The CEO's Unwanted Attraction

The CEO's Unwanted Attraction

last updateLast Updated : 2026-11-12
By:  Adev_StoriesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

WHat if the man who could buy the entire world learns to fear the possibility of losing the woman who has become his weakness? Gelen Carte, isang simpleng Ate na hangad lang ay mapatapos niya sa pag-araal ang kapatid niya. Ngunit hindi niya inaasahan na mapapasama siya sa mundo ng isang Arthur Castellano na hindi niya pinangarap. Dahil sa kakaibang interes ni Arthur kay Gelen, inalok niya itong maging secretary dahil tinanggal ito sa trabaho ngunit walang alam si Gelen na si Arthur mismo ang gumawa ng paraan para matanggal si Gelen sa trabaho para alukin itong maging secretary niya. Handa kaya si Gelen pasukin ang mundo ng isang gwapong bilyonaryo na handang gawin ang lahat bumigay lang si Gelen. si Arthur Castellano ang bilyonaryong CEO, na kayang-kaya na makuha ang lahat ng gusto. He can play a dirty game, na unti-unti mo na rin magugustuhan. Ngunit paano kuny baka sa huli ay si Gelen lang ang masaktan

View More

Chapter 1

chapter 1

GELEN

"Gelen! Bilisan mo naman diyan hindi mo ba nakakakita na marami pang kailangang gawin?"

Napahinto ako sa pag-aayos ng mga baso nang marinig ang matinis na boses ni Madam Olivia, ang supervisor namin. Kapag nandito siya lagi na lang kaming namamadali at natataranta.

"Pasensya na po."

Napabuntong-hininga ako at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi na ako sumagot dahil alam kong wala rin namang mangyayari. Mas mabuting manahimik kaysa mawalan ng trabaho dahil ilan na rin ang natanggal ng sagutin siya.

Hindi biro ang mawalan ng trabaho sa panahon ngayon, lalo na't ako lang ang inaasahan ng nakababata kong kapatid, pagpupursige ako dahil gusto ko makatapos ng pag-aaral ang kapatid ko.

"Gelen!"

Muli akong napalingon. "Ito na po!” mabilis kong pinunasan ang kamay ko, kulang kami sa tao ngayon dahil dalawa ang absent, napapailing nalang ang ibang kasamahan ko na labas pasok sa kitchen.

"May VIP guest sa private room. Ikaw na ang mag-serve. Huwag na huwag kang gagawa ng palpak sa harapan niya dahil hindi ordinaryong customer ang aasikasuhin mo. Kaya ayusin mo yang sarili mo."

Tumango ako. "Okay po." ngiting sagot ko first time ko mag-serve sa VIP customer, dalawa naman kami si Arnel ang isa pero kailangan niya ng isang kasama dahil wala yung isa na lagi na kasama niya absent.

Kinuha ko ang tray at inayos ang aking uniporme bago nagtungo sa private dining area. Hindi ko alam kung sino ang espesyal na bisita, pero base sa kilos ng mga kasamahan ko mukhang big boss talaga.

Pagdating ko sa pintuan dahil may nauna ng dinala si Arnel, marahan akong kumatok dahil yun ang bili sa akin huwag basta papasok.

"Come in."

Bahagya pang napaangat ang balikat ko dahil malalim at malamig na boses na narinig ko mula sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

"Good evening, sir. Here's your—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapatingin sa lalaking nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Para akong nakakita ng gwapong artista sa ibang bansa yund sa mga action movie.

Nakasuot siya ng itim na suit at saktong-sakto sa kanya ang damit niya. Malinis ang pagkakaayos ng buhok, matangos ang ilong may pinong bigote at balbas. Dalawang pares ng mata na seryoso kung makatingin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Put it there."

Napakurap ang mata ko nang marinig ang baritonong boses niya, may kakaiba agad akong naramdaman.

"O-Okay, sir."

Inilapag ko ang pagkain sa harap niya. Ngunit habang inaayos ko ang mga kubyertos, biglang tumunog ang cellphone ko at napapikit nalang ako sa kaba ko, agad kong dinukot ang bulsa ko ang cellphone. Ang kapatid ko ang tumatawag.

Bakit naman ngayon ka tumawag.

"Excuse me, sir. I'm sorry." pilit ang ngiting hingi ko ng pasensya matapos kong patayin ang tawag at hinaan, yung kaba ko naman na ay hindi mawala dahil seryoso lang ang mukha niya na nakatingin sa akin.

"You're done?"

Napatingin ako sa kaniya. "Yes, sir. Sorry again." yuko kong sabi at hindi siya sumagot. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil tahimik niya akong pinagmasdan bago muling ibinaling ang atensyon sa kaniyang pagkain.

Dito ako nakahinga dahil akala ko baka may sasabihin siya o pagagalitan ako.

"Grabe kaba ko doon.” bulong ko habang nagmamadaling maglakad.

