로그인Pagkatapos ng trahedya 5 years ago kung saan nabaril ang kanyang kuya, si Evie ay nagsumikap at nagtayo ng sariling kumpanya. Ngayon, kailangan niyang makuha ang isang "Billion Contract" para tuluyang manumbalik ang estado ng kanilang pamilya. Rising Action: Makikilala niya si Carlo Madrigal sa isang event kung saan mapapahiya niya ang lalaki. Magku-krus ang landas nila muli nang iligtas siya ni Carlo mula sa isang holdaper. Habang sinusuyo ni Evie si Andrew Bernaldez para sa business contract, lalo namang nagiging pursigido si Carlo na mapalapit sa kanya. Climax: Matatgpuan niya ang isang tunay na pag-big ng hindi niya inaasahang mangyayari pa. Mananagot ang mga dapat managot sa karumaldumal na sinapit ng kanyang kapatid.. Falling Action: Tutulungan siya ni Carlo na labanan ang mga taong nagpahirap sa kanya noon, kahit pa mangahulugan ito na kailangang kalabanin ni Carlo ang sariling pamilya. Resolution: Makukuha ni Evie ang hustisya at ang tagumpay sa negosyo. Pagbabagong puri ng pangalan ng kanyang pamilya. Matatanggap na rin niya sa wakas ang pagmamahal ni Carlo, na naging sandigan niya sa gitna ng hirap.
더 보기Chapter 1
Evie Gutierrez POV
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan.
Bumuhos ang napakalakas na ulan at ayaw tumigil nito. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Walang nakakarinig sa paghiyaw ko ng pagmamakaawa. Walang may pakialam sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.
Hatak hatak ako ni Marco papalabas ng bahay namin.
“Sumakay ka na Evie, bilisan mo,” utos niya.
“Sandali lang, Marco. Mag-usap muna tayo,” pakiusap ko.
“Huwag ka nang lumingon pa. Wala na tayong oras. Kailangan na tayong makaalis dito,” sigaw niya.
Pagkatapos, maisakay niya ako sa sasakyan. Pinaandar na niya ito nang napakabilis. Mababanaagan sa mukha niya ang pagkalito at pagkatakot.
Narinig ko na lamang na may napakalakas na busina ng sasakyan na sumusunod sa amin. Sasakyan iyon ni Kuya Oswaldo, humahabol sa amin.
“Marco, ang kuya humahabol. Huminto ka muna. Ano ba?” pakiusap ko sa kanya.
Dahil sa pakiusap ko. Unti-unti niyang binagalan ang pagandar ng sasakyan. Huminto kami.
Kinakatok ni Kuya Oswaldo ang salamin ng sasakyan at pilit na pinalalabas kami.
“Lumabas ka diyan, Marco.”utos nito.
Hindi siya tumitigil sa paghampas sa sasakyan. Binuksan ni Marco ang sasakyan.
Hinawakan ni Kuya ang kuwelyo niya. At inilabas ito sa pinto. Sinuntok niya ito at galit na galit siya.
“Saan mo dadalhin ang kapatid ko, Marco? Nahihibang ka na ba. Hindi kayo puwedeng tumakas?” sabi niya.
“Pabayaan mo na kami, lalayo na kami dito. Walang puwedeng magpahiwalay sa amin. Mahal na mahal ko si Evie,” sagot niya.
“Pero hindi sa ganitong paraan; walang maidudulot na mabuti ang pagtakas ni Marco. Kailangang harapin niyo ito,” paliwanag niya.
“Hindi mo naiintindihan, hayaan niyo na kami,”pakiusap nito.
Sa hindi inaasahang dahilan ay may mga dumating na mga grupo ng mga tao, mang-uumog. Napakarami nila. Halos di ko mabilang. Kinuha nila si Marco at pilit na dinadala sa kanilang sasakyan. Umaawat si Kuya Oswald at nakikiusap sa kanila.
“Huwag ka nang makialam dito, Oswaldo. Napakalaki ng atraso ng pamilya nito sa amin,” sabi ng isa sa mga taong naroroon.
Nakita kong may mga baril silang hawak at itinutok na kay Marco. Pero nagpumiglas at nakatakas ito. Narinig ko na lang na napakalakas ng tunog ng baril.
Bang! Isang putok lang, pero nakakabingi ito. Dali-dali ay lumabas na ako ng sasakyan .
