Share

Chapter 1: Sunday Morales

Nakatayo si Sunday sa tapat ng bintana ng kanilang maliit na apartment sa New York. Tumatawag ang nakababatang kapatid niyang si Sebastian.

Kinakabahan s'ya dahil siguradong tapos na ang operasyon ng inay nila kaya ito tumatawag.

--"Kamusta ka na ate?" bungad sa kaniya ng kapatid.

"Okay lang naman ako. E ikaw at si inay? Kamusta kayo? Kamusta ang operasyon niya?" Tinatambol sa kaba ang dibdib niya.

-- "Tapos na ang operation niya, hinihintay na lang namin s'yang magising. Makakauwi ka na dito ate. I miss you na."

Nakahinga s'ya ng maluwag, napakagandang balita no'n.

"I miss you too and inay. Mag-iingat kayo d'yan. Alagaan niyo s'ya huh? Nasaan pala si bunso?"

-- "Kasama s'ya ni tatay. Umuwi muna sila kasi may school pa s'ya bukas. Ako muna ang magbabantay kay inay."

Napatungo s'ya. Miss na miss na niya ang mga ito ngubit kailangan niya pa ring mag-stay. Sigurado s'yang malaki pa ang utang ng itay niya na ipinangdagdag sa operasyon ng inay niya sa puso.

-- "Uwi ka na ate dito huh? Sigurado akong namimiss ka na rin ni inay."

Malungkot s'yang ngumiti. Sana nga ay totoo na lang ang sinabi ng kapatid.

Kahit kailan ay hindi niya naging kasundo ang ina. Mainit ang ulo nito sa kaniya dahil hindi naman s'ya nito tunay na anak. Anak s'ya ng tatay niya sa ibang babae.

-- "Sige na ate, bye na po."

Pinunasan niya ang takas na luha sa kaniyang pisngi nang matapos na ang tawag.

Noon pa lang ay may komplikasyon na sa puso ang inay nila pero ngayon lang nabigyan ng chance na maoperahan. Pilit s'yang nag-abroad para sa mas malaking kita. At nakilala niya si Shaina dito sa New York. Filipino rin ito kaya tinulungan s'ya nitong maghanap ng trabaho.

Kailangang-kailangan niya ng pera ng mga oras na 'yon kaya kahit ang pagiging waitress sa isang magulong bar ay pinatos na niya habang naghahanap ng ibang trabaho.

Waitress siya sa isang restaurant sa araw tapos sa gabi ay sa bar. Nakaipon naman s'ya agad ng pera pampadala sa kanila sa Pilipinas.

"Still awake?" Lumabas si Shaina mula sa banyo. Magkasama kasi sila sa iisang apartment.

"Past one na, may trabaho ka pa bukas na umaga."

"Oo nga eh. Pero ayos lang, seven pa naman ang pasok ko." Umupo s'ya sa kama katapat ng kay Shaina.

"So kamusta ang opersayon ng inay mo?"

"Successful. Hinihintay na lang na magising s'ya."

"Oh, that's a good news. Ibig sabihin ay uuwi ka na?" malungkot na tanong nito sa kaniya, malungkot sa kaalamang uuwi na nga s'ya sa Pilipinas.

Umiling si Sunday. "Hindi pa ako pwedeng umuwi. Alam kong may bayaran pa si tatay, hindi lang niya sinasabi sa'kin. Ilang buwan ko pa iyong pagtatrabahuhan, baka nga abutin pa ng isang taon." Humiga na siya sa kama at pumikit. Kahit pagod sa maghapong trabaho ay ngayon pa lang s'ya dinalaw ng antok dahil nalaman niyang tapos na ang operasyon at mabuti rin ang naging resulta.

KINABUKASAN, pagkalabas ni Sunday mula sa banyo ay nakita niya si Shaina na nakangiting-aso sa kaniya.

"Kakaiba ang ngiti mong 'yan. Anong meron?" takado niyang tanong sa kaibigan.

"Look who's here this early."

Napatingin siya sa lalaking tinuro nito na nakaupo sa maliit nilang sofa.

Si David!

Agad s'yang napatalikod. Nakatapis lang siya ng tuwalya!

"Bakit mo naman s'ya pinapasok?" bulong niya kay Shaina habang pulang-pula ang mukha.

Natawa naman ang kaibigan at nilingon si David. "I'm sorry but can you go out for a while?" sabi nito sa lalaki kahit huli na naman para palabasin.

"Oh sure, sure. I'm sorry. I didn't know," namumulang sagot ng binata at saka tumayo para lumabas.

"I'll kill you if you do that again," namumula pa rin sa hiyang singhal ni Sunday kay Shaina.

"Eh ano naman? Boyfriend mo naman s'ya e. Wala namang masama do'n."

"May masama do'n dahil hindi pa kami kasal ," depensa niya habang nagsusuot na ng damit. "Alam mo naman na importante sa akin na maikasal muna bago ang lahat."

