunta sa silid ni Tatay.

Habang nag lalakad kami ay 'di na tumigil sa kaka sipol si Arthur sa mga nurse na nakikita niya.

“Mag tigil ka nga,” saway ko sa kaniya.

“Ganda eh,” naka ngising katuwiran niya.

Nang makarating na kami sa silid kung nasaan si Tatay ay agad akong pumasok at umupo ako sa tabi ni Tatay.

Hindi maigalaw ni Tatay ang kaniyang katawan, ang kaniyang labi ay hindi na pantay, at sa kisame lamang siya naka tingin.

“Tay...” mahinang pag tawag ko sa kaniya.

Tuluyan na naman bumagsak ang mga luha sa mga mata ko, ramdam ko ang pag bagsak ng mga likido sa aking mata papunta sa pisngi ko.

“Pagaling ka...” mahinang usal ko dahil hindi na ako makapag salita sa pag iyak ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Tatay at idinikit sa aking pisngi.

Naramdaman ko naman na hinaplos ni Nanay ang aking likod.

“Huwag ka ng umiyak, Anak. Magiging maayos din ang lahat, magiging maayos din ang Tatay mo,” saad ni Nanay.

Tumango ako at umayos ng upo, pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.

Magiging maayos din ang lahat.

Lumabas ako sa silid at tumabi kay Arthur na hanggang ngayon ay sumisipol sa mga babaeng napapadaan sa kaniyang harap, at mga nurse.

“Bastos,” mahinang bulong ko.

“Iwww,” sambit niya nang dumaan ako sa harapan niya.

Agad ko naman siyang sinabunutan at tuwang-tuwa naman siya dahil naasar niya na naman ako.

“Bwisit ka talaga, Arthur,” inis na sambit ko.

“Mukha ka kasing tanga, tignan mo naman itsura mo,” panlalait niya sa'kin.

Hindi ko siya sinagot at sumandal ako sa isang dingding na katabi niya.

“Alam mo Samarah, haha mag tataka na lang talaga ako kapag may napatol sa'yo,” panlalait niyang muli.

“Talaga ba?” Inis na tanong ko sa kaniya. “Kaya pala halos lahat ng kalalakihan eh nililigawan ako?” Dagdag ko.

Tumahimik naman ito sa sinabi ko.

“Huh. Akala mo ah?” Naka ngising sambit ko.

“Oo na,” sambit nito at nanahimik na.

Tumingin ako kay Arthur nang maalala ko ang tungkol sa pag punta sa Maynila. “Kailan mo balak lumuwas?” Tanong ko.

“Hindi ko nga alam, sasabay nga ako sa'yo kung kailan mo balak,” tugon nito.

Kapag nakarating na ako sa syudad ng Maynila, hahanap ako agad ng trabaho na p'wedeng pagkakitaan kahit maliit muna ang sahod para maipadala ko kay Nanay, para sa gamot at therapy na kailangan ni Tatay.

Umupo ako sa silya at naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya tumingin ako sa gawi nito.

“P'wede na raw isama pa-uwi ang Tatay mo bukas,” sambit ni Nanay.

“Sige po,” tugon ko sa kaniya.

“Marami-rami ang gamot na ka-kailanganin ng Tatay mo, Samarah. Kaya ba ng puhunan natin 'yon?” Nag aalalang tanong ni Nanay.

“Hindi ko alam, Nay. Gagawa ako ng paraan,” sambit ko at isinandal ko ang likod ko sa dingding at tumingala ako habang naka pikit.

Kakayanin ko kahit mahirap.

Kailangan ko talagang humanap ng mas magandang trabaho sa Maynila, para makatulong ako sa pamilya ko.

Ang problema hindi 'yan ibibigay sa'yo kung hindi mo kaya. At hindi naman 'yan darating para pahirapan ka. Dumarating 'yan para matuto at maging matatag ka.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A ONE NIGHT WITH HIM   FIVE

