Share

Chapter 4

Auteur: vhans
last update Dernière mise à jour: 2023-05-18 16:01:25

Nasa office si Thea, pero iniisip niya pa din ang pag-uusap nilang magkakapatid tungkol sa tatay ng kambal. "Thea" Tawag ni Karl sa kanya, kaya bahagyang nagulat ang dalaga.

"O Karl, ano ginagawa mo dito, wala ka bang trabaho?" Tanong nito sa binata. "Ito naman di ba ko welcome dito?" Tanong ng binata sa kanya. "Arte nito, nagtatanong lang, kahapon nandito ka din" biro niya dito.

Tumawa lang to, at umupo sa silya sa harap niya, "Boss ako e kaya ayos lang" sabi nito at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at dumekwartro pa.

Nakilala niya si Karl dahil nagtrabaho din siya dati sa kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Karl, hanggang umalis siya at nagtayo na sariling business nanatili na ang pagkakaibigan nila.

"O di ikaw na boss" sabi niya dito. "Busy na naman kayo" sabi ni Karl.

Tumango lang siya dito at inaayos ang mga gagamitin para sa pag-aayos ng kasal, "Kilala mo sila?" Tanong niya kay Karl.

"Medyo, kilala sila sa business world, nagmamay-ari sila ng hotels and Restaurant, pinasok na din nila ang Supermarket" pagkukwento nito sa dalaga.

Napatango lang si Thea sa sinabi niya, di niya alam pero na curious siya sa pamilya ng binata. "Lunch na tayo gutom na ako" aya ni Karl sa kanya, tumango lang ito.

Nasa restaurant sila malapit lang sa shop nila, magkasama sila nila Karl, Shayne, Karla at Thea. Habang kumakain sila, nakita ni Thea si Pauline kaya agad niyang binati ito ng makalapit sa kanila.

"Uy, kamusta?" Bati nila dito. "Ayos naman, halika kain ka" aya nila dito. "Tapos na ako, binisita ko lang to branch namin" sabi nito.

"Sa inyo ito?" Tanong ni Karla, tamango lang ito sa kanila. "Wow, nice ha, ang sarap ng foods dito" komento ni Shayne. "Naku, thank you nakakataba ng puso" nakangiting bati niya dito. "Totoo masarap" segunda ni Thea.

"Miss Lie, hinahanap na po kayo ni Sir" sabi ng isa sa staff nila. "Okey sunod ako, thank you" sabi ng dalaga. "Lie, bakit Lie?" Curious na tanong ni Karla.

"Pauline kasi diba, pag Pau para tawag din kay Kuya Paulo, kaya Lie ang nickname ko" pagpapaliwanag nito sa kanila. "Ah...nandyan din ang Kuya mo?" Tanong ni Thea sa dalaga, tumango lang ito, kaya kinabahan siya.

Di niya alam kung bakit siya kinakabahan sa presensiya ng binata, "Wala naman akong kasalanan sa kanya" Piping sabi niya sa sarili, pero ginugulo siya ng isang parte ng isip niya, "Wala ba talaga?" Pinilit niyang inalis sa isip ang mga agam-agam.

"Sige, enjoy the food, una na ako" pagpapaalam ng dalaga sa kanila. "Ingat ka" sabi nila dito.

Nakatingin lang siya sa dalaga, malakas talaga ang hawig nila Pauline sa kambal niya, malakas ang dugo ng mga ito.

"Alam mo girl parang hawig nila Pauline ang kambal natin" wala sa loob ng sabi ni Shayne sa kanya, kaya nasamid ito. "O inom ka, nakakaloka papakamatay lang" sita ni Karla dito.

"Are you okey?" Worried na tanong ni Karl dito. "Y-yes, I'm fine" pilit na ngiti ang binigay niya sa mga ito. "Tapusin na natin to, para makabalik na tayo sa shop" sabi na lang si Thea sa mga kasama.

