Share

Chapter 7: Sampung Milyon

Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya.

"Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa gilid.

Ito lang ang kanyang naabutan pagdilat ng mga mata. Base sa mga kurtinang naghahati sa mga kama ay nalaman niyang nasa ER pa siya.

"G-Gaano kataas, nurse?"

Sinubukan niyang muling bumangon. Inalalayan siya ng nurse na maupo.

"Umabot po ng 39 ang temperature niyo kanina, medyo nagchi-chill rin po kayo ng dumating dito sa ER."

Hindi na tinanong ni Alyson kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital. Ang unang sumilid sa isipan niya matapos tingnan ang swero sa kamay ay ang usapan nila ni Geoff ng araw na iyon na magkikita sa RTC.

"N-Nasaan ang bag ko, nurse?" sapo ang ulo ay bahagya pa siyang napapikit.

Alam niyang may mali sa katawan ngunit hindi niya naman pwedeng i-balewala ang appo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Missy F
tanginang Geoff to .hayop! lumaban ka nga girl...kapal ng mukha ng lalakeng yan
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Watch po kayo ng ads para tuloy-tuloy ang chapters.
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Kailangan pong may coins kayo or need niyo pong manood ng ads.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status