Share

CHAPTER 5

—————

In the following days nothing much happened, Penelope is busy with what she came here for at kaming tatlo naman walang ginawa kundi mag libot-libot sinusulit namin ang natitirang araw namin dito at shempre yung dalawa walang kasawaan lumangoy malapit na nga silang maging isda and also kasi mamaya uuwi na kami.

I am here now in front of them pinapanood ko silang mag paunahan daw at ako si tanga uto-uto shempre pumayag ako na tignan sila. May score pang nalalaman aish!

"Aren't you tired of watching them?" I looked at my side at si zin nga Ano naman problema nito.

"Why are you here?" I told him habang nakatingin ako kila ash and grey na nag papaunahan parin.

"Why not? I own it." Mayabang na sagot niya kaya tinignan ko siya this time.

"May sinabi ba akong bawal? Tss. Umalis ka nga sa tabi ko." Panira na naman ng araw ko. Haist.

"Ayoko nga, bakit kita susundin?"

"Papansin ka lang kasi psh."

"Bakit mapapansin mo na ba ako?" Natawa naman ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala sa mga pinag sasabi nito.

"what? Don't tell me may gusto ko sakin? Kaya pala panay buntot ka sakin ah! Pwes sorry ka hindi kita type! " Haha inaasar ko lang yan Ano ka ngayon tulala! Tignan ko lang reaction niya psh. Mukang tanga!  pano ba naman nung mga nakaraan hindi na ako tinan-tanan nito laging naka buntot sakin.

"Woah! Asa ka! Sa taba  mong yan? Tss ni hindi ka nga sexy mas hindi kita type! ." What the hell! Ang kapal! Talagang kailangan laitin ako? Tinignan ko siya mula taas at pababa! Wala akong malait! Aha! Panget ng ugali niya ayun ang panget sakanya.

"Ang kapal mo! Ang panget kaya ng ugali mo Asa kang may magkaka gusto sayo! feeling mo naman psh."

"Bakit hindi ba? Sabi mo nga gwapo ako." At talagang nilapit niya pa muka niya saakin ha.

"Umalis ka nga dyan! Baka anong isipin ng mga kaibigan ko! Wala akong sinabing gwapo ka, bingi karin kasi" Pag tataboy ko sakanya pero nilalapit niya parin muka niya kaya layo naman ako ng layo.

"Bakit hindi kapa ba nahahalikan?" Out of the blue moon talagang yan yung iniisip niya what the— paki alam ba niya?

"Uy teka, lumayo ka nga sakin! Tsaka ano bang paki mo kung hindi pa!" Shit! Bigla siyang lumayo at tawa ng tawa.

"Seriously Wala pa? Binibiro lang kita umamin ka naman." Sabi niya na tawang tawa parin.

"Anong nakakatawa dun? Hindi ba pwedeng naka reserve lang yung kiss ko sa future boyfriend ko tss." Bigla siyang tumigil tumawa at tumitig sakin.

"Wow! Hindi ko alam na May mga katulad mo pa pala nice!" Pailing iling siya na parang hindi maka paniwala.

"Ewan sayo! Makaalis na nga." Tinalikuran ko siya pero pinigilan niya ako At bigla akong kinabahan pano banaman sa bewang ko siya nakahawak.

"Ahm- a-Ano bang problema mo?" Sabi ko ng nauutal pa ako.

"Hoy Ano yan dos! Kayo ah! Naku sinasabi ko na nga ba." Omygosh! Nakita nila ash shit! Humiwalay ako kaagad sakanya at humarap kila ash

"Asus! Okay lang yan dos, hindi naman kami nalunod kahihintay sayo." Letche naman oh. Yan na nga ba sinasabi ko at puro pang aasar aabutin ko. Feeling ko lalagnatin ata ako sobrang init ng pakiramdam ko bigla sumasabay pa yung kalabog sa dibdib ko.

"You're cute when you blush." Bakit ba sumisingit patong isang to ano bang pinag sasabi niya.