"Alis na ako babies, be good" pagpapaalala ng dalaga sa mga anak. "Okey, take care Mom" sabi ni Drei at humalik dito. "Yes, I will be good" si Rei naman at ngiting-ngiti humalik din sa kanya.

Napangiti lang siya, mabilis ang panahon malaki na ang mga anak niya.

Pagdating niya ng shop, madaming tao ngayon kasi nila susikatan ang bride, groom at mga kasama sa entourage sa kasal, pero di niya ini-expect na, sabay-sabay ang mga ito.

"Mare, nakakaloka sabay-sabay sila" salubong ng dalawang kaibigan niya. "Wala naman tayong choice, tara na let's start" sagot niya sa mga kaibigan.

Lumapit sila sa mga ito, di maipagkakailang magandang lahi ang mga ito at sa parehong side. "Naku girls, sorry di ko expected na sabay-sabay silang dadating para magpasukat" hinging paumanhin ni Angeline sa kanila.

"Ayos lang" sagot ng mga ito. "O tara let's start" aya ni Thea sa mga ito.

"Margo, Jean help us, Terry ikaw muna mag accomodate kung may pupuntang ibang kliyente" isplika ng dalaga sa mga staff ng shop. Tumango lang ang mga ito sa kanya, kaya nagstart na sila sa trabaho.

"I'm so excited" sabi ng isang matandang babae habang nagsusukat ang mga ito. "Di naman halata, Lola" biro ni Eric sa matanda.

"Oo, excited ako, bigyan niyo ako ng apo sa tuhod" pagbibiro ng abuelo sa mga ito. "Sige, la tatrabahuhin na namin yan, diba Love?" Biro naman ni Eric sa fiance na si Angeline. "Tumigil ka na nga, nakakahiya kay Thea" suway nito sa binata.

Tumawa lang si Thea, "Ayos lang" sabi nito habang sinusukatan ang isa sa mga maid of honor. "Yung Paulo ko kaya kailan mag-aasawa yun, gusto ko na ng apo" natuon ang tingin ni Thea sa nagsalita.

Nasa fifties na ito, pero kita pa din ang kagandahan ng ginang. "Baka mauna pa si Peter kesa sa dun, Tita Pia" sabi ni Eric. "Tumigil ka nga seventeen pa lang ang bunso ko no" sabi nito.

"Ewan ko ba dyan sa pinsan ko yan, di ko alam ang dami ko nga pinapakilala wala pa din" naiiling na sabi ni Eric. Tahimik lang na nakikinig si Thea sa usapan ng mga ito.

Maya-maya dumating ang pinaguusapan nila, si Paulo kasama ang kakambal na si Pauline, kasunod ang bunsong kapatid ng si Peter.

Napatingin si Thea sa mga bagong dating, napabilis naman ang tibok ng puso ng dalaga ng magtama ang mga mata nila ng binata. "Speaking of the devil" nakangising sabi ni Eric, isang pabirong suntok ang binigay ni Paulo sa pinsan. Humalik lang ang mga ito sa mga nakakatanda na kasama nila.

"Alam mo ba si Tita Pia, nage-emote naghahanap ng apo mula sa inyo" nakangiting sabi ni Angeline sa mga bagong dating.

"Sakin, my gusto mo ng apo?" Biro ni Peter sa ina. "Hoy, shut up ka dyan, di sayo kay Kuya" siko ni Pauline sa bunsong kapatid."E mukha namang hindi naman ata mag-aasawa si Kuya e, di ikaw muna Ate tapos ako" masayang sabi ni Peter na ikinatawa ng lahat, maliban kay Paulo na poker-face.

"Ako na naman nakita niyo" seryosong sabi nito sa mga kasama. "Kelan ka ba kasi mag-aasawa, itong Mommy mo naghahanap na ng apo" lapit ng may edad na lalaki.

"Dad, yung totoo apo lang gusto niyo?" Si Pauline naman. "Di naman, sweetheart syempre gusto namin ng Mommy niyo na ma-meet ang future husband, and wife niyo" mahabang litanya nito.

