LOGIN
Malakas at maharot na tugtugin ang agad na sumalubong sa pandinig ni Catalina nang makapasok sila sa loob ng isang kilalang bar sa may Quezon City. Halos mapangiwi rin siya nang maamoy ang makapal na usok na hindi niya alam kung saan nagmumula. Siksikan na rin halos dahil sa dami ng taong naroon na kung siya lang ang masusunod ay mas pipiliin niyang lumabas na lamang.
Pero hindi niya magawa. Hawak-hawak ni Wendy ang kanyang kamay at halos hilain na siya papasok ng naturang bar. Dahilan pa iyon para wala siyang magawa kundi ang magpahinuhod na lamang sa kanyang stepsister. Yes, Wendy is her stepsister. Anak ito ng pangalawang asawa ng kanyang ama. Catalina was only fifteen when her mother died because of cardiac arrest. Five years later, her father remarried. Pinakasalan nito si Floria Alonzo, ang ina ni Wendy. Maayos naman ang lahat. Mabait ang kanyang Tita Flor at sa loob ng limang taong pagsasama nito at ng kanyang ama ay waring naging pangalawang ina ito sa kanya. She was happy with what’s going on with their lives. But as they said, sometimes, happiness wasn’t forever. Sampung buwan na ang nakararaan nang sunod namang pumanaw ang kanyang ama. Katulad ng kanyang ina, atake rin sa puso ang ikinasawi nito. Her world almost shattered because of what happened. Kung hindi lang dahil sa Tita Flor niya ay baka nalugmok na siya sa labis na kalungkutan. Unti-unti ay nakabangon siya mula sa pagkawala ng kanyang ama. Itinuon niya na lamang ang kanyang atensyon sa coffee shop na naiwan nito sa kanya. Dahil siya ang legal na anak nito, sa kanya naiwan ang pamamahala ng kanilang negosyong naitatag na kahit nang buhay pa ang kanyang ina. Samantalang ang perang mayroon sa bangko ang kanyang ama ay hinati sa pangalan niya at ni Flor bilang naging legal itong pangalawang asawa ng kanyang ama. Despite the loss of her parents, Catalina was able to bring back her life to normal. Hindi lang dahil sa kanyang madrasta, kundi pati na rin sa kasintahan niyang si Dominic. “Hurry up, Catalina. Naghihintay na sa atin si Harry,” pasigaw na saad sa kanya ni Wendy. Kinailangan na talaga nitong lakasan ang boses dahil hindi sila magkakarinigan dahil sa lakas ng tugtog sa naturang bar. “Hindi mo sinabi sa akin na sa bar tayo pupunta, Wendy. If I know, hindi ako sasama sa iyo,” malakas niya ring wika rito. Wendy turned to look at her. Pagak itong natawa at iginiya na siya palapit sa isang mesa kung saan naroon na ang nobyo nitong si Harry. Agad pa ngang tumayo ang binata nang makita na silang dalawa. “Hi, baby,” anito kay Wendy. Awtomatiko pang pumaikot ang isang kamay nito sa baywang ng stepsister niya saka maalab na naghalikan sa mga labi ang dalawa. Catalina swallowed hard. Napaiwas siya ng kanyang paningin dahil sa pagkaasiwang nadama. Kahit kasi may kasintahan na siya ay hindi niya pa nagawang makipaghalikan sa pampublikong lugar. Dominic had kissed her, yes. But it was always with respect. Hindi nila iyon ginawa sa ganoong lugar at ni minsan ay hindi pa lumampas sa yakap at halik ang namagitan sa kanila ng kanyang nobyo. And it was something that she loved about him. Dama niya ang respeto nito sa kanya na kahit alam niyang minsan ay higit pa sa halik ang nais nito ay hindi pa rin nangahas si Dominic na lumampas sa hindi pa dapat. “Come on, Harry, just get a room.” Maya-maya ay marahas na napalingon si Catalina sa lalaking nakapuwesto rin sa mesang okupado nila. Kilala niya ito sa mukha. It’s Harry’s friend. Hindi pa tuloy maiwasang madagdagan ang pagkaasiwang nadarama niya dahil sa ideyang kasama nila ni Wendy ang dalawang lalaki. Ano na lang ang sasabihin ni Dominic kapag nalamang naroon siya sa ganoong lugar at kasama ang mga ito? “Inggit ka