NAPATULALA siya nang makita ang kababata na nasa mismong harapan niya, prinoprotektahan siya. Nakaramdam ng kaligtasan si Cali at kaginhawa dahil dumating si Drake. Nilingon siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat, puno ng pag-aalala ang mukha. “You, okay?”
She nodded and eyes widen when she saw the moron stood up, wiping the blood in the corner of his lips.
Nilingon naman ito ni Drake at mas itinago pa sa likod ang babae. Lumusob yung lalake at hindi naman hinaayan ni Drake na masuntok siya nito, agad siyang umiwas at hinila si Calli para hindi matamaan. Pinatabi niya muna ang dalaga bago sinipa ng malakas yung lalake kadahilanan na matumba ito na agad niyang kinubabawan at pinagsusuntok. Nilalabas niya ang lahat na galit na nararamdaman.
Nang makita niya ito binabastos ang dalaga ay bigla na lang nag-init ang ulo niya, parang gusto niya itong patayin. Ang kapal ng mukha nitong hawakan ang pagmamay-ari niya.
Tinulak siya nito at agad na kinubabawan, siya naman ang pinaulanan ng suntok. Hinarang niya ang mga braso sa mukha at naghahanap ng tiyempo na maitulak ito.
Hindi naman magawang maihakbang ni Calli ang mga paa, gusto niyang tulungan ang lalake pero natatakot siya. Nanginginig ang mga tuhod niya at tiyak na kapag sa oras na kumuha siya ng hakbang ay matutumba siya.
“Drake,” usal niya sa pangalan ng binata. Nakikita niyang nahihirapan itong iwasaan ang suntok nung lalake pero nakahinga rin ng maluwag nang pumalit naman ang posisyon ng dalawa at walang awang binugbog ni Drake ang lalake.
“Calli!”
Nilingon niya ang tumawatag sa kanyang pangalan at parang maiiyak nang makita niya si Mason at mga kaibigan na tumatakbo papunta sa kanilang puwesto. Agad siyang niyakap ni Mase habang sina Larence at Xiver naman ay inawat sina Drake at ang lalaking nambastos sa kanya. Sinubukan na kumawala ni Drake sa pagkakahawak ng dalawa habang ang lalake ay sumusuka ng dugo.
Walang may naramdamang awa si Calli rito, binastos siya nito.
“Drake.”
“Let go of me. I will kill him.”
Mabuti na lang ay may dumating na dalawang guard at inilayo ang bastos na lalake. Dinala nila ito sa opisina at pinasunod sila.
“That’s enough, Drake!” Airah shouted.
Calli stop sobbing and turn at Drake. She withrdaw from the arms of Mase to help them calm him. Nang makita siya nito ay agad itong napatigil, naging maamo ang mukha at pinaksi ang braso mula sa pagkakahawak ng dalawang kaibigan.
Suminghap si Calli nang bigla na lang siyang hilain nito papalapit at niyakap ng mahigpit. Hindi lang katawan niya ang tumigil kundi na rin ang pagtibok ng kanyang puso.
“Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba niya?”
“O-okay lang a-ako,” nauutal niyang sagot.
Nakahinga naman ito ng maluwag at mas niyakap pa siya. Sa kabila ng nangyari sa kanya ay hindi niya mapigilan ang kiligin dahil sa pag-aalala nito. “I am glad that you’re okay.” Hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan iyon, may kung anong humaplos sa puso niya sa ginawang iyon ng binata. “Ang kapal ng mukha niyang hawakan ka. Walang puwedeng may humawak sa’yo, Calli kundI ako lang….ako lang," may diin ang mga salita nito.
Kumalabog ng malakas ang puso niya, parang may isang milyong mga kabayo ang nagtatakbuhan sa kanyang dibdib. Did Drake really say that? Are her ears not playing with her?
