Naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagkalas ng mga braso ni Yohan sa akin. Ang unti-unting pagpulupot ng isang tuwalya sa aking hubad na katawan at ang paggiya sa akin para maupo.
"I'm sorry," sabi nito.
Iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko kaagad ang awa sa kaniyang mga mata. Pinunasan niya rin ang aking basang pisngi gamit ang kaniyang kamay.
Habang hinahalikan ako ni Yohan kanina ay hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako. Na sa lahat nang ginawa ni Bernard sa akin, may puwang pa rin siya sa puso ko.
Akala ko kaya kong gawin ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. Akala ko sa pamamagitan ni Yohan ay makakaganti na ako sa lahat ng panloloko niya sa akin. Akala ko kaya kong gawin ang pakikiapid sa iba.
Ngunit hindi.
Tinalo pa rin ako ng sarili ko. Hindi ko kaya dahil mahina pa ri
Unedited.
Nagising ako na sapo ang aking ulo. Para itong binibiyak sa sobrang sakit nito. Pumikit ako pabalik at kinumutan ang sarili. Gusto ko pang matulog ulit, para makabawi man lang sa pagod na naranasan ko sa mga nakalipas na araw. Wala rin akong gagawin kaya gusto ko pang magpahinga. Kapag nakakatulog ako ay doon ko lamang nararamdaman ang tunay kapayapaan. Unti-unti akong nilalamon ng antok nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Dali-dali akong dumilat at pinakiramdaman ang paligid. Ilang sandali pa ay natampal ko ang aking sariling noo. Paano ko nakalimutan na nandito nga pala si Bernard sa aking bahay? Kinutusan ko ang aking sarili at dali-daling bumangon. Ni hindi na ako nag-abala na mag-ayos. Nang sulyapan ko ang aking alarm clock ay napamura ako sa isip. Alas diyes na nang umaga at tiyak kong gutom na ito. 'Nakakainis.' pagkastigo ko sa aking sarili. Mabilis ang aking m
You can only feel loneliness, when you can feel its existence. You can pretend to be happy but your heart can't deny the emptiness. Parang ako. I can pretend to be happy but my heart knew how broken I was. Sugat na unti-unting humihilom sa pagdaan ng panahon. Bitak na nilikha ng mga taong mahal ko. Mga taong bahagi ng buhay ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Grace ay umalis din ito. Ako na lamang ang narito sa dressing room at nagpapahinga. Ayaw ko pang umuwi. Mas gusto kong mapag-isa sa mga lugar kung saan walang naiwang bakas nina Bernard at Lara. Lugar kung saan alam kong walang mananakit sa akin. "Bernard umuwi ka na!" matigas kong wika kay Bernard. Nasa may sala ko ito at prenteng nakaupo roon. "Ayaw ko pa nga. Mas gusto kong nandito sa tabi mo, Laura. Natatakot akong maagaw ka ng iba." walang pakialam na sagot nito.
The eyes is what captured the soul. The smile is what captured the heart. All unsaid words can be heared by someone with fragile heart. Only, in true loves touch. Ilang segundo akong natulala sa sinabi ni Andrew sa akin. Napakurap-kurap ako para palisin ang nagbabadyang pagluha. Agad akong nagbaba ng tingin at inayos ang sarili. Tumikhim din ako para kumalma at mawala ang bara sa aking lalamunan. "Huwag kang magbibiro ng ganiyan, Andrew." wika ko dito. Narinig ko pa ang kaniyang mahinang pagbuntong hininga bago tuluyan niyang binuksan ang naka-lock na pinto ng kotse. Ipinilig ko ang aking ulo at napailing. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko alam ngunit ang salita ni Andrew ay nagdulot ng sakit sa aking pagkatao. Para bang isa itong punyal na agad tumarak sa akin hanggang manghina ako. Mali. Hindi pwede. "Ano pong gusto niyo, Ma'am?"
