Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2024-03-20 15:10:32

Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon kasalukuyang nakatira ang ina niya na gumaling na sa sakit. May problema man ang katawan niya ngayon alam niyang hindi magtatagal ay magagawan niya ng paraan lahat.

Kailangan niyang magtrabaho para sustentuhan at buhayin ang ina niya na sa kanya na lang ngayon umaasa.

"Nakita rin kita!"

Kinabukasan noon pagkagising ay kulang na lang ay mapatalon sa saya si Alyson nang mahanap ang business card ng kaibigang may kompanya. Ka-close niya ito at kung sakali na humingi siya dito ng tulong, sure siya na hindi rin siya nito matatanggihan. Noong huling nakita niya ito ay inabot nito ang business card, habang nagbitaw ng salita na pwede niya itong malapitan.

"Hello?"

Kinagat ni Alyson ang labi nang marinig ang pamilyar nitong tinig.

"Sino ito?"

"Alyson Samonte."

"Oh? Kumusta ka na? Nasaan ka na ngayon? Mabuti at napatawag ka?"

"Ayos lang naman ako, Kevin."

Napilitang ikuwento ni Alyson ang tungkol sa paghahanap niya ng trabaho. Aniya ay kailangan niya ng trabaho para buhayin ang kanyang ina. Actually, pahaging lang niya iyon para kung sakaling may opening sa kumpanya nila ay alukin siya nito. Bagay na hindi siya nagkakamali.

"Kung gusto mong magtrabaho dito ay bukas-palad kitang tatanggapin, Aly. Alam mo namang gusto ko ang mga design mo. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng professor natin noon? Magaling ka. Magiging matagumpay ka kung itutuloy-tuloy mo lang iyon."

Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ni Alyson sa mga narinig. Isa ito sa mga isinakripisyo niya para kay Geoff, ang mga pangarap niya.

"Nalungkot nga si Prof noong bigla ka na lang nawalan sa amin ng contact. Akala pa nga namin ay nasa ibang bansa ka na para doon ituloy ang mga pangarap na sinimulan mo dito."

Mahinang tumawa si Alyson. Kung alam niya lang noon na ganito ang mangyayari sa kanya, sa relasyon na pinangarap niya hindi niya sana noon sinakripisyo ang kanyang pangarap.

"Kailan ka available? Magkita tayo."

"Maraming salamat sa opportunity. Update kita kung kailan ako pwede."

"Sige, message ka lang o tumawag."

Ang buong akala niya noon ay sobra na ang swerte niya na maging asawa si Geoff, ang kasalukuyang CEO at tagapagmana ng Carreon Holdings. Gwapo na ito, mayaman pa, wala ng ibang hihilingin pa. Hindi niya alam na mali ang naging desisyon niya noon.

"Anong sinabi mo, Alyson?"

Pabagsak na inilapag ng ina ang hawak na kutsara nitong pinanghalo sa kakatimpla niyang tasa ng kape.

"Ma, alam niyo naman po ang—"

"Bakit ka pumayag sa annulment? Nasaan ang laman ng utak mo? Asawa ka niya. Hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa kanya. Ngayong wala na ang ama mo at nalugso ang negosyo, dapat lumuluhod ka sa harap niya at nagmamakaawang tulungan ka. Tapos, ano? Malalaman ko na nagdesisyon kayong maghiwalay?!"

Humampas ang palad nito sa mesa. Napaigtad na doon si Alyson sa labis na gulat. Hindi niya inaasahan ang bayolenteng reaction ng sariling ina.

"Wala ka pang nakukuhang tulong sa kanya sa loob ng tatlong taong iyon!"

"May babae siya Ma—"

"Eh ano naman? Hayaan mo siyang mambabae hangga't gusto niya!"

"Ma? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Bakit? Ginusto mo iyan di ba? Hindi ka mapigilang magpakasal sa kanya!"

"Mahal niya iyong babae. Nabuntis na niya iyong babae at gusto niyang pakasalan. Hahadlangan ko pa ba?"

Dismayadong umiling ang ina niya.

"Gamitin mo ang opportunity na ito. Hingan mo siya ng pera bilang danyos. Kung hindi dahil sa kanya, matagumpay ka na sana ngayon."

"Mama naman?!"

"Bakit? Wala kang gagawin? Tutunganga ka na lang dito?"

"Huwag kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan para mabigyan ka ng pera bukas na bukas din. Huwag mo akong pangunahan sa desisyon ko! Ibibigay ko ang pangangailangan mo nang hindi nauudlot ang pakikipaghiwalay sa asawa ko."

"Alyson? Kinakausap pa kita!"

Walang lingon-likod siyang lumabas ng bahay. Pagbalik ng bahay ay agad niyang hinalughog ang kanyang wardrobe upang kunin ang mamahalin at mga branded niyang damit, bag at sapatos. Isama pa doon ang ilang mga alahas na natanggap niya mula sa pamilya ni Geoff bilang regalo nila. Sa loob ng tatlong taon ay marami siyang naipon, ang ilan pa nga doon ay hindi niya nagamit at nasuot kahit minsan. Taong bahay lang naman kasi siya at hindi madalas maimbitahan sa mga mahahalagang okasyon, unless ay involved doon ang family gathering.

"Pasensiya na kung ibebenta ko kayo, kailangan ko lang ng pera ngayon."