    Hating gabi na at dumaragsa pa rin ang mga tao rito, hindi magkamayaw si Arthur sa pag aasikaso ng mga bagong dumarating na mga costumer.Naka-upo lang ako sa upuan na nasa gilid ng stage dahil oras ng pahinga ko ngayon, minamasdan ko lang ang mga taong nasa loob ng bar. Halos sila ay mga amerikano, bilang lang ang mga nakikita kong pilipino rito dahil puro mestizo ang nakikita kong nandito ngayon.“Good Evening, everyone.”Nabaling ang tingin ko sa nag salita na nanggaling sa entablado, isang matipunong lalaki ngunit hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha dahil sa suot niyang sumbrero. Naka upo siya sa isang silya habang hawak ang micropono, sa tingin ko ay nais niyang umawit.“This song... I dedicate to my beloved woman, but now we seperate our ways...” Halata sa boses niya na lasing siya at malungkot.“Minsan talaga sa buhay natin may darating na isang tao,” panimula nito, kaya naman pinagmasdan ko na lamang siya.“Na mag papaniwala sa'yo na walang hanggan, isang tao na mag p

  • A ONE NIGHT WITH HIM   FOUR

    “Ma, kailangan 'yon para sa pag papagamot ni tatay.”Kanina ko pa kinukumbinsi si nanay na payagan akong lumuwas ng Manila para humanap ng pagkakakitaan.Iniuwi na namin si Tatay at binili ang mga gamot na kailangan niya, at tanging therapy na lang ang problema namin. Kailangan niya rin ng masustansiyang pagkain, para naman lumakas agad ang katawan niya.“Hindi ba delikado?” tanong ni nanay sa 'kin.Kung delikado man do'n, kaya ko naman mag-ingat, kaya ko naman ang sarili ko.“Hindi naman siguro, Nay.”Tumingin ito sa'kin at pinagmasdan ako, tila ba'y sinusuri ang pagmumukha ko.“Mag ingat ka..” mahinang sabi nito habang naluluha.Pinapayagan naba niya ako?“Anong ibig sabihin niyan...Nay? Pinapayagan mo na ba ako?” masayang tanong ko sa kaniya.Tumango ito.Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.“Huwag mong pababayaan ang sarili mo ro'n, Samarah.”“Opo, Nay.” Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko. “Tawagin ko po si Arthur, dahil sa kani

  • A ONE NIGHT WITH HIM   THREE

    Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi

  • A ONE NIGHT WITH HIM   TWO

    Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi

  • A ONE NIGHT WITH HIM   ONE

    Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa ingay na nag mula sa labas.“Samarah, gumising kana at tanghali na,” saad ng aking ina.Bumangon ako sa hinihigaan ko at dumiretso sa may bintana.Isang napaka-gandang umaga na naman ngayong araw, ang mga manok ay malalakas ang tilaok, ang mga kalabaw naman ay mukhang masiglang masigla.Ngayong araw ay mag-aani kami ng mga palay nina nanay at tatay.“Mayap a abak,” bati ko sa aking ina.“Magandang umaga rin sa'yo, anak,” tugon ni mama habang nag luluto.Ang aming bahay ay gawa sa kahoy, at kami'y naka tira sa San Isidro—probinsya ng Pampanga.Dumiretso ako sa palikuran at nag simula ng mag sipilyo at mag hilamos ng mukha.Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin at nag punas ng mukha gamit ang tuwalya.Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang buhok kong kulay kayumanggi na abot hanggang sa aking pwetan.“Napaka-gandang dilag naman,” dinig kong puri ng aking Ama.Napatingin ako sa gawi nito at bahagyang nahiya sa kaniyang pag pupuri.Pumasok siya

  • A ONE NIGHT WITH HIM   PROLOGUE

    Lumakas nang lumakas ang sigawan ng mga tao, nahihilo ako sa mga iba't ibang kulay na nakikita ko... Ngunit nakuha ko pang gumiling at itinaas ko ang mga kamay ko, at nagsimulang igiling ang aking katawan na animo'y sumasabay sa indayong ng kanta.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang sumayaw nang malaswa. Hindi ko na makontrol ang aking katawan dahil sa kalasingan.May naramdaman akong biglang humaplos sa aking baywang, ramdam na ramdam ko ang bawat haplos niya. Tinugunan ko ang mga kilos niya kaya naman niyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya upang makasayaw rin ako nang maayos. Nanatili naman na nakapikit ang aking mata at hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nasisilayan ang mukha ng lalakeng kasayaw ko.Nagulat ako nang bigla niya akong siniil nang mapupusok na halik. Ngayon ko lamang naramdaman itong klaseng sensasyon na ito, dahil ito ang unang halik ko.Ginawaran ko rin siya ng halik, sumabay ako sa galaw ng kaniyang mga mapupulang labi. Ang dila niya ay tila uhaw sa isang

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status