Share

CHAPTER 10

"Uuwi ka?" Nagtaka si Kenneth dahil nagpapaalam si Leia sa kanya na uuwi na dahil gabi na raw. The whole time, he thought she was a stay-in housemaid.

"Opo, Sir. Hindi po ba nasabi sa inyo ni Pressy na tuwing gabi ay uuwi po ako dahil kailangan ko ring asikasuhin ang asawa at anak ko?"

Pumanaywang ang isang kamay ni Kenneth. Ang isa nama’y napahimas-himas sa baba nito. "To tell you the truth, Pressy didn't mention anything like that to me, so I thought you were a stay-in. Pero siguro dahil hindi namin napag-usapan.”

"Sorry, Sir, pero hindi po puwede na maging stay-in ako. May sakit po kasi ang asawa ko. Kailangan ko rin po siyang asikasuhin. Huwag po kayong mag-alala, maaga naman po ako bukas na papasok.”

Inquisitive, Kenneth arched his eyebrows. “Sakit? May sakit ang asawa mo? Ano’ng sakit niya?”

Malungkot na nagyuko ng ulo si Leia. Ang mga kamay niyang magkahawak sa kanyang bandang tiyan ay nagkiskisan. Ganunpaman, mahinahon niyang sinagot ang tanong ng amo.

“May war shock po siya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ailene Sulla
Ganda Naman ng story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status