NAGBULUNGAN NA ANG mga maid at makahulugang nagkatingin na sa bawat isa. Naunawaan na ang nangyayari sa kanilang paligid kung bakit ganun na lang ang gulong nangyayari. “Now, please do me a favor. Leave this villa today and I’ll compensate you with some amount of money. I am the younger sister of O
PAKIRAMDAM NI OLIVER ay nakalimutan na siya. Biglang hindi na nag-e-exist pa ang katauhan niya nang dahil sa nangyari. Aaminin niyang masakit iyon. Tagos sa buto. Tagos sa buong kalamnan niya. Nasasaktan siya ngayon dito.“Pati si Olivia, hindi man lang ako nakuhang dalawin. Oo galit siya, pero hin
PANAY ANG IYAK na kwenento niya kay Oliver ang ginawa ni Alyson. Inaasahan na ng lalaki na mangyayari iyon pero hindi ganun kabilis. May puso ang kapatid niya. Malambot ang damdamin. Mabilis maawa kaya bakit ganun na lang ang galit nito at aksyon ngayon? Sana man lang ay hinintay siya nitong lumabas
ILANG MALALIM NA paghinga ang pinakawalan ng padre de pamilya ng mga Gadaza. Ayon sa nurse na kausap niya ay magaling na ang kanyang anak. Pinatunayan pa iyon ng doctor na kanyang nakausap kung kaya naman naibsan ang pag-aalala ng matanda na kahit pakawalan niya sa lansangan ang anak na panganay, at
HINDI NAGKOMENTO SA sinabi niya ang ama. Binuksan lang nito ang drawer sa ibaba ng kanyang table at kinuha doon ang kanyang cellphone. Mabilis iyong dinampot ni Oliver at sinubukang buhayin. Walang battery. Baka mamaya ay tawag na nang tawag sa kanya ang asawa at hindi nito alam na naroon na siya ng
ISINUBSOB NA NI Oliver ang kanyang mukha sa dalawang palad. Sobrang gulong-gulo na siya. Pata na ang utak niyang patuloy pang mag-isip. Parang nasa madilim na yugto na naman siya ng kanyang buhay kagaya na lang noong nakulong siya nang dahil napagbintangan. Hinang-hina. Wala siyang liwanag na natata
KALMADONG ISINANDAL NG kanyang ina ang likod sa inuupuan niyang sofa. Sinundan iyon ng mga mata ni Oliver. Hindi niya rin inalis ang tingin sa anak na nagpupuyos na doon sa galit. Nakakuyom ang kamao nito. Isang pitik pa ay parang bulkang sasabog na sa galit ang kanyang hitsura. Inaasahan na ng Gina
KASABAY NG PAGTANGGI ni Oliver na muling hawakan ang kumpanya ay parang nawalan ng pakpak ang lalaki at lakas. Nabalian ito at hindi na muling nakabawi pa. Iyon ang napansin ni Alyson. Okay naman ang kanyang mag-iina sa ibang bansa. Mabilis ang paglaki ng pamangkin niyang si Nero at ng kapatid na si
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton
NAUMID NA ANG dila ni Loraine sa mahabang litanya ng anak sa pasigaw na paraan na hindi niya inaasahan. Hindi niya suka’t-akalain na magagawa siya nitong sigawan upang ipagtanggol lang ang kaartehan ng kanyang manugang na halatang ginagawa lang iyon upang pagkasirain silang mag-ina. Pinagtaasan na n