Chapter 6
Mabilis na lumipas ang mga araw. Madalas na tumatawag, text at video call kaming dalawa ni Carlew. Tulad ngayon, kausap ko sya sa phone. Buti nalang at hindi kami nagkakasawaang dalawa kahit na puro ganto lang muna kaming dalawa.
"Sinong kasama mo mag shopping?" umiling lang ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya mamimili ako ng damit para sa mga susuotin ko sa pag-uumpisa ko sa trabaho. Kahit na sa isang linggo pa iyon.
Wala akong kasama para mamili ng office attire. Madami naman ako noon sa bahay, pero wala akong nadala kahit isa.
Duh! Kung magdadala ako ng ganoon ay pagdududahan pa ako, dahil honeymoon lang naman ang pupuntahan ko SANA kung natuloy ang kasal, ehh hindi natuloy dahil sa ginawa kong kagaguhan. Kaya kaonti lang ang nadala ko. At mga literal na puro panggala lang ang mga iyon.
"Wag ka na kaya munang magtrabaho? Tsaka nalang." Agad akong napailing sa sinabi niya.
"Ganyan ka ba talaga sa mga nagiging girlfriend mo? Ayaw mong pagtrabahuhin?" napairap ako sa sarili kong tanong.
"Nope, sayo lang." agad akong napasimangot sa sinabi niya.
"Bakit? Madami kana sigurong naging girlfriend no?" narinig ko ang paghalakhak niya sa tanong ko.
"Wala pa kong naging girlfriend bukod sayo." agad akong namula sa sinabi niya.
"Edi bakit ka ba ganyan sa akin?" malungkot kong tanong sa kanya pero deep inside natutuwa at kinikilig.
"Ewan ko. Tinamaan yata talaga ako sayo. Kaya ako nagkakaganto." Napanguso ako para pigilan ang aking ngiti.
Ewan ko, pero aminado ako na kinikilig ako sa mga banat niya. Wala namang masama, boyfriend ko na naman sya kahit na ang bilis lang kasi kakakilala lang namin sa isa't isa. Kahit na hindi pa ulit kaming dalawa nagkikita, dahil masyado pa syang busy sa Manila kaya kahit gusto na nya akong puntahan dito sa Bohol ay ako ang pumipigil sa kanya na wag muna.
Mag-isa akong nag-iikot sa mall, naghahanap ng mga damit na maaari kong gamitin sa office. Nakita ko ang paborito kong boutique na agad kong pinasok. Hindi ko akalain na may mga branch na pala iyon sa iba't ibang lugar. May tuwa akong naramdaman ng makita ko ang magagandang damit doon. Pangarap kong maging isang fashion designing pero dahil business management ang gusto nila Mommy ay wala akong nagawa. Marunong naman akong manahi ng damit sa makina pero hindi pa din sapat iyon. Wala pa iyo sa kalingkingan ng course na fashion designing. Yes, parte nga ng fashion designing ang pananahi, pero part lang. Iba pa din ang designing.
Pinili ko ang tatlo iba't ibang kulay ng spaghetti strap na sando, black, red, at yello, madami naman akong nadalang sando kaya tatlo lang, some different blouse. At apat na mga pencil skirt na may iba't ibang kulay. Bumili din ako ng ibat ibang kulay ng coat na kakulay ng mga skirts na binili ko para maging partner. Bumili din ako ng polo para kung sakaling hindi ako makapag sando ay iyon ang susuotin ko. Matapos kong makapili ng mga damit ay bumili din ako ng dalawang blackshoes at isang flats. Nang sa tingin ko ay okay na lahat ng napamili ko ay pinili kong mag-ikotikot sa Mall.
Napatigil ako tigil ako sa isang fastfood, eto ang fastfood na madalas naming puntahan ni Kyle noon sa Manila, agad akong napailing sa naalala ng bigla akong makaramdam ng gutom. Agad akong pumasok doon para makakain.
Tahimik akong nakain ng mag flash sa screen phone ko ang tawag galing kay Mommy. Agad ko iyong pinatay at binlock ang number ni Mommy. Hindi ako pwedeng magpalit ng number, madami akong contacts dito.
