Forbidden Desire: Seduced by My Billionaire Stepdad

Forbidden Desire: Seduced by My Billionaire Stepdad

last updateLast Updated : 2026-11-09
By:  aki_NovelsOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi kailanman inakala ni Vivian Cruz na ang lalaking mapapangasawa ng kaniyang ina ang siya ring magiging dahilan ng pinaka mapanganib na pagbabago sa buhay niya. Sanay na siyang mamuhay nang walang pagmamahal mula sa sarili niyang ina. Kaya nang tuluyan siyang palayasin nito, wala na siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang tulong ng bagong asawa nito. Dominic Vicente Namion. A billionaire, powerful, cold, and a man who always gets what he wants. Sa una, simple lang ang lahat. Bibigyan niya si Vivian ng matitirhan, aalagaan, at sisiguraduhing hindi na ito muling masasaktan. But there is more to Dominic than meets the eye. Hindi alam ni Vivian na matagal na siyang sinusubaybayan ng lalaki. Alam nito ang mga gusto niya, ang mga nakasanayan niya, at maging ang mga bagay na hindi niya kailanman ikinukwento kaninuman. Their meeting was never a coincidence. And marrying her mother was never part of a love story. Habang unti-unting nagiging komportable si Vivian sa presensya ni Dominic, mas lalo namang nagiging mahirap para sa lalaki na itago ang tunay niyang intensyon. She was supposed to see him as her stepfather. But Dominic never wanted to be just that. Because some desires are forbidden, but not every man knows how to resist them.

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Ma, totoo bang magsasama na kayo ni Sir Dominic sa iisang bahay?”

Sandaling natigil si Victoria sa pag-aayos ng kaniyang hikaw sa harap ng salamin. Sa halip na agad sagutin ang anak, tiningnan niya muna ito mula ulo hanggang paa, na para bang isang napakawalang-kuwentang tanong ang narinig niya.

“Bakit? Do you have a problem, Vivian?”

Agad na umiling ang dalaga. “Wala naman po. Nagtatanong lang po ako.”

“Then don’t ask questions you don’t need to know the answers to.”

Napayuko si Vivian at pinaglaruan ang laylayan ng kanyang damit.

malaki na siya pero sa tuwing kaharap ang sariling ina, pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagiging batang takot na takot magkamali.

“I’m sorry, Ma.”

“Good. At dahil mukhang wala ka namang ibang ginagawa, pakitiyak na malinis ang buong bahay bago dumating si Dominic mamaya. Ayokong may makitang kalat ang magiging asawa ko.”

Napatingin si Vivian sa kanyang ina.

“Magiging asawa n’yo na po siya?”

“Of course.” Ngumiti si Victoria habang inaayos ang mamahaling kwintas.

“Do you think a man like Dominic Vicente Namion would waste his time on a woman he doesn’t intend to marry?”

Hindi na sumagot si Vivian. Kilala niya ang pangalan ng lalaking tinutukoy ng kaniyang ina.

Sino ba naman ang hindi? Si Dominic ay isang kilalang bilyonaryo at business tycoon na madalas makita sa mga business magazine at social media. Isang lalaking may kapangyarihan, kayamanan, at reputasyong hindi basta-basta natatapatan ng sinuman.

At ngayon, ang lalaking iyon ang magiging bahagi ng buhay nila.

Dapat ay matuwa siya para sa ina. Dapat ay maging masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taong silang dalawa lamang, sa wakas ay may bago na itong makakasama.

Pero sa halip na saya, takot ang nararamdaman niya. Dahil sa buong buhay ni Vivian, isang bagay ang natutuhan niya kapag may bagong taong pumapasok sa buhay ng kaniyang ina, siya ang unang nawawalan ng puwang.

“Ma, kapag nagsama na po kayo ni Sir Dominic…”

Nag-alangan siyang ipagpatuloy ang sasabihin.

“Dito pa rin po ba ako titira?”

Dahan-dahang humarap sa kaniya si Victoria. Nawala ang bahagyang ngiti sa labi nito.

“Can you just stop asking dumb questions, Vivian?”

Hindi alam ni Vivian kung paano sasagutin ang tanong. Gusto niyang malaman na walang magbabago, pero may bahagi sa kaniya na nagsasabing mas mabuting itanong niya ngayon kaysa hintaying dumating ang araw na wala na siyang matitirhan.

“Ma, I just wanted to ask if…”

“Vivian, don’t start.” Kinuha ni Victoria ang kaniyang bag. “I’m already tired of dealing with your insecurities. You’re twenty-one, not a child. Matuto ka namang maging independent at huwag umasa sa akin sa lahat ng bagay.”

Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya.

Hindi naman niya hinihiling na alagaan siya habambuhay. Hindi rin niya hinihiling na ibigay ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na kaya nitong bilhin. Ang gusto lamang niya ay makasigurong may lugar pa rin siya sa buhay nito.

Pero mukhang kahit iyon ay sobra na para hilingin.