"Pressure ha" biro ni Pauline, na ikinatawa ng mga kasama. Napangiti si Thea, mukhang masayang pamilya ang mga ito sa isip-isip niya.

Nagring ang cellphone ni Thea, "Excuse I have to take this call" paalam niya sa mga kasama.

"Yes Brent?" Sagot niya sa cellphone. "Yung kambal Ate" sabi nito.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • A SECOND CHANCE IN LOVE   Chapter 52

    Nagulat ako dahil nasa labas si Paulo, "What are you doing here?" nagtatakang tanong nito sa binata.Pero imbes na sumagot ay hinigit nito ang dalaga, at hinalikan, nagulat si Thea, napahawak ito sa braso ng binata.He deepened the kiss by pulling Thea's head, he even tilted his head, a little moans escape on Thea's lips.Bumitaw lang ito ng pakiramdam niya ay mauubusan ito ng hininga.He looked at her, her lips were a bit swallowed because of the kiss, napalunok si Thea naglilipat ang mata niya sa mata at labi ni Paulo.Napapikit si Paulo, para kumalma ang puso nito pakaramdan niya tatalon ito palabas. "What's wrong?" tanong ng dalaga dito, "The kids?" dagdag pa nito."They are sleeping already" sabi nito, di niya alam bakit siya lumabas, he really wanted to kiss her.Kanina pag uwi niya ay may topak siya dahil dun sa Jeremy at Yannie, he doesn't like the both of them. Pero Lagi naman sinasabi nito na wala lang yun dalawa, hindi naman constant ang contact niya sa dalawa, pero ayaw pa

  • A SECOND CHANCE IN LOVE   Chapter 51

    "Hey sis" bati ni Neri kay Thea, ngumiti naman ito sa kapatid, nag aayos ito ng groceries niya kanina, kasama ni Paulo ang kambal.Halos dito na tumira sa Paulo sa bahay nila ar gustonh gusto ito ng mga anak nila, "Let me help you" sabi ni Neri at tumulong sa pagsalansan ng groceries."Nakasimangot si Paulo pagdating niyo, did you two fight?" tanong nito habang may inaayos sa kabinet."Nope, pero nakita ko kanina kay si Jeremy and Yannie, he doesn't like them" sagot nito sa kapatid, naiiling na lang siya dahil halata ang pagkadisgusto nito sa mag asawang Jeremy at Yannie."Jeremy and Yannie, as in your ex boyfriend and ex best friend" sagot ni Neri sa kapatid, tumango naman si Thea dito."You still have contact with both of them" nakapamewang na sabi ni Neri sa kapatid, di ito makapaniwala naikwento na niya na nagreach out ang mga ito sa kanya, at di ito sang ayon sa pakikipagkita ng kapatid sa dalawa."Well they are my fb friends, yung kanina it's just a coincidence na nakita ko lang

  • A SECOND CHANCE IN LOVE   Chapter 50

    Papalapit si Thea sa mag aama niya, naiwan sa pool ang tatlo, umahon na kasi si Brent para makapagbihis na."Umahon na din kaya kayo" tawag niya sa mga ito, naglalambitin pa sa leeg ni Paulo ang kambal, napakakalilikot na ng mga ito."Tara na baka, sipunin naman kayo" aya ni Paulo sa mga anak, kinarga niya na ang mga ito para di na makakontra pa.Binalot naman ni Thea ang mga anak ng tuwalya at sinabit sa balikat ni Paulo ang tuwalya niya."Thank" sabi nito at humalik sa pisngi ng dalaga, ngumiti lang si Thea dito."Is there bothering you my love?" tanong nito kay Thea kaya napalingon si Thea dito."Huh?" nagtatakang tanong nito, "I know something is bothering you, care to share?" tanong nito at pinisil pa ang mga kamay nito.Napaisip si Thea kung narinig ba nito nun naguusap silang mag kapatid kanina.Bumungotong hininga si Thea at humarap dito, "About the birthday party of the kids" pagsisimula niya, nakatingin naman si Paulo sa kanya at hinihintay ang sasabihin."Do, do you t-think

