Share

Chapter 5

"W-what happened?" Nagaalalang tanong nito, pero di ito nagsasalita. "Brent" Mataas na ang boses ng dalaga.

"E ate nag-aaya pupunta na naman dyan" sabi nito. "Diyos ko naman Brent, akala ko ano na nangyari" nakahinga siya ng maluwag.

"Sorry Ate" natatawang sabi nito, "Nakikipagharutan kasi sa akin" dagdag pa nito. "Sige na pumunta kayo dito, isama mo na si Joy" sabi sa kapatid at pinutol na ang usapan.

Bumalik siya sa pwesto niya, pero napaisip siya bigla, nandito nga pala sila Paulo. Natigilan siya, patay! Sa isip nito. Ilang minuto lang mula sa bahay nila ang shop nila.

Bahala na! Sa isip nito.

"Are you okey?" Worried na tanong ni Angeline sa kanya. "H-ha, a oo, oo naman" sabi nito at ngiti sa dalaga.

After twenty minutes, "Nandito pala ang kambal natin" nakangiting sabi ni Shayne, kaya nilingon niya ang mga parating.

Pinagbuksan ni Brent ng pinto ang kambal at Joy. "Ang cu-cute naman" sabi ng mga tao ng makita ang kambal. "Hello Ninang" sabay na bati kay Karla at Shayne at humalik sa mga ito.

"Mommy" Tili ni Rei ng makita si Thea, at tumakbo papunta dito, kasunod ang kakambal na kapatid. "Hellobabies" bati niya sa mga ito.

Tutok lahat ng tao sa kambal, lumapit ito sa kanya at humalik. "Dun muna sa office ko, busy pa kami ng mga ninang niyo" utos sa mga bata at senyas kay Brent. "Oo nga tara na dun muna tayo" aya ni Brent sa mga ito.

"I don't like, I want to stay here" sagot ni Rei at kumapit sa dulo ng dress ng kanyang ina. "Baby Rei, sige na let's play" si Joy na ang umaamo sa bata, pero umiling ito at sumimangot.

"Rei" biglang singit ni Drei na seryoso nakatitig sa kakambal. "E...Kuya, I want to stay here nga, bakit ang kulit mo?" Sagot naman ng batang babae. "Mom is working" sagot nito na seryoso pa din ang mukha.

"Sige na anak, sama na muna sa kanila, look o nakatingin na sila sa atin" si Thea naman ang umamo sa anak na babae. "Ang cu-cute" komento ng ina nila Paulo.

"Ganyan, ganyan din si Paulo at Pauline nun maliliit, diba Hon" dagdag pa nito.

"Oo nga, ang cute, anong pangalan niyo?" Lapit ng ama nila Paulo. "Hello po, I'm Rei, and his my Kuya Drei" masayang sabi ng batang babae. "Hello Rei and Drei, ang cute niyo, kamukha niyo nun bata pa sila Tita Pauline" sabi ng tiyahin nila Paulo.

"Actually, kamukha....nila nun bata pa kayo" sabi ng ina nila Paulo na nakatitig sa kambal.

Nakailang lunok si Thea dahil natetensyon siya sa nangyayari, ganun din si Brent, maski si Joy na alam na din ang totoong pagkatao ng tatay ng kambal, pero wala silang magawa dahil sa tuwang tuwa ang mga ito.

"Mom, can I stay here, please" nag-puppy eyes pa ito sa kanya. "Rei....let's go na" si Joy na ang lumapit sa bata at binuhat ito, pero dahil nagtatantrums na ito, umiyak ito.

Kaya agad naman nilapitan ni Thea ang anak, para patahanin ito. "Stop crying na, anak wag matigas ang ulo" pag-aalo nito sa anak.

Ayaw niya kasing ini-spoil ang mga anak niya. "Dun na muna kay Tita Joy at Tito Brent" sabi nito, kaya agad na kinuha ni Brent ang bata at nagpaalam sa mga kasama sa loob ng shop, si Drei naman sumunod sa mga ito.

"Pasensiya na po ha, nagtatrantums lang yung anak ko" nakangiting sabi ni Thea sa mga kasama. "No worries hija, I understand you, ganyang-ganyan si Pauline nun bata makulit" sabi ni Pia dito.

"Mom" Saway nito sa ina. "I'm just kidding sweetheart!" Natatawang sagot nito sa dalagang anak. Napatingin naman si Thea kila Shayne at Karla na nakatitig kay Paulo at Pauline.

