Share

6

Author: MissPhilosopa
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-17 01:14:05

"Oh akala ko ba mag-uusap kayo? Bakit nakahiga ka lang dito?" Tanong sa akin ni Kuya Mark nang madatnan niya akong nakahiga lang sa kwarto ko pagkatapos ng isang oras.

Hindi ko siya pinansin at hinanap ang cellphone ko.

"Kanina pa naghihintay 'yong tao sa'yo." Sabi niya na bahagya pang tumingin sa labas sa nakabukas kong bintana kung saan makikita ang de-kawayang upuan sa labas.

Tumayo ako at nakitingin din sa labas. Nakikita kong nando'n pa nga siya nakaupo. Lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagpipindot na siya sa cellphone ko.

"What the hell!" Bulalas ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nagawa ko pang itulak at sipain ng malakas malapit sa bayag ang pinsan ko nang makipaglaro pa siya ng harang-harangan sa harapan ko.

"Dahan-dahan ka d'yan baka ma-slide ka na naman!" Sabi pa ni Tita Lusbi.

Luh! Eh di wa'g kang maglaba dito. Demonyita!

Mabilis akong nakalapit kay Christian at babawiin na sana ang cellphone ko pero mabilis din niyang naitaas 'yon.

Ngumiti siya sa akin.

"Tara na."

------

I folded my arms and crossed my legs. Naka-shorts pambahay lang ako habang nasa loob kami ng chapel nakaupo sa bandang harapan.

Pinili niya talagang umupo dito at sa tabi ko pa talaga.

Umayos naman siya ng upo sa tabi ko at humarap sa akin matapos niyang mag-sign of the cross. Pinaghintay pa niya ako ng dalawang minuto dahil nagdadasal pa siya.

Pinagmasdan ko siya.

Malaki ang pinagbago niya sa apat na taong nakalipas. Hindi ko talaga aakalain na babalik siya ng pilipinas at sa mismong harapan pa talaga ng bahay namin na chapel siya napunta.

Noong una ay medyo payat pa siya kaya lagi ko siyang tinatawag na payatot pero ngayon hindi ko aakalain na nagiging isang hunk na siya. Kahit hindi ko kita ang braso niya dahil nakasuot siya ng mataas at maitim na suit na may bahid pang putik na pinaresan ng puting pang-loob na may puting neckband.

"Are you done checking me?" Tanong niya sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Huwag kang mangarap ng gising. Ganito ka ba kayabang sa harap ng altar pagkatapos mo magdasal?" Sabi ko na ikinatawa lang niya.

Tumigil siya at nagiging awkward ang paligid.

Tumikhim siya at tumikhim din ako.

"Anong sasabihin mo? Sabihin mo na dahil may gagawin pa ako." Simula ko at hindi man lang siya tinitingnan.

"Aren't you going to ask me why am I here?"

"Katatanong mo lang. Sagutin mo na lang. " Papilosopong sagot ko.

"The truth is..."

Umayos siya ng upo at tumingin sa altar.

"I came here because I know that you live here. I finished my four years university degree in philosophy in America... And now I am on my vacation for two months. I decided to asked one of the priest so that I can serve here and clear up things with you before I go in a seminary theology to take my Master of Divinity." Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa kanya.

Matagal na kaming hiwalay ng taong 'to. Matagal na kaming wala at kahit sobrang nasaktan ako sa hiwalayan namin noon ay hindi ko naman 'yon dinadala hanggang ngayon. Pero nang dahil sa mga sinabi niya ngayon.

Bakit parang ang sakit?

Hindi masyadong maganda ang hiwalayan namin noon. Pakiramdam ko ay ngayon pa siya nakikipag-closure siya sa akin. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit at lungkot na naramdaman ko noon. Pakiramdam ko mas masakit pa ito ngayon na para bang ngayon ang break up namin.

Inalis ko ang tingin sa kanya nang maramdaman kong uminit ang bawat gilid ng mga mata ko.

Lintek na luha 'to!

