Share

KABANATA 62- PAG-AALALA

Nagising ako na akala ko umaga na parang pakiramdam ko napakatagal ko nang natutulog, nang silipin ko ang orasan nakita kong 11:45 pa lang nang gabi, pero gutom na gutom na ako, bumaling ako sa katabi ko pero wala ito. Bumangon ako para tignan ito sa banyo wala naman ito baka nasa library niya. kinuha ko ang bathrub ko sinuot ko para lumabas gusto kong tignan kung anong makakain sa baba..

Paglabas ko ng pinto pinuntahan ko ang library ni Landro bubuksan ko na sana pero may narinig ako na kausap nito.

"Mag-usap tayo bukas, dadaanan kita sa work mo aayusin natin to please wag mong sayangin ang mga pinagsamahan natin maawa ka sa sarili mo ha?" huminto ito ng pagsasalita, sino ang kausap ni Landro?

tapos narinig ko ulit na nagsalita ito "okay sige na bukas nalang" malambing nitong sabi.

Napaatras ako dahil baka lumabas na ito.

Ano yon! sino yong kausap nito at bakit kailangan dun ito nakikipag-usap sa library hindi naman ito ganito, kahit sino ang kausap nito nandito lang ito sa kwarto
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status