TILA NAWAWALA SA sariling naglakad na si Alyson palabas ng area. Doon sana siya pupunta sa malapit lang sa pinaghihintayan nilang banyo, ngunit ang haba ng pila. May bagong lapag kasing eroplano at ang ilan sa mga pasahero ay doon halos dumeretso. Minabuti niyang bumaba sa ground floor at kahit na m
NAHIGIT NI GEOFF ang hininga nang marinig ang sinabing iyon ni Alyson habang humihikbi at bumabaha pa rin ang kanyang mga luha. Halos hindi niya malunok ang laway sa sobrang pagkabigla. Kumibot-kibot ang kanyang bibig, nanginig na iyon sa nabasa niyang takot sa mga mata ng dating asawa habang sinasa
SA MGA SANDALING iyon, sa villa nina Alyson ay kasalukuyang pinahihirapan ng triplets ang kanilang mga yaya sa loob ng kanilang silid. Panay ang dabog at iyak ng mga ito na para bang mayroong kaaway. Ipinagbabato nila ang mga laruan, ikinalat sa buong silid ang mga ibinato nilang laruan pagpasok pa
NAUNANG BUMABA SI Alyson ng sasakyan pagkaparada noon sa garahe ng kanyang villa, ni hindi pa napapatay ang makina nito ni Oliver ay nagawa na niyang bumaba. Nagkukumahog na sumunod sa kanya si Geoff na animo ay ayaw siyang mawala sa paningin kahit na isang saglit, nakilulan lang sa sasakyan nila ng
“Masusunod po, Madam Alyson. Maghahanda na po kami.” “Thank you at pasensya na kung hindi ko nabanggit agad sa inyo.” Hindi rin naman sukat akalain ni Alyson na makikita niya si Geoff doon, at lalong hindi niya inaasahan na magiging bisita ang mga dati niyang in-laws nang wala sa oras at hindi niy
HINDI NA SIYA pinansin ni Oliver na dumiretso na ng kusina upang tingnan ang mga maid na naghahanda ng medyo late nilang dinner. Tumayo si Alia at sinundan na rin si Oliver na pumunta ng kusina. Sinundan ito ng tingin ni Xandria na napuno ng panghihinayang.“Kuya Geoff, nagsuntukan kayo ni Mr. Gadaz
“Okay, Addison, let’s go downstairs to see your Mommy.” hawak ni Mish sa isang kamay nito sa pag-aalala na baka tumakbo palabas at hindi inaasahang mahulog sa hagdan, baka mabalatan siya ng buhay ng amo niya kapag nangyari iyon o kung may mangyaring masama sa kanyang alaga. “Careful Addison, don't r
“Oh my God! What is happening right now? Does this scene even exist in real life? I mean totoo ba talaga ang mga nangyayari? Si Kuya Geoff at si Alyson ay may mga anak?” eksaheradang tanong ni Xandria kahit naghuhumiyaw na ang sagot doon sa kanyang harapan.Hindi niya alam kung kanino ibabaling ang
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton