A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE CHAPTER 5 EUNICE; Maaga ako gumayak para sa pagpasok ko sa opisina need ko na kasi pumasok at ang boss ko ay nagiging halimaw na sa galit at baka tambak narin ang gawain ko,habang nakatingin ako sa salamin bigla kong napansin ang suot kong sing sing hindi ko malaman pero bigla akong napangiti ng maalala ang gabing iyon kung saan nakipaglaro ako ng kasal kasalan na para kaming mga batang naglalaro lang,pero ng biglang sumagi sa isip ko ang mainit naming tagpuan ng gabi ring iyon bigla ako nahimasmasan . “Sh*t bakit ba ganito pakiramdam ko bakit sa tuwing sasagi sa isip ko iyong mga nangyari samin bigla nalang nag iinit ang katawan ko? Ano Eunice landi lang? Hinahanap ? Gosh erase! Erase! Erase! Hindi pwede maging tanga ah di kapa ba nadala?” Saway ko sa aking sarili . Pinakalma ko ang aking sarili bago tuluyang umalis na ,paniguradong umuusok na ang ilong ng Boss ko mahirap na baka tuluyan na ako isuplong nito . ********** Nagmamadali na nagtungo ako sa elevator ng Makita ko pasarado na ito ,para akong tanga na nagmamadaling tumakbo buti nalang napansin ako ni Maylene ,hingal na pumasok ako sa loob talagang nakakapagod ikaw ba naman tumakbo na akala mo hinahabol ng Aso,buti nalang ay si Maylene lang ang nasa loob nito.. “Nyare?”si Maylene “S-alamat girl!” Hingal na sabi ko. “Grabe ano ba nangyayari sayo?kahapon di ka pumasok tapos ngayon naman para kang hinahabol ng aso? Nagdadrugs kaba naku girl tigilan mo yan masama yan ganyan nangyari sa japit bahay namin ayun naglalakad ng nakahubo babae pa naman din?” Walang prenong sabi nito kaya umayos ako ng tayo . “Hala sya grabe mang husga walang preno ? Di ba pwede pagod lang kahapon kaya hindi nakapasok? Tapos na traffic lang kaya nalate pumasok?drugs talaga anteh! Wagas naman sa adik?” sabi ko na kinatawa nito. “Eto naman di mabiro ! Bakit ang init ng ulo natin ngayon?ganyan ba talaga ang walang dilig?” Nasamid ako sa sinabi nito kaya naman ,ngumisi ito at tumingin sakin. “What?” Sita ko . “Oh? Defensive agad wala pa nga ako sinsabi galit yarn?” Biro pa nito. “Di wow!” Sabi ko at hinawi ang hibla ng buhok na nagpunta sa mukha ko. “Wow Wedding ring?” Usisa ni Maylene ng makita ang Singsing na hindi ko parin pala nahuhubad kanina. “A-h eto?b-inigay ng friend ko! Oo binigay ng friend ko !” Natatarantang sabi na kinangiti lang ni Maylene. “Ah kaibigan mukhang especial at mamahalin ah!”makahulugang sabi nito,na kinatawa ko. “Especial? mamahalin? Naku Maylene nabili lang to sa Tiangge yung tig 50 pesos galing no? Pati ikaw na daya!” Sabi ko. “Seryoso? Patingin nga!” Sabi nito at hinablot nalang bigla ang kamay ko. “Aray ah !” Sabi ko kasi nasaktan din ako sa biglang paghablot nito. “Sorry naman hubarin mo nga patingin ako?”sabi nito syempre ako naman itong hinubad at inabot sa kanya hinayaan ko nalang siya na suriin ang singsing ayaw maniwala na mura lang . Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman nagmadali na ako lumabas at iniwan si Maylene hindi ko na nagawang magpaalam dahil mukha busy naman ito sa pagsesearch. Pasalampak na naupo ako sa upuan ko sinilip kopa kung nasa opisina na niya ang boss kong busangot,laking pasasalamat ko na sarado pa ito at mukhang may dinaanan pa. Malamang sa alamang katakot takot na seremonya ang aabutin ko mamaya dahil sa pagliban ko kahapon ,ilan beses na kasi ako absent at madalas natetyempuhan na maraming tambak na gawain ,at kahapon nabalitaan ko daming dapat asikasuhin at pirmahan kaya ang Boss ko ayun inumaga ng uwi na talaga patay ako ngayon,dinatnan ako ng antok dahil sa aga ko nagising kaya naman habang wala pa si Boss ay yumukyok muna ako sa table ko at naidlip. “ELONA EUNICE! “ napabalikwas ako ng tayo ,dahil doon parang binibiyak ang ulo ko sa sakit at kamuntikan pang matumba dahil sa biglaang pagtayo ,umangat ako ng tingin . “Nakakahiya ka sa Client ko ! Alam mo bang nakauwi na lahat tulog ka parin !? Ano nalang sasabihin na sarap buhay ng Secretary ko patulog tulog sa oras ng trabaho,mukhang bitin pa ang bakasyon mo pwede kana umuwi!” Galit na asik nito. “Grabe naman diba pwede namahinga lang,saka umidlip lang ako boss! bakasyon agad? May bayad ba ang pagliban ko boss? “ Pilosopong sagot ko. “Really na idlip? 