LOGINPahablot na kinuha ni Apollo ang puting long-sleeved polo niyang nakapatong sa ibabaw ng pang-isahang sofa saka iyon isinuot sa kanyang katawan. Isa-isa na niyang isinasara ang mga butones niyon nang mapalingon siya sa kamang hanggang sa mga sandaling iyon ay magulo pa rin ang bedsheet at kumot.
He heaved out a deep sigh as he finished buttoning his polo. Tinutupi na niya ang dulong bahagi ng sleeves niyon nang hindi niya mapigilang balikan ang mga nangyari kagabi. Kasalukuyan siyang nasa pag-aari niyang bar. Kagabi pa siya naroon at sa tuwing doon siya nagpapalipas ng magdamag ay ang silid na iyon talaga ang inookupa niya. And it was also where he brought women who would satisfy his biological needs everytime he needed it. Katulad na lamang kagabi. Inutusan niya ang kanyang kanang-kamay na si Cristoff na dalhan siya ng babae sa silid na iyon. Bilang matagal na ito sa kanya, alam na ng binata kung ano ang hanap niya. He didn’t want a low profile prostitute. Kahit bayarang babae lang ang mga iyon, ang gusto niya pa rin ay iyong makasisiguro siyang malinis at walang sakit. And Cristoff knew what exactly to do. Sa uri ng mundong ginagalawan nila, alam na nito kung saan kukuha ng babaeng pupuno sa pangangailangan niya. Ito na rin ang nag-aasikaso para bayaran ang mga iyon at siguraduhing hindi maghahabol sa kanya ang mga babaeng ikakama niya. Natapos na siyang magbihis nang biglang mapakunot ang noo ni Apollo. One part of the bed caught his attention. Marahan pa nga siyang humakbang palapit roon at tuluyang inalis ang kumot na bahagyang nakatakip sa bagay na nakakuha ng atensyon niya--- a blood stain. “So, I was right. A virgin...” he murmured to himself. Kagabi pa lang ay pansin na niya iyon habang inaangkin ang babaeng nakuha ni Cristoff para sa kanya. Bahagya pa siyang naguluhan ngunit ipinagpalagay niya na lang na baka baguhan lang ito sa larangan ng pagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan. Hindi niya na rin natanong sa babae. Maliban sa wala siyang interes makipag-usap dito, hindi na niya nadatnan ang babae paglabas niya ng banyo. Pumasok kasi siya ng banyo pagkatapos ng p********k nilang dalawa. Apollo smirked. Hindi naman siya nababahala kahit pa birhen ang dinalang babae ng tauhan niya. Alam niya kung paano magtrabaho si Cristoff. Alam niyang ginagawan nito ng paraan para hindi maghabol sa kanya ang babae. He paid right prices. Malaking halaga ang ibinibigay nila para lang manahimik ang mga ito. Besides, sa tuwing nagpapadala siya ng babae sa naturang silid ay sinisiguro niyang malamlam na ilaw lamang ang nakabukas. He didn’t want for those women to recognize him... especially, with the kind of life that they had. Maya-maya pa ay marahas siyang napalingon sa bedside table kung saan nakapatong ang kanyang cell phone. It rang so he instantly walked towards it to answer the call. “Hello, Cristoff,” agad niyang bungad nang mabasa sa screen ang pangalan ng tauhan niya. “Good morning, Sir Poll,” anito. “May nakuha na kaming impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Sir Dominic.” Tuluyang napunta sa sinasabi nito ang kanyang atensyon nang marinig ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid. Trenta anyos na ito, habang siya naman ay trenta y kuwatro. Dalawa lang silang magkapatid ni Dominic at sadyang malapit ito sa kanya. And it had been months since he last saw him. Lumayo si Dominic sa hindi niya malamang dahilan at ni wala siyang alam kung saang lupalop ito nagtungo. “Where is he?” “Totoong hindi lumabas ng bansa ang kapatid mo, Sir Poll. He’s just around, moving from one place to another here in Metro Manila. Palipat-lipat lang siya para hindi natin matunton.” “Damn it!” hindi niya mapigilang mapamura. “Binibigyan niya ng rason ang organisasyon para kuwestiyunin ang posisyon niya bilang underboss. Hindi na niya nagagampanan ang tungkulin niya sa Blackstone.” Apollo’s jaws tightened. Blackstone Organization is the mafia clan that he was leading. It originated in Italy where his grandfather, an Italian citizen, was the founder. Nang mamatay ang kanilang abuelo ay napasa sa kanyang ama ang pinakamataas na posisyon. Doon nagsimulang magkaroon ng problema ang kanilang grupo dahil sa pagpayag ng kanyang ama na makipag-alyansa sa pamilya De Luca. Isang kasunduan ang pinirmahan ng dalawang pamilya. Naging parte ang mga ito ng kanilang organisasyon ngunit nanatili pa rin sa kanila na mga Morano ang mas malaking bahagi ng kapangyarihan ng Blackstone. Pero hindi kampante si Apollo sa kaalyansa nilang pamilya. Alam niyang habol ng mga ito ang kagustuhang pamahalaan nang lubusan ang Blackstone. And he knew that it was the reason why Francesco De Luca was looking for something that would