"Bes!" agad akong napalingon ng may marinig na nagtatawan sa kabilang lamesa. It reminds me of Kyle. Nakakamiss din pala talaga ang isang iyon. Simula nung kasal ay hindi ko na siya nakausap. Kamusta na kaya iyon? Agad kong kinuha muli ang phone ko. I dial my bestfriend's number. Sa pangatlong ring ay doon niya lang ito sinagot.
"Bes! Shocks! Asan ka ba? Ang tagal mong nawala!" nahimigan ko ang tuwa sa kanyang boses. Hindi ko na napigilan pang mapangiti.
"I miss you too, huh?" sarcastic kong sabi. Ni hindi niya manlang ako sinabihan ng na miss niya ako. Akala ko pa naman namiss niya ako. Tsk. Haha. Lol.
"Tss. Asan ka nga?" napairap nalang ako sa kanya. Hindi ko sinabi ang plano ko sa kanya, ang alam niya lang ay gusto kong magpakalayo sayo muna.
"Secret muna. Baka malaman pa nila Mommy." narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Miss na kita. I just want to see you." Napangiti ako sa sinabi niya. Bestfriend ko sya at sigurado naman akong wala syang ibang pagsasabihan.
"Sige, sasabihin ko na. I'm in Tagbilaran, Bohol." nakangiting sabi ko sa kanya. Nahimigan ko ang saya niya sa kabilang linya.
"Sus! Akala ko naman kung saang lupalop ka napunta. Kailan ka ba babalik ng Manila?" napakibitbalikat nalang ako sa tanong niya.
"I don't know."
"Hay nako. Sige, kung yan ang gusto mo. By the way, ang laki ng sinayang mo bes!" naguluhan ako sa sinabi niya, kaya napatigil ako sa pagkain.
"Sinayang?"
"Yes! Yung wedding, Bes! Hindi ko alam na isa palang Del Prena ang dapat na papakasalan mo!" hindi ko na masyadong naintindihan ang sinasabi niya ng may isang hindi inaasahang lalaki ang nagpakita sa harapan ko.
"Carlew!" agad kong binitawan ang phone ko para yakapin sya. Yes! Ganoon ako ka excited na makita sya.
Kahit na dalawang beses palang kaming nakikita ay ganito na agad ako ka attached sa kanya. There's something about him. It's like, I'm into him. Kahit una palang kaming nagkita.
Special Chapter Carlew Her beautiful and peaceful face, kahit anong anggulo, gising man o tulog ang ganda-ganda, lalo akong naiinlove. I'm watching her while sleeping, and I think it's my new found hobby. I traced her face, her fair skin, her long and black lashes, her rosy cheeks and her reddish lips, and her brownish straight shiny long hair, so natural. It's been a year now, and we're happy and contented with each other. We both have a work, we also travel like what she wants. “Baka matunaw ako.” I cackled when she spoke. “I love you.” I whispered and kiss her forehead. I'm still in the bed, waiting for her to wake up. “I love you talaga ang bungad? Hindi ba Good morning?” she said and pouted, hindi ko mapigilan ang mapangiti. “Good morning, baby.” I whispered again, this time I saw her smile.
