Share

Kabanata 0003

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2024-10-01 13:53:23

“Fvck!”

Akala ni Liliana ay tuluyan na siyang babagsak sa sahig, nang bigla niyang maramdaman ang mainit na bisig na sumalo sa kaniyang balingkinitang katawan.

Naamoy niya ang panlalaking pabango nito na sadyang bumagay sa kaguwapuhan at nakakaakit na mga mata ni Dwayne habang tinititigan niya ito ngayon.

“Damn it! You’re fvcking burning! Nilalagnat ka ba?” inis at may pag-aalalang tanong ni Dwayne.

Hinipo ni Dwayne ang noo ni Liliana, at doon niya mas naramdaman ang init nito. Ang lamig ng titig niya rito ay napalitan ng pag-aalala.

“Mainit ka nga, Liliana!”

Bigla ay natauhan naman si Liliana dahil sa ginawa ni Dwayne, ay tinabig niya kaagad ang kamay nito.

“B–Bitawan mo ‘ko, ayos lang ako!” tugon niya, saka umayos ng pagkakatayo.

Pilit siyang kumakawala sa yakap ni Dwayne, ngunit ayaw siyang bitawan nito. Napakagat siya sa ibabang labi nang maramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.

“Let me go now, kaya ko na ang sarili ko.”

“Damn it, Liliana! Ang init mo, kaya paano ako maniniwala sa ‘yo?!”

Gusto matawa ni Liliana dahil sa ipinapakitang pag-aalala ni Dwayne. Kung kailan sila magdi-divorce ay saka ito nagkaroon ng pakielam sa kaniya? Samantalang sa loob ng apat na taon, tila multo siya sa mansion na hindi nakikita!

O baka naman awa na lang ito? Puwes kung awa na lang ‘to ay hindi bale na! Ayaw niyang maging kawawa sa harapan nito, pati ng kabet nito!

“Bitaw na sabi, Dwayne! Huwag mo akong tingnan na parang kawawa ako, dahil hindi! Kaya ko ang sarili ko!” sigaw niyang muli.

Bagaman matigas ang pananalita ni Liliana, hindi nagsisinungaling ang kaniyang katawan. Talagang nanghihina ang kaniyang buong katawan at tila wala siyang lakas.

Bigla ay binuhat siya ni Dwayne na pa-bridal style.

“Stay still, Liliana. Dadalhin kita sa hospital.”

“What? No! Ano ba? Ibaba mo ‘ko! Sabing okay na nga ako!” Nakaramdam siya ng hiya, at tila naiilang habang nagpupumiglas. “Baka nakakalimutan mong hiwalay na tayo!”

“Hindi ko nakakalimutan, dahil hindi pa tayo hiwalay! Sa loob ng 30 days ay asawa pa rin kita, Liliana.”

Natahimik si Liliana sa sinabing iyon ni Dwayne. Totoo naman ang sinabi nito, pero bakit gano’n? Masakit pa rin marinig na after 30 days final na hindi na sila mag-asawa.

At bakit pakiramdaman niya ay inilalaban pa rin ni Dwayne ang mayroon sila?

Nang makita naman sila ni Jasmin na papaalis na ay bigla itong nataranta at humawak kuno sa kaniyang tyan.

“Dwayne! S–Sandali lang! Sasama ako! Nahihirapan akong maglakad!” sigaw ni Jasmin.

Huminto si Dwayne at humarap sa kaniya.

“Stay there! Ipapasundo kita kay Vicente.” saka tumingin si Dwayne kay Liliana. “Mas kailangan kong unahing dalhin ang asawa ko sa hospital.”

Asawa. Asawa. Asawa.

Paulit-ulit na nag-echo ang mga salitang ‘yon sa tengavni Liliana. Ang sarap pakinggan, nasa ay noon niya pa narinig. Hindi kung kailan maghihiwalay na sila!

Lihim na lang na napangisi si Liliana. Mukhang magandang laro itong gustong mangyari ni Dwayne.

‘Hihiwalayan niya ako, kabet reveal, buntis reveal, tapos ngayon may pakielam na sa akin at asawa pa raw ako?’

Gusto mo ng laro! Then, makikipagpalaro ako sa ‘yo!

Hindi na nagpumiglas si Liliana at niyakap ang leeg ni Dwayne. Kumurap siya ng kaniyang malalaking mata at nagsalita nang mahinahon,

“Salamat, my ex-husband…”

Biglang dumilim ang mukha ni Dwayne at naging hindi mabasa ang kanyang ekspresyon.