"Mare, alam mo ba nasaan ang tatay nun kambal?" Pagsisimula ni Shayne, kumakain ang mga ito, dahil nagbreak muna sa pag susukat ng mga damit.

Napatingin siya sa dalawang kaibigan na nahihintay ng sagot. Napahinga siyang malalim, "Nakita ko na ulit siya" sagot nito, kaya napaupo ng maayos ang dalawang kaibigan.

Alam ng mga ito ang nangyari sa nakaraan niya, pero dahil sa ayaw na pinaguusapan ang issue na iyon, malimit nilang pag usapan ito.

"Di ko makakalimutan ang mukha niya, kahit tatlong taon na ang lumipas" pag sisimula nito. "Si Paulo Francisco, siya ang ama ng mga anak ko" garalgal na dagdag pa nito.

Napasinghap si Karla at napahawak naman si Shayne sa kamay ni Thea.

"Oh my god" Nasabi lang ng dalawa. "Ayokong malaman niya ang totoo, ayokong magulo ang buhay ng kambal" sabi niya sa mga kaibigan.

"Pero diba mare, karapatan ng kambal na makilala nila ang tatay nila" si Shayne. "Oo wala kayong kahit na anong relasyon nun Paulo, pero may anak kayo at katapatan nila nakilala ang isa't isa" dagdag ni Karla.

Umiiyak na si Thea di niya alam kung ano ang dapat na gawin. "Di ko alam, ayoko magulo ang buhay ng mga anak ko" sabi niya at napahilamos ng mukha.

"Di ka namin pinipilit, desisyon mo na yan ikaw ang ina nila, pero sa tingin ko kailangan din nila ng tatay at ang tadhana na ang naglapit sa inyo dalawa, malay mo naman na, uso ang second chance, kayo pala sa isa't isa" nakangiting tugon ni Karla, napatango naman si Shayne sa sinabi ng kaibigan. "Kung anong desisyon mo mare, support kami sayo" Sabi ni Karla at niyakap ang kaibigan.

"Mom, mom" Tawag ni Drei kay Thea. "Yes anak?" Lapit niya sa anak at hinalikan ito. "Ang po sakit ng ulo ko" sabi nito at yumakap sa ina.

"O what happened?" Hinipo niya ang noo nito, maiinit ito. "Baby nilalagnat ka, Joy tawagan mo si Doc Jen, dadalhin ko si Drei" utos nito sa dalaga.

"Bakit ate anong nanyari?" Tanong ni Brent na nagmamadaling lumapit sa mga ito. "Nilalagnat si Drei, Brent pakitawagan mo si Neri at please ipagdrive mo kami papuntang hospital" nag aalalang sabi ni sa kapatid.

"Okey iaayos ko na yung sasakyan" nagmadaling lumabas si Brent. "Ate okey na po natawagan ko na so Doc dalhin na daw po natin si Drei" sabi ni Joy said kanya.

"Stay here Joy, dito na muna kayo ni Rei, kami na muna ni Brent ang pupunta sa hospital" sabi into as dalaga.

"Sige ate ingat kayo" nasabi na lang nito. Habang nasa byahe sila do niya maiwasan na mag alala sa anak, nag ring ang cellphone niya.

"Thea, what happened, nasan na kayo?" Tanong ni Neri. "Papunta na kami ng hospital" sagot lang niya. "Okey susunod ako, wag kang mataranta ha" sabi ni Neri at pinutol na ang usapan nila.

Pagkadating nila ng hospital agad nilang dineretso agad sa doctor nila. "What happened Thea?" Tanong ng Doctor Jen.

"I don't know doc, okey naman siya kahapon, kanina nilalagnat na siya" worried na sagot nito. "Hey, baby may masakit ba?" Tanong ng doktora kay Drei.

"My head, and here" turo sa bandang lalamunan niya. "Patingin ako, say ah" Sabi ng doktora.

Matapos makita ang lalamunan niya at ilang test. "May tonsillitis siya, Thea ito yung mga gamot niya, at wag muna sa sweet baby Drei ha" masuyong pag papaalala nito sa bata. "Pwede naman na kayong umuwi basta ipainom mo yung gamot niya" sabi ng doktora sa kanya.

"Thanks Doc" Nasabi lang nila. Habang papalabas sila ng hospital, "Ikaw baby pinagalala mo kami" biro ni Brent sa bata at ginulo and buhok.

"Sleep ka na muna para mawala na yung headache mo dito lang si Mommy" sabi niya at hinalikan any ulo ng bata habang buhat ito.

Nagpasalamat sa Diyos si Thea na di malala and sakit ng anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status