A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE CHAPTER 4 EUNICE; Nagising ako na masakit ang buong katawan ko lalo na sa pagitan ng mga binti ko pero kailangan ko bumangon dahil baka maabutan akong gising ng kasama ko wala pagsisi na binigay ko ang sarili ko sa kanya dahil ginusto ko naman pero hindi pwede magtagal pa ako dito sa kwarto niya ,dali dali kong dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at maingat na nagtungo sa banyo para magbihis kahit masakit at iika-ika ako maglakad ay sinubukan ko talaga ihakbang ang mga paa ko at tiniis ang sakit, nang matagumpay na nakapasok ng banyo nagmadali na ako magbihis . Matapos ko magbihis lumabas na ako buti naman ay mahimbing ang tulog nito kaya paniguradong hindi ako nito mahuhuli na patakas sa silid niya,walang ingay na binuksan ko ang pinto ng silid niya bago ko pa masara ay napatingin pa ako sa gwapong mukha niya mahimbing ito natutulog hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa kaisipan na iiwan ko siya ng ganun ganun lang kaya huminga ako ng malalim at napagpasyahan na isarado na ang pinto ,buti nalang ay wala ibang tao ako nadatnan sa ibaba kaya malaya ako nakalabas ng bahay niya ,swerte ko dahil paglabas ko sa may gate ay saktong may taxi na dumaan ng ganitong oras pinara ko ito huminto naman ang taxi kaya binuksan ko ang pinto ng taxi para pumasok,napatingin pa ako sa bahay niya bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan at tahimik na naupo. “Maam san po tayo?” tanong ng driver . “Sa J.S.D !” sambit ko. “Ah sa Condominiums po ni Sir JACKSON maam?” Tanong ng driver . “Opo kuya !” Tugon ko kilala ang unit na tinitirhan ko ngayon ,kaya hindi na ako nagtataka kung marami ang nakakakilala sa kaibigan ko . Pinikit ko ang aking mga mata habang minamasahe ang aking sintido,pero hindi ko alam bakit sa pagpikit ko mukha ni Cian ang nakikita ko ,bigla ako napadilat at napaayos ng upo ng maisip ang mainit niyang mga halik. “Sh*t !” Mura ko at nagpupumaypay gamit ang kamay ko . “Maam ok lang po kayo?” Usisa ng driver na mapansin na parang naiinitan ako. “O-k lang po ako kuya!” “Para po kasing naiinitan kayo? Malakas naman po ang aircon ng sasakyan ko kaya po nagtataka ako bakit naiinitan kayo?” Usisa nito. “Naku manong malapit na po ba tayo?” Pag iiba ko alam ko naman malapit na pero gumawa lang ako ng ibang alibay para naman hindi na ako mapuna ni manong . “Opo Maam narito na po tayo!” Anunsyo nito at maingat na hininto ang sasajyan sa harapan ng entrance ng building ng J.S.D. “Salamat po kuya!” Sabi ko sabay abot ng bayad. Pagbaba ko nagtungo na agad ako papasok sa loob binati pa ako ni manong George na guard nitong building. “Good morning maam! Inumaga tayo ngayon ah?” Sabi nito ,alam ko naman nagtataka ito kasi di naman ako nauwi ng ganitong madaling araw. “Opo nagkasiyahan po sa labas!” Sabi ko . “Ok po maam kanina papo kasi kayo tinatanong ni Sir Jackson kung umuwi na kayo!” Balita ni Manong George. “Ok po Manong ,sige po akyat na rin po ako!” Sabi ko at nagtungo na sa unit ko. Nang marating ko ang aking silid agad ako pumasok at nagtungo sa kwarto ,kasi dama ko parin ang pananakit ng katawan ko at sa pagitan ng binti ko, hanggang sa muli ako nakatulog dala ng pagod . Nabulabog nalang ako sa ingay ng tugtog kaya naman bumangon ako para lumabas ng silid ko ,hindi ako nagkakamali kung sino ang maingay na nanggugulo dito sa unit ko habang naglalakad ako papuntang pinto naririnig ko pa ang kantang pinakikinggan nito. ???????? alam kong hindi tama pero walang magagawa baguhin man ang tadhana sa ‘ting dalawa limutin ka nga ay hindi ko kaya at hindi ko magawa giliw ko , mahal ko pakingan mo. ang tibok ng puso ko ay pangalan mo kahit di na tayo sana’y maalala mo, kahit di na tayo sana’y pakingan mo, ang awiting kong ito na para lang sayo, at saking pagtulog, ang panaginip ko’y ikaw. pati saking pag gising , ikaw ang sinisigaw. at kung tayo’y magbalik, ayaw ko ng bumitaw, yayakapin ka ,at muling isasayaw. pagkat ikaw ang gustong makasama buong araw. ?????????? Paglabas ko ng kwarto doon ko napakinggan ng maayos ang kanta na talagang nagpainit ng ulo ko . ???????? kahit di na tayo sana’y