Tinawagan niya ang Manager ng store upang magpaalam na ibebenta niya ang mga branded niyang damit. Sa sunod niya ihahanap ng buyer ang bag, sapatos at alahas. Ang shop na iyon ay tumatanggap lang ng second hand na gamit na maaari nilang mabenta sa mataas na halaga. Kumbaga, ang shop na iyon ay isa sa matatawag na pangmayamang ukay-ukay sa bansa.

"Paniguradong maaalagaan kayo ng mga taong makakabili sa inyo at tiyak na magagamit sa tamang okasyon."

Nang makwenta ni Alyson ang pera na mapagbibintahan noon ay naisip niya na kaya na nilang maka-survive ng ina. Oras na ma-settle niya ang annulment ay magtra-trabaho na siya. Tatanggapin niya ang offer ng dating kaklase niya. Pagsisikapan niyang makuha ang mga pangarap kahit medyo huli na iyon. Para sa kanya ay walang maling panahon as long as pangarap ang pinag-uusapan dito. Kanya-kanya lang iyon ng panahon. Aayusin niya ang trabaho at sisiguraduhing magtatagumpay sa kung anumang balak niya sa buhay.

"Tunay ba ang lahat ng ito?"

"Oo, kahit tingnan mo pa ang etikita nila sa likod. Sayang nga lang at natanggal ko na ang tag price nila dahil nilabhan ko para isuot sana."

Sinuri nitong mabuti ang tela at panaka-naka ang naging sulyap sa kanya. Hindi naman siya mukhang mababang uri ng babae. Maayos din ang suot niyang plain dress noon.

"Seryoso ka ba talagang branded sila? Alam mo na iyong iba ay hindi naman totoong branded at peke."

Napataas na ang kilay ni Alyson. Mukha na gusto pa siya nitong baratin. Mababa na nga ang bigay niya sa totoo nitong halaga. Eh iyong iba doon ay hindi pa niya nasuot. Marahil ay dahil hindi siya sikat na tao at simple lang ang suot kaya ganito ang tingin ng Manager ng shop. Hindi mapagkakatiwalaan. Ang hindi nito alam ay marami na siyang nasuot na sikat na brands sa bansa.

"Bibilhin namin ang lahat ng ito pero oras na may magreklamo na hindi sila totoo ay ikaw ang mananagot."

Nais na bawiin na lang sana ni Alyson ang mga ibinibinta at huwag na lang ituloy, pero naisip niya ang ina niya.

"All right, I will be accountable for it."
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 976

    ANG BUONG AKALA ni Addison ay tulog na ito, mali pala siya. Marahil ay humahanap lang ito ng pagkakataon upang pakawalan ang kanyang mga katanungan na willing naman siyang sagutin ng tapat. Hindi niya kailangang maglihim sa asawa. Baka kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay makabalik na ito.“Model.

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 975

    GULANTANG NA NAPATAYO na si Addison nang marinig ang malakas na boses ni Loraine sa may pintuan. Nilingon na ito gamit ang tila walang pakialam niyang mga mata. Hindi siya sa ibang silid matutulog, ayon iyon sa kanyang asawa kaya iyon ang susundin niya. Hindi siya mapipilit ng biyenan gawin ang gust

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 974

    BIGLANG NAIBABA NA ni Addison ang kanyang kubyertos at hindi na nilingon ang asawa dahil wala rin naman itong maiitulong sa kanya kahit na humingi siya ng tulong dito. Palagi lang itong tahimik na dinaig pa ang pipi na ayaw pa rin magsalita kahit na ano. Wala itong reaction kahit matalas na ang dila

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 973

    PUNO MAN NG galit ang puso ni Addison sa mga pinagsasabi ni Loraine sa kanya ng araw na iyon ay hindi pa rin sumagi sa isipan niya ang umalis sa tabi ni Landon upang iwan ang asawa gaya ng suggestion ng mga magulang niya kapag mabigat na ang lahat sa kanyang balikat. Hindi niya pwedeng hayaan ang ma

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 972

    MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ni Addison habang pinagmamasdan mula sa may pintuan ng silid ang mahigpit na yakap ni Landon sa ina nang dumating ito. Hindi niya magawang pumasok doon dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga. Nagalit pa nga sa kanya si Loraine sa ginawa niyang paglipat ng pwesto ng

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 971

    MARIIN NA ITINIKOM na ni Jinky ang kanyang bibig dahil baka mamaya ay kung ano pa ang masabi ng amo niya sa kanya kung igigiit niya pa ang gusto. Nagmamalasakit lang naman siya. Mukhang deserve talaga ng kanyang amo na balewalain at i-trato ng hindi maganda ng kanyang anak dahil ganito ang ugali. Sa

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 970

    UMISMID, IYON ANG naging reaction ni Alyson sa kanyang asawa na hindi niya malaman kung kampi ba sa dati nitong babae o gusto lang nitong matiwasay na kumain ang mag-asawa. Malakas ang pakiramdam ni Alyson na hindi nagkakasundo ang kanilang mga anak. Hindi kasaya gaya ng dati ang mata ng anak niya e

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 969

    PARANG MAY SARILING buhay na tumaas sa ere ang isang kamay ni Landon at marahang humaplos na iyon sa ulo ni Addison. Nang maramdaman naman iyon ng babae ay gumalaw nang bahagya ang mga pilikmata nito. Marahan ang hagod ni Landon dito na parang humahaplos ng ulo ng newborn baby habang nakatunghay pa

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 968

    SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status