Share

A Promise Necklace
A Promise Necklace
Author: Switspy

1-Santiago Family

Tunog ng kanyang phone ang nagpabalik kay Sandra sa kasalukuyan. Kanina pa siya wala sa sarili, kanina pa siya naghahanap ng trabaho pero wala siya makita. Meron pala kaso hindi niya type, choosy pa siya, eh, kailangan na niya ng work.

"Ah! Kainis!" sigaw niya habang sinasabunutan ang buhok. "Sumasabay pa itong tumatawag na ito makakatikim talaga sa akin kung sino man ito." Nagdadabog na kinuha niya ang phone at pasigaw na sinagot nang hindi man lang tiningnan ang caller. "Hello!" asik niyang sagot.

"Beshie!" tili nang nasa kabilang linya, ni hindi man lang naramdaman na galit siya kung sabagay ano ba aasahan niya sa best friend niya.

Yes, Clara Dizon is her best friend since high school. Hindi niya nga alam paano sila naging mag-bff samantalang magkaiba sila ng ugali. Basta nagising na lang siya one day beshie na tawag nito sa kanya.

"Makatili, wagas!" reklamo niya dito.

"Beshie, it's positive. I am five weeks pregnant," masayang balìta nito sa kanya.

"What the fuck!" Bigla siyang napatayo at napahawak sa sintido habang naipikit ang mga mata.

"Makamura lang, wagas! Imbes i-congratulate mo ako mura talaga kapag narinig ka ng baby ko." nagtatampong wika nito.

Alam niyang nakanguso na ito kahit hindi niya nakikita. Napapailing na lang siya bago sumagot, "Well, congratulations beshie! I am so happy for you, pero I swear! I am really shocked as in capital, OMG!!!" Pinatinis niya pa ang boses pagkabigkas sa huling

kataga. Bumalik siya sa pagkakaupo habang naiiling.

Ang kanyang beshie na Maria Clara ay buntis. Akala pa man din niya hindi ito mag-aasawa naunahan pa siya.

Narinig niya pa itong humagikhik sa kabilang linya, kung kaharap niya lang ito siguro natamaan na ito sa kanya.

"Ang o.a beshie, ah, by the way hindi lang 'yun ang itinawag ko sayo dahil juntis na ako kailangan ko na ng kapalit. Ayaw kasi ni boyfie na mag-work pa ako at ikaw ang gusto kong pumalit sa akin, please," mahabang lintaya nito.

"What? No way! Over my dead and sexy body," nanlalaki ang mga mata niyang sagot dito.

"Beshie naman, eh, hindi ka ba nanghihinayang? Ang laki ng sahod dito makakapag-ipon ka na at sure ball na si Sammy sa pag-do-doctor. Kesa dyan sa pipitsugin mong work. Dito hindi mo na kailangan mag-sideline, solve ka na. Ikaw talaga gusto ko pumalit sa akin, because I know you can handle my boss more than I can. Buti na lang nailigtas ako ni boyfie. Akala ko dito na ako mamatay," mahabang paliwanag nito.

Napabuntung-hininga si Sandra. Ito na, oh, trabaho na lumalapit sa kanya at di nga biro ang sahod triple sa dati niyang sahod pero mukhang triple din ang stress kaya siguro malaki sahod. Alam niya kasi mga pinagdaanan ng beshie niya sa napakasama nitong boss. Buti nga nakatagal pa ito 'yun pala may kalandian.

"Beshie, are you still there? Hello, hello beshie," wika nito na nagpabalik sa kanyang sarili.

Narinig niya ang pagbukas ng gate, nandyan na sigurado ang kanyang mga kapatid.

"Beshie, I will just call you later ok. You need to rest, bye." Hindi na niya hinintay sumagot ito at pinatay na niya ang tawag. Inilapag niya ang kanyang phone sa lamesa at sumandal sa sofa.

Sabay pasok ng dalawa niyang napakagwapong kapatid. Hinagis lang ng mga ito ang bag sa single couch at humalik sa kanyang pisngi sabay upo sa magkabilang gilid niya.

"Ate, ayos ka lang ba? kailangan ka na ba namin dalhin sa mental hospital?" wika ni Samuel habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Oo nga, ate, wait let me contact one of my friend-ouch-aray!" Hinampas niya si Sammy sa braso na ikinaputol nang sasabihin nito. Hinaplos pa nito ang brasong nasaktan.

Ang oa, parang ang lakas, ah.

Bigla siyang tumayo at namaywang sa harap ng mga kapatid.

"At bakit? Mukha na ba akong baliw? Sa ganda kong ito." Sabay irap sa dalawa.