Hanggang sa makarating sila sa office ng manager para pag-usapan ang mga nangyari ay ang mga salita pa rin ni Drake ang laman ng isip niya, hindi siya magawang tantanan ng mga ito. Nagtama ang mga mata ni Drake nang mapatingin ito sa kanya habang pinapakalma ito ni Xiver dahil galit na naman.
Tumayo ang binata na agad na pinigilan ni Xiver. “Let go of me kung ayaw mong masaktan. Alam mo kung gaano nangangati ang kamay ko na suntukin ang hayop na yun, Xiver.” Kumuyom nag kanyang kamao.
Nasa clinic kasi ang lalaking nambastos kay Calli dahil nawalan ng malay. Napuruhan ito ng husto pero kahit ganunpaman ay hindi pa rin sapat kay Drake ang ginawa. Gusto niya itong patayin.
Xiver hesitatedly withdrew him.
”Pupuntahan ko lang si Calli," ani ni Drake para ipaalam dito na walang siyang gagawing masama.
Napakurap-kurap naman ang dalaga nang huminto sa tapat niya si Drake. Hinubad nito ang suot na denim na jacket at ipinasuot sa kanya, todo ang iwas ng mata nito na hindi mapatingin sa kanyang dibdib. Doon niya lang naalala na wala pala siyang pang-itaas na damit at bra pa rin ang suot. Pinamulahan siya.
“What happened surely scared you. Hindi makakabuting nandito ka. Bumalik na muna siguro kayo sa vacation house. Ako na ang bahala rito.”
“But how about my statement?” she asked in a low voice.
“Just like what I said, ako na ang bahala at puwede namang bukas ka na lang kunan ng statement. Kailangan mo ng magpahinga, malalim na ang gabi.” Nilingon ng binata sina Airah at Naomi. “Samahan niyo muna siya.” Tumango naman ang dalawa at inalalayan si Calli sa pagtayo.
Nilingon ni Calli si Drake bago lumabas ng pinto at gumuhit ng ngiti sa labi. Ngumiti rin pabalik ang binata at kinaway pa ang kamay.
Nang makarating sa vacation house at makaupo sa kama ay malalim na bumuntong hininga si Calli. Naupo sa tabi niya si Naomi at hinagod ang kanyang likod habang hinahanapan naman siya ng damit ni Airah para makapagbihis at makatulog na.
“You want to drink a water?”
She nod as a response to Naomi. Lumabas ito ng kuwarto at ilang sandali lang ay bumalik din na may dalang tubig. Agad niya iyong ininom at naubos sa isang inuman lang.
“Nauuhaw ka pa?”
“Hindi na.”
She take a shower to have a peaceful mind. Hinaayan niyang mabasa ng tubig ang katawan at nang mapatitig siya sa suot ay muli na namang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. Kung hindi na lang sana siya pumayag sa gusto ng mga kaibigan niya, kung hindi na sana siya sumubok na magsuot ng ganito hindi sana siya nabastos. Mga kagagahan niya talaga. Ngayon, anong napala niya?
Napaupo siya sa malamig na tiles at nagsimulang humagulhol. This is the first time that it was happened in her life, takot na takot siya at hindi magawang matanggap ang nangyari, pakiramdam niya ang tanga niya dahil nalagay niya ang sarili sa kapahamakan.
Habang ang mga kaibigan niya naman ay inilapit ang tenga sa pinto ng banyo para pakinggan ang nangyayayri sa kaibigan nila, nung una ay pagragasa lang ng tubig ang naririnig pero nilukob sila ng kaba nang makarinig ng pag-iyak ni Calli hanggang sa lumakas iyon. Mabilis silang pumasok ng banyo at nakita ang kaibigan na umiiyak at sinasabunutan ang sarili. Dinaluhan nila ito, pinalbutan ng tuwalya at pinatayo. Niyakap nila ito kahit nababasa man sila.
“Tahan na, Calli. We are just here. Hindi ka namin papabayaan.”
“Magbabayad ang hayop na iyon. We will make sure na makukulong siya.”
Mas lalo pang humagulhol ng iyak si Calli at niyakap sila pabalik.