Ate Ching: Thank you dahil umabot ka dito. Salamat sa pagsupporta. Sana basahin mo din ang iba ko pang stories.EpilogueFinally, matutuloy na din. Mapapasakin na din siya... Kahit na... Akala ko ay iniwan na naman niya ako...Tahimik akong nakaupo sa isang lamesa sa loob ng coffee shop. Hinihintay ko ang aking order habang kaharap ang aking laptop."Coffee for Carlew." sabi ng babaeng nasa counter-barista.Mabilis akong tumayo at lumapit doon para kuhanin ang aking kape. The lady barista sweetly smile at me, so I smile back."Thank you."Aalis na sana ako doon at babalik sa aking kinauupuan kanina ng may isang naka high school uniform ang lumapit sa counter para umorder. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya, pero hindi ko mapigilang mapatingin at mapatitig.She looks cute at her uniform. Blouse with two pockets a
Ate Ching: Congrats dahil umabot ka sa chapter na ito. Maraming salamat sa pagbabasa at pagsupporta.Chapter 50Naalimpungatan ako sa mainit na katawang bumabalot sa akin. Mahigpit na yakap. Hahayaan ko nalang sana nang maramdaman kong kapwa kami walang saplot. Walang pag aatubling iminulat ko ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin si Carlew na nakayakap sa akin.Mabilis na bumalik sa isip ko ang nangyare kagabi. Lasing ako at sumasayaw sa dance floor ng hilahin ako ni Carlew paalis doon. Halos mapamura ako sa aking naalala.Shit! Bumigay ako! Ang malala pa may nangyari sa aming dalawa, sa gabi bago ang aking kasal. Ang tanga-tanga ko talaga!Dahan-dahan akong umalis sa kaniyang tabi at sinuot ang aking mga damit bago umalis. Gusto kong magsisisi sa nangyare, ngunit may parte sa akin hindi na dapat ako magsisisi dahil mahal ko siya at mamahalin parin kahit alam kong mali.
Chapter 49Mabilis na lumipas ang mga araw, at linggo. Naging busy ako sa pag-aayos ng aming kasal, ako sa mga venue at magiging theme. Habang si Justine naman ay sa mga kailangan sa simbahan. Tinutulungan naman kami nila Mommy at Tita sa lahat kaya gumagaan. Nagtataka lang ako doon sa mga seminar, sinong naattend kasama ni Justine.Matapos naming mag-usap ni Mommy ay hinayaan na nila akong muli basta wag ko na daw uulitin ang nangyari, and I promised to them that I'm not going to do that again.Hindi ko na din nakita pa si Carlew simula nang araw na iwan ko siya sa Bohol at umuwi ako dito sa Manila. Wala din akong naging balita sa kaniya, walang na banggit sa akin si Tita o Justine tungkol dito, at hindi naman nag iba ang tungo sa akin ni Tita tulad ng inaasahan ko. Napaisip tuloy ako kung alam ba nilang si Carlew ang kasama ko nang mawala ako.Kahit papaano ay mas okay na din na wala akong balita k
Chapter 48"Mom." tawag ko kay Mommy nang makapasok kami ng bahay. Nakaupo siya sa isang upuan sa living room habang nanunuod ng T.V.Mabilis lang kaming nakapasok ng bahay dahil kasama ko si Justine. Hindi na nag tanong pa ang kasambahay na nagbukas ng gate para sa amin, lalo na nang makita ako. Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng kasambahay nang makita akong kasama si Justine.Alam kong masyado nang makapal ang mukha ko para umuwi pa roon. Dalawang beses ko nang ginawa at hindi impossibleng ulit kong muli iyon sa panagatlong pagkakataon na hinding hindi ko na gagawin tulad ng iniisip nila.Matalim ang tingin sa akin ni Mommy nang lingunin ako nito. Agad akong napahakbang paatras nang tumayo ito at humakbang palapit sa akin. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata na nagpatakot sa akin. Ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Mommy."Where have you been?!" dumagundong ang bos
Chapter 47Nakatingin ako kay Carlew habang siya ay natutulog. Pinagmamasdan ang mga features na meron siya, tila ba kinakabisa at itinatago sa memoriya para hindi makalimutan kung sakaling matapos na ang lahat at lumipas ang matagal na panahon. Para kahit paano ay may babalikan akong magandang alaala naming dalawa. Ang pagsasalo namin sa huling gabi dito sa Loboc.Napangiti ako. Kitang kita ko ang medyo pag itim ng kaniyang balat tulad ng sa akin. Halata mong nabilad kami sa arawan kahit na sa sandaling panahon lang kami nag stay dito at sa Panglao.Sa huling araw namin sa Panglao Island ay nagbangka lang kaming dalawa. Walang kasamang magmamando ng banggka, kundi siya ang magpapaandar noon."Sigurado ka bang kaya mo? Baka mamaya humito yan sa gitna ng dagat, patay tayo niyan. Hindi na tayo makakabalik ng resort." kabado kong sabi sa kaniya.May tiwala naman ako sa kaniya, pero