maalala mo, kahit di na tayo sana’y pakingan mo, ang awiting kong ito na para lang sayo kahit di na tayo sana’y maalala mo, kahit di na tayo sana’y pakingan mo, ang awiting kong ito na para lang sayo ???????? “Jackson Delmundo!”sigaw ko sa ingay ng unit ko ,nabwiset pa ako sa tugtug nito na di ko mawari san nalaman na tila gandang ganda pa sa tugtog at masaya pang nakikinig ang loko. “Yes Baby?” Masayang sabi nito ,lumapit ako sa speaker ko na pinakielaman pa ng mokong na ito at madiin na pinindot ang off botton at muling binalingan ng masamang tingin si Jackson. “Bweset ka sino nagsabing pumasok ka rito? Hindi porket pag mamay ari mo ito pwede kana pumasok sa mga silid na gusto mo pasukan !” Gigil na asik ko . “Elona Eunice saan ka galing? Uwi ba ng babaeng matino iyan?” Parang magulang na sabi nito,tinaasan ko ito ng kilay dahil imbis na sagutin ang katanungan ko ay binalik sakin ay katanungan din. . “Need ko paba magpaliwanag?” “Yes!” “Barangay kaba?” “Hindi !” “So ano reason para magpaliwanag at sa susunod na mambubulabog ka sa unit ko pasasabugin ko talaga unit mo!” Banta ko na kinatawa lang nito. “Gera ba gusto mo Baby? Then pagbibigyan kita!” Seryosong sabi nito at naupo sa sofa habang ang mga matang mapanuri na nakatingin sakin. “What?” Sita ko . “San Gera ka nagpunta? “ Sabi nito na kina kunot ng noo ko . “Gera?” Bulalas ko . “Nevermind oh siya halika na sa kusina mo pinagluto na kita alam ko namang pagod ka sa Gera!” Muling sabi nito na may ngisi sa labi . Hindi na ako nagprotesta dahil gutom narin ako at buti nga may nagluto sakin ,malaki din pasasalamat ko rito dahil maalalahanin at maalaga itong mokong na kaibigan namin BIANg kahit ang sakit niya sa ulo. “Kumain ka ng marami mukhang ginutom ka eh!” Sabi nito na kinasama na talaga ng tingin ko . “Hindi kaba kakain?” Na tanong ko nalang kahit gusto ko na talaga siya bulyawan pero dahil pinagluto niya ako palalampasin ko inis ko sa kanya ngayon lang naman bukas hindi na. “Sa labas na ako kakain!” Sabi nito na kinatango ko. “Ok!” “O siya aalis na ako magpahinga ka lang diyan,saka nga pala napag paalam na kita kay Dexter kung bakit hindi ka makakapasok kaya malaya kang makakapagpahinga buong maghapon!”.sabi nito bago tuluyang iwan ako sa kusina.A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 35*****HULING YUGTO*******“F-eliciano B-uenaventura!” Sigaw ko ng maramdaman ko na ang sakit sa buong tiyan at balakang ko,nagkukumahog naman na lumapit sa akin si Cian.“W-hat happen Love?” Natataranta naman tanong nito.“Yung Bag!? Manganganak na yata ako aaahh!” Sigaw ko kaya naman natatarantang umakyat sa taas si Cian para kunin ang mga gamit namin ni Baby .“C-ian ano ba bakit ang tagal mo?” Inis na turan ko dahil ang tagal kumilos ni Cian.“Hey what happen?” Si Jackson na biglang dumating.“Manganganak na ako!” Sigaw ko .“D*mn where's your Husband?” Usisa nito.“Nasa Taas kinukuha ang gamit!” “Bastard!” Sabi ni Jackson at inalalayan na ako palabas ng bahay pasakay na ako sa saksakyan ni Jackson sakto naman labas din ni Cian at hawak ang gamit namin ni Baby.“Bilisan mo at manganganak na ang asawa mo!” Sigaw ni Jackson kay Cian na bakas ang pagkataranta at pamumutla nito.Mabibilis ang kilos na binuhay ni Jackson ang makina
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 34*********Wedding Day**********Song: In Love With YouBy;shania Yan🎶🎶🎶🎶🎶Just a gentle whisper, tell me that you'd goneLeaving only memories, where did we go wrong?I couldn't find the words then, so let me say them nowI'm still in love with you.🎶🎶🎶🎶🎶🎶Tell me that you love me, tell me that you careTell me that you need me, and I'll be thereI'll be there waiting…🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶Hindi mahupa ang luhang tuloy na lumalandas sa mga mata ko ,sa dami ng pagsubok na pinagdaanan namin heto ako naglalakad papunta sa taong mahal ko habang suot suot ang pangarap kong wedding Gown at naghihintay sa altar ang taong gusto ko makasama habang buhay ang taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal ang taong paulit ulit ko patatawarin sa tuwing magkakamali siya at ang taong nag iisa lang na pag aalayan ko ng aking pagmamahal.🎶🎶🎶🎶🎶I will always love you, I will always stay trueThere's no one who loves you like I doCome