Matapos niyang magbihis ay tinulungan siya ng mga kaibigan na tuyuin ang kanyang buhok. Hindi niya naman napigilan ang ikuwento sa mga ito ang pagliligtas na ginawa ni Drake. Laking pasasalamat niya talaga at dumating ang binata dahil kung hindi, baka umiiyak pa siya magpahanggang nagyon. Tiyak na tuluyan na siyang nababoy at wala na ang dignidad na kanyang iniingitan.
“Kita mo yung galit sa mga mata niya? Nag-aalala talaga siya sa’yo ng sobra, Cal.”
“At ano na naman ang gusto mong ipahiwatig dun?”
“That he really likes you.”
Umikot ang mga mata niya. Napaka issuerist talaga nitong mga kaibigan niya…. at dahil dun ay nahulog siya sa binata.
Si Drake.... gusto siya? Hindi siya naniniwala, nakailang girlfriends na nga ito eh at ang lamig pa ng pakikitungo sa kanya. Kung nag-aalala man ang binata kanina at galit na galit, yun ay dahil magkaibigan sila. Magkababata at marami na silang pinagsamahan.
“Tantanan niyo na nga ako riyan.”
“Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?”
“Ang manhid talaga.”
Nilingon niya si Naomi na nakataas ang kilay. “Hiyang-hiya naman ako sa marupok na katulad mo.”
“At least hindi ako nakakasakit ng tao—”
“At least, hindi naman ako yung nasasaktan.”
“Tumigil na nga kayo,” sita ni Airah sa kanila. “ Mapaghinga ka na Calli.”
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin magawang makatulog ni Calli, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina, binabagabag pa rin siya. Bumangon siya at napatingin sa bukas na bintana, nililipad ng hangin ang kurtina at parang sumasayaw ito. Inalis niya ang nakapulupot na kumot sa katawan at umalis sa kama. Naglakad siya sa may balcony at nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang malamig na hangin, nilipad nito ang kanyang buhok. Ipinikit niya ang mga mata at sumandal sa may barandilya. Ilang beses siyang kumuha ng preskong hangin at magaan iyong pinapakawalan.
Nag-aalala siya kung ano na ang nangyari kina Drake. Madaling araw na at hindi niya alam kung nakabalik na ba ang mga ito. Sana maparusahan ang lalaking nambastos sa kanya.
Mabilis siyang napatingin sa kabilang kuwarto kung saan ang kuwarto ni Drake nang makarinig ng kalabog. Suminghap siya nang kumalabog ulit at sa pag-aalala ay napagdesisyunan niyang puntahan ito sa kuwarto.
Kumatok siya sa pinto. “Drake?” she called his name. It took for a few seconds before the door opened.
Nagulat si Drake nang makita ang dalaga, may ngiti ito sa labi at binati siya. “Hi! Good eve. Okay ka lang ba? Nakarinig kasi ako ng ingay.” Agad niyang tinago ang kamao pero nakita nito ang dugo roon, puminta agad ang pag-aalala nito sa mukha. “Okay ka lang ba?” Hinawakan siya nito sa kamay at pinagmasdan ang sugat niya.
“Bakit gising ka pa?” he asked.
Hindi siya nito sinagot. “Kukuha lang ako ng first aid, gagamutin ko ang sugat mo.” Pipigilan pa niya sana ang dalaga nang tumakbo na ito pababa. Umupo naman siya sa gilid ng kama para hintayin ito.
Hindi naman ito nagtagal at muli ring bumalik. Tumabi ito ng upo sa kanya at sinimulang gamutin ang kanyang kamao. Gusto niyang magmura sa hapdi sa unang dampi pa lang ng bulak.
“Ano ba ang nangyari rito sa kamao mo?”
Ininda niya ang sakit at huminga ng malalim. “Ba’t gising ka pa?”
Sagit siya nitong tiningala. “I can’t sleep.”
“You’re still bothered about what happened?”
