Carla’s POV
“Kyle, please stop from bothering me! In order for me to have some spare time later, I must finish it.”
Masakit talaga sa ulo kapag may kasama kang lalaki sa bahay, imbes na matapos ka kaagad sa mga trabaho, guguluhin ka pa nito.
“If I quit bothering you, we’ll go out later?”
“Yes we will go out later,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
Kung hindi ko pa sasabihin na lalabas kami mamaya ay hindi niya ako titigilan. By the way, I’m here in France right now, at isa na akong sikat na fashion designer. Nang malaman kasi nila dad ang ginawa ko noon about a years ago, pinadala niya ako rito para makaiwas sa kahihiyan na nagawa ko. Magsimula noon ay hindi pa ako umuuwi ng Pilipinas. Nag-aral na lang ulit ako rito bilang fashion designer at ngayon ay nagkakaroon na ako ng pakaunti-kauting trabaho at unti-unti na ring nakikilala ang pangalan ko.
Ngayon ay ginagawa ko ang damit ng isang sikat na model dito sa France para sa kaniyang fashion show sa susunod na linggo. Kailangan ko nang matapos ito dahil minamadali na ng manager niya. Mabuti na lamang at tumigil na si Kyle kakagulo sa akin at nagkulong na lang siya sa kuwarto, ilang oras na lang ay matatapos ko na ito at makakapagpahinga na ako, halos tatlong araw ko rin itong ginagawa.
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto namin nang marinig ko ang pagbukas nito, at niluwa nito si Kyke na nakasimangot.
“Isn't that still over? I'm hungry,” wika nito.
“There was still steak there from last night; just reheat it,” sagot ko.
“No, I don’t want the steak. I want to eat at my favorite restaurant.”
Napa-roll eyes ako sa sinabi nito. May pagkain naman kami pero gusto pa raw sa restaurant, nako mga lalaki nga naman.
"Okay, just give me five more minutes. I'm about to finish it.”
Padabog itong bumalik sa aming kuwarto, napailing na lang ako sa ginawa nitong pagbagsak sa aming pintuan.
Ganyan umasta si Kyle kapag nagugutom, nagdadabog at palaging nakasimangot, pero mabait naman talaga siya, magalang at maalalahanin.
Naalala ko tuloy noon ang aking first ever love na si Gino, siya naman ay palaging nakasimangot kapag binibigyan ko ng pagkain. Palagi ko pa siyang sinusundan noon kahit saan siya magpunta mabigay ko lang ang niluto kong pagkain or mga cupcakes na ginawa ko. Kinukuha naman niya ang mga ito, ngunit hindi ko lang alam kung kinakain niya.
Mapapangiti ka na lang talaga kapag naiisip mo ‘yong mga kalokohang nagawa mo noong kabataan mo.
“Why are you grinning by yourself? What do you have in mind?” biglang tanong ni Kyle na nasa harapan ko na pala.
Mabuti na lang at tapos na ako sa aking ginagawa, dahil kung hindi baka nasira pa ito dahil sa panggugulat ng lalaking ito.
“How do you get there? I mistook you for being in the room. ”
Natawa lang ito sa sinabi ko. “You've finished what you're doing, right? Let’s eat,” nakanguso nitong wika.
Napaka-cute talaga ni Kyle kapag nakanguso, lalo kong naaalala si Gino sa kaniya. Napatampal ako ng bahagya sa aking mukha. Bakit naiisip ko pa rin ang lalaking ‘yon? Matagal na akong naka-move on sa kaniya. Magsimula nang dumating si Kyle sa buhay ko, sa kaniya na umikot ang mundo ko.
Nang makarating na kami sa favorite restaurant ni Kyle, as usual ang favorite food niya ang gusto niyang order-in, walang katapusang baguette lang naman ang palaging kinakain ni Kyle rito, nakigaya na lang din ako ng order dahil wala akong alam na kainin.
We stayed in the restaurant for a little while longer. Maganda rin kasi ang ambiance rito, kaya gustong-gusto ni Kyle rito. Halos araw-araw na nga yata kaming kumakain dito eh.
“Kyle, I have something to tell you,” wika ko.
“Hmm, what’s that mom?” tugon naman nito habang ngumunguya pa.
“Grandpa wants to see you. And I agreed to him that we will be going to the Philippines.”
“Really? I love to. I want to visit some places there, like the ones I watch on the internet.”
Napangiti ako sa sinabi ni Kyle, never pa kasi siyang nakapunta sa Pilipinas kaya naman bakas sa mukha niya ang excitement.
"Yes, we will travel to the Philippines, maybe in two weeks,” nakangiti kong wika.
Bigla itong lumapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.
Ito rin ang unang beses na babalik ako sa Pilipinas, I haven't been back to the Philippines since my parents sent me here. So maybe a lot has changed.
"Let's head back home so we can prepare the stuff we need to pack.”
