Share

9

Author: MissPhilosopa
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-17 01:15:04

"Christian matanong nga kita. Babalik ka din ba sa US o dito ka sa pilipinas magpapatuloy?" tanong ni Ate Julie.

Naglalakad kaming lahat sa boulevard pagkatapos naming kumain sa balutan. Gusto ko sanang sumama nina Hanna at Marilyn pero hindi naman kami masyadong close nila. Hindi kasi sila iyong tipo ng tao na pareho ni Ate Julie na approachable at isa pa hindi din sila iyong tipo na talagang sasabay sa kabaliwan mo. Sila 'yong mga tipo na normal lang at medyo behave. Kaya wala akong choice ku
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   10

    "Baliw ka talaga!" naiinis na sabi ni Ate Julie at hinampas pa ng malakas ang puwet ko habang nakikisabay siya sa amin sa pagtakbo. Sabay-sabay kaming mabilis na tumakbo papuntang balutan kung saan doon nila malapit ipi-nark ang mga motrosiklo nila. "Ibaba mo ako! Kaya ko naman!" sigaw ko kay Christian pero hindi niya ako ibinaba. Sabay-sabay kaming hinihingal lahat nang marating na namin ang balutan at halos sabay-sabay sila na umupo sa sementong upuan na ibinaba ako ni Christian. "Huy! Boang jud kang bayhana ka! Ngano kang niapil? Nagkagubot nuon tungod nimo!" sabi ni Hanna na hinihingal at napapakapit pa sa braso ni Tonyo. (Baliw ka talagang babae ka! Bakit ka sumali? Nagkagulo tuloy dahil sa'yo!" "Oo nga! Buti na lang nakatakas tayo agad. Marami pa namang mga pulis na palakad-lakad doon baka sa presinto tayo pupulutin!" sabi din ni Marilyn na bahagya pang umubo. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?!" inis na tanong ni Christian sa akin. "Wa na! Naboang na ng bayhana na!"

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   9

    "Christian matanong nga kita. Babalik ka din ba sa US o dito ka sa pilipinas magpapatuloy?" tanong ni Ate Julie.Naglalakad kaming lahat sa boulevard pagkatapos naming kumain sa balutan. Gusto ko sanang sumama nina Hanna at Marilyn pero hindi naman kami masyadong close nila. Hindi kasi sila iyong tipo ng tao na pareho ni Ate Julie na approachable at isa pa hindi din sila iyong tipo na talagang sasabay sa kabaliwan mo. Sila 'yong mga tipo na normal lang at medyo behave. Kaya wala akong choice kundi kay Ate Julie na lang sumabay kahit na kasabay din si Christian sa kanya."Yeah. I've decided na dito na lang ako mag-aaral dahil dito ko rin naman gustong mag-pari." sagot ni Christian.Ouch! Isa pang masakit na salita bukod sa salitang seminaryo. Pari."Ah! Bakit mo naman gusto dito gayong para sa akin mas maganda naman siguro kong sa ibang bansa ka papasok?""Mas madali kasi akong madalaw ng parents ko kung sakali man. Umuuwi din kasi sila sa Pilipinas every year."Huminto ako sa sagot ni

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   8

    Nagmamadali akong bumaba ng motorsiklo at tumakbo palapit kay Ate Julie. Inilingkis ko ang kanang braso ko sa kanya.Hinihingal pa akong nagpapa-cute na ngumiti sa kanya nang tingnan niya ako.Umubo ako.Ang hirap ng sakit na 'to dahil kahit konting distansiya lang ay para na akong mamamatay."Okay ka lang?" tanong niya na bahagya pang tinapik ng pagkalakas-lakas ang likuran ko. Mas lalo tuloy akong inubo dahil pakiramdam ko matatanggal na ang lungs ko sa ginawa niya.Tanong niya sa tunog alala pero ang kilos niya, kilos karate."Ano bang meron d'yan sa tanong na 'yan at paulit-ulit ko na atang narinig sa araw na ito?""Aba ewan ko!" natatawa namang sagot ni Ate Julie."Dito na kayo mga inday, mga dodong!""Uy gwapo! Gwapa dito na kayo!""Dito kayo! Kasya kayong lahat dito!"Sabay-sabay na kaway sa amin ng mga tindera sa balutan. Nag-aagawan kasi sila ng mga kostumer. Parang nasa isdaan lang ng palengke.Walang sumagot sa amin dahil iisang stall lang naman ang gusto naming kainan at i