She sigh. “Yes, I tried not to think about it but I can’t. Anyways, thank you. Nakalimutan kong sabihin iyon sa’yo kanina.”
Hinawakan niya ang baba nito para iangat ang mukha, nagtama ang mga mata nila at naramdaman niya ang paninigas nito. “Don’t worry about it. Makukulong ang lalaking yun, statement mo na lang bukas ang kulang. I am really grateful that I saved you. Ba’t ka ba nagsuot ng ganun?”
Calli bit her lip despite being uncomfortable. Malakas ang tibok ng puso niya. “I just want to try something new—Drake!”
Napahiyaw si Calli nang bigla na lang siyang itulak nito pahiga at kinubabawan. Mas lalo pang nagwala ang puso niya habang hindi maalis ang mga mata kay Drake na may emosiyong ipinapakita na hindi siya sigurado kung ano iyon. Para iyong nagnanasa sa kanya, nag-aapoy ang mga mata nito.
“Don’t you know how hot you are in that suit? Mabuti na lang at may suot ka pang short…dahil kung hindi….baka naangkin na kita.”
Pakiramdam ng dalaga ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang mukha. She can’t sense any joke in his words, he really mean it.
Unti-unting bumaba ang mukha nito, papalapit sa kanya. Calli close her eyes and she can almost smell his breath, feel his lips near hers and before their lips met, Drake stood up and punch the wall.
Bumangon siya para pigilan ito. “Drake—"
“Leave, Calli!”
Sinapo nito ang buhok at sumigaw.
“Drake. Okay ka lang ba?”
Sinabunutan nito ang buhok.
“Drake—”
“I said leave, Calli!”
“Ano ba—”
“I SAID LEAVE!”
Suminghap si Calli sa bigla nitong pagsigaw. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mga mata niya at humakbang paatras. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahan na pinihit ito. Naglakad naman papasok si Drake sa banyo at malakas na sinara ang pinto. Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mga mata ni Calli at lumabas.
AFTER THREE YEARS, nakauwi na rin sina Drake at Calli ng Pilipinas matapos nilang mabalitaan na pumanaw na si Don Rafael dahil sa katandaan. Bilang pagrespeto sa matanda ay pumunta pa rin sila sa burol nito. Napatingin sa kanila ang mga naroroon at napatigil sa pag-uusap ang ina at ama ni Drake nung makita sila. They are walking together with their two daughters. Nanubig ang mga mata ng ina ni Drake at nahihiyang lumapit sa kanila. "Drake....anak," Denise whispered. "Mom," Drake uttered. Humagulhol ng iyak ang ina ni Drake at niyakap ang anak. Ganun din ang ama na maluha-luha pa. "I'm sorry Drake, I am really sorry. Mali ang ginawa ko…...namin ng ama mo. Nung umalis ka ay doon lang namin napagtanto ang mga kamalian namin. Sorry anak. Sana mapatawad mo kami." Drake smiled. "You're still my mother, mom and as well as you too, dad at napatawad ko na ho kayo. Masaya ako na napagtanto niyo na ang pagkakamali ninyo." Drake's heart lifted up. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ang pag-aa
ELYSE PLANS succeeded. Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang daang tinahak ng van, hindi niya alintana ang pagsigaw sa kanya ng lolo na galit na galit, ganun din si Don Rafael na kulang na lang ay himatayin. Nagpaputok pa ito ng baril dahil hindi nahuli ng mga tauhan si Drake. Unlike Drake na sumuko na agad, siya naman nag-isip pa ng ibang paraan. Hangga't hindi pa sila officially kasal ni Drake ay alam niyang may pag-asa. Kinausap niya si Mase isang gabi bago ang kasal. Ang plano nila ay pupunta sila ni Drake sa simbahan para lingatin ang atensiyon ni Don Rafael at habang dinadaos ang kasal ay ililigtas naman ni Mase kasama ang mga tauhan nito sina Calli at Shreya, pagkatapos nun ay staka na niya patatakasin si Drake. Hinanda na niya ang sarili, ang ilang tauhan ni Mase sa simbahan para hindi mapigilan si Drake nino man, ganun din ang mga kaibigan nito. "Hija, bakit mo naman iyon ginawa?" Ina ito ni Drake na pilit tinatawagan ang anak. "Huwag na nating ipagpilitan ang hindi