"Anong sinabi mo?"

Muntik na akong mapamura dahil sa gulat ko mabuti nalang hindi ko ginawa dahil si Madam Olivia pala, ba’t naman kasi siya nakatambay dito nakakagulat muntik na naman ako mawalan ng trabaho.

"W-Wala po may naalala lang ako." napapangiting pagsisinungaling ko.

"Siguraduhin mong maayos ang serbisyo mo. Naiintindihan mo?"

"Yes, naman po ma'am." masigla kong sagot.

Nang makabalik ako sa pantry at wala naman masiyadong gagawin nagpaalam ako sa isa sa kasamahan ko na doon lang ako sa likod dahil tatawagan ko ang kapatid ko.

"Ate!"

"Gwen? Bakit ka tumawag? May nangyari ba?" mabilis kong sagot pagkasagot niya sa tawag ko.

"Meydp masakit lang ulo ko ate. Pero huwag kang mag-alala, uminom na ako ng gamot."

Napapikit ako akala ko kung ano na. "Kumain ka na ba?" mahinang tanong ko.

"Tapos na, ikaw, Ate? Kumain ka na ba?"

Napangiti ako kahit papaano. "Oo, huwag mo na akong alalahanin.”

"Okay. I love you, Ate!"

"I love you too, bunso." Pagkababa ko ng tawag, napabuntong-hininga ako.

Kahit pagod ako, sapat na ang marinig ko ang boses niya para magkaroon ulit ako ng lakas. Hindi ko kailangang maging mayaman, lalong hindi ko kailangang magkaroon ng maraming pera. Basta maibigay ko lang sa kaniya ang buhay na nararapat sa kaniya, masaya na ako. Dahil siya nalang ang mayroon ako.

Alas-diyes na ng gabi nang matapos ang aking shift ko, panay ang unat ko dahil parang nanigas na ang mga muscle ko. Paglabas ko ng restaurant, agad kong hinanap ang cellphone ko sa bag. May ilang missed calls mula sa kapatid ko, kaya naman nagmamadali akong naglakad papunta sa sakayan.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, may isang itim na sasakyan ang huminto sa tapat ko natakot pa ako dahil mamaya kung ano yun, bumukas ang bintana dito banda sa hulihan at ng makita ko ang taong nasa loob nagulat ako.

‘Yung lalaki kanina sa VIP, a-ano kaya ang kailangan niya sa akin? May ginawa ba ako?

"Get in."

Napakunot ang noo ko at napalingon pa sa paligid dahil baka mamaya hindi talaga ako ang kausap pero ako lang ang nandito.

"Bakit po sir? Kailangan po ba kayo?” nagtataka kong tanong habang may kaba na nararamdaman.

"I said, get in."

Ulit niya na parang naasar na dahil sa tono ng boes niya, napatingin ako sa paligid bago muling humarap sa kaniya.

"Sir, I think you're mistaken. Hindi po ako—"

"Do you always talk this much?"

Napanganga ako at medyo nakaramdam ng inis dahil syempre nagatataka tapos ganito siya magsalita. Nakakainis aa.

"Sir, hindi ko po kayo kilala ano po bang kailangan niyo?” magalang kong tanong kahit naiinis ako.

Bahagya siyang ngumisi na bagay na pinagtaka ko dahil iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha hindi tulad kanina.

"Arthur Castellano."

Napatigil ako dahil pamilyar ang apelyidong iyon. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa Castellano Empire? Isa ‘yon sa pinakamalalaking kompanya sa bansa at ang lalaking nasa harapan ko ay walang iba kundi ang CEO, nalaman ko ito dahil madalas na pagusapan ito ng mga customer namin sa VIP.

"Now, do you know me?"

Hindi ako agad nakasagot parang bigla akong napipi dail hindi ko inaasahan na nakaharap ko na pala kanina ang CEO, tapos ngayon talagang nag-aksaya pa siya ng oras para lang puntahan ako ngayong gabi.

"Yes, sir. But that doesn't mean I should get inside your car." sagot ko sa English dahil nasanay na rin ako dahil halos nakakausap namin puro English angsalitaan nila.

For a moment, he simply stared at me, then he slowly smiled at parang may kakaiba sa ngiti niya. Isang ngiting hindi ko maintindihan kung nang-aasar ba siya o may binabalak. Hanggang sa bumukas ang p***o ng sasakyan.

"Get in, Miss..."

"Carte. Gelen Carte." pagtatama ko at ewan ko ba bakit parang napapasunod ako sa kanya.

"Gelen Carte," ulit niya habang nakatitig sa akin. "Now get in, Miss Carte. I don't like repeating myself."

Lihim na napakagat ako sa labi dahil sa seryosong pagkakasabi niya at hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin, wala naman akong naramdaman na takot pero ang malaking tanog sa isip ko ano talaga ang pakay niya o may gusto lang siyang sabihin sa akin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status