“ Yes, Ma,” mahina niyang sagot.

“Good. At isa pa, kapag dumating si Dominic, I want you to behave. Huwag kang masyadong tahimik na para bang may problema ka sa mundo. He’s an important man, and I won’t tolerate you embarrassing me in front of him.”

Tumango lamang si Vivian.

Pagkaalis ng kaniyang ina, naiwan siyang nakatayo sa gitna ng silid habang pinakikinggan ang unti-unting paghina ng mga yabag nito.

Ilang segundo siyang hindi gumalaw, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang kaniyang mga balikat.

Minsan, naiinggit siya sa mga taong kayang yakapin ang kanilang mga ina nang walang takot na itulak palayo.

Huminga siya nang malalim bago nagsimulang maglinis ng bahay.

Pagsapit ng hapon, halos wala nang bahid ng alikabok ang bahay. Inayos niya ang mga unan sa sala, pinakintab ang malaking mesa, at sinigurong maayos ang lahat hanggang sa kusina.

Nang matapos siya, nagpalit siya ng malinis na damit at tahimik na naghintay sa pagdating ng bisita.

Alas-sais nang marinig niya ang tunog ng sasakyang huminto sa labas.

“Vivian! are you there?”

Agad siyang lumabas mula sa kusina nang marinig ang boses ng kaniyang ina. Nakita niya si Victoria na halos nagmamadaling lumapit sa p***o, inayos ang buhok, at ngumiti sa paraang bihira niyang makita kapag silang dalawa lamang ang magkasama.

Ilang sandali pa, bumukas ang p***o.

At doon niya unang nakita si Dominic Vicente Namion.

Matangkad ito, wearing a perfectly tailored black suit that screamed luxury. His expensive watch, polished shoes, and neat appearance reflected the kind of wealth na hindi kailangang ipagmayabang. He had sharp eyes, a cold expression, and an intimidating presence.

“Dominic!” masayang bati ni Victoria bago ito hinalikan. “I’ve been waiting for you.”

“Traffic,” maikling sagot ng lalaki.

Napangiti si Victoria na para bang sapat na ang isang salita nito upang mapasaya siya.

Pagkatapos ay hinawakan niya ang braso

nito at itinuro si Vivian.

“Oh, and this is my daughter, Vivian.”

Napatuwid ang dalaga. “Good evening po, Sir Dominic.”

Bahagyang lumipat ang tingin ng lalaki sa kaniya. Hindi siya nito agad sinagot sa halip, ilang segundo siyang pinagmasdan ng mga matang tila sinusuri ang katawan niya.

“Vivian,” ulit nito, para bang kinikilala ang pangalan niya.

“Yes, sir.”

“I’m Dominic. You don’t have to call me sir.”

Hindi alam ni Vivian kung bakit, pero mas lalo siyang kinabahan sa mahinahong tono nito.

“O-okay po.”

“Dominic,” saway ni Victoria habang tumatawa nang mahina. “She’s always like that. Mahiyain at halos hindi makausap. Don’t mind her.”

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, ngunit hindi na ito nagkomento.

Sa halip, inabot nito ang maliit na kahong dala ng kasama nitong driver at iniabot kay Victoria.

“For you.”

Agad na nagliwanag ang mukha ng kaniyang ina nang makita ang laman. Isang mamahaling kuwintas na tila mas mahal pa sa lahat.

“Oh, my God, Dominic! It’s beautiful!”

“You mentioned that you liked it.”

Hinalikan ni Victoria ang pisngi nito, pagkatapos ay muling humarap sa salamin upang tingnan ang suot na kuwintas.

Sa sandaling iyon, nakatayo lamang si Vivian sa gilid, tahimik na pinagmamasdan ang eksenang matagal na niyang gustong maranasan ang makitang masaya ang kaniyang ina.

Dapat ay sapat na iyon.

Pero habang pinagmamasdan niya ang ngiti ni Victoria, hindi niya maiwasang isipin kung bakit tila napakadaling maging malambing nito sa isang lalaking ilang buwan pa lamang nitong nakikilala, samantalang sa kaniya, kahit isang simpleng yakap ay hindi nito maibigay.

“Vivian.”

Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang malalim na boses ni Dominic.

“Prepare dinner for us,” utos ni Victoria bago pa man siya makasagot.

“And make sure everything is perfect.”

“Opo, Ma.”

Nang maglakad siya papunta sa kusina, hindi niya alam na sinusundan siya ng tingin ni Dominic.

Hindi rin niya alam na napansin ng lalaki ang paraan ng mabilis niyang pagyuko, ang mahinang boses, at ang tila nakasanayan na niyang pagsunod kahit walang pagtutol.

At lalong hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng pagbabagong hindi niya kayang pigilan.

Dahil sa unang pagkakataon, may isang taong nakakita sa kaniya hindi bilang anak na palaging may pagkukulang, kundi bilang isang dalagang tila matagal nang natutong mabuhay nang hindi humihingi ng kahit ano.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status