lang, p’re, dahil wala kang kasamang chick ngayon,” ganting-biro ni Harry sa kaibigan nito. “Oh well, here’s Catalina. You know, you can get to know each other,” natatawa namang sambit ni Wendy na naging dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. “Wendy, I-I... I don’t think it’s right to be here. Uuwi na ako---” “Don’t be such a KJ, Cat,” mabilis na awat sa kanya ni Wendy nang akmang tatalikod na siya para umalis. “Just stay even for a while.” “Hindi mo sinabing sa ganitong lugar tayo pupunta,” may diin nang saad niya rito. “Ang sabi mo’y nagpa-reserve si Tita Flor ng hapunan sa ating tatlo sa isang restaurant, Wendy. Hindi---” “Dahil hindi ka sasama kung sinabi kong dito ang punta natin,” putol na nito sa pagsasalita niya. “Come on, Cat. We are both on legal age now. Hindi problema kung narito tayo sa ganitong lugar.” “Pero---” Sa muli ay hindi niya natapos ang pagsasalita nang sumingit na naman ito. “Okay, fine,” wika ni Wendy sa sumusuko nang tinig. “Uuwi tayo nang maaga, pangako. But let’s not waste what they bought for us.” Pagkawika niyon ay mabilis na siyang hinila ni Wendy palapit sa mesa. Halos ipagtulakan siya nito paupo sa tabi ng kaibigan ni Harry na halos magpailang sa kanya. Hindi niya pa alam kung bakit waring nananadya si Wendy na ilapit siya sa lalaki gayung alam naman nitong may nobyo na siya. “Let’s have a drink, Catalina,” Wendy said as she handed her a goblet. Kung ano man ang tawag sa laman niyon ay hindi niya alam. “I won’t drink, Wendy.” “Uubusin mo lang ito at uubusin ko rin ito, then we are going,” anito pa na bahagyang itinaas ang sarili ring kopita. Nang hindi siya kumilos sa kanyang kinauupuan ay nagsalita pa ito. “Come on, nakakahiya sa kanilang dalawa kung babalewalain lang natin itong binili nila.” Halos irapan pa ito ni Catalina bago kinuha na ang inaabot nitong inumin. Inisang tungga lang niya iyon dahil nais niya na talagang umuwi, bagay na parang gusto niya pang pagsisihan. Halos maubo kasi siya nang gumuhit na ang init ng alak sa kanyang lalamunan dahil sa dire-diretso niyang pag-inom. “Masyado ka talagang nagmamadaling umuwi,” natatawang sabi ni Wendy nang makita ang ginawa niya. Kung siya ay inisang inuman lang ang alak, ito naman ay halos sumisimsim lang sa kopitang hawak-hawak. Gustuhin niya man itong madaliin ay hindi niya naman magawa. Minutes had passed. Masayang nagkukuwentuhan ang tatlo habang siya ay tahimik lamang. Akmang aayain niya na sanang umuwi si Wendy nang biglang makadama ng pag-ikot ng kanyang paligid si Catalina. She felt dizzy and... hot. She didn’t know why. Isang kopita lang ang nainom niya pero bakit waring ganoon katindi ang epekto sa kanya? “Are you okay, Cat?” narinig niyang tanong ni Wendy sa kanya. Bakas pa sa tinig nito ang pag-aalala. “Y-Yes,” mabuway niyang sagot dito. “I’ll just go to the restroom.” Agad na siyang tumayo at halos matumba pa dahil sa pagkahilong nadama. “Ayos ka lang ba?” tanong ng kaibigan ni Harry. Tumayo pa ito at naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang baywang na wari bang inaalalayan siya. Catalina didn’t bother to answer. Dali-dali na siyang naglakad palayo at naghanap ng restroom sa naturang establisyemento. Nakita niya naman agad iyon ngunit nang nasa may pasilyo na siya patungo roon ay muli siyang nakadama ng pagsama ng pakiramdam. Hilong-hilo na siya at halos hindi maunawaan kung bakit labis na init ang nadarama niya sa kanyang katawan gayong may aircon naman ang kinaroroonan niya. Naisandal niya pa ang kanyang sarili sa sementadong dingding at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. She was waiting for the dizziness to subside when all of the sudden, an arm snaked on her waist. Marahan pa siyang