Napapailing na napapatango na lang naman si Shaina. Wala talaga s'yang pamalo sa babaeng ito. Tradisyunal kasi itong kaibigan niya. Ngunit tama naman. Tama naman talaga 'yon. Kahanga-hanga.

"Oh shit, male-late na ako." Dali-daling hinablot ni Sunday ang sling bag at patakbong lumabas habang nagsusuklay ng mahaba niyang buhok. Hindi s'ya p'wedeng ma-late kundi ay lagot s'ya sa manager niyang masungit.

"I'll get you there, babe." Pinagbuksan s'ya ng nobyo ng kotse.

"Yes please. Thank you."

.

.

.

"What time is it?"

Nakayuko si Sunday sa harap ng manager habang pinapagalitan s'ya nito. Ayaw na ayaw kasi nitong may nale-late sa kahit na sinumang empleyado nito. At ito na nga ang huli na sana niyang pagkakataon pero mukhang matatanggal pa s'ya dahil late na naman s'ya.

"Last time was your last warning and I don't want to tolerate you anymore. But after all, you've done great." May iniabot ito sa kaniyang puting sobre na siguradong sahod niya na tinrabaho pa niya ng fifteen days.

Hindi niya iyon tinanggap. Makikiusap siya.

Hinawakan niya ang kamay nito na may hawak na sobre. "I'm sorry, but can you give me a last chance? I really need this job."

"I can't tolerate any of you that can't be proffesional at work. I'm sorry but you're fired, Miss Morales."

Dahil walang makapagbabago sa desisyon ng propesyunal nilang manager ay wala s'yang nagawa. Natanggal na s'ya sa trabaho.

Lalamya-lamya s'yang lumabas ng restaurant matapos magpaalam. Inilagay niya sa sling bag ang nakasobre pang pera.

Kailangan pa niya ng pera kaya dapat makahanap s'ya ng panibagong trabaho, pero ngayon ay ang bar na lang muna ang aasahan niya. Kailangan din niyang magpahinga. Ilang buwang din s'yang panay lang ang trabaho mapa-araw man o gabi. Sa mga oras kasi na 'yon ay kailangang kailangan ng inay niya ng pera para sa mga gamot bago ito operahan.

"Ang aga mong umuwi," saad ni Shaina na nagluluto ng agahan.

Umupo si Sunday sa kama at parang napapagod na sumandal. "Natanggal ako sa trabaho. Thirty minutes late."

"Okay lang 'yan, para makapagpahinga ka naman. Look, ang laki na ng ipinayat mo."

"Papahinga lang ako ng ilang araw, maghahanap pa rin ako ng trabaho dahil kailangan."

"Tama 'yan. Kung gano'n ,do you want to go shopping with me?"

"Wala akong pera," sagot niya at saka naghikab.

"Come on.. buy yourself new clothes. Make yourself happy."

Umiling lang si Sunday. "Kailangan kong magpadala sa probinsya, kailangan kong magtipid."

Sumusuko namang muling nilingon ni Shaina ang nilulutong itlog. "Eh di samahan mo na lang ako. Refresh yourself. Oo nga pala, may iniwan d'yan si David."

"Iniwan? Ano?"

Itinuro ni Shaina ang maliit na kahon katabi ng boquet ng bulaklak. "Napaka-sweet talaga ng boyfriend mo. Oo nga pala, imbitahan mo s'ya, magpa-house warming tayo." At saka s'ya nito kinindatan at ngumising-aso na naman sa kaniya.

"Tigilan mo nga 'yan. Kung anong kalokohan 'yang iniisip mo, hindi 'yan mangyayari," sabi naman niya. Utak talaga ng kaibigan niya. Alam na alam na niya kung ano ang gusto nitong iparating.

"Duh, twenty-five years old ka na. Are you planning to die untouched?"

Binato ni Sunday ng tsinelas ang kaibigan. "Your mouth."

Tinawanan lang naman s'ya nito. "Baka bukas-bukas niyan maghanap na ng iba ang boyfriend mo dahil hindi mo kayang ibigay sa kaniya ang gusto niya."

Inungusan niya si Shaina. "Hindi niya ako mahal kung gano'n. Mas importante iyong kasal kami, at kung hindi s'ya makapaghintay, ay ayos lang."

"Sigurado ka ba? Mayaman, mabait at napakagwapo pa. Magpakasal na kayo para walang problema."

"I'm not rushing things Shaina. Boyfriend ko nga si David pero hanggang doon lang muna 'yon. Saka na ang ibang bagay. At saka kailangan ko pang magtrabaho para sa pamilya namin. Dapat ko silang unahin."

"Mayaman naman si David ah..."

Binato ni Sunday ng unan ang kaibigan. Nanunukso talaga ito. "Manahimik ka na nga lang?!"

"Oki, hehehe!"

"Baliw ka."

"Payong kaibigan lang, hehe."

Matapos kumain ng umagahan ay nagpunta nga sila ng mall. Nakitingin-tingin na din s'ya ng kung ano-ano.

Lumapit siya sa mga pambatang accessories nang maalala niya ang bunsong kapatid na si Stephany.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status