Tumingin ako sa taas. Paulit-ulit kong pinipikit at dinidilat ang mga mata ko para mawala ang luha pero mas lalo lang 'yong dumami.

Hindi ako pwedeng umiyak. Tapos na kami. Matagal na.

Pero putangina! Ang sakit pa rin!

Lihim kong hinahagod ang dibdib ko nang sumakit 'yon at parang hindi ako makahinga.

Pinilit ko ang sariling maglabas ng halakhak. Iyong tipong hindi peke ang labas.

"Pakshet! Sorry! Nakakatawa kasi." Sabi ko at pinunasan ang mga mata ko pagkatapos ay tumingin sa kanya.

Bahagya kong hinampas ang braso niya.

"Ano ka ba? Pinapatawa mo ako. Matagal na tayong hiwalay pero sa sinasabi mo parang maghihiwalay pa lang tayo ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mangliit sa sarili ko dahil sa sinabi mo. Para mo kasing pinaparating sa akin na hanggang second year college lang ako."

Mas lalo pang dumami ang mga luha sa mga mata ko.

May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin ang puting panyo.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tanggapin 'yon.

Pinunasan ko ang aking mga mata. Natigilan ako nang makita ko ang panyo na ibinigay niya.

Akin 'to.

Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

"Yes, I know. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin 'yan. You always have a space in my heart. May pinagsamahan din tayo. Kaya ko naisip na mag-stay muna dito ng dalawang buwan para makasama ka bago ako papasok sa seminaryo. I still want us to stay friends."

Isa na namang masakit na salita. Friends.

Letche!

Huminga ako ng malalim at tumayo.

Ayoko na! Tama na! Tapos na kami. Matagal na pero pakshet! Ang sakit talaga.

"Alam mo, hindi ko alam kung ano talagang trip mo. Matagal na tayong hiwalay. Tanggap ko na 'yon matagal na at nakamove-on na ako."

Tumayo din siya.

"Sam ginagawa ko lang 'to dahil ito ang tama. Alam kong hindi maganda ang hiwalayan natin noon kaya ako bumalik dito para itama lahat at ituwid lahat ng nagawa ko."

"Matagal ko ng nakalimutan 'yon. Masaya na ako ngayon. Pero nang dahil sa pagbabalik mo parang bumalik lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko dati."

"Sam–"

"Akin na ang cellphone ko." Matigas kong sabi habang inilahad ang kamay ko.

Ibinigay naman niya 'yon sa'kin.

"Kung ako lang naman ang dahilan sa pagpunta mo dito. Umalis ka na. Hindi kita kailangan. Ipagpapatuloy mo na lang ang mga plano mo sa buhay at huwag ka ng magpapakita pa sa akin." Sabi ko at mabilis na tumakbo palabas.

Tumakbo ako papunta sa likuran ng chapel kung saan may malaking kahoy doon na palagi naming tinatambayan ng mga pinsan ko kapag sarado ang chapel.

Humihingal akong napahawak sa malaking kahoy ng Narra. Paulit-ulit kong hinahagod ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit.

Paulit-ulit akong napapaubo habang hinahabol ang hininga. Pakiramdam ko kasi wala na akong matanggap na hangin kahit mahangin naman sa labas.

Ilang minuto ko din ginawa 'yon hanggang sa bumalik na ang normal na paghinga ko. Pinunasan ko ang mga natutuyong luha sa aking mga mata.

Umupo ako sa damuhan at huminga ng sariwang hangin.

He said he came here to clear up things with me but for me he came here to hurt me– again. To make me remember all the pains of heartbreaks and loneliness I went through because of him.

He shouldn't come back here. Hindi na lang sana siya nagpakita pa sa'kin.

Inis kong binagsak ang cellphone ko sa damuhan pero pinulot ko rin 'yon nang makitang iba na ang nasa screen lock wallpaper ko.

Napanganga ako nang mabasa ko 'yon

Hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang cellphone ko at pinalitan ng inspiration Godly quotes.

Hindi ko mapigilang matawa ng pagak.