Bumalik na kami sa bahay para makapag-ayos na ng mga gamit. Hindi ko alam kung matatagalan ba kami sa pag-stay sa Pinas or kaagad din kaming babalik dito. Noong unang kinausap ako ni dad, about sa pagbisita namin sa bansa, tumanggi pa ako dahil tahimik na buhay ko rito. Kung p’wede lang sana na sila na lang ang bumisita sa amin dito, ngunit ayaw niya mas gusto raw niya na kami na lang ang bumisita sa kanila. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto ng parents ko, besides matagal ko na rin naman silang hindi nakakasama. Kami lang ni Kyle ang nasa ibang bansa, halos lahat ng pamilya ko ay nasa Pinas.
“Can I bring this one?” tanong ni Kyle.
“That won't fit in our luggage, Kyle, sorry. Maybe we can buy one in the Philippines,” tugon ko.
Gusto niya kasing dalhin ang bean bag bed, na siyang nagsisilbing higaan niya rito sa bahay. Hindi ko ba alam sa batang ito kung bakit mas gusto niyang matulog sa ganoon kaysa sa kama.
“Oh okay, but promise me when we get there you’ll buy me. Because you know I can’t sleep without this kind of bed,” nakangisi nitong sambit.
“I promise, just don't be stubborn okay?" I said as I caress his hair.
Tumanga-tango lang ito habang nakangiti. Nagpatuloy na kami ni Kyle sa pag-aayos, mabuti na lamang at mabilis lang pagpapa-book ng flight ngayon at bukas na bukas ay magpapa-book na ako. Matagal ko ring pinag-isipan kung babalik pa ba ako sa Pilipinas, kung ako lang kasi ang masusunod mas gusto ko pang manatili na lamang dito. Maganda naman ang trabaho ko rito, at nasanay na rin ako na malayo sa pamilya. Paminsan-minsan naman ay nakakabisita sa akin si mom o kaya naman ang mga kapatid ko, tanging si dad lang ang hindi bumisita sa akin. Hindi ko alam sa kaniya, bakit ayaw niyang pumunta rito.
Habang nag-aayos kami ng gamit, nag-ring ang aking cellphone, nang tingnan ko ito si dad ang tumatawag.
“Hello dad?” sagot ko sa tawag.
“Hello Carla, kumusta na kayo r’yan?”
“Okay lang naman po kami dad, ito nag-aayos na kami ng gamit. Kayo po kumusta kayo?” tugon ko.
“We’re okay here. And we are also excited sa pagdating ninyo.”
Kahit hindi ko nakikita, alam kong masaya si dad ngayon, bakas kasi sa tono ng pananalita nito.
“Excited na rin po akong makasama kayong muli,” medyo naiiyak kong wika.
"All right, we'll simply wait here till you get here. Take care.”
“Okay dad, mag-iingat din po kayo.”
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, masaya ba ako kasi makakapiling ko na ang pamilya ko? Or natatakot ba ako dahil baka makaharap ko si Gino? Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na naka-move on na ako sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan. Ang kinakatakutan ko lang ay baka malaman niya ang tungkol kay Kyle, hindi ko alam kung makakaya kapag nangyari ang bagay na ‘yon.
Gino’s POVUmuwi muna ako sa bahay para kumuha ng ibang gamit, magtatagal pa raw si Kyle sa hospital. Kailangan kong tatagan ang sarili ko, kailangan kong maging malakas para sa anak ko, hindi ko pa ito lubusang kilala at nakakasama kaya naman gagawin ko ang lahat para sa kanya.Pagbalik ko sa hospital, nadatnan ko si Carla na umiiyak.Dali-dali ko itong nilapitan. “What happened?” tanong ko.“Nagsimula na namang magdugo ang ilong ni Kyle,” wika nito habang umiiyak.Napasapo ako sa aking mukha. Ano ba itong nangyayari sa aking pamilya. “Kayo po ba ang pamilya ng bata? Kailangan po siyang masalinan ng dugo dahil pababa po nang pababa ang platelets niya,” sambit ng nurse.“I can donate blood for my son,” wika ko.“Ako din magdo-donate ako,” ani Carla.“Maaari po kayong pumunta sa may laboratory para ma-check kung compatible po ang dugo ninyo sa bata,” wikang muli ng nurse.Hinawakan ko sa kamay si Carla at naglakad kami papunta sa laboratory. Nakuhanan na ako ng dugo ngunit si Carla ay
Carla’s POVMahigit isang linggo na ang nakakalipas magsimula ng tumira na kami ng anak ko sa pamamahay ni Gino. Sa loob ng isang linggo, marami na ang nangyari ngunit hindi pa rin nagsi-sink in sa aking utak ang mga ito. Nakalipat na ng school si Kyle, sa school ng kaniyang pinsan na sina Karl at Karel. Alam na rin nina Greg na dito na kami tumutuloy ng anak ko. At mamayang gabi ay pupunta kami sa bahay ng mga magulang ko para sabihin sa kanila ang mga nangyayari. Ilang araw na rin kasi ang pag-aalala nila sa amin. Napag-usapan namin ni Gino na mauuna ko munang sabihin sa magulang ko ang namamagitan sa amin bago kami pumunta sa angkan niya. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa aking likuran. “What are you doing?” bulong ni Gino.“Just designing some dresses,” sagot ko.Nasa veranda ako ngayon at busy na nakaharap sa aking ipad ng biglang sumulpot itong si Gino. "I can't wait until later."Bakit naman?” tanong ko habang gumuguhit pa rin ako sa ipad.“Because I can face your parents