cause their downfall so he could take over with their position. Sa ngayon kasi ay siya ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa kanilang organisasyon. Nakuha niya iyon nang mapaslang ang kanilang ama sa isang engkuwentro. And since they had the rule of primogeniture, as the eldest son, the highest position was passed to him. At hindi niya maiwasang mamroblema sa kapatid niyang si Dominic. Ilang buwan na itong hindi nagpapakita sa kanya dahilan para magsagawa ng protesta ang mga De Luca sa pagpapabaya ng kapatid niya sa posisyon nito. Kapag nagpatuloy iyon ay maaaring maalis kay Dominic ang hawak nitong posisyon at mapunta kay Francesco. And it was something that Apollo didn’t want to happen. Madadagdagan lang ang kapangyarihan ng mga De Luca sa Blackstone Organization kapag nakuha iyon ni Francesco. “What should we do, Sir?” narinig niyang tanong ni Cristoff sa kanya. “Nalaman niyo ba ang dahilan kung bakit mas pinili niyang lumayo?” tanong niya sa tinig na nagpipigil lang ng galit. “He has a girlfriend, Sir. Sa tingin ko, ang babae ang dahilan kung bakit tumalikod siya sa organisasyon.” “Fvck it!” malakas niyang pagmumura. Ni hindi niya pa alintana kung marinig man iyon ni Cristoff. “Has he lost his mind? Alam niya ba kung anong panganib ang pinasok niya?” Hindi niya maiwasang magalit. Dominic knew the rule. Hindi maaaring basta lang silang makipagrelasyon sa kung sino lalo pa kung ang taong iyon ay walang alam sa organisasyong kinabibilangan nila. His position might be at stake... or his life. As well as that woman’s life too. “Alamin mo kung sino ang babae,” utos niya kay Cristoff sa maawtoridad na tinig. “Do everything to keep her out of Dominic’s life.” “Yes, Sir,” anito saka tumikhim na para bang nag-aalangan pa sa susunod na sasabihin. “B-By the way, Sir, about the woman last night, I wasn’t able to get---” “Just focus on my command, Cristoff,” putol na niya sa kung ano pa man ang sasabihin nito. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa kanyang kapatid dahilan para hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. Hindi na rin tumagal ang pakikipag-usap niya rito. Agad na rin siyang nagpaalam para maghanda sa kanyang trabaho... sa kanyang legal na trabaho, ang pamamahala sa hotel na pag-aari ng kanilang pamilya--- ang Morano Grand Palais. Isinilid niya na sa kanyang bulsa ang pag-aaring cell phone at akmang maglalakad na palabas ng silid nang may isang bagay na nakaagaw ng kanyang atensyon sa sahig--- isang kuwintas. Apollo’s forehead furrowed as he got it from the floor. Kuwintas iyon na may pendant na crescent moon. “So, you left something, huh?” aniya sa kanyang sarili bago inilagay din sa loob ng kanyang bulsa ang nakuhang alahas. Then, he walked towards the door and went out of the room. ***** HINDI na alam ni Catalina kung ilang beses na siyang naghilamos ng kanyang mukha. Nasa loob siya ng banyo ng Brew and Bites Café, ang coffee shop na pag-aari ng kanilang pamilya na ngayon ay siya na ang namamahala. Mariin siyang napapikit ng kanyang mga mata kasabay ng pagtukod niya ng kanyang mga kamay sa sink na nasa kanyang harapan. Halos bumaba-taas pa ang kanyang magkabilang balikat dahil sa malalalim na paghingang pinakawalan niya. “What have you done, Catalina?” tanong niya sa kanyang sarili habang hilam ang mga mata sa luha. She exhaled a heavy air once again and looked at her reflection at the mirror. Hindi niya alam kung anong katangahan ang nagawa niya kagabi. She lost her virginity! Naipagkaloob niya ang kanyang sarili sa isang lalaking ni hindi niya kilala! And what made it worst was the idea that her boyfriend, Dominic, knew nothing about it. Paano niya sasabihin sa kanyang nobyo ang tungkol sa bagay na iyon? Paano kapag nalaman nito ang tungkol sa nagawa niya kagabi? Panigurado, maaaring masira ang relasyon niya rito, relasyong ni hindi pa man natatagalan. Nakilala niya si Dominic nang mga panahong nagdadalamhati pa siya sa pagkawala ng kanyang ama sampung buwan na ang nakalilipas. Doon din mismo sa pag-aari nilang café una niyang nakita ang binata. He was their customer. Nagkaroon ng pagkakataong makausap niya ito na hindi niya inasahang masusundan pa ng maraming beses. Naging suki nila ito. Halos araw-araw kung magkape roon sa kanila. Until one thing led to another. Namalayan niya na lang na kinikilala na nila ang isa’t isa at hindi nga nagtagal ay nagtapat itong nahuhulong na ang loob sa kanya. Dominic wasn’t hard to love. Sa totoo lang ay ito ang uri ng lalaking hahangaan ninuman. Nagtatrabaho ito bilang office staff sa isang pribadong kompanya na ayon dito ay matagal na nitong pinagtatrabahuan. He’s handsome. Halatang may dugong banyaga na ayon dito ay nakuha nito sa