  • A SECOND CHANCE IN LOVE   Chapter 49

    Busy'ng busy sila Thea sa shop, may mga kliyente kasi sila na nagpuntahan para makipag meeting sila, jumped pack ang team nila, merong silang wedding ang debut na inaayos."Oh my god I need coffee" sabi ni Shayne nakahawak ito sa batok sa pagod, maya maya ay pumasok si Paulo, may bitibit itong coffee at cakes para sa kanila."Coffee delivery" sabi nito at ngumiti sa mga tao sa shop, ng mapadako ang mata kay Thea parang nagningning ang mata nito."Oh my god, Paulo you're a blessing in the sky" sabi ni Karla, agad naman nilang nilapitan ang binata at kinuha ang kape at cakes na hawak nito.Lumapit si Thea kay Paulo at yumakap dito, humalik naman sa buhok ng dalaga."Kasweet sana all talaga" sabi ng ibang staff nila, "Alam ko na busy kayo kaya nagdala ako ng coffee and cakes" sabi ni Paulo."Boss Paulo sa senado, number one to sa balota ko" sigaw ng isang staff na tinaas pa ang kamay, nagkatawanan na lang sila."Thanks Paulo" sabi ni Karla at Shayne dito nagbreak muna sila para kumain."

  • A SECOND CHANCE IN LOVE   Chapter 48

    "Yeah, they are so sweet" nakangiting sabi ni Pauline sa pamangkin, nag apir pa silang mag tita, natawa naman silang lahat sa reaksyon ng dalawa.Napasulyap naman si Thea, ng pisilin ni Paulo ang kamay niya, ngumiti ito sa kanya at humalik sa noo niya, napangiti din siya. Well totoo naman sinabi ni Rei, they are so sweet together.Kinikilig pa din siya dito, kahit na boyfriend niya na ito, mas lalo itong nagiging sweet, napakamaalaga pa nito sa kanilang mag iina."We are waiting for a wedding bell" nakangiting sabi ng mommy ni Paulo, napalingon silang lahat dito, "What don't you have a plan?" tanong muli nito.Nagulat naman si Thea sa sinabi ng mommy nito, "Of course my, I have a plan to ask Thea" sabi nito napalingon naman siya sa binata, nagulat siya sa sinabi nito."But ayokong mabigla siya mommy, one step at a time" sabi nito, ngumiti ito sa kanya, at niyakap siya nito, at humalik sa pisngi ng niya.Jusko naman talaga nagpapa PDA sila dalawa, "Mahiya naman kayo sa mga single dito"

  • A SECOND CHANCE IN LOVE   Chapter 47

    Nagsidatingan na ang mga bisita ni Thea, buong pamilya ni Paulo ang dumating kasama ang galing sa honeymoon na si Eric at Angie.Dumating din ang mga kaibigan nito na si Karla at Shayne at ang mga staff sa office nila, symepre kasama si Karl."Happy Birthday hija" sabi ng mommy ni Paulo, ito ang unang pakikita nila ng mommy at daddy ni Paulo na girlfriend na siya ng binata.Nagpacater si Paulo, di na ito pumayag na magluto ang mga tao sa bahay ni Thea, para daw di mastress ang mga ito.Ayaw nga sana ni Thea, sabi niya na sila na lang, pero di ito pumayag sa gusto ng dalaga."Thank you tita" nahihiyang sabi nito, di niya alam saan nanggagaling ang hiya niya sa ginang, "Ano ka ba you don't need to shy, you know naman na I love you from the start diba?" nakangiti sabi nito sa dalaga, napatango naman ang tatay ni Paulo, " Welcome to the family Thea" masayang sabi nito at niyakap din ang dalaga."She felt so love, by this people, "Happy Birthday Ate Thea" sabi ni Peter dito, sumunod naman

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status