Mag-log inAgad na ininda ni Catalina ang sakit na sanhi ng ginawang pananampal ni Francesco. Dama niya ang hapdi sa gilid ng kanyang bibig at kahit hindi niya mahawakan iyon ay alam niyang may dugong umagos mula sa parteng iyon ng kanyang mukha. Nasisiguro niya pang mamaya lang ay magkakaroon ng bakas ang ginawa nito.“Let me just remind you where you are right now, Catalina,” wika ni Francesco na nagtatagis pa ang mga ngipin. “Hawak kita. Ano mang oras ko gustuhin ay magagawa kong patayin ka at ang batang ipinagbubuntis mo.” Saglit pa muna itong huminto sa pagsasalita at naniningkit ang mga matang tinitigan ang kanyang tiyan. After a while, he looked at her face again. “So if I were you, I would just behave.”Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Catalina. Gusto niya pa sanang sumagot dito pero pinigilan niya na ang kanyang sarili. Mas natatakot siya para sa kaligtasan ng kanyang anak na hindi niya pa man naisisilang kaysa sa sarili niya. She wanted to see her child. She wanted to give birth t
Hindi pa man tuluyang naihihinto ng driver ni Apollo ang kotseng kinasasakyan nila ay binuksan na niya ang pinto sa may backseat. He instantly went out of the car as it stopped in front of Catalina’s parents’ house. Ni wala siyang inaksayang oras at nagmamadali nang naglakad palapit sa may gate na sa laking pagtataka niya ay nakabukas lamang.Kasunod ang kanyang mga tauhan ay tuloy-tuloy na silang pumasok sa bahay ng mga Rivera. Agad niya pang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid sa pag-asam na makita niya ang kanyang asawa.“Catalina!” tawag niya sa marahang tinig.No one answered. Ni wala siyang makitang ano mang palatandaang may tao roon na maaaring makapansin sa kanilang pagdating. Katunayan ay nababalot ang buong kabahayan ng nakabibinging katahimikan na agad nagdulot sa kanya ng kakaibang pangamba.“Search the whole place and look for my wife,” mariing niyang utos sa kanyang mga tauhan.Agad na tumalima ang mga ito sa mga sinabi niya. Ang iba ay umakyat sa ikalawang
Catalina walked slowly towards the sala as she reached her parents’ house. Mula nga sa bahay nina Apollo ay sa address ng tirahan ng kanyang mga magulang siya nagpahatid sa taxi na kanyang nasakyan. Laking pagtataka niya pa nang mapunang bukas lamang ang pinto niyon at ngayon ay nababalot pa ng katahimikan.“Tita Flor!” malakas niyang tawag sa kanyang madrasta.Tuloy-tuloy pa siyang humakbang patungo sa may kusina sa pagbabaka-sakaling naroon ito. Alam niya kasing doon madalas maglagi ang madrasta niya kahit noong doon pa siya nakatira.But to Catalina’s puzzlement, Floria wasn’t there. Parang hindi niya pa maiwasang mabalot ng labis na pagtataka dahil sa nakabibinging katahimikang bumabalot sa kanilang bahay. Imposible kasing hindi man lang napuna ng kanyang Tita Flor ang pagdating niya. Sa tuwina kasing alam nitong naroon na siya ay agad pa siya nitong sinasalubong para kumustahin.Nagtataka pa nang maglakad na si Catalina patungo sa may hagdan at dire-diretsong umakyat sa ikalawang
Muling pinasadahan ni Catalina ng basa ang mensaheng natanggap niya ulit mula sa kanyang madrasta. Mula pa kahapon ay kapalitan niya na ito ng text messages. Hindi niya nga maiwasang mag-alala para rito matapos niyang malamang inatake ito ng altapresyon.Agad nga siyang nabahala para sa kanyang Tita Flor. Nawala rin kasi ang kanyang ama at ina dahil sa atake sa puso na sinabayan pa ng pagtaas ng blood pressure. Hindi niya naman gustong ganoon na naman ang mangyari sa kanyang madrasta. Kahit kasi sabihing hindi niya ito totoong magulang ay talagang napamahal na rin naman sa kanya ang ginang.And now, she really wanted to check on her. Muli niya nga itong kapalitan ng mensahe at umaasa ang madrasta niyang makadalaw din siya rito.Catalina heaved out a deep sigh. Ayon naman rito ay nakauwi na rin naman ito at ngayon ay nagpapalakas na lamang sa kanilang bahay. Mas nadagdagan pa nga ang pag-aalala niya rito nang malamang mag-isa lang ito sa bahay dahil katulad ng nakagawian ni Wendy ay ma
“T-That can’t be possible...” kandautal-utal sa wika ni Wendy kasabay ng pagtayo nito. Lumarawan ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ng dalaga bago nagpatuloy pa sa pagsasalita. “Hindi iyon maaaring mangyari, Francesco. Paanong si Apollo nga ang totoong ama ng ipinagbubuntis ni Catalina?”“Why don’t you answer your own question, Wendy?” balik tanong ni Francesco rito sa galit na tinig.“Imposible,” giit pa nito. “Hindi ako maaaring magkamali---”“Oh shut up!” he shouted that made her stop talking. “Positibong si Apollo nga ang ama ng batang ipinagbubuntis ni Catalina. I personally saw the DNA test result, Wendy. You lied to me when you told me that Dominic was Catalina’s fiancé.”“Hindi ako nagsinungaling sa iyo!” halos mataas na rin ang tinig na saad nito. “Catalina is my stepsister. Magkasama kami sa iisang bahay. Sa tingin mo ay hindi ko alam ang tungkol sa pakikipagrelasyon niya? Nakilala ko na rin si Dominic, Francesco. Alam kong siya ang nobyo ni Catalina at hindi si Ap
“What do you mean he has escaped?!” dumadagundong sa galit na bulalas ni Apollo sa kanyang mga tauhan. Halos maglabasan pa ang mga ugat sa kanyang leeg dahil sa galit na nadarama.Walang sino mang nakasagot sa kanya. Pawang nakayuko lamang ang apat niyang tauhan na siyang inutusan niyang magbantay kay Francesco matapos niyang magpasyang umuwi muna para makausap si Catalina.Because Francesco questioned the paternity of his wife’s child, La Commissione tagged him as rebel on their organization. Bagay nga iyon na hindi niya na sana inaasahang mangyari. Matapos niyang matuklasang hindi anak ni Dominic ang ipinagbubuntis ni Catalina ay totoong nabahala siya sa ginawa nitong pagkuwestiyon sa batang dinadala ng kanyang asawa. Ang totoo ay inihanda niya na ang kanyang sarili sa maaaring mangyari. Inaasahan niyang siya ang malalagay sa alanganin dahil sa ginawa nito.But somehow, luck was on his side. Sino ang mag-aakalang siya pala talaga ang totoong ama ng batang nasa sinapupunan ni Catalin
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang i
Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kan
“What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang pan
“Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nit