panig ng ama. Nang magtanong siya tungkol doon ay walang masyadong sinagot ang binata. Ang sabi pa nito ay hindi nito nakilala ang banyagang ama. She believed him. She believed everything that he said. Natutuhan niya na rin itong mahalin sa kabila ng hindi pa niya ito natatagalang nakikilala. After six months of getting to know each other, she allowed him to be part of her life. Ngayon, mag-aapat na buwan na ang kanilang relasyon. Alam niyang masyadong naging mabilis ang lahat pero sadyang hindi niya rin mapigilang mahalin si Dominic. Four months with him! And yet, there she was, she had done something stupid that might ruin their relationship. Hindi pa man natatagalan pero nakagawa na siya ng malaking pagkakamali rito. Muli niyang binalikan ang mga nangyari kagabi. Hindi niya alam kung ano ang dahilan at agad siyang nakaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan. Dahil ba iyon sa hindi siya sanay uminom at mabilis na talaban ng alak? Or did Wendy and Harry put something on her drink? Hindi niya pa nakokompronta ang stepsister niya. Dama niyang may ginawa talaga ang mga ito lalo pa’t ang kaibigan ni Harry ang lumapit sa kanya kagabi at pilit siyang isinasama sa isang pribadong silid. Alam niya kung saan hahantong iyon kung hindi lang siya nakatakas. And she was able to escape him, yes! Pero napunta naman siya sa estrangherong kahit ang mukha ay hindi malinaw sa isipan niya. Matapos ng nangyari sa kanila ay agad na pumasok sa banyo ang lalaki. Agad iyong kinuhang pagkakataon ni Catalina para makaalis ng naturang silid kahit pa halos mabuway pa rin ang kanyang pagkilos. Umalis siya kahit pa hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makausap at makilala ito. Hindi na niya nakita pa sina Wendy sa naturang establisyemento pagkababa niya dahilan para umuwi siyang mag-isa. Kahit tawagan niya ang dalaga ay hindi ito sumasagot. Wala rin ito sa bahay nila na kung saan man nagtungo ay wala rin ideya ang kanyang Tita Flor. Dama niyang umiiwas ito sa kanya kaya hindi umuwi kagabi. “Ang laki mong tanga, Catalina! Ang laki mong tanga!” mariin niya pang saad sa kanyang sarili. Ano ang gagawin niya ngayon? Paano niya haharapin ngayon si Dominic? At paano kapag nalaman nitong may ibang lalaking nakakuha ng pagkababae niya?Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a
“I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo
Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kanya para mangilag.Ito nga ba ang kapatid ni Dominic? Ito ang Apollo na madalas maikuwento sa kanya ng kasintahan niya?Catalina stared at his face intently. Katulad ni Dominic ay magandang lalaki rin ang kapatid nito at halata ang pagkakaroon ng dugong banyaga. Though, she would admit, the man she’s staring at that moment was much good-looking than her boyfriend.Kasintahan niya si Dominic at para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang lalaki. Pero hindi niya pa rin maitatangging may kakaibang karisma ang kapatid nitong si Apollo.He has dark eyes paired with long lashes. Matangos ang ilong nito katulad ni Dominic. He also has fair complexion that you could easily say that he has foreign blo
“What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang paningn kabaong ng kanyang kapatid na ngayon ay nakaburol sa malawak na sala ng malaki nilang bahay. Dominic’s wake was exclusive only for those people who were close to them. Naidala na nga ito ngayon sa kanila matapos nilang maasikaso ang lahat sa ospital.Wala siyang planong patagalin ang pagburol dito. Sa makalawa ay nakatakda na ang cremation nito na dadaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at kaibigan lamang.Naikuyom niya pa ang kanyang kamay na may hawak ng isang kopita ng alak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa silang malinaw na detalye sa kung sino ang pumatay kay Dominic. Ayon sa awtoridad na may hawak ng nangyaring krimen, maaaring robbery ang dahilan ng pamamaril sa kapatid
“Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nitong nilalabasan ng kayraming dugo dahil sa pamamaril ng lalaking nakamotor kanina.“Oh God, Dominic,” humihikbi niyang sabi sabay gala ng paningin sa kanyang paligid. “Tulungan ninyo kami! Please, tulungan ninyo kami!”Marami nang tao sa paligid. May ilan na napapatingin para makiusyoso. Ang iba naman na mga nagtago nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay lumapit na rin sa kanya para tingnan si Dominic. Pati ang ilang kumakain sa restaurant kung saan sila dapat maghahapunan ng kanyang nobyo ay nagsilabasan para alamin kung ano ang nangyari.One man instantly approached them. “Dalhin na natin siya sa ospital,” saad nito sa nagmamadaling tinig.Hindi na siya tumanggi pa sa pagtulong