Gino’s POVNag-aya ang anak ko para manuod kami ng movie kaya naman kaagad ko itong pinagbigyan. Everything for my son. Nagpunta na kami sa entertainment room ni Kyle, si Carla naman ay nagpunta sa kusina para maghanda ng aming makakain habang nanonood. Parang ang sarap naman sa pakiramdaman ang ganitong pangyayari, nagba-bonding kami ng anak ko tapos naghahanda naman ng pagkain ang mommy niya. “Daddy can we watch this one?” tanong ng anak ko sabay lahad sa dvd na hawak niya.Napakunot ang noo ko dahil ito ang favorite movie magsimula bata ako. “Of course we can watch that.” Kinuha ko kay Kyle ang dvd at nilagay na sa dvd player. “You know what Kyle, this is my favorite movie,” wika ko.“Really Daddy? I also want this movie,” nakangiting sagot ni Kyle.Pasimula na ang movie ng saktong dumating si Carla, may dala-dala itong bowl ng popcorn at tatlong juice drinks.Napapatalon ang puso ko sa saya, ito ang pangarap ko noon pa man. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.“Mommy sits b
Gino’s POVNakalabas na kami ng hospital at sa bahay ko dineretso si Kyle, pero kasama ko pa rin si Carla, sumama rin si Greg at Bea.Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sasabihin ni Carla. Mas uunahin ko muna ang kapakanan ng aking anak.“Mommy, who’s house is this?” tanong ni Kyle kay Carla.Lumuhod ako sa harapan ni Kyle. “This is our house baby,” sagot ko.Sina Greg at Bea ay busy sa paghahakot ng mga gamit. Hindi naman karamihan ang dinalang gamit ni Carla para kay Kyle. Siguro ay iniisip pa rin nito na ibabalik ko pa ang anak niya.“Really? Does this mean that Mommy and I will live here?”“We will talk about that later. Pasok muna tayo sa loob,” ani ko.Nang papasok na kami sa loob, nakasalubong namin sina Greg.“Kuya, alis na kami, biglang tumawag si mama at may inuutos sa amin,” wika nito.“Ah ganoon ba, sige maraming salamat sa pagtulong,” sagot ko.“Wala po iyon kuya, masaya po kami na makatulong lalo na sa gwapong batang ito,” sambit ni Bea at hinaplos pa niya ang buhok
Carla’s POVNarito ako ngayon sa harapan ng malaking building kung saan naroroon ang kumpanya nila Gino. Pa-urong sulong pa ako sa pagpasok, dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Gino ang ganitong bagay. Hindi ko kasi akalain na sa ganitong paraan pa niya malalaman na may anak kaming dalawa. Nang mapag-isipan ko na hindi na lang ako tutuloy, dahil baka isipan niya ay gumagawa lang ako ng gulo. Pabalik na sana ako sa aking sasakyan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.“Ate Carla.”Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong si Greg ang tumawag sa akin. Ngunit hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya.“Oh Greg ikaw pala ‘yan,” maang-maangan kong wika.“Ano ang ginagawa mo rito ate? May kailangan ka ba kay kuya?” tanong nito.“A-ahm a-ano kasi, oo sana. Gusto ko sana siyang makausap,” sagot ko.Nandito na rin naman ako, lalakasan ko na ang loob ko para makausap si Gino.“Let’s go inside. Hindi naman siguro busy si kuya today,” ani Greg.Sumunod ako kay Greg sa
Greg’s POVNarito akong muli sa hospital kung saan naka-confine ang anak ni ate Carla. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” salubong sa akin ni doc Perez- ang doctor ng anak ni ate Carla.Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi na ba ako p’wedeng bumisita sa iyo?” wika ko habang naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Alam ko na ang mga ngiting ganyan Greg, hindi mo na ako madadaan sa paganyan-ganyan mo,” masungit na sagot nito.“Ang sungit mo naman. Hindi ka na naman ba naka-score sa syota mo,” biro ko.Bigla na lang may lumipad na ballpen sa harapan ko. At kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang galit na kaniyang nararamdaman.“Hoy Mr. Perez nagbibiro lang ako,” ani ko. “Para namang hindi ka pa sanay sa akin.”“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” masungit pa rin nitong wika. “Kung manggugulo ka lang ulit, pwede ba ‘wag ngayon Greg, marami akong ginagawa.”Nagmasid-masid ako sa office nitong kaibigan ko. “May extra ka bang uniform dito?” tanong ko.“Extrang uniform? At