“Not ex, I’m still your husband, and you’re still my wife…”

At tuluyan na silang umalis. Parang bata naman si Jasmin na naiwan at nagdadabog.

Pagdating nila sa hospital, ay nag-fill up si Dwayne ng form, at sinamahan na niya si Liliana sa pagkuha ng dugo para sa masuri ito.

Mabilis lang din naman lumabas ang resulta.

“Napakataas na viral infection at sinamahan pa ng bacterial infection! Kung nagkataon na binalewala mo ‘to, imbes na mainit ka ay baka malamig ka na ngayon!” galit na sambit ng Doktor saka tumingin kay Dwayne. “At ikaw naman? Ano klase kang asawa? Sobrang taas ng lagnat ng asawa mo, halos mag-derilyo na siya sa init niya!”

“Eh, kasi po, Dok–”

“Doktor, sorry po! Huwag niyo po sanang pagalitan ang asawa ko! Kulang po siya minsan sa pag-iisip. Kumbasa isa po siyang special child, pero kahit na gano’n ay tanggap ko siya kaso guwapo naman siya, ‘di ba, Dok?”

Natulala ang Doktor, at napasampal sa kaniyang noo.

“Haru, jusko po! Ano na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Basta’t guwapo ay basta na lang mahal ‘agad?!”

Si Dwayne naman ay tulala at hindi makapagsalita. ‘Anong ginagawa ng babaeng ito? Bakit parang ibang-iba siya sa dating kilala ko?’ tanong niya sa kaniyang isip.

“Oh, siya– ito ang reseta ng mga gamot na kailangan mong inumin, matapos ng isang linggong gamutan ay dapat gumaling ka na.” matapos magsalita ang doktor ay ‘agad itong umalis.

Sa ward, silang dalawa na lang ni Dwayne ang natira, at biglang naging kakaiba ang atmosphere.

Awkward alert!

“Grabe ang taas ng lagnat mo. Why don’t you call me, para i-reschedule na lang natin?

Nakapikit lang si Liliana, dahil nang mga oras na ‘yon ay mabigat at mainit pa rin ang kaniyang pakiramdaman. Nakaramdam din siya ng kaunting lambing kay Dwayne, pero alam niyang hindi siya dapat magpadala rito.

“Maayos pa ang pakiramdaman ko kanina bago ako magtungo dito. At saka, kung ire-reschedule natin ay baka hindi niyo ma-enjoy ng kabet mo ang pagsasama niyong dalawa…”

“That’s not a big deal for me–”

“Salamat sa tulong mo. Ayos na ako ngayon, puwede ka nang umalis. Siguradong naghihintay na sa ‘yo ang mahal mo, baka mapaano pa ang anak niyo sa sinapupunan niya.”

Ang mga salitang ito ay tila gumising kay Dwayne.

“A–Alright, I’ll go now.”

Palabas na si Dwayne, nang biglang pumasok ang isang matangkad na lalaki.

“What the fvck happened, Lil?!” bakas sa boses nito ang pag-aalala at takot. “Ang sabi ko sa ‘yo ay sasamahan na kita kanina! Masyadong matigas ang ulo mo!”

“Just calm down, Zico. I’m alright, lagnat lang naman ‘to.”

“Fvck! Lagnat lang? Nila ‘lang’ mo lang ang kalagayan mo samantalang kamuntik ka ng mawalan ng malay–” natigil di Zico nang mapansin na naroon pa pala si Dwayne. “Narito ka pa pala, Dwayne…” bigla ay seryosong sambit ni Zico.

Tumango si Dwayne. “Do you know each other?” hindi maiwasang tanong ni Dwayne.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan at umiwas din ng tingin si Liliana.

“Yes, she’s my best friend since college.”

Napakunot ng noo si Dwayne. Sa apat na taon nilang mag-asawa ay hindi kailan man nabanggit ni Liliana na mayroon itong kaibigan– hindi babae kundi lalaki, at hindi lang basta lalaki dahil ida rin itong bilyonaryo!

Si Zico Viera ay isa ring galing sa mayamang pamilya. Paanong naging magkaibigan si Liliana at Zico, samantalang magkaiba ang position nila sa society?