“Marco!” Pag-aalala kong nasabi.
Pagkakita ko sa madilim na kalsada, may nakahandusay na.
Hindi is Marco. Kundi, ang Kuya Oswaldo.
Nabaril nila ang Kuya. Humihingi ako ng saklolo sa bawat isa na naroon, pero walang ni isa ang nagbigay ng tulong.
Makalipas ang ilang 5 taon.
Habang ang lahat ay nagkakasiyahan sa isang event na may magandang musika at mga pagkain, ang alak na may mataas na kalidad na inihahain lamang sa mga matataas na katayuan sa buhay.
At ang mga naroroon ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga negosyo, politika, karangyaan at katanyagan.
Pero napansin kong napatigil ang lahat nang pumasok ako. Nakasuot ako ng pulang gown na mahaba. Kapansin-pansin, may hati sa tagiliran ng bahagi ng aking hita. Pinili kong nakalaylay ang mahaba at itim kong buhok.
Narinig kong sinasabi nila. “Sino ang napakagandang babaeng ito?” Ang iba sa mga babae na naroroon ay may pagkainis na naiinggit sa akin at para sa mga kalalakihan naman ay isa akong magandang tanawin.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa isang direksiyon at nakatitig sa isang lalaking matangkad at matipuno, masasabing may magandang katayuan sa lipunan at kilalang mayaman at maimpluwensiyang pamilya, si Carlo Madrigal.
Nakangiti rin ito sa akin na may pananabik habang ako ay papalapit sa kanya. Pero biglang may narinig akong tinig ng isang babae na tumatawag sa akin.
“Evie, dito….”
Napatingin ako sa direksiyong iyon, isang babae na nakasuot na berdeng gown at mukhang matalino. Dali-dali akong umalis sa harap ni Carlo at lumapit sa babaeng tumawag sa akin.
“Bakit ka lumalapit kay Mr. Madrigal?” ang sabi ni Lida.
“Ang sabi mo kasi, pagdating ko, hanapin ko yung matangkad na lalaki na nakasuot na royal blue na suit,” sagot ni Evie.
"Mafrigal?" tanong ko.
“Sorry, Evie, nagkamali ako; itim na suit pala ang suot ni Mr. Bernaldez. Iyan kasi ang sinabi ni Ms. A, kakamessage niya lang biglang nagbago ang isip ng boss niya at ngayon lang nag-update, kaso hanggang ngayon hindi pa dumarating,”paliwanag nito.
Biglang may mensaheng dumating kay Lida. Binasa niya ito.
“Sorry, he’s not coming…” viber message ni Ms. Aika, executive secretary ni Mr. Bernaldez.
“Nakakaloka naman ito, sayang yung damit ko,” sambit ni Lida na may pagkainis.
Evie, di na raw pupunta si Mr. Bernaldez.
“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ko.
“I suggest we make connections, dating gawi,” sagot ni Lida
“Alright, let's do this,” sagot ko naman
“Fighting!”
“Yes. Fighting” pareho naming sinabi sa isa't isa.
Sa di malayong table mula sa akin, may matalas na madilim na tingin mula kay Carlo, nakatanggap siya na pang-iinis mula sa mga kaibigan
“Pare, napahiya ka dun ah, pero hindi naman halata” pang-iinis ni Mike sa kanya.
Ang lakas ng tawanan nila, palibhasay mayayaman, sila ay may mga awtoridad sa bulwagan at walang sinuman ang maaaring sumita sa kanila.
“No one can dare to do that to me,” inis na sagot niya.
“O siya, let's just drink to that, tanggapin mo na lang pare not all the time ikaw ang pogi” sagot ni Mike
Malakas na tawanan na naman mula sa mga kaibigan.
Mula sa malayo, pinagmamasdan niya ako, nag-iisip kung paano makakaganti. Nakita niyang magiliw na nakikipag-usap ako kay Mrs. Sanders , isang mayamang CEO na nagmamay-ari ng kilalang pharmaceutical company sa bansa. Napansin niyang maraming kalalakihan na nagbabasakaling lumapit sa akin at nag-aalok na na maisayaw ako sa hall.
Biglang tumindig si Carlo mula sa mga babaeng nagnanais na mapalapit din sa kanya.
“Excuse me, girls,” ang walang pakialam na sinabi ni Carlo.
