SAGLIT NA NAG-ISIP si Alyson. Sayang naman ang dinner na inihanda niya para sa kanila ni Geoff kung lalabas siya at pagbibigyan ang gusto ni Kevin. Eh, pinaghirapan niyang lutuin ang mga ‘yun para pagsaluhan nila ni Geoff tapos sa huli ay hindi naman niya makikita ang reaction nito sa lasa ng niluto
ITINAAS NI ALYSON ang isang kamay para saglit na putulin sa mga sinasabi niya si Kevin. Nakita niya kasing rumehistro sa screen ng cellphone ang pangalan ni Geoff na tumatawag sa kanya. Ang hula niya ay nasa bahay na ito at malamang ay nakita niya na ang inihanda niyang regalo o ang pagkain. Agarang
NAPAPALATAK SA TANAWING iyon si Loraine na kakapasok lang ng restaurant. Nakahawak ang isang kamay nito sa kanyang tiyan. Ilang beses siyang napakurap ng mga mata at baka sakaling namamalik-mata lang. Subalit hindi, si Alyson ang nakikita niya at may ibang lalakeng kasama. Hindi kaila sa kanya ang k
Ang tagpong ‘yun ng naabutan ni Geoff. Patakbo na siyang tumawid. Sa labas pa lang ay tanaw niya na si Kevin na nakaupo habang nakatingin lang sa dalawang babae. Walang pakialam kung anumang oras ay magpangbuno ang dalawa. “Alyson!” Parang napaso sa nagbabagang apoy ang kamay ni Alyson na binitaw
KUNG ANONG GULAT ni Kevin sa kaganapan sa harapan niya, siya namang pagkulo ng dugo ni Loraine at pag-init ng bunbunan habang nakatingin sa kanilang banda. Napaawang pa ang bibig ng babae nang prenting maupo na si Geoff parang hindi siya nakita. Noon lang siya deneadma ni Geoff nang ganito na dati-r
“SAYANG NAMAN Mr. Evangelio, bakit naman kasi nagpatumpik-tumpik ka pa noon? Malay mo naman ngayon. Malapit na silang maghiwalay. Alam mo na grab the chance and opportunity. Minsan lang ‘yun kung mangyayari ulit.” “Kaya nga eh, kung alam ko lang na hahantong pala ang relasyon niya sa isang masalimu
NAG-PANIC PA DOON si Loraine. What if ganun nga ang plano ng pamilyang Carreon sa kanya? Knowing them, lalo na si Don Gonzalo hindi nga malabo na ganun ang mangyari ‘pag nagkataon. Mukhang may tama si Kevin. Baka ‘yun nga ang plano rin ni Geoff sa kanya at sinisimulan na niya ngayon sa pangde-deadma
DIRE-DIRETSO ANG HAKBANG ni Alyson sa gilid ng kalsada. Hindi niya alintana ang nalalanghap na maruming usok na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan. Patuloy na umalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ni Kevin. Paulit-ulit ume-echo sa kanyang tainga. Nagngalit na ang ngipin ni Alyson sa inis. Ala
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton
NAUMID NA ANG dila ni Loraine sa mahabang litanya ng anak sa pasigaw na paraan na hindi niya inaasahan. Hindi niya suka’t-akalain na magagawa siya nitong sigawan upang ipagtanggol lang ang kaartehan ng kanyang manugang na halatang ginagawa lang iyon upang pagkasirain silang mag-ina. Pinagtaasan na n