-Madrigal's Residence-
(3pm, Wednesday)
Papunta kami ni Athena sa isang restaurant para maglunch. She just arrived from a month of vacation from the states and she asked me if we could meet and catch up together. I immediately responded to her request because I do not have a schedule lunch meeting as what my secretary told me. It's been a few months specifically 10 months since I've heard and known the truth from her. I will not lie but I got angry to her. My Wife, Allyssa. I thought that she's different from the other girls but I was wrong. I was clouded with anger as well as my ego was hurt by my wife whom I trusted so much.
_Flashback_
9pm Nakaupo ako dito sa sala ng condong tinutuluyan ko. Hawak-hawak ko ang sulat na nakuha ko kanina na iniwan ni Yssa para sa akin. Ilang oras na ang nakalipas nang makuha ko ito pero hindi ko pa magawang buksan at basahin man lang. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil sa mga maling desisiyon ko na hindi ko na maibabalik. Hindi ako ready na malaman ang lahat ng nasa puso at isip niya. Lahat ng paliwanag niya na hindi ko hinayaan na sabihin niya sa akin ng harapan bagkus ay pinagtabuyan ko siya. Hindi ko matatatanggap ang pagkakamaling nagawa ko at hirap kong unawain ang sarili dahil ni hindi ko man lang siya pinakinggan kahit saglit lang. Nagpatalo ako sa init ng ulo at sulsol ng tao na nasa paligid ko. Sobrang naging duwag ako. Huminga muna ako ng malallim bago ko binuksan at binasa ang sulat niya
Dave POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Xander ay agad kong tinawagan ang iba naming kaibigan. Una kong tinawagan si Blue para siya na ang lahat na ang kumontak sa mga kaibigan namin."Hello Blue!"[Yo Dave! Finally nagparamdam ka na. Namiss kita brother!]"Yeah, enough of the drama. Gather all now. We need to plan agad para mahanap natin si Yssa."[Oh, so you are back in your senses now.] may paghimig nang yabang na sabi niya pero hindi ko na lang pinanasin."Yeah! Got hit by the reality that I was a mess and a coward," pag-amin ko sa kanya.[That's good to know that you finally have the courage to fight and accept the reality, so ano ba dapat namin gawin?] tanong niya sa akin."Can you gather all? Punta kayo dito ngayon sa condo ko nung college pa tayo. We need to plan. I need your help para mahanap ko ang asawa ko. Can you all go here now? I will wait for you all," mahinahong sabi ko sa kanya.[Alright! I can
Dave's PovAgad akong pumunta sa bahay namin para makausap ko si Mommy. Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko para agad akong makarating sa bahay namin. Muntik pa nga akong mahuli ng mga nakatambay na traffic enforcer dahil lagpas na sa speed limit ang takbo ko buti na lang hindi ako napansin. Gusto ko nang makita si Mommy para malaman ko ang impormasyon na meron siya. Alam ko alam niya ang nangyayari sa akin, sa amin pero hindi lang siya nakikialam hanggat hindi ako ang kusang lumapit sa kanya at humingi ng tulong. Ganyan naman siya palagi. Simula bata pa ako ay hinahayaan niya akong magdesisyon ng mag-isa at ginagabayan niya lang ako. Makikialam lang siya kapag may mali na akong nagawa. Alam ko naman na galit na galit si Mommy sa akin ngayon dahil sa ginawa ko kay Yssa. Mahal na mahal niya si Yssa kahit na hindi niya sabihin sa akin. Mas mahal niya pa ang asawa ko kaysa sa akin. Ra