"Naku zin, Pasensya kana kasi alam mo na itong si dos NBSB yan haha kaya hindi niya naiintindihan kung nilalandi mo siya." Grey naman bakit mo ba ako nilalag-lag bff moko pinag kakaisahan ako nitong dalawang to pero ako nialalandi ni zin? E wala ngang ginawa yan kundi asarin ako.

"Bakit moko nialalandi?" Deretsong tanong ko sakanya yung dalawa naman tawang-tawa.

"Asa ka naman tss." Ako asa? Baka siya teka, bakit lumalapit nanaman to sakin kaya umaatras ako ulet.

"Dos mauna na kami, nilalamig na kami." So iiwan nila ako dito sa lalaking to.

"Teka sa-" she cut me off.

"Kaya mo yan, landi landi rin." What the hell is going on? Sasabunutan ko talaga yung mga yun talagang iniwan nila ako dito.

"Uy! Saan moko dadalhin? Bitawan mo nga ako."bigla-bigla nalang kasi nang hihila.

"Wag kang magulo diyan." Akala mo kung sinong maka utos hanggang sa makarating kami sa malaking bato kung saan kami unang nag kita.

"Anong ginagawa natin dito? Tsaka bakit mo ako sinama." Sabi ko sakanya ng umaakyat na kami at naka upo.

"I heard that you were leaving kaya dinala kita dito." Paki niya naman kung aalis na kami.

"So? Close ba tayo? Psh." Pag tataray ko sakanya pero hindi na siya umimik kaya ganun din ako.

I was surprised when I looked at him Because he was staring at me.

"Ano bang problema mo?" Bakit ganyan siya parang abnormal kung makatitig wagas.

"Nothing.. i was just thinking if I can kiss you here, gusto ko maging first kiss mo." Umiwas ako ng tingin sakanya at hindi ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.. hindi ako mapakali.

"Ako ba pinag ti-tripan mo zin?" Sabi ko nang hindi parin ako nakatingin sakanya imposible naman kasi pinag sasabi nitong lalaking to.

"Of course not.. nag papaalam nga ako sayo kung pwede." Napalingon ako sakanya at pag lingon ko halos tatlong daliri nalang pagitan namin at naamoy ko narin yung hininga niya na amoy mint.

"Pwede ba tigilan mo ako? Mag boyfriend at girlfriend lang gumagawa nun." Sabi ko sakanya at nilayo ko yung mukha ko sakanya pero hinawakan niya yung baba ko kaya natitigan ko yung mga mata niya at ganun din siya nakakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko parang tumigil ang buong paligid ko habang nag hahabulan ang kaba saaking dibdib.

"So you want me to be your boyfriend?" Hala bakit ba siya ganyan inaano ko ba siya? Nagugulat ako sa mga pinag sasabi niya sakin,

"Ahm.. ang bilis naman diba nag liligawan pa dapat.?" Napa pikit ako sa sinabi ko at nahirapan akong huminga. Pwede na ata akong mahimatay sa titig niya, jusko hindi ko na alam gagawin ko parang maiihi na ako.

"Fine, I will court you." Napadilat ako sa gulat at kumakalabog yung dibdib ko sa sobrang lakas.

"Uy, wag mo naman ako pag tripan zin kasi hindi magandang biro yan." Tumayo na ako at tinalikuran na muna siya nakakahiya ano ba naman yun. Ako pa talaga yung nahiya!

"I'm not kidding here rylle." Sabi niya ng hinawakan yung kamay ko.

"Edi seryoso ka dun?" Paninigurado ko sakanya Tapos siya naman tawang tawa. Bakit pa pag tatawa siya parang natutunaw ako.

"Yeah, I like you" omygosh so seryoso nga siya pero hindi pwede pagagalitan ako ng mga kaibigan ko pero sabi nila landi landi din daw so okay lang.

"Mag paalam ka muna sa mga kaibigan ko kung pwede." Sabi ko sakanya.

