Share

Chapter 8: Payment

PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon.

Padabog na sumakay na siya ng kotse. Pinaharurot iyon patungo ng company nila dahil may trabaho pa siya ngayon. Isiningit lang niya sa schedule ang pagpunta sa RTC para sa pirmahan. Wala naman palang mapapala. Malamang una pa lang ay plano na ni Alyson na hindi pumunta para magatasan pa siya nito ng pera.

"Inilalabas na niya ngayon ang tunay na kulay. Samantalang dati naman ay wala siyang ibang naging reklamo."

Niluwagan ni Geoff ang suot na necktie dahil parang masasakal siya nito. Kinalma niya ang sarili bago bumaba ng kotse. Ilang minuto na siya sa parking ng building ng company nila, pero hindi pa siya bumaba dahil paniguradong mabubuntunan niya ng galit ang sinuman sa mga tauhan niya sa loob.

"Sir Geof
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status