3hours kang tulog nadaanan kapa ng Client ko hanggang palabas?”sabi nito kaya napasilip ako sa orasan at talagang 3 hours nga ako nakatulog. “Sus parang yun lang ,masyado naman ito,saka mo na ako pagalitan pag yang client mo hindi natutulog sa opisina niya ng oras ng trabaho!” Sabi ko nalang na kinahimas ng sintido niya . “Maaga ako tatanda sayo Eunice! Hindi basta Client lang yun !” Sabi pa nito. “Matanda ka na naman talaga ano tingin mo bumabata?” bulong ko sa aking sarili na mukhang narinig ata nito. “Anong sabi mo?” “A-no ah eh,sabi ko hindi na mauulit Boss!” “Tsk Next week babalik iyon dito kailangan kita kaya huwag kang aabsent o matutulog! Kailangan natin makuha siya para mag invest dito sa atin !” “Ako? Bakit ako?” “Sino ba secretary ko?” “Ako!” “So alam mona kung bakit kaya huwag ka nang madaming reklamo !” Sabi nito at umalis na sa harap ko at muling bumalik sa opisina niya. Pabalya na umupo ako sa upuan ko “shutaness ang sakit ng ulo ko bakit ba kasi nanggugulat pa siya ?” pagkausap ko sa aking sarili. Maya maya lang ay bumaba na muna ako para bumili sa cafeteria kailangan ko idaan sa kape baka di ako makapagpigil gerahin ko boss ko sa opisina niya dahil siya may kasalanan bakit napakasakit ng ulo ko,pagkakuha ko ng order kong Coffee talagang binili ko yung matapang BARAKO para naman mawala sakit ng ulo ko,umupo ako sa pang dalawahang chair ng marinig ko ang pag uusap ng dalawang Staff sa malapit sa kinauupuan ko . “Ui Girl nakita mo yung kasama ni Sir.Dexter ?” Sabi ng babaeng parang pinaputukan ang nguso sa pula ng lipstick. “Ah oo yung gwapo at hot grabe girl makalaglag panty!” Kinikilig na sabi ng babaeng putpot ang bangs. “Tsk buti may panty kapa ngayon!” Kastigo ko sa aking isipan. “Kaso girl balita ko sa isang Staff dito Taken na,!” Ramdam ko ang panghihinayang ni redlips.. “Sus asawa nga naagaw Jowa pa kaya!?” Proud na sabi ni Bangs na halata ang pagiging mang aagaw . “Sabagay ! Balita ko babalik yun dito pagkakataon mona Girl!”si Redlips. “Talaga ?” Kinikilig na sabi ni Bangs. “Sus nanaginip na naman itong dalawang mahaderang ito! Asa naman ipagpalit kayo sa asawa nun o jowa ? Kayo na nagsabi gwapo at Hot sa tingin niyo papatol sa inyo? Sabagay pwede naman kung idadaan sa gayuma!” Natatawang kastigo ko sa aking isipan. Bahagya pa ako nagulat ng tumingin ang dalawa sa akin na para bang naririnig ang sinasabi ng Isipan ko,may lahi atang mangkukulam itong dalawa,kaya bago pa sakin mabaling ang usapan ng dalawa ay tumayo na ako para sa taas ko nalang ito iinumin baka mawalan pa ako ng gana sa mga pagpapatansya ng dalawang feelingerang ito.A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 35*****HULING YUGTO*******“F-eliciano B-uenaventura!” Sigaw ko ng maramdaman ko na ang sakit sa buong tiyan at balakang ko,nagkukumahog naman na lumapit sa akin si Cian.“W-hat happen Love?” Natataranta naman tanong nito.“Yung Bag!? Manganganak na yata ako aaahh!” Sigaw ko kaya naman natatarantang umakyat sa taas si Cian para kunin ang mga gamit namin ni Baby .“C-ian ano ba bakit ang tagal mo?” Inis na turan ko dahil ang tagal kumilos ni Cian.“Hey what happen?” Si Jackson na biglang dumating.“Manganganak na ako!” Sigaw ko .“D*mn where's your Husband?” Usisa nito.“Nasa Taas kinukuha ang gamit!” “Bastard!” Sabi ni Jackson at inalalayan na ako palabas ng bahay pasakay na ako sa saksakyan ni Jackson sakto naman labas din ni Cian at hawak ang gamit namin ni Baby.“Bilisan mo at manganganak na ang asawa mo!” Sigaw ni Jackson kay Cian na bakas ang pagkataranta at pamumutla nito.Mabibilis ang kilos na binuhay ni Jackson ang makina
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 34*********Wedding Day**********Song: In Love With YouBy;shania Yan🎶🎶🎶🎶🎶Just a gentle whisper, tell me that you'd goneLeaving only memories, where did we go wrong?I couldn't find the words then, so let me say them nowI'm still in love with you.🎶🎶🎶🎶🎶🎶Tell me that you love me, tell me that you careTell me that you need me, and I'll be thereI'll be there waiting…🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶Hindi mahupa ang luhang tuloy na lumalandas sa mga mata ko ,sa dami ng pagsubok na pinagdaanan namin heto ako naglalakad papunta sa taong mahal ko habang suot suot ang pangarap kong wedding Gown at naghihintay sa altar ang taong gusto ko makasama habang buhay ang taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal ang taong paulit ulit ko patatawarin sa tuwing magkakamali siya at ang taong nag iisa lang na pag aalayan ko ng aking pagmamahal.🎶🎶🎶🎶🎶I will always love you, I will always stay trueThere's no one who loves you like I doCome