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 33Eunice;Malaki ang pagbabago sa aming buhay mula ang kaganapan na iyon sa aming pagitan ni Ate ,hindi na muli pa nanggulo si Ate Elyze saamin hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya kayang patawarin pero di naman ibig sabihin nun ay tuluyan kona sinarado ang puso ko sa pagpapatawad sa kanya.Syempre kahit masama ang loob ko sa ate ko hindi ko parin hinayaan na palakihin niya ng solo si Devon dahil deserve niya rin may makasama magpalaki rito sa pamangkin kong si Devon at hindi mo maipagkakaila na habang nalaki si Devon nagiging kamukha nito ang Ama,halos madurog din ang puso ko sa tagpo nila mag ama nung una natakot ako baka itakwil o hindi tanggapin ang pamangkin kong si Devon ng Ama niya pero nagkamali ako dahil grabe ang pangungulila ang nakita ko sa mag ama ni Ate.Napagpasyahan din ng Ama ni Devon na iuwi na sila mag ina at masaya ako para sa ate ko hindi man nagsimula ang pagsasama nila sa pag iibigan alam kong si Devon an
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 32Eunice;Maaga ako gumising para magprepare ng almusal namin habang tulog na tulog pa ang mag ama ko sa silid namin natulog si Gael,dito talaga nagsumiksik ang Anak namin si Gael sa kanyang Ama nais daw niya makatabi ang amang si Cian at ayun na nga sobra napagod sa harutan nila kagabi at pareho na pagod at tulog parin.Nagluto ako ng paboritong adobong manok ni Gael gustong gusto niya kapag pinatuyo sa toyo ,at syempre nagprepare ako ng kapeng paborito namin dalawa ni Cian ang kapeng barako.Malapit na ako matapos sa pagluluto ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko at humalik sa leeg ko.“Goodmorning sa maganda kong Asawa!” Bati nito .“Goodmorning rin sa gwapo kong asawa!”balik bati ko na kinatahimik nito.“Hey what's wrong?” Usisa ko ng hindi na ito umimik.“D*mn Love!” mura nito .“Why?” “Nag iinit mukha ko sa sinabi mo !” Pag amin nito na kinatawa ko .“Really may i see Love?” Sabi ko pero umiling lang ito at nakayukyok pa
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 31Eunice;Saktong pagbaba ko siyang dating ni Dom,hindi ko na pinababa pa nang sasakyan ito dahil gusto ko narin talaga makalayo riito matapos ang kaganapan saming dalawa ni Cian,sa sobrang taranta ko hindi ko narin nagawa magpaalam kay Gael.Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko na namalayan ang daan na tinahak namin ni Dom at laking taka ko bakit naririto kame sa lugar kung saan ko sinagot si Dom noong nanliligaw pa lamang siya..“Ano ginagawa natin dito Dom?” Tanging usal ko ng dalhin ako nito sa lugar kung saan ko siya unang sinagot.Hindi ito umimik bumaba lang ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto,nilahad ni Dom ang kamay para alalayan ako kahit may pagtataka ay tinanggap ko parin ang kamay niya.“Hindi ko malilimutan ang araw na napa oo kita!” Sabi nito kaya napatingin ako kay Dom na seryosong nakatingin sa malayo,hindi ako umimik .“Kaso mukha dito rin sa lugar na ito magtatapos ang lahat!” Dagdag pa nito.“D-om?” Tanging
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 30Eunice;****Pag ang Tadhana na ang gumawa ng paraan talo ka talaga********“Let's Talk?” Sabi nito na kinatigil ko,hindi ako lumingon o kumibo dahil hindi ko alam ano ba dapat ko sabihin .“Please Love?” Pagmamakaawa nito,pero di parin ako kumibo at nais na lamang sana iwasan siya ng bigla ako nito niyakap mula sa likuran ko ,naramdaman ko ang bahagyang pamamasa ng damit ko at mahina nitong paghikbi.Parang tinusok ang puso ko sa natutunghayan kong Mahinang Cian,hindi ko alam na ibababa niya ang pride niya para lang makausap ako.“P-lease L-ove kausapin mo naman ako,K-asi gulong gulo na ako !?” Hikbing sabi nito ,bumuga ako ng hangin para palakasin ang loob ko at binaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko , hinarap ko ito kahit nahihirapan narin ako sa mga kaganapan namin tatlo.Sinapo ko ang mukha ni Cian tumingin naman ito sa akin at hinakawan din ang kamay ko habang paulit ulit na nakikiusap.“Please Love? Please