napasinghap dahil doon kasabay ng paglingon niya sa kanyang likuran. She saw Harry’s friend. Nakangisi ito habang nakatitig sa kanya. “Are you okay?” tanong nito. Catalina tried so hard to stand up straight. Pilit niya ring inaalis ang kamay nitong nakakapit sa kanyang baywang ngunit mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kanya. “G-Get your hand off of me,” aniya sa mahinang tinig. “I reserved a VIP room upstair. Do you want me to take you there?” She could barely hear him. Hilong-hilo na talaga siya at halos hindi na malinaw sa kanya ang lahat. Ang namalayan niya na lang ay ang pag-akay nito sa kanya sa paglalakad. May inakyat silang hagdan na kung saan patungo ay hindi na niya alam. “This way, Catalina,” saad pa ng binata. “N-No,” wika niya sa mabuway na tinig. “I-I’m going home.” Binuksan nito ang pinto ng isang silid at inakay siya papasok. Agad pa siyang napapitlag nang basta na lamang siya nitong hinalikan sa kanyang leeg. Sa kabila ng pagkahilong nadarama ay pilit niyang pinagana ang isip. She knew it was wrong. Hindi dapat mangyari iyon. May kasintahan siya! Pagkaisip kay Dominic ay malakas niyang itinulak ang kaibigan ni Harry na hindi na niya pinagkaabalahang alamin pa ang pangalan. Dahil sa hindi nito inasahan ang ginawa niya ay bahagya itong nawalan ng balanse. Kinuha iyong pagkakataon ni Catalina para makalayo rito. Sa kabila ng pagkahilo ay agad niyang tinungo ang pinto at lumabas ng naturang silid. “Catalina!” she heard him screamed. Alam niyang agad siya nitong mahahabol. Sa katayuan niya, madali siya nitong maibabalik sa silid na iyon. And so Catalina thought of a way to get away from him. Sa halip na magpatuloy sa paglalakad ay dali-dali siyang pumasok sa katabing silid bago pa man makalabas ang kaibigan ni Harry at makita siya. Sa ganoong paraan ay alam niyang maiiwasan niya ito. Halos pabagsak pang isinara ni Catalina ang pinto ng silid na pinasok niya kasabay ng agad niyang pag-lock niyon. Laking pasasalamat niya na lang na bukas iyon at nakapasok siya bago pa man siya maabutan ng lalaki. She sighed heavily and tried so hard to calm herself. Naroon pa rin ang pagkahilong nadarama niya at ang kakaibang init na bumabalot sa kanyang katawan. Kung bakit ganoon ang nararamdaman niya ay hindi niya alam. Parang gusto niya pang isipin na hindi na lang iyon dahil sa alak na ininom niya. Could it be that they put something on her drink? “Are you the woman that my man got?” Agad ang pagsinghap ni Catalina nang marinig niya ang baritonong tinig na iyon. It was only then when she roamed her eyes around the room that she entered. Isang malamlam na liwanag lang ang bukas sa naturang silid dahilan para halos wala rin siyang maaninag sa loob. “You’re not answering, lady. Don't you know that I hate it when my question isn’t answered?” Catalina’s forehead furrowed. “W-Who are you?” Hindi niya makita ang mukha ang lalaking kasama niya sa silid na iyon. Maliban sa halos pumupungay na ang kanyang mga mata dahil sa nainom kanina, hindi rin nakatulong ang kakarampot na liwanag na mayroon sa silid na iyon para maaninag niya ang mukha nito. Despite not seeing his face, Catalina heard him smirked. Agad din ang pagkilos nito para lumapit sa kinaroroonan niya. Bagay iyon na nagpabahala sa kanya. She reached for the doorknob but the dizziness that she was feeling made for her to do it slow. Dahilan nga iyon para makalapit na sa kanya ang lalaki bago niya pa man mabuksan ang pinto. “And where are you going?” saad nito sa waring mapanganib na tinig. “You were already paid, lady, weren’t you? Now, do your duty.” Naguluhan siya sa mga sinabi nito ngunit bago pa man niya maproseso lahat sa kanyang isipan ay mabilis nang pumaikot sa