Kahit parang insulto ito sa akin dahil parang sinasabi lang niya na hindi pa rin ako nakakamove-on sa kanya. Iyon kasi ang dating sa akin.

At kahit alam ko ding hindi na mangyayaring makahanap ako ng iba dahil hindi na naman ako aabot no'n pero mabuti naman at nalaman niyang hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo.

Binagsak ko ulit 'yon sa lupa at tumingala sa langit. Muntik pa akong simigaw ng malakas nang makita ko ang dalawang kulay gray na pares ng mga mata na sumisilip sa akin sa hugis bilog na paraang bintana sa pader.

"Are you okay?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   10

    "Baliw ka talaga!" naiinis na sabi ni Ate Julie at hinampas pa ng malakas ang puwet ko habang nakikisabay siya sa amin sa pagtakbo. Sabay-sabay kaming mabilis na tumakbo papuntang balutan kung saan doon nila malapit ipi-nark ang mga motrosiklo nila. "Ibaba mo ako! Kaya ko naman!" sigaw ko kay Christian pero hindi niya ako ibinaba. Sabay-sabay kaming hinihingal lahat nang marating na namin ang balutan at halos sabay-sabay sila na umupo sa sementong upuan na ibinaba ako ni Christian. "Huy! Boang jud kang bayhana ka! Ngano kang niapil? Nagkagubot nuon tungod nimo!" sabi ni Hanna na hinihingal at napapakapit pa sa braso ni Tonyo. (Baliw ka talagang babae ka! Bakit ka sumali? Nagkagulo tuloy dahil sa'yo!" "Oo nga! Buti na lang nakatakas tayo agad. Marami pa namang mga pulis na palakad-lakad doon baka sa presinto tayo pupulutin!" sabi din ni Marilyn na bahagya pang umubo. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?!" inis na tanong ni Christian sa akin. "Wa na! Naboang na ng bayhana na!"

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   9

    "Christian matanong nga kita. Babalik ka din ba sa US o dito ka sa pilipinas magpapatuloy?" tanong ni Ate Julie.Naglalakad kaming lahat sa boulevard pagkatapos naming kumain sa balutan. Gusto ko sanang sumama nina Hanna at Marilyn pero hindi naman kami masyadong close nila. Hindi kasi sila iyong tipo ng tao na pareho ni Ate Julie na approachable at isa pa hindi din sila iyong tipo na talagang sasabay sa kabaliwan mo. Sila 'yong mga tipo na normal lang at medyo behave. Kaya wala akong choice kundi kay Ate Julie na lang sumabay kahit na kasabay din si Christian sa kanya."Yeah. I've decided na dito na lang ako mag-aaral dahil dito ko rin naman gustong mag-pari." sagot ni Christian.Ouch! Isa pang masakit na salita bukod sa salitang seminaryo. Pari."Ah! Bakit mo naman gusto dito gayong para sa akin mas maganda naman siguro kong sa ibang bansa ka papasok?""Mas madali kasi akong madalaw ng parents ko kung sakali man. Umuuwi din kasi sila sa Pilipinas every year."Huminto ako sa sagot ni

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   8

    Nagmamadali akong bumaba ng motorsiklo at tumakbo palapit kay Ate Julie. Inilingkis ko ang kanang braso ko sa kanya.Hinihingal pa akong nagpapa-cute na ngumiti sa kanya nang tingnan niya ako.Umubo ako.Ang hirap ng sakit na 'to dahil kahit konting distansiya lang ay para na akong mamamatay."Okay ka lang?" tanong niya na bahagya pang tinapik ng pagkalakas-lakas ang likuran ko. Mas lalo tuloy akong inubo dahil pakiramdam ko matatanggal na ang lungs ko sa ginawa niya.Tanong niya sa tunog alala pero ang kilos niya, kilos karate."Ano bang meron d'yan sa tanong na 'yan at paulit-ulit ko na atang narinig sa araw na ito?""Aba ewan ko!" natatawa namang sagot ni Ate Julie."Dito na kayo mga inday, mga dodong!""Uy gwapo! Gwapa dito na kayo!""Dito kayo! Kasya kayong lahat dito!"Sabay-sabay na kaway sa amin ng mga tindera sa balutan. Nag-aagawan kasi sila ng mga kostumer. Parang nasa isdaan lang ng palengke.Walang sumagot sa amin dahil iisang stall lang naman ang gusto naming kainan at i