Lumapit siya kay Mrs. Sanders. “Hi Tita Lois” bati ni Carlo.
“Hey Carlo, how are you, darling?” bati na may lambing ni, Mrs. Sanders
“I am good, Tita,” sagot niya rito, pero nakatingin sa akin.
“Have you met Evie?” Habang itinuturo ako.
“Well, iwan ko muna siya sa iyo. I just saw Mareng Kit may paguusapan lang kami,” sabi ni Mrs.
Sanders
“Sure, my pleasure, Tita,”sagot ni Carlo
May naramdaman akong pagkaasiwa habang ibinibilin niya ako kay Mrs. Sanders. Napipilitang akong ngumiti at walang nagawa kundi manatili sa kinauupuan ko.
“So, Evie, may I have this dance?” Pagaalok niya
Hindi ako umimik at hindi man lang tinitingnan si Carlo Madrigal. Mukhang napakaantipatiko nito.
“Am I really not that appealing to you?” may pagkainis na sabi nito sa akin.
Hindi pa man din ako nakakasagot, kinuha na nito ang aking kamay, kasabay ng pagtayo nito sa akin sa kinauupuan ko.
Nais ko pa man ding pumiglas, pero sa lakas ng lalaking nasa aking harapan ay wala na akong nagawa.
Habang naglalakad kami patungo sa dance floor, parang nahawi ang mga tao sa aming dinaraanan. Ang mga kalalakihang nanghihinayang at mukhang naging talunan sa lalaking nakakuha sa akin bilang isang malaking gantimpala. Dahil maisasayaw ako nito. Nagtaasan din ang mga kilay sa akin ng mga kababaihang gumugol ng maraming oras sa pagpapaganda at nagsuot ng kanilang branded gowns at de-kalidad na mga alahas na nagkakahalaga ng milyon-milyon. Pero may nanalo na…
Ang romantikong musika ay nagpatahimik sa lahat, kami ay nagmistulang nasa spotlight ng gabing iyon.
Mahigpit na hawak sa baywang at idinikit ni Carlo ang kanyang katawan sa akin. Inilagay ni Carlo ang kamay ko sa palibot kanyang leeg.
Napatitig ako sa kanya, sa panlabas ay parang nanlalaban ako pero sa aking kaloob-loobang bahagi ay napapahanga sa kagandahang nasa harap ko. Sino ba namang babae ang makakatanggi sa lalaking ito? Pero gaya ng dati, napagdesisyunan kong pigilan ang aking damdamin at mag-focus sa isang bagay.
Sa isip ko, “Hindi ito ang ipinunta ko dito.”
Hindi ko na tinapos ang saliw ng musika at inilayo ko ang katawan ko sa kaniya.
“I am sorry, I have to go,” mahinang salita ko sa kanya.
Naiwang mag-isa si Carlo sa dance floor, na parang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa pagkapahiya. Pero ang di niya malilimutan ay noong nagkalapit ang aming mga dibdib at narinig niya ang malakas na tibok nito.