kanyang baywang ang kanang braso ng lalaki habang ang kabila ay mariin na siyang hinawakan sa kanyang batok. Ang sunod na ginawa nito ay naging dahilan ng panlalaki ng kanyang mga mata. He kissed her! He kissed her on the lips in a very savage way! Mistula siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan dahil sa ginawa nito. His lips tasted like wine. Marahil ay umiinom ito bago pa man siya pumasok sa silid na iyon. At ang lasa ng alak sa bibig nito ay waring nakadagdag pa sa nakaliliyong damdaming bumabalot sa kanya. And she really couldn’t understand it. Kanina pa siya nakadarama ng kakaibang init sa kanyang katawan na sa hinuha niya ay sanhi ng kung ano mang ipinainom sa kanya ni Wendy. And that emotion increased when this man kissed her. Dama niya ang pagtaas ng libido sa kanyang katawan at natagpuan na lamang niya ang kanyang sariling tumutugon sa mga halik ng estranghero. Ang mga sunod na sandali ay halos hindi na malinaw sa kanyang isipan. Tinakasan niya ang kaibigan ni Harry dahil dama niyang may gagawin itong hindi maganda. Yet, here she was... giving herself to a man she didn’t know. Kahit ang mukha nito ay halos hindi malinaw sa kanyang paningin. Right on that night, she gave herself for the first time... to a stranger!Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a
“I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo
Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kanya para mangilag.Ito nga ba ang kapatid ni Dominic? Ito ang Apollo na madalas maikuwento sa kanya ng kasintahan niya?Catalina stared at his face intently. Katulad ni Dominic ay magandang lalaki rin ang kapatid nito at halata ang pagkakaroon ng dugong banyaga. Though, she would admit, the man she’s staring at that moment was much good-looking than her boyfriend.Kasintahan niya si Dominic at para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang lalaki. Pero hindi niya pa rin maitatangging may kakaibang karisma ang kapatid nitong si Apollo.He has dark eyes paired with long lashes. Matangos ang ilong nito katulad ni Dominic. He also has fair complexion that you could easily say that he has foreign blo
“What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang paningn kabaong ng kanyang kapatid na ngayon ay nakaburol sa malawak na sala ng malaki nilang bahay. Dominic’s wake was exclusive only for those people who were close to them. Naidala na nga ito ngayon sa kanila matapos nilang maasikaso ang lahat sa ospital.Wala siyang planong patagalin ang pagburol dito. Sa makalawa ay nakatakda na ang cremation nito na dadaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at kaibigan lamang.Naikuyom niya pa ang kanyang kamay na may hawak ng isang kopita ng alak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa silang malinaw na detalye sa kung sino ang pumatay kay Dominic. Ayon sa awtoridad na may hawak ng nangyaring krimen, maaaring robbery ang dahilan ng pamamaril sa kapatid
“Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nitong nilalabasan ng kayraming dugo dahil sa pamamaril ng lalaking nakamotor kanina.“Oh God, Dominic,” humihikbi niyang sabi sabay gala ng paningin sa kanyang paligid. “Tulungan ninyo kami! Please, tulungan ninyo kami!”Marami nang tao sa paligid. May ilan na napapatingin para makiusyoso. Ang iba naman na mga nagtago nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay lumapit na rin sa kanya para tingnan si Dominic. Pati ang ilang kumakain sa restaurant kung saan sila dapat maghahapunan ng kanyang nobyo ay nagsilabasan para alamin kung ano ang nangyari.One man instantly approached them. “Dalhin na natin siya sa ospital,” saad nito sa nagmamadaling tinig.Hindi na siya tumanggi pa sa pagtulong