"Seriously, Like a baby huh? I like that. " sabi niya ng di maka paniwala sakin.

"Ahm— balik na ako dun.. Baka kasi aalis na kami." Sabi ko ng tinalikuaran siya at bumaba.

"Samahan na kita." Tapos hinakawan niya yung balikat ko at inalis ko.

"Hindi pa pwede." Dumistansya Ako ng konti sakanya.

"Unbelievable woman." Hindi siya maka paniwala sa inasal ko, tama lang yun! Dapat kahit papano pa hard to get ka dos!

——————

Hanggang sa makarating kami sa unit namin at tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"Dito nalang ako Salamat." Sabi ko sakanyan Tapos tinalikuran ko na siya.

"Seryoso ako sa sinabi ko sayo." Pag uulit niya sakin  ng bubuksan ko na ang pinto at hinarap ko siya.

"Hmm.. ikaw bahala well, Let's see kung seryoso ka nga." Sabi ko tapos pumasok na ako sa loob pero yung dibdib ko halos hindi kona maramdam parang nag wawala sa sobrang saya. Bigla nalang ako natawa sa mga nangyayari.

Ayoko maniwala kasi bagong kilala ko lang siya. Ewan ko lang pero may mga nanligaw naman sakin kaso hindi nag tagal kasi ang tagal ko daw silang sagutin mga demanding! Mag hihintay lang ang daming angal! Pero itong si zin siya lang nakapag pakabog ng dibdib ko at nakakapag pawala sa sarili ko. Ano bang nangyayari sakin?

"Ngiting tagumpay tayo ah!" Shit! Woah buti si grey lang nandito at wala si ash.

"so what's the real score? Tell me." Ano pa nga ba sinabi ko na sakanya lahat lahat at siya itong kilig na kilig.

"Hindi kita masisi kahit nga ako kini-kilig." Sabi niya ng may pahampas hampas pa.

"Maniwala ka naman dun." Nilayo ko sarili ko sakanya kasi feeling ko magkaka pasa na ako sa braso ko.

"Ay oh! Malay mo naman diba?"

"Ewan! Bahala na."

"Ayieee nag dadalaga na ang dos namin." Lumapit siya at kinikiliti ako samay bewang ko.

"Tss. Tigilan mo nga ako. Walang manliligaw ng 4days mo Lang na kilala." Inaayos kona mga gamit ko at nilalagay na sa maleta ko.

"Wag kang bitter girl, yung iba nga dyang unang tingin lang e, alam mo yun? Love at first sight ika nga" O.a talaga nito kahit kailan,

"Imposible! Kasi hindi niya naman hiningi yung cellphone number ko or anything." Diba? Pano yun? Seryoso niya mukha niya. Pano niya ako liligawan?

"Asus! Don't worry dos, gagawa yan ng paraan, pag gusto may paraan diba?" Sabi niya ng inaayos nadin yung gamit niya.

"Huwag na nga natin pag usapan ang hindi naman tayo sigurado tss. Pinag ti-tripan lang ako nun."

"Edi wag! Pinangu-ngunaha mo na yung tao e, wala kang alam."

"Ikaw ang walang alam grey, kaya tigilan mo ko sa kakaganyan mo, dalian mo na lang diyan."

"nag a-advice lang naman ako tsaka tignan mo Nasakanya na lahat! Ayieee!" Talagang naniinis na ako dito e, ayaw tumigil sa kakaganyan sakin.

"Edi ikaw mag paligaw! Love life mo? Love life mo?! Diyan ka nga! Daldal mo! Daming alam!"

"Hoy dos! Teka lang! Napaka pikunin mo naman! Hahaha" ayun iniwan ko siya habang nag sisigaw bahala siya. Kainis puro zin nalang letse! Sasabog na utak ko.

————-

bahala siya sa buhay niya masyado niyang ginugulo utak ko sa kakaisip letche!

( to be continued...)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status