Xander PovHindi ko alam kung ano ang irereact sa narinig ko sa kalagayan niya. Isa ito sa araw na napakahirap tanggapin ang masamang balita. Bakit sa lahat, si Yssa pa ang nakakaranas ng ganito? Ang sweet, caring at thoughtful na babae. Hindi ko mapigilan ang manlungkot sa sitwasyon niya ngayon. Hindi siya pwedeng mamamatay lalong-lalo dahil kailangan siya ng anak niya. Ang anak niya kay Dave na si Yade David Madrigal. Her only son. The love of his life and the reason kung bakit siya ay patuloy na lumalaban kahit mahirap para sa kanya. Paano kung mamatay siya? Kawawa naman ang anak niya. Walang mama na mag-aalaga at gagabay sa kanya sa paglaki.Umupo ako sa tabi ng kama niya at tinignan siya ng mabuti. Puno ng iba't-ibang mga aparatong nakakabit sa kanya. Maingay na nagtutunuga
10amDave POVMaaga kaming nagpatuloy sa paghahanap sa kay Yssa dito sa Bicol. Napakahirap sa isang tao na ang tanging lead lang namin ay ang lugar kung nasaan siya. Walang specific na information para magturo sa amin at mapadali ang maing paghahanap. Isa pang reason kung bakit mahirap maghanap ay hindi kami pamilyar sa lugar. Hinihiling ko na sana ay mahanap na namin ang asawa ko. Hindi ko na kaya na lumipas pa ulit ang araw na hindi ko siya makita.Nagsimula ang paghahanap namin sa buong Naga City. Meron kaming hawak na litrato ni Yssa. Lahat kami ay naghiwa-hiwalay muna para mapadali at hindi kami madelay sa paghahanap kung sasama kami lahay sa isang lugar. Kas
Dave POVRinig ko ang malakas na iyak ni Millicent sa loob ng kwarto. Pinipigilan ko ang iyak ko dahil ayokong makita nila na mahina ako. Ayokong makita nila ako na umiiyak. Pagkakita ko kay Yssa sa hindi magandang kalagayan, ay bigla akong natulala. Hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan kaya lumabas ako sa kanyang kwarto. Nasa loob silang lahat at malulungkot ang mga mukha. Ako nandito sa labas kasi masakit dahil sa ganitong kalagayan ko nakita ang asawa ko. Akala ko ay okay lang siya at walang problema pero bakit ganito ang nangyari. Ang dami kong tanong sa isip ngayon na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot.Nakupo ako dito sa may patio ng rest house ni Xander. Nakatingala ako sa madilim na langit at pilit na pinipigilan ang aking luha. Walang buwan at mga bituin na makikita. Parang balak makidalamhati at gustong bumagsak ang malakas na ulan. Tulala lang ako kaya hindi ko namalayan ang lumapit at tumabi sa akin."Dave, are you alright?" t
Dave POVMaingat akong lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa kanila. Nasa living room na silang lahat, naguusap-usap. Lumapit ako sa kanila at naupo ako sa isang single sofa chair sa bandang kaliwa nila Zach. Tingnan ko si Xander na seryosong nakatingjng sa akin. din ang tingin sa akin kaharap ko. sila Milly ay nakaupo sa mahabang sofa sa left side ko."Pwede ba tayong mag-usap Xander?" Mahinahon na tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang tugon pero hindi siya tumayo at gusto niya dito kami mag-usap. Nagagalit ako ngayon dahil sa nangyayari. Tahimik na tahimik kami at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.Ilang minuto pa ay hindi na ako nakatiis kaya ako na ang unanag nagsalita"F*ck Xander! I need answers! Bigyan mo kami ng malinaw na paliwanag! Bakit na sa iyo ang asawa ko?" napasigaw na ako sa galit.Nabigla ang lahat sa bigla kong p
Dave povNakatingin pa rin ako sa baby na hawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang batang hawak-hawak ko ngayon ay ang anak namin ni Yssa. Ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa. Lalo ko lang napatunayan na napakagago kong dahil napakawalang kwentang asawa kasi hindi ko lang naisip na magkakaanak kaming dalawa. Ang tanga tanga ko talaga.Ang dami ko pang tanong pero hindi ko maisatinig ito. Gusto ko lang tignan ang anak ko. Ang batang galing sa akin. Ang dugo at laman ko. Hindi ko mapigilan ang mapaluhang muli dahil sa pagsisisi. Napapaluha ako ngayon dahil sa kasiyahan at pagsisisi dahil hindi ko man lang naalagaan ang asawa ko habang buntis siya."Paano? Bat hindi niya sinabi sa akin to?" tanong ko sa mahinang boses pe