Share

Chapter 23

🔥🔥🔥🔥🔥

PALAWAN, PHILIPPINES

Pugto ang mga matang nakaupo ang kuwarenta anyos na si Marita habang nakatingin sa puting hinihigaan ng kaniyang asawang si Gregory.

"Inom ka muna 'nay." Lumapit ang kinse anyos na anak nitong si Sebastian at naglahad ng basong may tubig. "Ngayon po pala ang dating ni ate."

Hindi naman ito nagbigay ng komento sa sinabi ng anak. "Si Steph, tulog na ba?"

"Opo, kakatulog lang niya. Magpahinga na rin po kayo. Wala pa kayong maayos na tulog. Baka makasama po sa inyo 'yan."

Inilingan lang naman ito ng ina. "Okay lang ako dito 'nak. Ikaw, pumasok ka na rin sa kwarto. Matulog ka na muna."

.

.

"Hayyy... hindi ko akalain na huling inom na pala namin 'yon ni Greg," sabi ng may katabaang si Cesar. Isa ring tricycle driver katulad ni Gregory. "Napakabait pa naman niyang tao." Umiling pa ito. "Buhay nga naman,hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay."

Lahat ng naroon para

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status