MATAPOS ANG matinding preperasiyong naganap ay dumating na rin ang araw ng kasal nina Drake at Elyse. Umagang-umaga pa lang ay nagwala na si Drake nung nagpumilit ang mga tauhan ni Don Rafael na tulungan siya sa pag-aayos sa sarili. "I don't need your freaking help. Umalis na kayo!" Binasag niya ang vase kaya tuluyan ng umalis ang mga ito. Napasalampak siya sa kama at tumingala para pigilan ang sarili sa pag-iyak. He wants to end his life now, it's choking him, it's torturing him pero hindi pa nakakalaya sina Calli kaya hindi niya iyon puwedeng gawin. Maya-maya lang ay may kumatok sa kuwartong kanyang tinutuluyan, sinasabing oras na para pumunta ng simbahan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagiging tulala. Nakatingin siya sa kisame kahit wala namang kainte-interes doon. Pagkalipas ng matagal na minuto ay lumabas na rin siya. Pinihit niya doorknob nang may naung bumukas nun mula sa labas at tumambad sa kanya ang babaeng pinagsisihan niyang naging kanyang ina. Handang-h
SA LOOB ng mga araw simula nung makuha sila ni Don Rafael ay pinahirapan nito si Calli. Okay lang naman iyon sa kanya basta ang anak niya lang ang hindi sasaktan, mabuti nga at hindi nito ginagalaw si Shreya. Sa tuwing magtatangka kasi ito ay tinatawag ito ng anak niyang lolo na siyang nagpapatigil sa matanda.Pinagsasampal siya ng mga tauhan nito, sinisipa at kung ano pang pang-aabuso para lang mapilit siyang hiwalayan niya si Drake pero hindi siya pumayag, hindi siya papayag na sisirain naman sila nito ng minamahal niya.Hinawakan ng mariin ni Don Rafael ang kanyang panga, napipikon na ito sa kanya pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Malakas pa nga ang loob niyang mas lalo itong galitin. Kahit lang man dun ay makabawi siya."Hindi ka ba talaga papayag? Alam ko namang peperahan mo lang ang apo ko eh.""Ma-hal ko ang a-apo ninyo." Kahit si Drake man ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ito pa rin ang pipiliin niya.Natawa ito at binitawan siya."Mahal? Huwag mo nga akong pinagl
DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa. "Calli....Shreya...." But no one answered him. Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito. "Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan. "Nahanap mo na?" Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko." Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating. Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.
GALIT NA GALIT si Drake at agad na nilusob ang kanyang lolo na prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina. Hinampas niya ang lamesa at binato rito ang pinadala sa bahay niya.Agad itong napatayo. "Drake!" umalingawngaw ang boses nito."What?" sigaw din niya. "Do you think natatakot pa ako sa'yo? Hindi na ako ang dating Drake na inaakala mo. Simula nung pagbantaan mo ang buhay ni Calli ay hindi na ako natatakot sa'yo! Wala akong pakealam kung tanggalin mo man ang lahat ng kayaman ko pero huwag mong gagalawin ang mag-ina ko dahil di ako mag-aatubiling ihulog ka sa impyerno. Wala akong pakialam kung lolo pa kita!""Wala ka ng respeto!"Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas pero ni ano mang sakit ay wala siyang may naramdaman. Sanay na siya sa pisikal na pananakit at miski sa emosiyonal pero pagdating sa kanyang mag-ina ay agad siyang nanghihina.Natawa lang siya. "Galit ka dahil hindi kita nirerespeto? Bakit? Ako ba nirerespeto mo? Sinasabi ko sa'yo Don Rafael, tigilan mo na ang pagigin