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   7

    "Oh anong nangyari sa'yo? Bakit hindi maguhit iyang mukha mo? May nangyari ba sa inyo? Nagbalikan ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ni Mark na nakahiga sa higaan ng kwarto ko. Mas lalo tuloy akong nainis dahil sa mga tanong niya. "Una, walang nangyari sa'kin kita mo namang buhay pa ako. Pangalawa, hindi ko naman sinabing guhitin mo mukha ko. Pangatlo, walang kami kaya paano kami magbabalikan? Pang-apat umalis ka d'yan!" sabi ko at walang sabi-sabing sinipa siya ng malakas sa bandang puwetan na dahilan ng pagakahulog niya sa hindi naman kaatasang kama. Humiga ako at malalim na napabuntong-hininga. Iyong tipong parang mararamdaman ko na ang butas ng puso ko. Pakshet! Bakit ba kasi ako umiyak? Baka isipin tuloy ng gagong 'yon na may nararamdaman pa ako sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong may nakaraan kayo." "Highschool classmates kami at 'yon ang nakaraan namin. Chismoso ka talaga! Umalis ka nga dito. Mas lalo akong naiinis kapag nakita ko ang pagmumukha mo!" bahag

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   6

    "Oh akala ko ba mag-uusap kayo? Bakit nakahiga ka lang dito?" Tanong sa akin ni Kuya Mark nang madatnan niya akong nakahiga lang sa kwarto ko pagkatapos ng isang oras. Hindi ko siya pinansin at hinanap ang cellphone ko. "Kanina pa naghihintay 'yong tao sa'yo." Sabi niya na bahagya pang tumingin sa labas sa nakabukas kong bintana kung saan makikita ang de-kawayang upuan sa labas. Tumayo ako at nakitingin din sa labas. Nakikita kong nando'n pa nga siya nakaupo. Lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagpipindot na siya sa cellphone ko. "What the hell!" Bulalas ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nagawa ko pang itulak at sipain ng malakas malapit sa bayag ang pinsan ko nang makipaglaro pa siya ng harang-harangan sa harapan ko. "Dahan-dahan ka d'yan baka ma-slide ka na naman!" Sabi pa ni Tita Lusbi. Luh! Eh di wa'g kang maglaba dito. Demonyita! Mabilis akong nakalapit kay Christian at babawiin na sana ang cellphone ko pero mabilis din niyang naitaas 'yon. Ngumiti siya sa ak

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   5

    "Are you okay?" Yumuko siya at bahagya pang umupo. Kaya mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko. Pero lintek na mga mata 'to kahit anong pikit ko ng mariin ay parang may sariling buhay na bubuka at maninilip. Buset! Idagdag pang kahit anong kalma ko gagalaw at gagalaw pa rin ang talukap ko. "Huy Sam! Pangalawa na 'to. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko na bahagya pang inilapit ang mukha sa akin. "Bumangon ka." Binuhat niya ang ulo ko at patatayuin sana ako pero kinurot ko siya ng pino sa bandang binti niya sabay hila ng matataas niyang balahibo. "Ouch!" Tiningnan niya ako. Sumenyas ako sa kanya sabay nguso ng mga labi ko sa lalaking nakaupo sa bandang kanan ko na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng ulo niya. "Ano?" Inilapit pa ni Mark ang tainga sa akin. Ay! Bwesit! Ang bobo ng taong 'to! "Kunin mo ang cellphone ko sa kanya. Pagkatapos buhatin mo ako at itakbo dito." Bulong ko sa kanya at pumikit ulit nang lumayo na naman ang mukha niya. "Why? Is she

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status