Share

Chapter 5

Chapter 5

Kakalabas ko lang ng CR, naligo. Agad akong nagbihis para matignan ko ang kusina kung ano ang maari kong mailuto para sa hapunan naming dalawa ni Casey.

Pagbukas ko ng refrigerator ay ganoon nalang ang gulat ko ng wala akong nakitang maaring mailuto doon, bukod sa kalahating tray ng itlog. May isang tubig na nasa pitsel at isang galoon na ice cream lang ang naandoon. Sinubukan kong maghanap sa mga cabinet na nasa kusina, ngunit wala din akong nakita kundi ilang cup noodles at mga sitsirya.

"Kumakain ba ng isang iyon? Tsk." Isinara ko ang cabinet na huli kong binuksan.

Kinuha ko ang phone ko, balak ko sanang itext si Casey pero may natanggap na agad akong message galing sa kanya.

Casey:

Friend, pasensya kana kung wala kang makikitang maaaring iluto dyan sa unit ko kundi itlog. Madalas kasi akong sa labas kumain, kasama ang boyfriend ko. Pasensya na.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya. Maggo-grocery nalang siguro ako. Pumasok ako ng kwarto para kuhanin ang wallet ko.

Pumunta ako sa pinakamalapit na market para makapaggrocery. Bumili na din ako ng mga kakailanganin ko, tulad ng napkin, toothpaste, shampoo, sabon at iba pa. Sa mga pagkain ay puro delata, ilang packs noodles, dalawang kilong manok, isang ballot ng milo, asukal, toyo, suka at iba pa. Bumili din ako ng bigas. Tsaka na ako mamimili ng marami at may trabaho na ako.

Habang nakapila ako sa counter para magbayad ay tumawag si Carlew. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang pangalan nya. Siguro ay tapos na ang meeting niya.

"Hello. Tapos na meeting?" masayang tanong ko sa kanya habang hawak ko ang cart.

"Yeah. Nagdinner ka na?" napailing ako kahit alam kong hindi niya naman nakikita.

"Hindi pa ehh. Naggogrocery pa ako."

"Dapat kumain ka nalang sa labas. Gabi na." Napasimanot naman ako para mapigilan ang pagngiti ko.

"Hays, Carlew naman. Kailangan ko ng magtipid, wala pa kong trabaho." Narinig ko ang buntong hininga niya. Itinukalak ko ang cart ko ng ako na ang magbabayad.

"Sabi ko naman sayong ako na ang bahala diba?" hindi ko sya sinagot at inilagay sa counter ang mga pinamili ko.

"Miss, wallet mo." Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita sa tabi ko at iniabot ang wallet ko sa akin. Kinuha koi yon.

"Ay. Salamat."

"Sino iyon?" agad kong narinig ang maatoridad sa kanyang boses. Napailing nalang ako.

"Seloso." Bulong ko. Iniabot ko ang bayad ko sa cashier, agad din naman niya akong sinuklian kaya binuhat ko na ang mga pinamili ko.

Medyo madami akong pinamili kaya naman halos hindi na ako magkanda ugaga sa pagbibitbit ng mga pinamili.

"Maya nalang ulit. Madami akong dala. Tawag ako, pag-uwi ko." Paalam ko sa kanya. Hindi ko agad na patay ang tawag dahil sa bitbit ko.

"Miss, tulungan na kita." Muli akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko ang lalaking nag abot sa aking wallet kanina.

"A-Ahh! Hindi na. Kaya ko na." ngumiti ako ng konti bago nagpatuloy sa paglalakad. Agad akong pumara ng taxi bago niya pa ako masundan. Doon ko lang napatay ang tawag ng maibaba ko ang pinamili ko sa loob ng taxi.

"Manong sa Wind lang po." Pagkasabi ko noon ay agad niya akong inihatid. Madilim, siguro ay mga 7:30pm na. Agad akong nagbayad ng makaring ng condo.

Wala pa ding tao sa unit ng makarating ako. Hindi ko din naman alam kung anong oras ang uwi niya. Ipinatong ko sa lamesa ang mga binili ko at ang mga personal ko naming binili ay dinala ko sa kwarto ko. Mamaya ko na aayusin, pagkakain.