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 33Eunice;Malaki ang pagbabago sa aming buhay mula ang kaganapan na iyon sa aming pagitan ni Ate ,hindi na muli pa nanggulo si Ate Elyze saamin hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya kayang patawarin pero di naman ibig sabihin nun ay tuluyan kona sinarado ang puso ko sa pagpapatawad sa kanya.Syempre kahit masama ang loob ko sa ate ko hindi ko parin hinayaan na palakihin niya ng solo si Devon dahil deserve niya rin may makasama magpalaki rito sa pamangkin kong si Devon at hindi mo maipagkakaila na habang nalaki si Devon nagiging kamukha nito ang Ama,halos madurog din ang puso ko sa tagpo nila mag ama nung una natakot ako baka itakwil o hindi tanggapin ang pamangkin kong si Devon ng Ama niya pero nagkamali ako dahil grabe ang pangungulila ang nakita ko sa mag ama ni Ate.Napagpasyahan din ng Ama ni Devon na iuwi na sila mag ina at masaya ako para sa ate ko hindi man nagsimula ang pagsasama nila sa pag iibigan alam kong si Devon an
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 32Eunice;Maaga ako gumising para magprepare ng almusal namin habang tulog na tulog pa ang mag ama ko sa silid namin natulog si Gael,dito talaga nagsumiksik ang Anak namin si Gael sa kanyang Ama nais daw niya makatabi ang amang si Cian at ayun na nga sobra napagod sa harutan nila kagabi at pareho na pagod at tulog parin.Nagluto ako ng paboritong adobong manok ni Gael gustong gusto niya kapag pinatuyo sa toyo ,at syempre nagprepare ako ng kapeng paborito namin dalawa ni Cian ang kapeng barako.Malapit na ako matapos sa pagluluto ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko at humalik sa leeg ko.“Goodmorning sa maganda kong Asawa!” Bati nito .“Goodmorning rin sa gwapo kong asawa!”balik bati ko na kinatahimik nito.“Hey what's wrong?” Usisa ko ng hindi na ito umimik.“D*mn Love!” mura nito .“Why?” “Nag iinit mukha ko sa sinabi mo !” Pag amin nito na kinatawa ko .“Really may i see Love?” Sabi ko pero umiling lang ito at nakayukyok pa
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 31Eunice;Saktong pagbaba ko siyang dating ni Dom,hindi ko na pinababa pa nang sasakyan ito dahil gusto ko narin talaga makalayo riito matapos ang kaganapan saming dalawa ni Cian,sa sobrang taranta ko hindi ko narin nagawa magpaalam kay Gael.Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko na namalayan ang daan na tinahak namin ni Dom at laking taka ko bakit naririto kame sa lugar kung saan ko sinagot si Dom noong nanliligaw pa lamang siya..“Ano ginagawa natin dito Dom?” Tanging usal ko ng dalhin ako nito sa lugar kung saan ko siya unang sinagot.Hindi ito umimik bumaba lang ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto,nilahad ni Dom ang kamay para alalayan ako kahit may pagtataka ay tinanggap ko parin ang kamay niya.“Hindi ko malilimutan ang araw na napa oo kita!” Sabi nito kaya napatingin ako kay Dom na seryosong nakatingin sa malayo,hindi ako umimik .“Kaso mukha dito rin sa lugar na ito magtatapos ang lahat!” Dagdag pa nito.“D-om?” Tanging
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 30Eunice;****Pag ang Tadhana na ang gumawa ng paraan talo ka talaga********“Let's Talk?” Sabi nito na kinatigil ko,hindi ako lumingon o kumibo dahil hindi ko alam ano ba dapat ko sabihin .“Please Love?” Pagmamakaawa nito,pero di parin ako kumibo at nais na lamang sana iwasan siya ng bigla ako nito niyakap mula sa likuran ko ,naramdaman ko ang bahagyang pamamasa ng damit ko at mahina nitong paghikbi.Parang tinusok ang puso ko sa natutunghayan kong Mahinang Cian,hindi ko alam na ibababa niya ang pride niya para lang makausap ako.“P-lease L-ove kausapin mo naman ako,K-asi gulong gulo na ako !?” Hikbing sabi nito ,bumuga ako ng hangin para palakasin ang loob ko at binaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko , hinarap ko ito kahit nahihirapan narin ako sa mga kaganapan namin tatlo.Sinapo ko ang mukha ni Cian tumingin naman ito sa akin at hinakawan din ang kamay ko habang paulit ulit na nakikiusap.“Please Love? Please