MasukANDREI Kinabukasan ay lumabas nasa ospital si Lyca. Pinayuhan ito ng doktor na magpahinga muna para maiwasan ang pagod at stress. “Sa bahay na tayo dumeretso,” basag niya sa katahimikan matapos niyang paandarin ang makina ng sasakyan. “Bahay? Bahay mo o bahay ko?” tanong ni Lyca sa kanya. Napatingin siya rito at nakita ang nakakunot nitong noo. Napangiti si Andrei at saka sumagot. “Sa dati nating bahay, Yca.” Kita niya na napataas ang kilay ng asawa niya bago muling nagsalita. “No! Ihatid mo ako sa bahay ko,” mariing tanggi ni Lyca. “Pero,Yc—” “Wala ng pero-pero, Andrei. Mas makakapagpahinga ako run kaysa kasama kita,” putol nito sa pagsasalita niya. Sandali siyang natahimik at kapagkuwan ay mahinahong nagsalita. “Pero mas maaalagaan kita kapag kasama mo ako,” aniya. Wala kasi siyang planong sumuko. Determinado siyang mabawi muli ang loob ng asawa niya. “Pwede ba, Andrei? Naasiwa ako sa pagmumukha mo. Ano, okay na?” inis na sabi ni Lyca at ibinaling ang tingin s
Nagising si Lyca na puting kisame agad ang nasilayan ng paningin niya. Pero agad siyang napabalikwas at napaupo sa kama nang maalala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay. “Baby? Ang baby ko?” aniya at napatingin sa paligid. Nakita niya si Andrei na nakaupo sa gilid ng hospital bed niya. Halatang nakatulog ito at nagulat nang marinig siya.“Yca, glad you wake up. How are you? Ayos ka lang ba o may masakit sa sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong nito at hinawakan ang kamay niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito sa balat niya, pero agad niyang hinila ang kamay mula rito.“Ang baby ko? Kamusta ang baby ko?” tanong niya kay Andrei. Nakalimutan niya na hindi doktor kundi asawa pala niya ang kaharap at tinatanong niya rito ang baby niya. So, wala siyang pake, after all alam na nito na buntis siya.“Yca, calm down. Our baby is safe, okay?” ani nito. “Relax ka lang, huwag kang mag-alala."Napataas ang kilay niya nang marinig ang sinabi ni Andrei na ‘our baby.’ Sabagay, alam na kasi
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lyca at nagmamadaling pumasok sa gate ng mga Sandoval, ngunit bigla na lang siyang hinarang ni Dean. Nagulat siya sa presensiya ng binata pero kalaunan ay hinayaan niya ito. Kailangan niyang makausap si lolo Andres niya tungkol sa kanyang ina. Tinalikuran niya si Dean at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng mansyon. Ramdam niyang nakasunod ito sa kanya at tinatawag ang pangalan niya. Pero bigla siyang napahinto nang bumungad sa kanya sa sala ang duguan na mukha ni lolo Andres. Si Andrei na nakatutok ang baril sa nakadapang si Arthur. Si Robert naman ay nakatutok ang baril kay Andrei pero nang makita siya nito ay biglang ibinaling sa kanya ang hawak nitong baril. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya ganun din si Dean sa likuran niya. Nagtama ang mga mata nila ni Andrei pero muli itong nag-focus kay Robert. Nagngingitngit sa galit ang kalooban ni Lyca. Ang taong akala niyang ama niya, ang taong minsan niyang nirespeto ay isang demonyo pala. Hala
ANDREI “Ako na ang papasok sa loob. Maiwan na muna kayong dalawa rito sa kotse,” wika ni Andrei kay Dean at Joshua. Alam na rin ni Josh ang nangyayari at sinabi na niya rito habang nasa biyahe sila kanina. Kita niya rin ang galit sa mga mata ng lalaki lalo pa at malapit din ito sa lolo Andres niya. “Pumayag ka pang sumama ako pero iiwan mo lang naman pala rito sasakyan,” iritang sabi ni Dean at tinapunan siya ng matalim na tingin. “Hindi sa ganun, Dean. Saka na kayo pumasok kapag parating na si Geo,” aniya at kinalas ang seatbelt. “Beside delikado ang gusto mong mangyari. Sa ngayon ako na muna,”dagdag pa niya bago lumabas sa kotse. Kita pa ni Andrei ang pagtiim bagang ni Dean dahil labag sa loob nito ang maiwan sa kotse. Alam niyang tulad niya ay gigil na gigil na rin si Dean na sunggaban si Robert at Arthur, pero hindi pwedeng masira ang plano niya. “Oh, my dear pamangkin, Andrei,” buti naman at nandito ka,” ngising demonyo ang bungad sa kanya ni Arthur pagpasok niya sa sal
