Share

Karma 51 - Hindi ko kaya

Dave POV

Rinig ko ang malakas na iyak ni Millicent sa loob ng kwarto. Pinipigilan ko ang iyak ko dahil ayokong makita nila na mahina ako. Ayokong makita nila ako na umiiyak. Pagkakita ko kay Yssa sa hindi magandang kalagayan, ay bigla akong natulala. Hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan kaya lumabas ako sa kanyang kwarto. Nasa loob silang lahat at malulungkot ang mga mukha. Ako nandito sa labas kasi masakit dahil sa ganitong kalagayan ko nakita ang asawa ko. Akala ko ay okay lang siya at walang problema pero bakit ganito ang nangyari. Ang dami kong tanong sa isip ngayon na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot.

Nakupo ako dito sa may patio ng rest house ni Xander. Nakatingala ako sa madilim na langit at pilit na pinipigilan ang aking luha. Walang buwan at mga bituin na makikita. Parang balak makidalamhati at gustong bumagsak ang malakas na ulan. Tulala lang ako kaya hindi ko namalayan ang lumapit at tumabi sa akin.

"Dave, are you alright?" t

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status