"Medyo, look at yourself kaya, 'no. Akala ko tuloy maling bahay napasukan namin," nang-aasar na wika ni Samuel.

Bahagya siyang napatingin sa hitsura niya gamit ang tv na nakapatay. Magulo ang buhok niya as in parang bruha tulad ng mga mangkukulam na ipinapakita sa TV. Gusot ang damit niya at may mga mantsa pa ng tinta ng ballpen. Naalala niya napagdiskitahan niya kasi ang ballpen kanina.

Tiningnan niya ang mga kapatid habang nakataas ang isang kilay niya. Tumayo si Samuel at lumapit sa kanya sabay akbay.

"Don't worry ate ikaw na siguro ang magiging pinakamagandang baliw sa mental hospital." Pang-aasar pa nito sa kanya.

Tinaas niya pa lalo ang kilay niya.

'M*****a looks dapat.' Usal niya sa isip.

Nakita niya si Sammy na palapit din sa kanya pero huminto isang hakbang ang layo mula sa kanya. Sila ang kambal niyang kapatid na pinapaaral niya. Siya na ang nagtaguyod sa kanila simula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa aksidente five years ago; three months after niya maka-graduate ng college.

"Lalo ka na hindi makakapag-asawa niya," rinig niyang wika ni Sammy.

Dahil sa sinabi nito bumalik siya sa kasalukuyan at masama niyang tiningnan ang kapatid. Ang bilis nito kumaripas nang takbo. Alam kasi ng kambal na ayaw niyang pinag-uusapan ang bagay na 'yun.

She just twenty seven bata pa naman at nangako siya sa mga magulang nila na makakapagtapos ang dalawang kapatid sa kursong gusto ng mga ito. Kaya 'yun ang priority niya.

Narinig niyang tumawa si Samuel sa tabi niya kaya mabilis niya itong piningot sa tenga. "Ouch! Aray! Aray! Ate naman, eh!" nakasimangot na reklamo nito habang hinihimas ang nasaktan na tenga.

Iniwanan niya ito at sinimulan habulin si Sammy, hindi pwedeng hindi siya makaganti.

Lintik lang ang walang ganti.

"Halika dito Sammy, hindi pwedeng si Samuel lang ang may parusa," sigaw niya dito habang hinahabol ito, paikot- ikot lang sila sa sofa.

"Tama na at nag-jo-joke lang naman ako, eh," wika nito habang tinataas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Walang joke-joke sa akin. Samuel hawakan mo 'yan kung ayaw mo maglakad papasok sa school," banta niya rito.

Mabilis naman hinawakan ni Samuel si Sammy.

Takot siyang maglakad, hahaha.

Nang makalapit siya kay Sammy ay kaagad niya ito kiniliti sa tagiliran.

"Ta-tama na a-a-ate," paputo-putol nitong wika. Malakas talaga kiliti nito sa tagiliran.

"Ang galing palang sumayaw ng baby Sammy ko, eh," pang-aasar niya dito habang patuloy na kinikiliti ito hanggang sa napahiga na ito sa may carpet. Napapailing naman si Samuel habang nakatingin sa kanila. Tinigilan niya na ito at tumabi sa pagkakahiga kay Sammy. Naramdaman niya naman sa kabilang gilid niya si Samuel na humiga din at sabay siyang niyakap ng kambal. Nagmukha tuloy silang sandwich at siya ang palaman.

"Ate pwede naman muna ako mag-stop at si Sammy na muna ang patapusin natin. Maghahanap na lang muna ako ng work tutal halos patapos na rin ako isang sem na lang, 'di ba?" basag ni Samuel sa katahimikan namayani.

Natigilan si Sandra sa narinig niya at napatingin sa kapatid. Seryoso ang mukha nito at kita niya din ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang gusto siya nitong tulungan, noon pa man ay ayaw na nito muna mag-aral dahil mahihirapan daw siya. Ngayon pa ba sila susuko kung kelan abot kamay na.

Bigla may desisyon nabuo sa isip niya.

Hinalikan niya sa noo ang kambal.

"Ang drama n'yo naman, wala ba kayong tiwala kay ate? Walang hihinto hanggang hindi nagiging puti ang uwak," nakangiti niyang wika sa kambal.

Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ng kambal sa kanya. Such a good feelings to be with her brothers arms.

"Wave wave wave all the way," sabay- sabay nilang wika habang inakto ang kanang kamay nang pa-wave ng tatlong beses at straight pabalik.

This is their way to show that they can fight anything as long they are together.

Be like a wave.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Siting Crisostomo
ang galing naman , .........
goodnovel comment avatar
angelica
I want my book I’m reading married at first sight what happen I been purchasing points just to read then it’s gone return my money
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status