“Pareho lang tayo na gustong protektahan si Lyca, Dean,” wika ni Andrei. “At kahit anong mangyari ay poprotektahan ko ang asawa ko,” aniya at diniinan ang huling salita. Tumawa naman ng pagak si Dean na tila nang-aasar. “Asawa? Kailan mo pa naging asawa ang babaeng hiniwalayan mo na? Pagkatapos mong makipag-divorce sa kanya ay may gana ka pang tawagin siyang asawa,” dagdag pa nito. “Hindi totoo ang divorce paper. Palabas lang iyon para mailayo ko siya sa kapahamakan,” aniya. Nangunot naman ang noo ni Dean sa sinasabi niya. “Kilala ko si Robert, at alam ko na hindi niya totoong anak si Lyca. Kaya ganun na lang kung tratuhin niya ito. Matagal ng plano ni Robert na ang anak niyang si Trixie ang ipakasal sa akin, pero si Lyca ang gusto ng lolo Andres ko. Dahil si Lyca ang mahal ko. Pero hindi tumigil si Robert para pahirapan si Lyca. Kaya nagdesisyon akong mag-file ng fake divorce paper na akala nila ay totoo. Iyon ay para linlangin lang sila at para tigilan na ni Robert si Lyca. Akala
CHAPTER 111 "Pinalayas mo si Lyca, kaya mo ipinasok ang sarili mo? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ay maaari pa bang tawaging matibay ang isang tatsulok kung nakulangan kami ng isa?" puno ng panunuya ang tono ni Geo nang sabihin nya iyon kay Trixie. Namula naman bigla ang mukha ni Trixie at nabalot ng hiya. "Hindi ko sinasadya na sirain ang relasyon ninyo. Nasa kumpanya pa rin naman si Lyca at siya na ngayon ang direktor ng project department. Hindi ba't isang malaking hakbang ito para sa kanya?" sagot ni Trixie kay Geo. "Tanga ka ba talaga o nagkukunwari lang na walang alam?" tila naiinis na sabi ni Geo sa babae, kasabay ng maanghang niyang salita. "Bilang chief secretary at assistant ni Mr. Andrei ay halos kasing antas ko na ang mga direktor ng iba't ibang departamento at kung hindi man ay higit pa sa kanila. Si Lyca ay kahit inilipat sa project department ay ipinakita lang na may promosyon sa pangalan nya pero sa totoo lang ay isa iyong demotion,” dagdag pa ni Geo. Hindi na naman
Nakabalik na pala sa kumpanya ni Andrei ang half sister niya. At bakas sa mukha nito ngayon ang saya at pagmamayabang. Ang paraan ng mga tingin nito kay Lyca ngayon ay parang tumitingin siya sa isang asong ligaw. Malamig naman na tinitigan ni Lyca si Trixie na walang bahid ng anumang emosyon.
Nananatiling nakatitig ang mga mata ni Andrei kay Lyca na tila ba hinihintay niya ang sagot nito. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lyca bago ito nagsalita. “Kung gusto mo, syempre walang problema. Pero kung gusto mo talaga ng ganung klase ng pen ay kailangan mong maghintay nang kaunti pa,”
“Kung may gusto kayong itanong ay itanong n’yo na,” ani Dean habang naka-dekwatro pa ang kanyang mga binti at relaks na relaks na nakaupo na para bang wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang kanyang kampante na kilos ay tila nagbigay ng ginhawa kay Lyca. Dahan-dahan siyang sumandal sa upuan at n
Nang dahil sa ginawa na iyon ni Dean ay naging senyales iyon ng isang laban sa pagitan ng dalawang lalaki. Itinaas naman ni Lyca ang kanyang malamlam na tingin. Walang bahid ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit ang tahimik niyang pagtitig kay Andrei ay parang patalim na tumatarak sa katahimikan