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   7

    "Oh anong nangyari sa'yo? Bakit hindi maguhit iyang mukha mo? May nangyari ba sa inyo? Nagbalikan ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ni Mark na nakahiga sa higaan ng kwarto ko. Mas lalo tuloy akong nainis dahil sa mga tanong niya. "Una, walang nangyari sa'kin kita mo namang buhay pa ako. Pangalawa, hindi ko naman sinabing guhitin mo mukha ko. Pangatlo, walang kami kaya paano kami magbabalikan? Pang-apat umalis ka d'yan!" sabi ko at walang sabi-sabing sinipa siya ng malakas sa bandang puwetan na dahilan ng pagakahulog niya sa hindi naman kaatasang kama. Humiga ako at malalim na napabuntong-hininga. Iyong tipong parang mararamdaman ko na ang butas ng puso ko. Pakshet! Bakit ba kasi ako umiyak? Baka isipin tuloy ng gagong 'yon na may nararamdaman pa ako sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong may nakaraan kayo." "Highschool classmates kami at 'yon ang nakaraan namin. Chismoso ka talaga! Umalis ka nga dito. Mas lalo akong naiinis kapag nakita ko ang pagmumukha mo!" bahag

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   6

    "Oh akala ko ba mag-uusap kayo? Bakit nakahiga ka lang dito?" Tanong sa akin ni Kuya Mark nang madatnan niya akong nakahiga lang sa kwarto ko pagkatapos ng isang oras. Hindi ko siya pinansin at hinanap ang cellphone ko. "Kanina pa naghihintay 'yong tao sa'yo." Sabi niya na bahagya pang tumingin sa labas sa nakabukas kong bintana kung saan makikita ang de-kawayang upuan sa labas. Tumayo ako at nakitingin din sa labas. Nakikita kong nando'n pa nga siya nakaupo. Lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagpipindot na siya sa cellphone ko. "What the hell!" Bulalas ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nagawa ko pang itulak at sipain ng malakas malapit sa bayag ang pinsan ko nang makipaglaro pa siya ng harang-harangan sa harapan ko. "Dahan-dahan ka d'yan baka ma-slide ka na naman!" Sabi pa ni Tita Lusbi. Luh! Eh di wa'g kang maglaba dito. Demonyita! Mabilis akong nakalapit kay Christian at babawiin na sana ang cellphone ko pero mabilis din niyang naitaas 'yon. Ngumiti siya sa ak

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   5

    "Are you okay?" Yumuko siya at bahagya pang umupo. Kaya mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko. Pero lintek na mga mata 'to kahit anong pikit ko ng mariin ay parang may sariling buhay na bubuka at maninilip. Buset! Idagdag pang kahit anong kalma ko gagalaw at gagalaw pa rin ang talukap ko. "Huy Sam! Pangalawa na 'to. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko na bahagya pang inilapit ang mukha sa akin. "Bumangon ka." Binuhat niya ang ulo ko at patatayuin sana ako pero kinurot ko siya ng pino sa bandang binti niya sabay hila ng matataas niyang balahibo. "Ouch!" Tiningnan niya ako. Sumenyas ako sa kanya sabay nguso ng mga labi ko sa lalaking nakaupo sa bandang kanan ko na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng ulo niya. "Ano?" Inilapit pa ni Mark ang tainga sa akin. Ay! Bwesit! Ang bobo ng taong 'to! "Kunin mo ang cellphone ko sa kanya. Pagkatapos buhatin mo ako at itakbo dito." Bulong ko sa kanya at pumikit ulit nang lumayo na naman ang mukha niya. "Why? Is she

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status