Pagbalik ko ng kusina ay nakita ko ang phone ko na may messages galing kay Carlew.

Carlew:

Video call tayo.

Pagkabasa ko palang noon ay agad ko ng binuksan ang data ko. Natitipa palang sako ng message ko ay bigla ng nag flash ang video call ni Carlew sa akin. Agad ko iyong sinagot. Kita ko ang Kulay putting back ground na pader at ang kang swivel chair. Nasa office pa yata sya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Nasa office pa din kasi sya. Nakita ko ang pag iling niya.

"Hindi pa. Dyan ba yung tinutuluyan mo?" tumango naman ako. Ipinatong ko sa lamesa ang aking phone paharap sa akin, para kahit na may ginagawa ako ay makita niya ako.

"Sino pala yung lalaking nag alok sayong tulungan ka?" nilingon ko sya sa phone ko. Nakita ko ang seryosong mukha niya. Umiling lang ako. Kinuha ko ang bigas na binili ko para makapag saing.

"Zette, sino nga iyon?" pangungulit niya pa. Ngumuso ako para itago ang ngiti.

"Sige, ngumuso ka pa. Hahalikan kita." Namula ako sa sinabi niya. Pagkasalang ko ng aking sinaing ay inumpisahan ko naming ayusin ang mga pinamili ko at inilagay sa mga cabinet.

"Bakit puro delata at instant noodles ang mga yan? Tsk! Pagbalik ko dyan, ipaggo-grocery kita. Hindi ako papayag na laging ganyan ang kakainin mo." napailing nalang ako sa kanya. Paulit ulit ko ng sinasabing hindi niya ako dapat pagkagastusan. Girlfriend niya lang ako at hindi asawa.

Pagkasaing ko ay nagbukas ako ng isang tuna, inayos ko an gang aking magoging hapunan.

"Sir, eto na po ang pinapabili mo sa akin." Dahil dumating na ang dinner niya ay sabay kaming kumain, habang magkavideo call.

"Anong oras ka ba uuwi?" tanong ko sabay subo.

"Mamaya maya. May iniitay lang ako." Napatango nalang ako sa kanya at hindi na nagtanong pa.

"Hmm? Zette?"

"Hmm?"

"Ilang taon kana?" muntik na akong mapatawa sa tanong niya. Pero agad ko ding pinigilan.

Hindi pa nga naman namin masyadong kilala ang isa't isa. Wala naman sigurong masama sa gantong usapan.

"22, ikaw?"

"27." napataas ako ng kilay sa kanya bago tumango.

"Ang tanda mo na pala." sabi ko. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay, kaya agad kong iniba ang topic.

"Ano palang trabaho mo?" tinignan ko sya ng itanong ko iyon. Nakita ko ang pagkabalisa niya sa tanong ko. Napataas ang aking kilay sa reaksyon niya.

"H-Huh? A-Ano..." nakaramdam ako ng disappointment ng mapansin kong parang ayaw niya atang sabihin ang trabaho niya. Kaya agad kong binawi ang tanong ko.

"Ahh. Okay lang kahit hindi masagutin." I smiled at him. Nakita ko ang tingin niya sa akin.

Halata naman na hindi basta basta ang trabaho niya. Base sa background niya ay may sarili syang office at may secretary din sya. Parang naiimagine ko sya ngayon sa isang opisina na wala masyadong ginagawa, kaya ganoon nalang ang pag-aalok niya sa akin na sya ang gumastos para sa akin.

"I'm a CEO of Del Prena Groups of Company, Zette." Hindi ko napigilan ang pagbilog ng aking bibig.

Parang narinig ko na ang Del Prena. Hindi ko lang matandaan kung saan at kalian. Siguro ay kina Mommy at Daddy, tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga business at mga naglalaki hang kumpanya.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi kaya may alam sya tungkol sa akin? Tungkol sa ginawa ko? Alam niya kaya kung sino ang mga magulang ko? Shit!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ailyn Macadat
next chapter pls....️...️...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh si carlew talaga yong lalaking gustong ipakasal ng mga magulang ni euzette
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status