Chapter 66Evie’s POV“Huwag... huwag mo akong iwan!”Halos mawalan ako ng boses sa kakasigaw.Nakapaluhod ako sa sementadong kalsada habang yakap-yakap ko ang duguang katawan ni Kuya Oswald. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong tinatakpan ang sugat niya gamit ang punit kong damit.“Kuya... pakiusap... huwag kang matulog...”Ngunit ang lalaking kanina lamang ay matapang na ipinagtatanggol ako ay unti-unti nang nawawalan ng lakas.Samantala, ang taong naging dahilan ng lahat...Si Marco.Tumakbo palayo.Hindi man lamang niya ako nilingon.Hindi man lang niya sinubukang tulungan ang kuya ko.Takot na takot siyang mahuli.Takot na managot.Iniwan niya akong mag-isa sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko."Marco!"Humagulgol akong muli."Bumalik ka!"Pero tuluyan na siyang naglaho.Mas masakit pa roon...Maraming tao ang nakapaligid sa amin.May mga nakatingin lamang.May mga nagbubulungan.May mga nagvi-video pa gamit ang kanilang cellphone.Ngunit...Walang lumapit.Walang tu
Chapter 65Evie's POV"Bitawan mo siya!"Parang kulog ang boses ni Carlo nang bigla niyang sunggaban si Marco sa kuwelyo. Sa isang malakas na hila, naialis niya ito sa harap ko bago pa man ako muling maabot ng mga kamay nitong ayaw kong maramdaman kahit kailan.Napasubsob ako sa sahig habang nanginginig ang buong katawan ko.Hindi pa man ako tuluyang nakakahinga ay nagbanggaan na ang dalawang lalaki.Bam!Tumama ang kamao ni Carlo sa mukha ni Marco.Pero mabilis din itong nakabawi.Isang malakas na suntok ang gumanti kay Carlo.Nagkabalyahan sila sa sala ng condominium.Para silang dalawang mababangis na tigre na parehong handang mamatay upang manaig.Nagbagsakan ang mga upuan.Nabasag ang center table.Lumipad ang mga dekorasyon sa dingding.Ang buong unit ay napuno ng ingay ng kanilang paghaharap."Carlo!""Marco!""Tama na!"Halos mapunit ang lalamunan ko sa kakasigaw."Wag!""Tama na!"Pero para bang wala silang naririnig.Nawala na sa kanila ang paligid.Tanging galit na lamang a
Chapter 64Evie's POVTuwang-tuwa si Carlo nang ibalita niya sa akin na napakaganda ng naging feedback ni Mr. Devon sa sampung condominium units na ipinarenovate nito sa amin. Halos hindi ito mapakali sa saya habang ikinukuwento sa akin ang lahat."Honey, sobrang impressed si Mr. Devon. Sabi niya, hindi niya inaasahang ganito kaganda ang kalalabasan. At alam mo ba? Irerekomenda pa raw niya tayo sa mga business partners at mga kaibigan niya."Napangiti ako. Hindi lang dahil sa bagong project na posibleng dumating, kundi dahil ramdam ko kung gaano kasaya si Carlo sa bawat tagumpay ko. Hindi niya kailanman inangkin ang credit. Lagi niyang ipinagmamalaki ang trabaho ko."Honey," natatawa kong sabi, "dapat may komisyon ako diyan ha.""Oo ba. Ikaw pa. Kahit kalahati pa ng kita ibigay ko sa'yo."Napailing ako habang natatawa.Pambihira rin talaga itong CEO na ito... nanghihingi pa ng komisyon sa sarili niyang recommendation.Napuno ng tawanan ang usapan namin.Ilang oras ang lumipas ay tumaw
Chapter 63Carlo’s POVHindi ko pa rin maalis sa isip ko ang naging reaksiyon ni Evie nang minsang mapag-usapan namin ang tungkol sa pagmimina ng ginto.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang pagbabago ng ekspresyon niya noong araw na iyon. Mula sa masayang pakikipagkuwentuhan ay bigla siyang natahimik. Ang mga mata niyang laging puno ng sigla ay tila nabalot ng takot at sakit na hindi niya maitago.Parang may sugat na bigla kong nasagi nang hindi ko namamalayan.Maraming beses kong naisip na tanungin siya.Maraming beses kong gustong alamin ang dahilan.Ano ba ang mayroon sa pagmimina at bakit ganoon na lamang ang naging epekto nito sa kanya?Ngunit sa bawat pagkakataong bubuksan ko na ang usapan, may kung anong pumipigil sa akin.Takot.Hindi takot na baka magsinungaling siya.Kundi takot na baka ang katotohanang matuklasan ko ay hindi ko kayaning tanggapin.Paano kung may taong nasaktan?Paano kung may nawala sa kanya?Paano kung ang pagmimina ang dahilan kung bakit hang
Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophis
Chapter 4Carlo Madrigal’s POVBiglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanyaNapaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.“Don’t worr
Chapter 3Evie’s POVBiyernes alas 7:00 ng gabi, sa wakas pumayag si Mr. A.B sa isang friendly meeting. Hindi ko alam ang buong detalye, pero bigla akong minessage ni Ms. A at nag-arrange agad ng meeting.Magkahalong damdamin ang nararamdaman ko noong araw na iyon. “This is it” ang sabi ko sa sar
Chapter 1Evie Gutierrez POVHinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan.Bumuhos ang napakalakas na ulan at ayaw tumigil nito. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Walang nakakarinig sa paghiyaw ko ng pagmamakaawa. Walang may pakialam sa mga salitang lumalabas sa bi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.