Kanina pa ako nagpalinga-linga sa loob ng restaurant. Sinilip ko ang aking cellphone at nakita ang oras doon. Mag-aalas dos na nang hapon at mukhang hindi na sisipot ang taong aking kikitain. Napabuntong hininga ako at handa na sanang umalis. Dinayal ko rin ang numero ni Olive para kausapin ito. Hinintay kong may sumagot sa kabilang linya ngunit nabigo rin ako. Tumayo ako upang lisanin ang lugar ngunit natigil ito ng isang kamay ang pumigil sa akin mula sa likuran. "Sorry, I'm late!" sambit nito habang tinatapik ang aking balikat. Agad itong lumipat sa aking harapan kaya tuluyan ko itong nabistahan ng mabuti. "Attorney Kraius Montreal at your service." dagdag pa nito. Nakangiti nitong inilalahad ang kaliwang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. "Laura Moran," wika ko. "Yes! Of course, I know you." sabi nito at pinakawalan ang
"Handa ka na ba, Laura?"Napatingin ako sa gawi ni Bernard nang marinig ko ang kaniyang tanong. Prente itong nakaupo sa driver seat ng kotse at abala sa pagmamanehon patungon ng San Vicente.Isinandal ko ang aking likod sa upuan. Napabuntong-hininga rin ako ng malakas. Nakita ko pa sa aking balintataw kung paano ako sulyapan ni Bernard ngunit, hindi ko na lamang siya pinansin. Natanong ko kaagad sa aking sarili kung handa na ba ako?Isang linggo na mula nang maganap ang pag-uusap sa Manila Pen. Sumang-ayon ako sa lahat at hindi na nagsalita pa. Sa isip ko ay kaya ko namang gampanan ang sinasabi nito lalopa't artista ako. Bukod pa sa katotohanang may usapan na kami matagal na.Nilingon ko si Bernard at sumagot. "Pinaghandaan ko na ang araw na 'to, Bernard."Nakita kong tumango siya sa aking sinabi at hindi na muling nagsalita pa. Maging ako ay inayos na lamang ang sarili at hindi na siya pi
Nang tuluyan akong makasakay sa kotse ni Andrew ay agad niya iyong pinasibad. Ilang segundo ang namagitan sa amin bago ko pinakawalan ang isang halakhak. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata kung paano ito napatingin sa akin."Ayos ka lang?" tanong nito.Tumigil ako at tiningnan siya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Habang ako naman ay may nakapaskil na isang ngisi sa labi. Kapagkuwan ay napailing ako sabay nguso upang palisin ang nagbabadyang paghalakhak muli."Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagawa mo ang isang bagay na gusto mong gawin," makahulugang wika ko.Habang nagmamaneho ay napakunot ang noo nito. Ngumisi ako dahil doon. Alam kong naguguluhan si Andrew sa aking sinabi. Naisip kong kahit kailan si Andrew ang taong pwede kong pagkatiwalaan nang walang halong pagpapanggap."Ano ka ba, Andrew!" wika ko sabay tampal sa kaniyang balikat. "Huwag mong seryosohin ang mga sina
"Laura," tawag sa akin ni Bernard. Kakatapos lamang namin kumain at agad akong lumabas mula sa kusina.Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako sa lugar na iyon ay baka mas lalo lamang manikip ang aking dibdib. Baka lalo lamang akong manliit sa sarili dahil sa ginagawa kong pagpapanggap.Kanina habang kumakain kami ay napakasaya ng ama ni Bernard. Panay nito binida ang anak na tiyak daw na mananalo bilang governor. Na si Bernard ang susunod sa yapak niya at maaari pang maging mambabatas.Napapailing na lamang ako habang nakikinig sa bawat salita na sinasambit nito. Naisip kong hindi naman malayong mangyari iyon. Napapangisi din ako kapagkuwan. Sana lamang kahit hindi marunong manindigan si Bernard ay maging karapat dapat siya para sa taumbayan."Ano?!" Nakakunot-noong tanong ko dito."Pagpasensyahan mo na sana si Papa kanina. Alam mo naman na umaasa siyang mananalo ako sa eleksyon," mahabang sa
Love is pure. Love is free.Kasabay nang paghalik ko kay Bernard ay ang pagbuhos ng ulan mula sa langit. Katumbas ng pagpatak ng ulan ay ang nakabibinging tunog ng aking naghuhurumentadong puso. Ang bawat hagod ng kaniyang labi sa akin ay pawang nagsisilbing paalala sa akin. Isang paalala para sa aking sarili na ang nakalipas ay hindi na maaari pang balikan.Itinulak ko si Bernard ng bahagya pagkatapos ko siyang halikan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Maging ang kaniyang mga mata ay sumasalalim ng kaguluhan. Mariin itong nakatitig sa akin at naghahanap ng kasagutan."Pasensya ka na," wika ko kapagkuwan. Inayos ko ang aking sarili at hinarap ang kinalalagyan ng aming anak.Bawat pagkabog nang puso ko ay katumbas ng isang walang kamatayang sakit at lungkot. Akala ko naiahon ko na ang aking sarili mula sa masaklap na ala-ala. Akala ko naibaon ko na sa limot ang lahat. Ngunit, sadyang mapaglaro ang aki