“Liliana, ito nga pala ang regalo ko sa ‘yo.” Inabot ni Zico ang isang bulto ng Lilies. “Alam kong favorite mo ‘yan, at itong araw na ‘to ay alam kong mahalaga rin sa ‘yo. I know this is not a happy day for everyone, pero alam kong masaya ka dahil malaya ka na…” sinadya itong ipinarinig ni Zico kay Dwayne.

“Thank you, Zico!” napayakap si Liliana kay Zico dahil favorite niya talaga ang bulaklak na ‘to.

Lily means pure and everlasting love– gaya ng pagmamahal niya kay Dwayne.

Nanlamig si Dwayne sa tagpong ‘yon, at tila nawalan siya ng lakas. Hindi niya alam na mahilig si Lilian sa mga lilies na bulaklak. Mukha tuloy siyang walang alam tungkol sa asawa. ‘Bakit mayroon ba?’ tanong ng isip niya at kaagad na ipinilig ang ulo upang alisin ang nakakainis na tanong sa isip niya.

Bigla ay humarap si Zico sa kaniya.

“Thank you, for letting her go. Don’t worry, from now on I will take care of her.”

Napakuyom ng kamao si Dwayne dahil naiinis siya sa kayabangan ni Zico.

“M–May kailangan ka pa ba?” bigla ay tanong ni Liliana kay Dwayne.

“Just remember after 30 days ay babalik tayo sa Civil Affairs, para pumirma ng final na divorce paper.”

Tumango si Liliana. “Okay, tatandaan ko ‘yan.”

Tuluyan ng umalis si Dwaynex at naiwan na lamang silang dalawa ni Zico.

“Nakakatawa ang mukha niya. He looks like a dumb– walang kaalam-alam.” sambit ni Zico.

“Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Mabuti naman at nabasa mo ang text ko, at nakapunta ka rito.”

“Of course, sinong hindi pupunta kapag ang isang Prinsesa–”

“Shut up, Zico!”

Natawa si Zico, “Chill lang! Sorry ‘agad!”

“Kamusta pala ‘yung pinapahanap ko sa ‘yo? May nakuha ka na bang information?”

“Oo, meron na. Basic naman no’n, eh. Oh, heto–” inabot sa kaniya ni Zico ang isang envelope. “Pero sino ba ‘yan?”

“Nothing, just a person I want to meet in person…”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Madam Gigi
selos ka ngayon!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 246

    Nagpalitan ng tingin sina Dwayne at Liliana nang marinig ang sinabi ni Erika. Kahit hindi direktang itinuro ni Erika kung sino ang tinutukoy niya, malinaw sa lahat na parang may gusto siyang ipahiwatig. Napakunot-noo si Aviona. Kahit puno ng emosyon ang puso niya para kay Dwayne, alam niyang kailan

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0245

    Hello, dear readers! May naghihintay pa po ba sa story ni Dwayne at Liliana. :— FEBBYFLAME

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0244

    Makikita, ang nagbigay sa kanya ng artificial respiration ay hindi si Liliana na inaasahan niya, kundi isang masungit at malaking lifeguard. “Fvck Damn it!” Biglang tumayo si Dwayne at itinulak ang lifeguard ng tatlong metro palayo. Nang makita ito ni Liliana, labis ang kanyang saya, "Ang galing!

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0243

    Ngunit, gaano man kaliwanag ang mga sigaw ni Liliana, si Dwayne ay nagpatuloy na walang pag-aalinlangan, at tila wala talagang balak na lumingon. "Dwayne, kung talagang pagod ka na sa buhay, sige na at mamatay ka. Kung mamatay ka, tiyak na hindi ako iiyak para sa iyo!" Hinawakan ni Liliana ang kan

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0242

    Lahat ay napalingon sa sumisigaw na tauhan. Nakita nila ang isang lalaki, basang-basa ng pawis at hingal na hingal. “Sa Dapawan… may pares ng sapatos ni Aviona sa tabi ng bangin, at mukhang nahulog siya sa dagat!” Ang Dapawan ay isang tanyag na pasyalan sa lugar, na binubuo ng maliit na bangin na

  • AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK   Kabanata 0241

    “Liliana, huwag ka nang magpanggap na inosente. Alam ng lahat kung gaano ka kasama. Hindi mo nga pinatawad si Jasmin na buntis pa. Aminin mo ng ayaw mong makitang maging masaya ang mga taong malalapit kay Kuya Dwayne.” Napatingin si Liliana kay Tiara. “Hindi ako gano’n ka bitter gaya ng sinasabi mo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status